Sabado, Hulyo 30, 2011

The Closet Girlfriend (Chapter 5)

CHAPTER 5

(Dahil palihim ang relasyon nila ni Sam patago silang nagmomoment. Gaya nalang ngayon umalis ang kanilang kuya Enchong)
DEVON: Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Baka makita ka ni Kuya.
SAM: Kalalabas lang ni Enchong…
DEVON: Ikaw hah..di mo sya ginagalang…maging polite ka naman sa kanya. Call him kuya kaya…
SAM: Ano ka ba? ok lang yun a year and a half lang naman tanda nun sa akin…
DEVON: Ah! Ewan ko sayo! (lalabas sana sya ng kwarto ngunit agad syang niyakap ni Sam)
SAM: I miss you… gusto kong yakap kita lage…
DEVON: Ang OA mo! Araw-araw kaya tayo nagkikita sa bahay…
SAM: Iba pa rin pag tayong dalawa lang…nahahawakan ko ang kamay mo at nayayakap kita.
DEVON: Ano ka ba?! corney mo talaga…
SAM: Seriously, parang ayaw ko na bumalik sa Manila… 3 days nalang at babalik na kami dun ni Enchong… (nalungkot sya sa narinig at hinawakan naman ni Sam ang kanyang mukha)
DEVON: Kita mo na affected na tuloy ako…
SAM: Don’t worry tatawag ako palagi…
DEVON: Sabi mo lang yan kasi nasa harap mo ako pero kapag bumalik ka dun ang daming magagandang babae na humahabol sayo.
SAM: Don’t you trust me?!
DEVON: I trust you kaya lang…(hinawakan ulit nito ang kanyang mukha)
SAM: I love you Devz… ikaw lang andito (tinuro nito ang dibdib)
DEVON: Sam?
(napaiyak sya pero hindi nya alam ang dahilan. Isa lang naman ang alam nya mahal din nya si Sam. Nakita nyang unti-unting bumababa ang mukha nito. She knew what would happen next. Sam’s lips landed on hers. It was her first kiss kaya naman para syang dinaanan ng bolta-boltaheng kuryente. It was just a soft one pero di nya mapigilang manghina. She responded him hanggang namalayan nya na lumalim na ang halik nito but they both stopped nang marinig ang boses ng kanilang kapatid na kumakatok sa kanyang kwarto.)
DEVON: Bilis! Magtago ka! Baka mahuli tayo ni Kuya… (nagpanic na si Devon)
SAM: Where??
DEVON: Dun sa bathroom…dali! (kumakatok si Enchong sa pintuan at binuksan nya ito)
ENCHONG: Bakit ang tagal mo yatang nagbukas ng pinto?
DEVON: May ginagawa lang ako kuya..at akala ko ba umalis ka?.... (mabuti nalang at di sya nahalata nito)
ENCHONG: Gusto ko sana isama si Sam pero di ko sya makita. Have you seen him?
DEVON: Hah?..hindi ehh…
ENCHONG: Saan naman kaya nagsuot yun? Gusto ko pa naman sya isama para makabili kami ng pasalubong for Mom and Dad..
DEVON: Ewan ko…
ENCHONG: Pag nakita mo sya..tell him na tawagan ako kung ano gusto nyang ipabili ok?!!
DEVON: Sige..kuya…
ENCHONG: Sige aalis na muna ako…
(umalis na si Enchong at nakahinga na sya ng maluwag. Lumabas naman si Sam buhat sa bathroom)
SAM: Umalis na sya?
DEVON: Yeah…
SAM: Oh bakit mukhang natahimik ka yata?
DEVON: Natakot lang ako kanina..
SAM: Akala ko naman kung ano nah…
DEVON: Sam naman…
SAM: Devz..can I kiss you again?...
DEVON: Pero?...
SAM: Please?...
(tumango nalang sya at agad naman humalik si Sam na kanya namang ginantihan)

(Pagsapit ng tanghali, dumalaw sa kanila si Yen…nanood sila ng romantic movie at kilig na kilig ang kanyang bestfriend sa kissing scene na nakita)
YEN: Oh my God Devz!!! Kailan ko kaya matitikman ang aking first kiss?!
DEVON: First kiss… (tangi nyang nasabi)
YEN: Ano kayang pakiramdam nun?! (namula sya dahil naalala nya ang kamakailan lang na naranasan nyang first kiss kay Sam)
Bakit namumula ka?
DEVON: Wala may iniisip lang ako…
YEN: Umandar na naman yang topak mo! (sila lang kasi ni Sam ang nakakaalam tungkol sa kanilang relasyon kaya hindi nya pwedeng sabihin kay Yen ang mga nangyayari)

(One day bago umalis sina Sam ay niyaya siya nitong manood ng movie. When they we’re inside the movie theatre, she felt na matagal nya ulit makikita si Sam. umakbay ito sa kanya at ikinulong sya sa dibdib nito)
SAM: Hindi pa nga ako umaalis namimiss na kita…
DEVON: Ano ka ba? huwag ka ngang magdrama! (pero ng mga oras na iyon gusto na nyang umiyak. Sobrang natamaan na talaga sya kay Sam)
SAM: Dadalawin kita pag free yung schedule ko..ok?
DEVON: Asahan ko yan hah…?
SAM: Promise…

(Matapos manood ng sine ay nagyaya na syang umuwi baka makahalata pa ang kapatid nila pag ginabi sila ng uwi. Bigla namang hininto ni Sam ang sasakyan ng malapit na sila sa bahay)
DEVON: Why did you stop the car? May..
(bago pa nya natapos ang sasabihin ay nasakop na nito ang kanyang mga labi. All she did was to respond him. Their kiss became deeper pero tumigil din naman si Sam)
SAM: We have to stop now baka di ko pa mapigil ang sarili ko. (yumakap sya kay Sam)
DEVON: I love you…(tumitig ito sa kanya)
SAM: I love you too… (hinawakan nito ang kanyang mukha at pinaandar na ulit ang sasakyan)

(Kinabukasan maagang nagising si Devon dahil aalis na sina Enchong. Nasa labas sila ng gate)
ENCHONG: Tawag nalang ako sis…magpakabait ka ok..and take care lage…(yumakap ito sa kanya at hinalikan sya sa noo. Umalis na ito at pumasok sa loob ng kotse. Humarap naman sa kanya si Sam at yumakap ito sa kanya sabay bulong)
SAM: You own my heart kaya wag kang mag-alala.
(he smiled at her and she smiled back. Bago ito tuluyang pumasok ng kotse ay lumingon ito sa kanya at nagwink. Pagkalayo naman ng kotse nina Sam ay di nya magpigilang umiyak. Habang nasa loob naman ng kotse si Sam, he looked at the side view mirror and saw Devon burst)
SAM’S POV: Babalikan kita Devz…

2 komento: