Miyerkules, Hulyo 27, 2011

LOVE POTION (Chapter 37)

CHAPTER 37

ABBY: My God Devon??!! I’ve been calling you for almost a week at di mo ako sinasagot?! Ang laki ng dark circles mo, may problema ba?
DEVON: Tita, I don’t wanna accept projects anymore. I’m quitting showbiz.
ABBY: How about the contract you already signed it?!
DEVON: I’ll pay for the damage…
ABBY: Nagbibiro ka lang diba?
DEVON: I’m not Tita.
ABBY: But Direk Sean is planning to have a movie for Exchange of Hearts dahil sa taas ng rating nyo from the start until the finale.
DEVON: I said, I quit! Mahirap ba yun intindihin?!
ABBY: Devz, kung may problema pwede mo namang sabihin sa akin..I’m hear to listen..para na rin kitang anak.
(hindi na nya napigilan ang sarili at tumulo na ang kanyang luha at napahagulhul sya ng iyak)
DEVON: Please understand me Tita…

(She talked to her manager pero hindi nya sinabi dito ang nangyari sa kanila ni Sam, naintindihan namin nito ang binigay nyang dahilan kung bakit gusto nyang iwan ang showbiz. She told her manager na she wanted to stay away from controversies and she wanna live without cameras na nakapaligid sa kanya. Matapos ang masinsinang pag-uusap sa kanyang manager ay bumalik sya sa kwarto upang magpahinga. She wanna sleep at kalimutan ang lahat ng nangyari.It’s been a week buhat ng may mangyari sa kanila ni Sam at hanggang ngayon galit pa rin sya dito. Alam nyang masyado nya itong nasaktan dati but hindi yun sapat na dahilan para sapilitan nitong kunin ang bagay na matagal na nyang iniingatan. She didn’t talk to anybody after what happened between her and Sam. She ignored Ivan’s call dahil wala syang mukhang maihaharap dito, he’s been nice to her. Nakatulugan nya ang matinding pag-iisip. She woke up around 6 pm at sumasakit ang kanyang sikmura. She haven’t eaten anything since this morning. Lumabas sya ng kwarto at nagpunta sa kitchen. She heard Krissy talking on the phone and she was surprised what she had heard)

KRISSY: Ako pa?! Laking tanga kaya ni Devon! Hindi nya alam na ako ang tumatraydor sa kanya kaya ang kawawang Kyra ang napatalsik! Paano ba naman may pagkatanga din si Kyra, pinulot talaga yung envelope na set-up ko. Ayun nahuli sya ni Devon at agad pinalayas dito. Poor Devon, hindi nya alam na ang ahas ay nasa loob pa ng kanyang bahay! You should give me extra pay Hannah.
DEVON: Well, alam ko na ngayon! (nanlaki naman ang mata ni Krissy pagkakita sa kanya at kitang-kita nya na namutla ito. Agad hinablot ni Devon ang phone na hawak ni Krissy at kinausap si Hannah sa kabilang linya)
Good work Hannah! Naisahan mo ako! (hindi na sumagot ang kabilang linya dahil nag cancel ito ng call, agad nya hinarap si Krissy) Galing mo! Naloko mo ako!
KRISSY: Devz, let me explain….
DEVON: I want you out of my house now! Baka ano pa ang magawa ko sayo! Get out!
(agad namang tumalima si Krissy at sobrang galit ang naramdaman nya dito. Pagkalipas ng ilang minuto nakita nyang dala na nito ang mga gamit palabas ng bahay. Na guilty tuloy si Devon dahil si Kyra ang napagsalitaan nya ng masama. May nakapagsabi sa kanya na nakatira daw si Kyra sa apartment ng isang kaibigan nito at alam nya ang address. She decided to talk to Kyra kaya agad nyang pinuntahan kung saan na ito nakatira. Makalipas ang isang oras ay agad nyang nakita ang sinasabing apartment. Hindi sya makapaniwala na malaki ito, naisip nalang nya na mayaman ang kaibigan ni Kyra. She was about to get off the car ng makita nya si Kyra na lumabas sa apartment with a guy. She closely looked at the guy and she remembered him. The same guy na nakabangga nila dati sa shopping mall. She was so curious kaya bumaba na sya ng kotse, agad naman namutla si Kyra pagkakita sa kanya)

KYRA: Devz what are you doing here?! (nagkandautal nitong tanong)
DEVON: I remember him, the same guy na nakabangga mo sa mall dati.
KYRA: Yeah…we knew each other already bago ko pa man sya nakabangga.
DEVON: What do you mean?!
KYRA: Sa loob nalang tayo mag-usap.

(Pumasok sya sa loob ng apartment at magkatabi sa harapan nya si Kyra at ang lalaking nakabangga nito sa mall. Nagsimula ng magsalita si Kyra)
KYRA: Have you remembered Samantha’s gay friend na ipinakilala nya sa atin before? Yun bang nagpunta sa bahay mo but we were in a hurry that time dahil papunta tayo kay Lola?
DEVON: Of course I did. That gay’s name is Lovely,If I’m not mistaken…
KYRA: Tama! Now..look at my boyfriend closely…
(agad tinitigan ni Devon ang sinasabi ni Kyra na boyfriend nito. Only to find out na ang bf ni Kyra ay ang gay friend ni Samantha)
DEVON: Oh my God! Ikaw nga! Ikaw yung gay friend ni Samantha!
KYRA: Well he’s not real gay…and his name is not Lovely but Eslove…
ESLOVE: Tama ang girlfriend ko… (agad nitong inakbayan si Kyra at si Devon naman ay naguguluhan)
DEVON: Teka ano ba talaga ang nangyayari dito?
KYRA: I guess oras na rin para malaman mo ang totoo Devz. Naalala mo ba dati ang payatot na batang babae na nagbibigay sayo ng cards from Renz??
(agad inaala ni Devon ang batang babae na tagabigay sa kanya ng card from Renz, when she looked at Kyra again..she was even more shocked)
DEVON: Oh my!!! Ikaw yun! Bakit hindi ko man lang nahalata at naalala agad. So matagal mo nang alam ang tungkol kay Renz?!
KYRA: Yeah! The time na naghanap ka ng make-up artist and you met me na madungis at mukhang taga isla ay scripted yun. I was hired by Sam para magpanggap at para mabantayan na rin kita. He’s been inlove with you Devz since elementary years. I lost contact with him nang magpunta sila ng States, I met him in New York ng magvacation ako dun. At that time, nasali ka na sa casting sa teen-oriented show. He asked me how to connect with you but we don’t have any idea hanggang naisipan namin na magpanggap nalang ako. Dahil isang detective itong boyfriend ko,agad naming nalaman na papalit-palit ka ng make-up artist and that was the best time para umeksena ako.
DEVON: Ano?! Ibig sabihin hindi sya bakla talaga?!
KYRA: You often called him bakla before kaya when he returned to the Philippines, he pretended para malaman kung galit ka pa rin sa bakla. Yung tinatawag syang Samantha ng mga kapatid nya pet name lang yun dahil he’s the only guy in the family.
DEVON: At yung potion?
KYRA: She was really my real Lola at ayaw nyang magpunta ng Manila dahil enjoy sya sa probinsya. Lola is one of our kakontsaba. Sam wanna be close to you not being tagged as Samantha kaya naisip namin yung potion and Ivan knew everything dahil magbestfriend sila. But when Sam felt na mas mahalaga talaga sayo si Ivan ay kusa syang nag give up para na rin sayo at kay Ivan. He’s been inlove with you for a long time kaya naman nagawa nya ang mga bagay na ito. Kaya itong boyfriend ko ay minsang nagpanggap na bakla para na rin mapatunayan yung drama namin.
DEVON: Isa lang ang alam ko ngayon Kyra…niloko nyo akong lahat!

(tumayo na siya dahil hindi nya matanggap ang panlolokong ginawa ng mga taong nakapaligid sa kanya. Nagsalita pa si Kyra ngunit hindi nya ito pinakinggan, agad nyang nilisan ang apartment at bumalik sa kanyang bahay na puno ng galit at hinanakit sa mga taong pinagkatiwalaan nya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento