CHAPTER 6
CHESKA: Musta yung Christmas and New Year vacation mo?
SAM: Well…it’s great!
ALEX: Ang lapad yata ng ngiti mo hah…? Mukhang inlove…
SAM: Halata ba?
CHESKA: Inlove ka?
SAM: Sa work….(umalis na sya at iniwan ang mga kasamahan)
AARON: Anong nangyari dun? Kanina ko pa yun nakitang panay ang ngiti.
ALEX: Ganyan na sya after the vacation….
CHESKA: I don’t like this!
AARON: Pinsan ano namang ayaw mo?!!!
CHESKA: Hindi ko gusto ang nakikita ko kay Sam para syang baliw!
ALEX: Selos lang yan!
(Samantalang sina Yen at Devon naman sa school)
YEN: Kanina ka pa check ng check sa phone mo hah?! May hinihintay kang message?
DEVON: Hah?... sabi kasi ni Kuya Enchong… hahanapan nya ako ng University sa Manila..alam mo naman malapit na ang graduation…
YEN: Oo nga ano?! Bakit di nalang tayo sa bahay ng Kuya mo magstay? I’m sure magiging happy ang Daddy mo at sinabi mo na rin sa akin mabait yung Mommy nina Enchong at Sam…It’s not a big deal naman siguro…
DEVON: Yun na nga sabi ni Kuya ehh..tumawag na din si Daddy kagabi…
YEN: Payag ka na Devz! Isama mo na rin ako..please?...
DEVON: Sige..kakausapin ko si Daddy mamaya!
YEN: Yes! Biruin mo yon..mapapalapit na ako kay Sam…
DEVON: Hanggang ngayon may crush ka pa rin sa kanya?! (pagkukunwari nya)
YEN: Oo naman..pero mukhang ikaw ang gusto nun!
DEVON: Paano mo naman yan nasabi?! (kunwari nyang tanong pero kinilig sya)
YEN: Haleer Devon! Kung makatitig kaya sayo si Samuel ay parang wala ng bukas, wagas na wagas!
DEVON: Hay naku! Tumahimik ka na nga! Magsisimula na ang class natin…
YEN: Kunwari pa ito! Kinikilig naman!
DEVON: Ewan ko sayo!
(Kinagabihan sa bahay nina Enchong)
DENNIS: I have good news for you guys!
ENCHONG: Ano na naman yun Dad?
DENNIS: I called Devon this afternoon, pumayag na sya na dito magstay for her University! (agad naman nagsmile si Sam sa narinig pero di sya nagpahalata)
ENCHONG: Wow talaga! That’s great Dad!
CARMI: Good news nga yan! At least may kakampi na ako sa bahay! Puro lalaki kasing nakapaligid sa akin…
SAM: Mom naman…parang pinapalabas mo tuloy na pinagkakaisahan ka naming tatlo…
CARMI: Hindi nga ba?! kunwari pa kayo!
DENNIS: And not only that…kinausap ako ng parents ng bestfriend nya na si Yen, she’ll be staying here also.
CARMI: Oh! Maganda yan! May dalawa na akong kakampi! Papuntahin mo na yung mga bata dito this summer vacation.
ENCHONG: Hay naku Mommy! Kayo na ang super excited!
CARMI: Alam nyo naman parang anak ko na rin si Devon… my girl na rin sa family!
(bigla namang nabulalunan si Sam sa narinig)
DENNIS: Iho, ok ka lang?
SAM: I’m alright Tito mejo matigas lang itong steak…
CARMI: Here! Inom ka muna ng tubig…ang batang ito..
DENNIS: Anyway, may nililigawan na ba kayong dalawa? Wala yata akong nababalitaan na may dinedate kayo.
ENCHONG: Naman Dad! Bakit ganyan ang tanong mo?!
CARMI: Bakit Enchong may napupusuan ka na ba?!
ENCHONG: Naman! huwag nyo ako ilagay sa hot seat…Sam tulong naman dyan!
CARMI: Huwag mo ng idamay ang kapatid mo…bawal pa yang mag girlfriend, career muna..Diba Sam?
SAM: Huh?....opo…
ENCHONG: Di pareho lang kami..gusto ko yata magtapos with flying colors kaya iwas mo na sa distractions…
DENNIS: Niloko mo pa ako Enchong! Dami mo kayang dinedate na babae….
ENCHONG: Dad?!
CARMI: It’s ok son! Basta huwag na huwag mo lang mabubuntis yung girl kapag nangyari yun lagot ka talaga sa akin?!
ENCHONG: Mom?!
(nagtawanan na silang apat and Sam is even happier dahil sa nalalapit na pagdating ni Devon)
(Devon’s high school graduation. She envied her bestfriend Yen and her batch mates. Mabuti pa ang mga ito may parents na dumalo. Unlike her wala man lang nakaalala sa kanyang graduation. Her kuya Enchong couldn’t attend dahil may last minute project itong tatapusin. Ni wala man lang mag-eescort sa kanya, she was about to lose hope ng biglaang dumating ang kanyang Daddy Dennis. Agad syang yumakap pagkakita dito)
DEVON: Oh my God! Mabuti nalang dumating kayo Daddy!
DENNIS: Of course! It’s my baby’s graduation..
DEVON: Mabuti pa kayo dumating…Eh si Mommy.. di man lang ako naalala…
DENNIS: Just understand your Mom..alam mo naman busy yun sa Canada…
DEVON: Whatever Dad! She never cares about me! Mabuti pa si Tita Carmi, inaalala ako lage.
DENNIS: Just understand…and don’t blame your Mom..ok?... Tsaka may gift ako sayo later…
DEVON: Talaga po?!
DENNIS: Of course! Lakas mo kaya sa akin…Teka bago ko makalimutan, may pinabibigay pala sayo si Sam…
DEVON: Si Sam po? (pretending she is)
DENNIS: Here!... (it’s a purple card from him with a message)
DEVZ,
CONGRATS!!!
Sorry di ako makakapunta
But don’t worry I’ll make it up to you.
Love,
SAM
(She smiled upon reading the card)
DENNIS: Bakit anong isinulat nya at napasmile ka ng ganyan?
DEVON: Wala naman Dad…isasama nya daw ako sa shows nya pagpunta ko ng Manila…as his graduation gift daw. (pagsisinungaling nya)
DENNIS: That’s good! Mag-eenjoy ka pagdating mo dun. Sam can give you company panigurado di ka mabobored.
DEVON: I hope so Dad…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento