CHAPTER 14
(Taping na nila sa new teleserye. Unang kukunan ang game ni Ivan at syempre pa ang pag cheer nina Devon. Dahil magaling sumayaw sya pa mismo ang nagchoreo sa cheer dance nila, of course gusto lang din nya magpasikat at inisin si Hannah! Nagustuhan naman ni Direk Sean ang choreo nya at nagpasalamat pa ito)
SEAN: Amazing! Galing-galing talaga!
DEVON: Salamat po…
ABBY: Magaling talaga itong alaga ko Direk! (alam ni Devon na pinariringgan ng kanyang manager ang manager ni Hannah na si Ally, nakita nyang lumapit ito sa kanila)
ALLY: Kung magaling ang alaga mo di hamak na mas magaling ang alaga ko.
SEAN: Huwag na nga kayong mag-awayng dalawa, parehong magaling ang mga alaga nyo. Let’s work together para sa viewers nitong teleserye.
(Iniwan na ni Devon at Direktor Sean ang mga ito dahil scene na nya. The cheerdance went out well, habang naglalaro sina Ivan ay nakita nyang bigla itong bumagsak, at hindi yun part ng scene kaya dali-daling nag cut si Director Sean at lumapit sya kay Ivan)
DEVON: Are you ok?
IVAN: Na out of balance lang ako…I’m ok…
(inalalayan ng staff si Ivan para makaupo sa bench, at nagbreak muna sila)
DEVON: Sigurado kang ok ka lang? (pag-aalala nya dito)
IVAN: I’m fine..huwag kang masyadong mag-alala…
DEVON: Sinabi mo ehh… (ngumiti si Ivan sa kanya at bigla syang inakbayan na ikinakilig naman nya. Lingid sa kaalaman ni Devon nagmamasid si Sam sa isang tabi sa sweet moment nila ni Ivan off-cam)
SAM: At kinilig naman ang gaga! Parang simpleng akbay lang!
(lumapit naman si Hannah kay Sam)
HANNAH: Kanina ka pa nakatingin kina Devon at Ivan.
SAM: Kanina ka pa?
HANNAH: Hindi naman…Well, I feel that you like Devon, am I right?
SAM: Paano mo nasabi yan?
HANNAH: Nakikita ko sa mga mata mo…
SAM: Do I have expressive eyes dahil nababasa mo?
HANNAH: Masasaktan ka lang kay Devon halata naman na kay Ivan ang buo nyang atensyon.
SAM: Katulad ng sakit na nararamdaman mo sa pagbabalewala sayo ni Ivan?
(hindi makapagsalita si Hannah, paano ba naman nalaman ni Sam na may lihim syang pagtingin kay Ivan) You like Ivan, don’t you?
HANNAH: Inaamin ko na I did like Ivan a lot pero ngayon may iba na akong gusto.
SAM: I see….
HANNAH: Hindi ka man lang ba interesadong alamin kung sino ang taong gusto ko ngayon?
SAM: It’s none of my business.
HANNAH: Well, just wanna let you know na ikaw na ang gusto ko ngayon. (nabigla si Sam sa narinig kahit pa may kutob na sya na may gusto sa kanya si Hannah pero di nya lubos maisip na magtatapat ito ng damdamin)
SAM: Thank you but sorry….
HANNAH: Si Devon, diba? Kay Pierro..kay Ivan at pati na din sayo?! Ano bang meron ang Devon na yun at lahat kayo ay gusto sya?!
SAM: Hindi ko alam kung anong meron sya na nagustuhan ko basta I just woke up one day na gusto ko na sya.
HANNAH: Funny!
(tumayo na si Hannah sa kinauupuan at)
HANNAH: Well di pa naman kayo kaya marami pang dapat mangyari… Isipin mo nalang kung paano mo maagaw ang atensyon na ibinibigay nya kay Ivan
(tumalikod na si Hannah tsaka muling nagsalita)
HANNAH: Be ready! In a minute, scene naman natin ang kukunan ni Direk.
(Habang kinukunan naman ang scene nina Hannah at Sam ay nanonood sila ni Ivan)
IVAN: Oh! I didn’t expect na Sam can act well. Kita mo ba? may kilig factor sila ni Hannah.
DEVON: Parang pilit naman at di natural.
IVAN: Parang natural naman ang nakikita ko.
DEVON: Mas kilig naman ang scenes natin kesa sa kanila.
IVAN: Umandar na naman ang pagiging brat mo.
DEVON: Sinong nagsabi sayo na brat ako?! (hinampas nya si Ivan at kiniliti sya nito, umiwas sya at naghabulan sila sa set kaya nadistract ang staff habang kinukunan ang scene nina Sam at Hannah)
SEAN: Kayong dalawa! Tsaka na yang lambingan pagkatapos ng scene na ito!
(napahiya silang dalawa ni Ivan dahil nagtinginan sa kanila ang staff at nakita din ni Devon ang pag-iba ng timpla sa mukha nina Sam at Hannah)
DEVON’S POV: For sure, naiinggit lang kayong dalawa!
(Pagkatapos ng isang oras ay change location na sila dahil kukunan ang bar scene nina Sam kung saan mag-iinuman sila. Nagreklamo sya sa kissing scene at bed scene nila ni Sam kay Direktor Sean ngunit pursigido ito na isali ang scene sapagkat yun ang highlight ng story kaya wala syang nagawa. Ayaw din naman nyang mapahiya kay Hannah kaya go na kung go! Unang kinunan ang bar scene nila tapos ang pagdala ni Sam sa kanya sa motel. Ngayon lang sya kinabahan ng sobrang-sobra sa kissing scene, kinabahan sya dati nung first time nyang mag onscreen kiss kay Ivan but after that nasanay na sya, maybe this time kinakabahan sya dahil ibang guy ang ka KS nya. Si Sam na dating bakla na minsan na ding humalik sa kanya. Unti-unti syang ipinasok ni Sam sa kwarto at pinaupo sa kama. Dahil tipsy ang role nya ay kunwari kumakapit sya dito, nang makaupo sya sa kama ay agad tumitig si Sam sa kanya, kinabahan sya ng bonggang-bongga at namalayan nalang nya na sinisiil sya nito ng halik. Di sya makapagreact kaya narinig nya ang pagsigaw ni Direktor Sean ng CUT!)
SEAN: Cut!!!!! Devon, focus! You have to respond kay Sam.
DEVON: Sorry po Direk! (nakita nya ang nakakalokong ngiti ni Sam at gusto na nya itong sampalin kung wala lang sila sa harap ng camera)
SEAN: Sige..sige..take two tayo! Lights! Camera! Action!
(siniil ulit sya ng halik ni Sam ngunit parang namanhid ang buo nyang katawan kaya di agad sya makapagreact kaya naman nag CUT ulit si Direktor Sean, naka five takes sila bago sya nakarespond kay Sam. The next thing ay ang bed scene, naramdaman nyang parang sanay na si Sam kaya naman hinayaan lang nya itong magguide sa kanya. Hanggang ihiga lang sya nito ang kukunan na eksena. Nag cut na si Direktor Sean matapos ang scene. Bago pa sya makatayo sa kama ay binulungan sya ni Sam)
SAM: Nadadala ako sa eksena parang gusto ko syang gawin for real…sa ating dalawa! (kinilabutan sya sa narinig at hindi makapagreact…umayos na si Sam at iniwan syang speechless)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento