Sabado, Mayo 28, 2011

My Ambitious Girl (Chapter 40*finale*)


CHAPTER 40

(Pagdating sa race track ay nakita ni Sam ang taong matagal na nyang hinahanap Motorbike rider number 16…Para bang sinasadya ng tadhana na 16 ang number nito which is a reminder of his Mother’s 16 death anniversary. He looked at him at para bang naramdaman nito na nakatanaw sya dito. They looked at each other at para bang namalikmata ito ng makita sya at nakita nya ang guilt sa mga mata nito at takot…Nagsimula ng mag announce at ipinakilala isat-isa ang Rider. Nang ito na ang ipinakilala mukhang nagkaroon ng commotion sa paligid, kilala kasi ito bilang death racer…Sa race na sinalihan nito ay marami ng nasawi at napahamak kapag nadikit dito. Nang sya na ang ipakilala ay nagsigawan sa paligid, kilala kasi sya bilang endorser and one of the best motocross racer ng Yamaha Team…Kung tutuosin, may FANS Club siya sa Japan..Napansin ni Sam na napasulyap ito sa kanya at pagkatapos ng ilang minuto ay nag focus na ito sa announcer. Matapos ipakilala ang mga riders ay nagbigay na ng hudyat sa pagsisimula ng race. At first dikit ang laban ng mga riders, mas mahirap ang track field…Matataas na pader ang dapat talunin, mas maputik, may grease, malalaking bato, mga kahoy at mga nails ang nakascattered sa race track. Habang nakatingin sa Monitor ay napapikit si Devon kapag tumututok ang cam kay Sam. Halos pantay at dikit lang ito at ng sinasabing death racer. Nakita nyang may isang rider ang dumikit sa death racer and all of a sudden ay nagcrash ang motor nito sa ere, napapikit sya sa nakita. Naging maingay ang sigawan ng mga tao sa paligid, muli nyang ibinalik ang atensyon sa Monitor at nakafocus uli ang cam sa dikit na laban nina Sam at death racer. Nakita nyang may isa ding motor bike na humahabol sa dalawa. Dumikit ito sa death racer at ang death racer ay napadikit kay Sam dahilan para mag crash ang Motor ng tatlo sa ere. The last thing na nakita ni Devon bago siya himatayin ay ang pag crashed and burned ng tatlong motor sa ere. Nang magising sya ay puro puti ang nasa kanyang paligid. Agad syang bumangon at nakita nya ang pinsan na si Emman)
DEVON: Si Sam??! Asan si Sam??! Anong nangyari sa kanya??
EMMAN: Calm down Cuz….(nakita nya ang pag-aalala sa mukha ni Emman kaya naman kinabahan sya.)
DEVON: Ano ba??!!! Anong nangyari kay Sam?
(nang hindi magsalita si Emman ay tuluyan na syang napaiyak..Masama ang kanyang pakiramdam dahil hindi nya makita sina James, sana naman hindi tama ang hinala nyang may masamang nangyari sa kanyang asawa. Tumayo si Emman at inalalayan siya)
EMMAN: Gusto mo ba talagang makita si Sam?

(tumango siya kahit kinakabahan. Dinala sya ni Emman sa isang room…Nang mabasa nya ang nakasulat sa labas ay morgue kaya naman hindi na nya nakayanan ang sarili, dali-dali syang tumakbo papunta sa loob at iniwan si Emman sa labas. Nakakita sya ng isang katawan na nakabalot ng puting kumot. Bago pa man sya nakalapit dito ay nakita nya sina James, Inno at Tippy sa gilid na tahimik na nakaupo. Dahan-dahan syang lumapit dito at hindi na nya mapigilan ang sarili at tuluyan syang napahagulhol ng iyak)
DEVON: Sam, you’re so unfair!!! Akala ko ba…babalikan mo ako….Akala ko habang buhay tayo magsasama…Ano nang mangyayari sa akin…ngayong wala kana? Paano na ang baby natin…(naramdaman nyang lumapit sa kanya si James at niyakap sya)
JAMES: Devon…that’s enough…
DEVON: Shut up James! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon…hindi mo alam kung gaano kasakit …kasakit ang pakiramdam ko….
JAMES: Devon?,…
DEVON: Leave me alone James!!!...
.(sinigawan nya ito at umiyak pa rin sya hanggang napaupo nalang sya. Takot syang yakapin ang bangkay at tingnan ito. Iyak lang sya ng iyak sa sahig)
DEVON: I hate you Sam!!! Napakasama mo…Paano mo nagawa sa akin ito…sa magiging baby natin…Sinungaling ka!!! Akala ko babalik ka…Pero..pero…iiwan mo pala ako…Paano na kami ng baby natin? Ano nang mangyayari sa akin…I believe in your love ..pero iiwan mo pala ako…I love you Sam….
(tahimik nyang sambit at nagulat nalang sya ng may mag “I LOVE YOU TOO” sa kanya. Nang itaas nya ang kanyang mukha ay nakita nya si Sam, kinurap nya ang kanyang mga mata at baka nananaginip lang sya, hindi sya nagsalita at tumitig lang dito. Lumapit ito sa kanya at niyakap sya)
SAM: Bakit para kang nakakita ng multo? I promise you na babalik ako diba?
DEVON: Sam?...(hinawakan nya ang mukha nito)
SAM: I’m real…(nang hindi pa rin sya nagsalita ay siniil sya nito ng halik at sa pagkakataong iyon ay napatunayan nya na totoong nasa harapan nga niya ito)
DEVON: Salamat at ligtas ka…yumakap siya dito ng mahigpit…
SAM: I promised you diba?...at wala akong pangako na pinapako…
DEVON: Pero sino ang lalaking nasa kumot at bakit nandito ang mga kapatid mo?
SAM: He’s the death racer…sinamahan lang nila ako dito sa loob para pasalamatan yung pamangkin ng death racer…
DEVON: Pasalamatan? Bakit?
SAM: Kung hindi nya ako kinausap before the race ay baka napahamak na ako… He told me the whole story kung bakit naglaho yung Uncle nya after he ran after my Mom…Siguro kung hindi ko yun nalaman, puno pa rin ng poot ang dibdib ko during the race. But when I was in the track awhile ago wla na yung hatred ko at ang gusto ko nalang gawin ay ang mag-enjoy. Kinalimutan ko aking plano na icrash and burn sya.
DEVON: Pero nakita kong nagcrashed and burned yung motor mo kanina sa ere kasama yung death racer at ang isa pang rider?
SAM: Yung isang rider ang nagcrashed sa death racer. Binangga ako ng death racer to save me…Kung hindi nya ako binangga ay napahamak na rin ako…
DEVON: Anong ibig mong sabihin?
SAM: Matagal na akong kilala ng death racer at noon pa sya nagiguilty sa nangyari kay Mom..though nalulong sya sa masamang bisyo, the goodness in his heart is still there. Kaya bilang kapalit ay iniligtas nya ako sa kapahamakan kanina. He saved me Devon. Nagcrashed din yung motorbike ko pero I was able to stand and win the race. (ipinakita nito sa kanya ang medalya)
I’m thankful to him Devon dahil kung hindi nya ako naligtas kanina ay baka napahamak ako ng tuluyan. Utang ko sa kanya ang buhay ko at sa pamangkin nya.

(Niyakap sya ulit ni Sam at hinalikan. Natapos na ang paghahanap ni Sam at naging magaan na ang kanyang kalooban. He was so thankful na kinausap sya ni Enrique. Imbis na mag-enjoy sa napanalunan na  ay napagpasyahan nilang magkakapatid na ipaayos ang libing ng death racer at ang pagdala ng bangkay nito sa Pilipinas. Inamin din ni Emman kay Devon na may matagal ng namamagitan sa kanila ni Inno at minsan ay nahuli sila ni Sam sa condo. Napatawa sya ng malakas ng marinig ang kwento ng pinsan. Napansin din nya na masaya sina Tippy at Ryan sa kanilang relasyon at si James naman ay mukhang nagkakamabutihanan na uli at si Ericka dahil bumalik ang babae para sa singing career nito sa Pilipinas. Sabay silang pumunta sa araw ng libing ng death racer kasama ang CEO. Ni minsan ay hindi nakita ni Devon ang pamangkin ng death racer. Nagulat sya ng sa libing ay nakita nya si Enrique, the guy who advised him before about Sam and the guy who talked to his husband before the race at ang pamangkin ng death racer ay iisa. She smiled and immediately made a letter for him at inabot dito ang sulat bago sila tuluyang lumisan sa sementeryo. Nang buksan ni Enrique ang sulat ay:

ENRIQUE,

Hindi ko alam kung sinasadya lang ba ng pagkakataon ang lahat.
Ang lalaking nagbigay sa akin ng liwanag noon sa simbahan
At ang lalaking naging dahilan ng hindi pagkahamak ng aking asawa ay iisa…
I’m thankful na nakilala kita at naging gabay ka sa amin ni Sam…
Sana maging ninong ka ng baby namin…

DEVON…

(Napangiti si Enrique pagkatapos nya basahin ang sulat ni Devon at nasambit na )

ENRIQUE: Sam is so lucky to have you Devon….


*THANK YOU FOR READING MY FF*

My Ambitious Girl (Chapter 39)


CHAPTER 39



(Maagang nagising si Sam at naghanda para sa araw na kanyang pinakahihintay. Nauna na syang pumunta sa race track, marami ng taong naroroon. Nakasalubong at nakita na nya ang ibang rider except sa taong hinahanap nya sa matagal na panahon. Kanina pa sya palinga-inga pero hindi nya pa rin ito makita hanggang may nakabangga sya)
SAM: Sorry…
(nang tingnan nya ito ay pamilyar ang mga mata nito, katulad nung sa taong matagal nyang hinahanap. Pero hindi ito iyon dahil sa tantiya nya ay magka edad lang sila nito)
GUY: Sorry but I was in a hurry…I’m looking for my Uncle….(Sam knows na Filipino din ito pero hindi nya alam kung marunong ba itong mag Tagalog kaya nag English nalang sya)
SAM: I see… (tumitig ito sa kanya at pagkatapos ay)
GUY: Sam Concepcion right? Rider number 143 of Yamaha Team? (nagulat naman sya at alam nito ang tungkol sa kanya)
SAM: How did you know me?
GUY: I’m Enrique…I’ve been observing you for the last few months.
(Hindi alam ni Sam kung ano ang pinagsasabi nito dahil naguluhan sya)
SAM: I don’t get it….
ENRIQUE: Can you give me some time to explain everything.
(Dahil malayo pa naman ang time before the race ay pumayag syang makausap ito dahil naguguluhan din sya kung paano sya nito nakilala. They went nearby the inspection area kung saan tsinecheck ang kundisyon ng motorbike. Nakita nyang may ilang employee ng Yamaha Team ang iniinspect ang Motor nya at napasmile sya ng makita ang mga ito)
SAM: Maybe we can talk here, it’s a bit far from the noisy crowd.
ENRIQUE: This place is fine.
SAM: So how come you know me?
ENRIQUE: Sam, I’m a detective…I’ve been working about your mother’s case.
SAM: What?! I guess, we just have the same age..How come you know my mother’s case?!!
ENRIQUE: The man whom you are searching for is my Uncle…(nag-apoy ang galit nya ng marinig ang sinabi nito pero he tried to calm himself down, he needs to listen to Enrique bago sya magwala)
My Uncle has been racing since he was 15…At that time, kahig-tuka kami. My father died in a heart attacked, my become widowed at an early age. My Mom suffered from lupus,she’s weak and she couldn’t work. My uncle is 12 years younger than my Mom.  The day before the accident with your Mom, my mother was attacked by her illness,she was rushed to the hospital. We don’t have any relatives then. During the accident, my Uncle was no choice but to leave your Mom kasi the day after the accident ay schedule nya for the race. Kung isusuko nya ang sarili sa mga police hindi sya makakasali at makakakuha ng pera pang gamot sa Mom ko.
SAM: So, that’s it? Hinayaan nya na mawala ang Mom ko? At magsuffer ako sa poot at hinagpis sa loob ng 16 years?!!!
ENRIQUE: Sam, I come to talk to you because you don’t know my Uncle.
SAM: Anong hindi ko alam Enrique?! That your Uncle is a killer!!
(mariin ang pagkakasabi nya pero pigil din nyang marinig ng mga taong malapit lang sa kanila)
ENRIQUE: After the accident ay naging tuliro na ang Uncle ko. He’s been into alcohols and drugs…few months passed at namatay din ang Mom ko but I was raised by him. I was so curious kung bakit tuliro sya kung minsan. Then one day, I went to his room at nabasa ko ang diary niya. I discovered what had happened in the past that made him so guilty . I finished College sa tulong na rin ni Uncle, though he’s an addict hindi nya ako pinabayaan. I tried to investigate about the the woman he had ran after in the past and I discovered it’s your Mom. I tried to investigate you and your intention of joining the race which is to seek revenge to my Uncle.
SAM: Tama ka! Gusto kung maghiganti sa taong kumitil sa buhay ng Mom ko.
ENRIQUE: Don’t join the race Sam…you don’t know my Uncle.. he doesn’t mind anybody kapag nasa race track na sya. Nang dahil sa nangyari noon, he’s guilty conscience lead him to take drugs para makalimot, he became an addict at wala na syang pakialam kung may masawi man sa race track at alam kung alam mo ang track record nya.
SAM: Kaya nga dapat na talagang itigil ang kahibangan nya…
ENRIQUE: Don’t do such stupid thing na ikababahala ng mag-ina mo…
(natigilan si Sam sa narinig)
SAM: You know I’m married?
ENRIQUE: I’m a detective Sam kaya alam ko ang estado mo sa buhay. Tagapagmana ng Star Nerwork,mga kawang-gawa na you’re involved in,music career, movie director, whatsoever and of course  being married to a beautiful woman who is 3 months pregnant.
SAM: Believe din naman ako sayo…
ENRIQUE: Huwag mong isugal ang buhay mo pati na ang iyong mag-ina dahil sa poot na iyong nararamdaman…
(tumahimik si Sam sandali at nagpatuloy sa pagsasalita si Enrique)
You already experienced kung paano lumaking walang mga magulang. Gusto mo bang mangyari din yun sa anak mo?? At ang asawa mo? Ano sa tingin mo ang mangyayari sa kanya? Kakayanin ba nyang tanggapin pag may nangyari sayong masama? Baka mag-ina mo ay mapahamak din?
(Sa sinabing yun ni Enrique ay parang natauhan sya at)
SAM: Thanks for the advice pare…Pero wag kang mag-alala…nothing would happen to me for the sake of my wife and my child.

(yun lang at iniwan na nya si Enrique. Nagsimula ng tawagin ang mga kalahok sa race. Nakita ni Sam ang kanyang mga kapatid kasama sina Emman at Ryan and of course si Devon at lumapit sya sa mga ito)
INNO: Saan ka galing ? Kanina ka pa namin hinahanap…
SAM: May kinausap lang ako sandali…(narinig nya na tinatawag na ang mga rider at)
RYAN: Good luck Sam!
EMMAN: Kaya mo yan!
JAMES: You must be back or else I gonna punch your dead face!
SAM: Takot ako dun ha…patay na nga uumbagin mo pa?! (he joke at tiningnan niya si Tippy) Brat, hey! Give your bro some good luck hug! (sa halip na yakapin sya ni Tippy ay sinampal sya nito at nagulat ang iba pang nakakita sa ginawa ng maldita nyang kapatid)
TIPPY: Ganti ka pagbalik mo galing race track…
SAM: Sakit noon hah…
INNO: Ito pa! (binatukan sya ni Inno at)
SAM: Aray! Kayo yata ang papatay sa akin… (he joked pero halata nya ang pag-aalala ng mga ito. Nang tingnan nya si Devon ay mangiyak-ngiyak na ito, lumapit sya dito,niyakap at binulungan nya ito)
Don’t worry…I’ll be back…I promise…Nothing would happen to me…
(tiningnan nya si Devon at nakita nyang umiiyak na ito. He then kissed her at pumunta na sya race track)

