Sabado, Abril 30, 2011

Can't help falling inlove with you (Chapter 11)


CHAPTER 11

THE KISS

 Nang makarating sila ng bahay. Nagulat talaga sya ng makitang inaabangan sya ni Sam. Nang alalayan sya ni Aaron para bumaba bigla syang hinila ni Sam dahilan para mabuwal sya dibdib nito.Tumingin sya kay Aaron at hindi na ito nagsalita. Nagsmile nalang si Aaron as a sign na aalis na ito. Nakaalis na ang sasakyan ni Aaron kaya pilit syang kumalas sa pagkakahawak ni Sam. Nang higpitan nito at pagkakahawak sa kanya. Hinirap nya ito at sinabing:
DEVON: Please…let me go… (mahina pero sapat na iyon para marinig ni Sam. Nang makita ni Sam ang lungkot sa mukha ni Devon, nahabag  sya dito. Hindi nya mapigilan ang sarili at niyakap nya ito. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito. Nang makita nya kanina na iyak ito ng iyak sa diddib ni Aaron parang gusto nya itong hilahin at paiyakin sa kanyang dibdib. Pero bilang isang Sam Concepcion hindi nya hinayaang magpatalo sa kanyang emosyon. Ang alam lang nya ngayon ay yakapin ito.Nashocked na naman si Devon sa ginawa ni Sam, hindi nya ma-explain ang kanyang sarili. Galit sya dito pero di nya magawang magalit. Nagiging mahina na sya these days, namalayan nalang nya na umiiyak na pala sya. Bago pa sya nagpatalo sa nararamdaman. Unti-unti nyang kinalas ang pagkakayap kay Sam.)
DEVON’S POV: Wrong move Devon! Tingnan mo ang mga mata ni Sam. You can see how sincere he is at parang nakakatunaw sya kung tumitig.
(hindi nya ma-explain pero nakikita nya sa mga mata nito ay pain, desire and sincerity. Namalayan nalang nyang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya. The next thing she knows, lumapat ang labi nito sa kanya. Parang dinaanan sya ng bolta-boltahing kuryente. Nanghina ang mga tuhod nya.
DEVON’S POV: Oh MY God! It’s my first kiss at ganito pala ang feeling.
(light kiss lang naman ang ginawa nito sa kanya hindi katulad ng mga movies na nakikita nya. Nang tumigil ito sa paghalik sa kanya tila natauhan naman sya. She can’t help but cry. Traydor talaga ang mga mata nya. Confused na confused na talaga sya. Niyakap ulit sya ni Sam. This time she uttered)
DEVON: I hate you!!! (mahina pero sapat na iyon para marinig ni Sam)
(Nasaktan si Sam sa sinabi ni Devon. He deserves to be hated by Devon. After all the things he had done to her. Wala naman siguro ni isa ang hindi magagalit. All he wanted is for her to cancel the plan pero matigas ang ulo ng babaeng ito. For the reason, he doesn’t like is nang dahil sa utang na loob. Mas masakit tanggapin na gusto lang sya nito dahil sa Mommy nya. Siguro kung sa ibang pagkakataon at sitwasyon sila nagkakilala. The least thing he could do to is to make her cry.
SAM’S POV: Devon cancel my Mom’s plan and I wont ever make you cry again. I don’t want you to marry with me nang dahil lang kay Mommy.
Nanatili sila sa ganung ayos hanggang namalayan ni Sam na kumalas na naman ito sa kanya. This time he would let her go. Seeing her crying many times this day hurts him more. Aminado sya masyado na syang affected kay Devon. Natatakot sya na baka isang araw hindi na nya namamalayan na pumayag na sya sa kanyang Mommy samantalang ito naman ay napipilitan lang dahil sa utang na loob. Pero bakit feeling nya if he let her go ay tuluyan na itong mawawala sa kanya. Ganun pa man, he has to fight his feelings and shouldn’t show that he’s getting weaker in front of her. Before she could completely escape from him, He hugged her at the back and said)
SAM: Between what had happened between you and Jasmine. I believed in you but I won’t say sorry for hurting your feelings. This is just a game. The weaker you become, the greater your chance of losing.
(yun lang at iniwan nya si Devon, She couldn’t help but hate him more now. How could she let him kiss her at yun lang pala ang sasabihin nito . She expects him to care her a little but she’s just fooling herself. Sam would never fall for her. She’s not the type of girl whom Sam Concepcion would be proud of. Everything is a just a game between them. Tama nga ito, kapag mahina ka…mas malaki ang posibilidad na matalo ka.It’s time for her to wake up and hinding-hindi nya hahayaang magdiwang si Sam. She is now more determined not to break the agreement she had with Sam’s Mom. Masaktan na ang dapat masaktan. There’s a right time to give up but not now. She’ll just enjoy playing the game.

Samantalang sa kwarto ni Sam, hindi pa rin sya makatulog… na aalala nya parin how he kissed Devon. She has soft lips, siguro kung hindi nya na control ang sarili baka saan pa sila humantong. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. This is his final strategy pero hindi nya muna gagamitin sa babae. When he kissed her, Sam realized her weakness. Hindi man lang ito nagalit ug pumalag, nagpaubaya lang ito sa kanya. He knows he’s her first kiss at he feels happy for that.
SAM’S POV: Gagawin ko pa rin ang lahat mag back-out ka lang even if it means going beyond boundaries. Mag back out ka man at least I’ll have you. Ano ba Sam??!!! Kailan ka pa naging sugo ni Hudas? Masyado ka nang nagiging possessive kay Devon!! Tama lang naman na maging possessive ako. After all I have all the right bilang fiancée nya. Tama! Tama! Tama!
(yun ang isinaksak ni Sam sa kanyang utak, he’s determined talaga na mag back out si Devon even if it means hurting her so much)

Can't help falling inlove with you (Chapter 10)


CHAPTER 10

MEET TRICIA

(Kinabukasan pagbaba palang nila sa sasakyan, dami nang mga matang nakatingin. Hindi na talaga comfortable si Devon sa sitwasyon. Habang ang Sam naman ay panay ang ngiti. Naririnig ni Devon ang mga bulung-bulungan na she’s a third party  daw. Nagbreak daw sina Sam and Jasmine because of her. The worst thing is, may ibang nagsasabi na anong klaseng babae ba ang nakatira sa bahay ng lalaki gayung ang bata-bata pa nila at di pa sila kasal. Alam nyang narinig ito ni Sam at kitang-kita nya ang naka lolokong ngiti nito. Nagulat pa sya nang bigla syang akbayan. Wala syang nagawa kasi ang higpit nang pagkakahawak nito sa kanya. Nang dumaan sila sa lobby, may naririnig sya na grupo nang mga lalaki na nagsasabing : “ for the win kayo!) Kaya di na nya mapigilang magsalita)
DEVON: Pwede ba!! Ialis mo na yang kamay mo. Hindi kana nkakatuwa!! (inis na talaga sya kay Sam)
SAM: I’m your fiancé dbah? Kaya may karapatan ako sayo. I can do whatever I want.
(hindi nalang sya nagsalita kasi hindi nya alam ang sasabihin, at wala pa syang naisip na paraan kung paano kokontrahin si Sam. Tinotoo talaga nito ang pagganap bilang fiancé nya kasi hinatid siya nito sa classroom.  Bago pa sya nakapagreact, he kissed her cheeks. Nakita naman ito nang mga kaklase nya. Namula sya sa sobrang hiya)
SAM: I’ll fetch you later kaya dito ka lang. (at umalis na ito)
(shocked pa rin sya sa pinaggagawa ni Sam at nang makapasok na sya sa klase pinagtitinginan sya nang lahat.Umupo nalang sya at nakinig sa tsismis nang mga ito)
GIRL 1: Ang landi-landi talaga. Nang-agaw na nga nang boyfriend! Nagpahalik pa sa harap ng maraming tao.
GIRL 2: Tama ka! Mabuti pa si Jasmine. Ni minsan hindi sya nagpa kiss kay Sam sa campus.
GIRL 3: Pero ang iba dyan. Kabago-bago lang bumigay agad.
GIRL 4: Balita ko nakatira na sya sa bahay nina Sam!! Yucks talaga!!
GIRL 5: If I know pag pinagsawaan na sya ni Sam, iiwan din sya.
(nagngitngit na sa galit si Devon, gusto na nyang sugurin ang mga ito at pagsasampalin. Kung anu-ano na ang pinagsasabi nang mga ito sa kanya. Sirang-sira na talaga ang reputation nya sa buong Campus. Sige pa rin ang mga ito sa paglait sa kanya nang biglang may isang tumayo at nagsalita. Nang lumingon sya nakita nya si Tricia, isa sa mga kasamahan nya sa troupe. Ni hindi sila nag-uusap nito sa studio. Sabi ni Aaron may pagka overacting daw ito pero mabait naman. Narinig nya nang magsalita si Tricia)
TRICIA: Tumahimik nga kayo mga tsismosa  talaga! Naiinggit lang naman kayo kasi gusto ni Sam si Devon. Ano ngayon kung nagbreak sila ni Jasmine? Ni minsan na kita nyo bang naging sweet sina Jasmine at Sam sa isat-isa?  At ni minsan din hindi umamin si Sam na girlfriend nya si Jasmine. Unlike Devon na proudly sinabi nya sa lahat, hindi lang basta girlfriend kundi fiancée pa. Kaya magsitahimik na kayo.
(natapos nang maglitanya si Tricia at tumahimik naman ang mga tsismosa. Lumapit ito sa kanya)
TRICIA: Hay nko girl! Bakit ka pumapayag na inaapi ka nang mga iyan.?
DEVON: Ayaw ko kasi ng gulo. Wala din namang mangyayari pag-inaway ko sila.
TRICIA: If you want them to stop you have to learn how to fight back. Anyway, don’t worry… Sam is there naman to protect you. I’m sure, he’ll do.
DEVON: Kung alam mo lang na pakana ito lahat ni Sam.
TRICIA: Natahimik ka may problema ba?
DEVON: Ha? Wala…
(sakto namang dumating ang kanilang Professor at tumahimik na ang paligid. Nang sumapit ang lunch sabay na sila ni Tricia. Ngayon lang nya nalaman na halos magkaklase sila nito sa lahat ng subjects. Wala pa masyadong tao sa canteen. Nakita nila si Aaron na nakatunganga sa harapan ng laptop nito. Lumapit sila para maki share ng table kasi nag-iisa lang ito doon. Nagtaka sya kung bakit wala si Enrique kaya di nya mapigilang magtanong)
DEVON: Where’s Enrique? Hindi ko sya nakikita sa Campus.
AARON: He’s sick kaya di sya pumasok ngayon. Kaya nga wala din tayong rehearsal, tapos di  rin makakapunta sina Jasmine. Kaya cancel na muna ang rehearsal today. (napansin ni Aaron na bigla na lungkot si Devon)
AARON: Smile ka naman Devz. Wag mong isipin ang nangyari kahapon. Nagdrama lang yong si Jasmine.. You know.. para mapansin dito sa Campus.
DEVON: Alam mo Aaron kahit kalian Devonairs ka talaga. (nagsmile na rin sya)
AARON: Siyempre magkamukha kasi kayo ni Erich.
DEVON: Sinong Erich?
AARON: Loveteam ko dati… Pero hindi ko naging girlfriend ha… Loveteam lang.. (tumawa na ito at nahawa na rin silang dalawa ni Tricia. That’s what  he likes most about Aaron. He knows how to make somebody feel good. Hindi nakakapagtakang marami itong naging girlfriend)
TRICIA: Hay naku Aaron! Magbago ka na at magseryoso sa buhay.
AARON: Naging boyfriend mo lang si Robi nagbago kana.
DEVON: Sinong Robi? Palagi ko naririnig name nya but I haven’t seen him pa talaga.
TRICIA: Pinsan ni Sam at ang!!!
AARON AT TRICIA: Dakilang Shipper!!!! (nagkuros pa ang dalawa)
DEVON: Shipper???!!! (nagtaka naman sya kung bakit tumahimik ang dalawa. At nang lumingon sya nakita nya si Jasmine , galit  na galit ang mukha nito. Nagtinginan sa kanila ang iba pang estudyante at as usual nakiusyoso na naman ang mga ito. Hindi nya alam kung magsasalita ba sya. Biglang nagsalita si Aaron)
AARON: Oh Jas!!! May kailangan ka?
(hindi ito sumagot kay Aaron at hinarap sya)
JASMINE: We need to talk! (pagtataray nito)
DEVON: Sabihin mo nalang kung ano man ang gusto mo. (tumayo sya at hinarap ito)
JASMINE: Well, I just came here for this!!! (kinuha nito ang baso ng juice na nasa table nila at ibinuhos sa kanyang mukha. Nashocked naman lahat ng tao sa canteen. Hindi makapagsalita si Devon at dali-daling tumayo sina Aaron at Tricia. Sakto naman lalapit na si Aaron kay Devon ng dumating si Sam)
SAM: Jas! Why did you do this??!!! (tila nagpigil ito sa sarili at nakita naman ni Jasmine ang expression ni Sam kaya nagdrama sya)
JASMINE: Sya na man ang nauna ehh… Sabi nya layuan na daw kita kasi kayo na at kahit ano pa daw ang gagawin ko, sya pa rin ang fiancée mo.
(hindi matiis ni Devon ang kasinungalin ni Jasmine kaya tumakbo nalang sya palabas ng canteen. Hinabol naman sya nina Aaron at Tricia. Wala na syang pakialam kung ano sasabihin ng ibang tao na naiwan doon. Nang maabotan sya nina Aaron. Hindi na nya napigilan ang kanyang sarili, tumulo na ang kanyang luha at napaiyak sya. Niyakap naman sya ni Aaron as assurance na pwede nya itong maiyakan. Tinanong sya nito kung gusto ba nyang umuwi, pero nagbigay sya ng NO sign dito. Kaya kinausap nito si Tricia, pupunta nalang sila sa bahay nito para narin makapagpalit sya ng damit. Matapos magpalit ng damit at malinis ni Devon ang sarili lumabas na sya. Nakita nya si Aaron na naghihintay sa may living room nina Tricia. Agad syang nakita nito at nagsalita)
AARON: Ok ka na? Kakausapin ko Sam at sasabihin ko kung ano talaga ang nangyari.
DEVON: Huwag na Aaron. Salamat sa pag-aalala mo. This is between me and Sam, ayaw ko pati friendship nyo ay madamay.
(naintindihan naman ni Aaron ang ibig sabihin nito kaya di na sya kumontra pa)
DEVON: Pwede bang dumito ka muna kina Tris para naman may kausap kami at di kami ma bored.
AARON: Gagawin mo naman akong taga aliw, nagmumukha na akong clown nito.
(tumawa nalang sya sa hirit ni Aaron at tsaka naman ang pagdating ni Tricia galing kitchen may dala  itong cookies at juice)
TRICIA: Snacks tayo guys!!! Movie marathon tayo dito!!!
AARON: Buti pa nga! Hindi ko nainom ang juice ko kanina dahil sa ginawa ni Jasmine. Sisingilin ko yun pag nakita ko.
(tumawa nalang sila ni Tricia sa sinabi nito. Ang panonood nila ng isang movie ay nasundan pa ng marami hanggang di nila namalayan ang oras. Mag aalas dose na ng gabi. Sinabi nya kay Aaron na ihatid nalang sya pauwi.)