My Ambitious Girl (Chapter 38)


CHAPTER 38

(Kinausap ni Devon si Tippy matapos nyang malaman ang katotohanan kay Sam at humingi sya ng sorry dito)
TIPPY: Oh my God Devon! Hindi ko alam na nagseselos ka na pala sa akin!
(tumawa ito)
DEVON: Kasi naman napakalapit mo kay Sam…
TIPPY: Sa lahat ng kapatid ko sya ang aking bestfriend kasi he spoiled me, binibigay nya lahat ng gusto ko. Di kagaya ni James na sinasaway ako at ni Inno na walang pakialam sa akin kundi sa mga girls lang nya.
DEVON: Sorry…akala ko talaga,,,
TIPPY: Whatever! Basta kapag sinaktan mo ulit si Sam at kapag yaman lang namin ang gusto mo ako talaga ang una mong makakalaban!
DEVON: Huwag kang mag-alala hinding-hindi ko sasaktan ulit ang kapatid mo.
TIPPY: Good! Please try to convince him na huwag na sumali sa race…kinakabahan kasi ako…alam mo yun…What’s in his mind now is hatred and revenge at natatakot ako sa mangyayari..I haven’t seen Sam na magalit kayo mas lalo akong natatakot kung ano ang gagawin nya.

(nakita ni Devon ang pag-aalala sa mukha ni Tippy kaya kakausapin na nya si Sam, kung nag-aalala si Tippy ay ganun din naman sya. Kaya hinanap nya si Sam para kausapin. She found him na nakausap si Inno sa labas at)
DEVON: Inno,can I talk to Sam?
INNO: Sure..sige excuse muna ako…(nang makaalis si Inno ay)
SAM: Tapos na kayong mag-usap ni Tippy?
DEVON: Yeah!... Sam…alam ko na kung bakit gusto mong sumali si race..sinabi na sa akin ni James ang dahilan.
(tumigil si Sam sa ginagawa nitong pagpupunas ng motorbike)
SAM: So anong gusto mong mangyari?
DEVON: Sam…please huwag ka ng sumali sa race…natatakot ako na baka may masamang mangyari sayo. Narinig ko kay James na death racer sya at marami ng racer ang napahamak dahil sa kanya.
SAM: I’m  sorry Devz pero hindi na ako pwedeng umayaw sa laban na ito. I’ve been seeking for justice for 16 years and the right time has come.
(napaiyak na sya kasi sobrang takot na ang kanyang nararamdaman)
DEVON: Ewan ko Sam..pero..kinakabahan ako…natatakot ako na mapahamak ka…
Paano kung may mangyaring masama? Paano na ako? Ang baby natin?
(Nasaktan si Sam ng makita nyang umiiyak na si Devon pero nanaig pa rin ang kagustuhan nyang makaganti sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Hinawakan nya ang mukha ni Devon at niyakap ito ng mahigpit)
SAM: Devz, hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas…Pero kahit ano pa man yun…lagi mong tatandaan na andito lang ako palagi sa tabi mo at babantayan kita palagi. Nandito ka palagi sa puso ko at walang magbabago doon.
(tuluyan na syang napahagulhol ng iyak at)
DEVON: Please Sam..don’t do this to me and our child…Hindi ko alam kung kakayanin ko ba pag may masamang nangyari sayo… (niyakap ulit sya ni Sam at)
SAM: I’ll always love you Devon…I’ll always love you my Ambitious Girl…(tumitig ito sa kanya at ngumiti pagkatapos ay hinalikan sya.)

(Pagkatapos ng usapa nila ni Devon ay napagpasyahan ni Sam na kausapin si James)
JAMES: You’re crazy Sam! Papatayin mo ba kami sa pag-aalala!!
SAM: Sorry James but this is the only way para makaganti ako.
JAMES: Damn it! You gonna crash his bike at anong mangyayari pagkatapos?! The two of you might crash and burn….You’re gambling your own life! Pwede naman tayong mag file ng case against him…
SAM: At sinong maniniwala sa isang 6 year-old kid noon James? I don’t even have any proof para mapatunayan na sya ang rider noon? It’s just me who knows him?!
JAMES: You’re insane Sam! Hindi mo man lang ba iniisip na may pamilya ka na?! Paano si Devon pag may nangyari sayo? Ang baby niyo? Naisip mo na ba ang mangyayari sa kanya?! At kaming mga kapatid mo? Si Granny?!
SAM: My decision is final James..kahit ano pa ang mangyari bukas… I want you to be responsible of the Company, sa charities,kay Granny, kina Inno at Tippy at lalong-lalo na sa mag-ina ko.
JAMES: I can’t believe this! Nang dahil lang sa galit na yan ay igigive up mo lahat. You’re being irrational!
SAM: James, I want you to promise me na aalagaan mo si Devon at magiging anak ko. Ikaw lang ang taong pwede kong mapagkatiwalaan sa aking mag-ina.
JAMES: Sam??
SAM: Alam ko kasi na kahit paano ay may gusto ka pa rin sa kanya… I trust you James at naniniwala ako na kaya mo silang alagaan.
(Wala ng nagawa si James kundi tumango kay Sam. Alam nya na buo na ang desisyon ng kanyang kapatid at wala ng makakapigil dito. Ni si Devon nga ay hindi ito kayang pigilan siya pa…Delikado ang susuungin nitong laban. Sam will be racing not for fun but for revenge at yun ang ikinatatakot nya. Mas lalo pang nadagdagan ang takot nya ng sabihin nito ang planong icrash ang motorbike ng taong naging dahilan ng pagkamatay ng Mom nito. Sana lang walang masamang mangyari sa kanyang kapatid)

(Samantalang si Sam naman ay napagpasyahan na puntahan si Devon sa kwarto nito. Dahan-dahan syang pumasok sa loob at nakita nyang mahimbing na itong natutulog. Halatang hilam sa luha ang mga mata ng kanyang asawa. Nang kausapin sya nito kanina ay gusto na nyang iurong ang laban ngunit nakapangako sa puntod ng yumaong ina na kahit anong mangyari ay maghihiganti sya kahit kmaging dahilan man ito ng  sariling kapahamakan. He then carefully touch her face para hindi ito magising and silently whispers)

SAM: Sorry Devz, pero kailangan kung gawin ito. Kahit ano pa ang mangyari hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. May mangyari mang hindi maganda bukas andito lang ako magbabantay sayo at sa baby natin.I love you..

(tumulo ang luha sa kanyang mga mata at hinalikan sa noo si Devon at tuluyang lumabas sa kwarto. Nang makaalis si Sam ay gumising si Devon at umiyak na naman sya. Nagpanggap lang syang natutulog ng pumasok si Sam sa kwarto, hindi nya alam pero para bang tuluyan na talaga itong mawawala sa kanya at sa baby nila. She was silently crying. Habang si Sam ay napagpasyahan na maupo muna sa labas at lumapit si Tippy at naupo sa tabi nya)
TIPPY: I hate you! (mariin nitong sabi)
SAM: Tippy?
TIPPY: How can you be so stupid and selfish?! Akala mo ba magiging masaya ang Mom mo sa ginagawa mo?! Hindi mo man lang iniisip ang mangyayari sa mag-ina mo! Gusto mo siguro ipasuntok kita kina Inno at James ehh…(tuluyan ng umiyak ang brat nyang kapatid)
SAM: Tippy..stop crying…
TIPPY: I hate you Sam! I hate you!!!! (yayakapin nya sana ito ngunit tumakbo ito at iniwan sya)
SAM: I’m sorry brat..I’m sorry… (at Napayuko na si Sam)

My Ambitious Girl (Chapter 37)


CHAPTER 37

(Ilang araw na buhat ng umalis sina Sam papuntang Japan. Nagstay si Devon kina Emman dahil na rin yun ang gusto ni Sam para may makabantay sa kanya. Palagi syang tinatawagan nito at secured na sya doon kahit may Tippy sa tabi nito. Makalipas ang dalawang linggo ay flight na nila papuntang Japan. Sa airport na sila hinintay ni James. Habang nasa loob ng plane ay si James ang katabi nya ng upuan, samantalang sina Emman at Ryan naman ay medyo malayo sa kanila.)
JAMES: I thought you’re not going…
DEVON: I promised to Sam…
JAMES: Thanks Devon….Sam really need you at this race…
(naguluhan sya sa sinabi ni James kaya nagtanong na talaga sya)
DEVON: Ano ba ang ibig mong sabihin?
(tumingin muna sa kanya si James bago nagsalita)
JAMES: Sam isn’t joining this race dahil gusto nya. He’ll be racing to seek revenge. Nakita na nya ang taong naging dahilan ng pagkawala ng kanyang ina. He’ll be also competing and this is the right time Sam has been waiting for.
(kinabahan sya sa sinabi ni James…ngayon alam na nya kung bakit hindi maganda ang pakiramdam nya ng malaman na sasali si Sam)
JAMES: Devon..I’m worried for my brother kasi hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nya.  I want you to convince him na huwag na magpatuloy. The man he’ll be competing is a dirty and death racer, I read the article about him. Marami nang racer ang nasawi dahil sa kanya)
(kinabahan sya sa sinabi ni James at namalayan nalang nyang tumulo ang kanyang mga luha..Hindi nya kayang tanggapin na may masamang mangyayari kay Sam)
DEVON: James..hindi ko alam kung kaya ko ba syang kumbinsihin…
JAMES: You’re the only hope na naiisip ko. Inno, Tippy, me and even Grandma already talked to him pero hindi sya nakinig sa amin…Please convince my brother.
(tumango sya kay James at nag thank you ito sa kanya. Hindi na sya makatulog sa loob ng plane dahil sa kaiisip. Nang makarating sila sa Japan ay agad silang nagpunta sa tinitirhan nina Sam. It’s 5 a.m at medyo malamig sa Japan, first time makapunta nina Devon, Emman at Ryan kaya masaya talaga ang dalawa except her na puno ng pangamba. Nang makarating sila sa tinutuluyan nina Sam ay agad sumalubong sa kanila si Inno. Agad hinanap ng mga mata nya si Sam at hindi nya ito makita)
RYAN: Asan sina Sam at Tippy?
INNO: They jogged…hintayin nyo nalang..parating na rin yun mamaya.

(Lumabas muna si Devon sandali at naglakad-lakad…iba talaga ang Japan, malamig ang klima at maganda ang tanawin pero hindi nya kayang iappreciate lahat ng kagandahang nakikita dahil puno ng pangamba ang kanyang dibdib. May naaninag syang dalawang taong tumatakbo, ng papalapit na ang mga ito nakita nya sina Sam at Tippy. Ewan ba at palagi syang nasasaktan pag nakikita ang dalawang magkasama. Siguro dahil napakalapit ni Sam dito at marami itong alam kaysa sa kanya. Agad naman syang nakita ng mga ito at nagsmile si Sam at napansin ni Devon na nawala ang ngiti sa mga labi ni Tippy ng makita sya. Agad yumakap si Sam sa kanya at binigyan sya ng smack kiss at narinig nya na nagsalita si Tippy)
TIPPY: Excuse me…(tuluyan na itong umalis)
SAM: Hay naku! Nagselos na naman ang brat na yun…(napailing si Sam)
DEVON: Hindi mo man lang sya aamuin?
SAM: Magiging okay din yun mamaya…
DEVON: Kilalang-kilala nyo na talaga ang isat-isa noh?
SAM: Syempre! Lumaki kaming magkasama ni Tippy. Kaya alam na alam ko na ang ugali ni brat. Ang kapatid ko talagang yun!!! (napailing ulit si Sam at mukhang nawindang si Devon sa huling salitang kanyang narinig)
DEVON: Kapatid??? Anong kapatid??
SAM: Si Tippy…magkapatid kami ni Tippy…huwag mong sabihin na hindi mo rin alam? (tumawa si Sam at nainis sya dito)
DEVON: Akala ko kasi…malapit lang kayong magkaibigan..(napahiya sya dahil all along pala ang pinagseselosan nya ay kapatid ni Sam)
SAM: Akala ko ba matalino ka? Paanong hindi mo napansin na magkapatid kami? Titiisin ko ba ng ganun ang ugali nya kung hindi ko sya kapatid? At saka hindi ako ang klase ng lalaki na isasama ang kahit na sinong babae lang pag bumabyahe ako.
(napahiya na sya ng tuluyan)
DEVON: Kaya ba nagalit ka ng husto noong lokohin ko sya sa yacht…?
SAM: Tama ka..pinakaayaw ko talaga sa lahat ang sinasaktan ang mahal ko sa buhay..at ang phobia ni Tippy ay dahil sa pagkawala ng Dad namin. Diba nasabi ko sayo noon na Dad was into water sports. One time noon, Dad,me, Tippy, Inno and James went on a yacht…tapos bigla nalang umulan ng malakas. Tippy was playing sa gilid ng yacht tapos bigla daw syang may nakitang shark at lumabas ang malaking kidlat noon, tumakbo sya at nadulas dahilan para malaglag sya sa tubig. When Dad saw what happened, he dived into the water tapos nakuha nya si Tippy. Pero nang time na nakabalik sya sa yacht ay lumabas ulit ang malaking kidlat tapos tinamaan si Daddy..kung hindi nya natulak si Tippy ay pati sana ito ay natamaan. Dali-dali kaming tumakbo nina James at Inno noon palapit kay Dad pero nang mahawakan namin si Daddy ay nag-aagaw buhay na sya. Kitang-kita naming apat kung paano nawala si Dad. Matapos noon nagkaroon na ng phobia si Tippy at sinisisi nya ang sarili sa nangyari.
(Naging malinaw na kay Devon ang lahat, bakit ba hindi nya na realized ang mga pangyayari noon. Eh halata naman na pareho ng wlang mga magulang ang mga ito.)
DEVON: Teka? Pati ba si Inno? Kapatid nyo? Pero pakilala nyo sa isat-isa ay magbestfriend…
(tumawa ulit si Sam)
SAM: Of course! Diba sinabi ko sayo how playboy my Dad was, we have one father but different mothers.Tippy’s Mom died ng ipanganak sya while Inno’s Mom is happily married in Italy at mas prefer kasi naming ipakilalang magbestfriend ang isat-isa lalo na nasa showbiz si Inno . Halos magkasing edad lang kaming apat. Hindi mo ba napansin kung bakit palagi kaming magkasama? Matapos namatay ni Dad, Granny decided to send us to Aus sa Mom ni James. We grew up there and studied, kaya nga doon namin nakilala si Ericka. Diba sinabi ko sayo na schoolmate kami noong highschool? That was in Australia.
(Ngayon lang na realized ni Devon ang lahat at tinawanan sya ni Sam)
DEVON: Kainis ka naman eh!!! Hindi mo sinabi sa akin kung ano talaga kayo ni Tippy?
SAM: Huwag mong sabihin na pinagseselosan mo ang sarili kong kapatid? (nanunukso ito)
DEVON: Ewan ko sayo!
SAM: Huwag ka ng magselos kay Tippy tanggap ka na noon at tsaka girlfriend sya ng kaibigan mo?
DEVON: Nino?
SAM: God! Devon! May iba ka pa bang kaibigan? Of course ni Ryan! Matagal na silang may relasyon…Actually, crush pa noon ni Ryan si Tippy at nagpaalam sya sa akin na ligawan ang kapatid ko.
DEVON: You mean? Alam ni Ryan na magkapatid kayo?
SAM: Alam din naman ni Emman…Ikaw lang yata itong matalino na kahit kilos ng magkakapatid ay di mo mabasa…
DEVON: Nakakainis ka na talaga! (hinampas nya ulit si Sam at niyakap na sya nito at hinalikan. She has nothing to worry now dahil si Tippy pala ay half-sister nito)