Can't help falling inlove with you (Chapter 9)


CHAPTER 9

THE ANNOUNCEMENT

(Kahit hindi nakatulog nang mahimbing si Devon sa kaiiyak, nakagising pa rin sya nang maaga. Pero late na para magluto nang breakfast, naligo nalang sya, nagbihis at pumunta sa dining room  para mag coffee para naman hindi sya antukin sa klase. Pero papunta palang sya doon ay nakasalubong nya si Sam, papunta din doon ang lalaki. Hindi nalang sila nag imikan, nang sabay silang makarating sa dining room, nakita nya ang Mommy ni Sam naghahanda nang pagkain. Nakakahiya ito pa ang nagluto, sya dapat gumagawa nito. Nang makita sila nito ay nag greet ito sa kanila, gayundin din naman ang kanilang ginawa. Umupo na sila sa mesa, at gaya nang dati magkatabi naman talaga sila everytime they have breakfast. Tahimik lang silang dalawa. Napukaw ang attensyon nya nang magsalita ang Mommy ni Sam)
MRS. CONCEPCION: Devon, umiyak ka ba kagabi? Namamaga yang mata mo?
(hindi nya alam ang sasabihin, sinasabi na nga ba…mahahalata na umiyak sya kagabi)
MRS. CONCEPCION: Siguro na mimiss mo na ang Mama mo. ‘Wag masyado malungkot I’m here. Ok?
DEVON: Thanks po. (naguilty pa tuloy sya kasi hindi man lang nya kinontra ang sinabi nito. Akala talaga ni Mrs. Concepcion kaya namamaga ang mata nya dahil sa Mama nya kung alam lang nito na ang dahilan sa kanyang pag-iyak ay ang mabait na anak nitong si Samuel. Nashocked naman sya nang magsalita ulit si Mrs. Concepcion)
MRS. CONCEPCION: Ohh! Sam!! Anong nangyari sa kamay mo bakit nka plaster? May nakaaway ka?
(tiningnan ni Devon ang kamay ni Sam, wla naman syang nakitang plaster sa kamay nito nang magkasagutan sila kagabi)
SAM: Wala ito Mom. Naipit lang sa pinto kagabi (palusot nya. Alangan namang sabihin nya na sinuntok nya ang pinto nang dahil kay Devon)
MRS. CONCEPCION: Anyway, kaya ako sumabay magbreakfast sa inyo ngayon kasi I have an announcement to make.
SAM’S POV: Ito na ang hinihintay ko sa wakas!! Umurong na siguro ang babaeng ito sa kagustuhan ni Mommy.
MRS. CONCEPCION: I’ll be leaving for the States this afternoon.
SAM AND DEVON: What??? (sabay nilang sabi, medyo disappointed si Sam hindi ito ang gusto nyang marinig mula sa Mommy nya)
MRS. CONCEPCION: You heard me right. I’ll be staying there for a month Sam. I missed your Dad so badly. And I have nothing to worry na naman. Devon used to be staying na dito, dba Devz?
DEVON: Ha? Opo.. (paano na ngayong mawawala ang Mom ni Sam? Magiging impyerno guro ang buhay nya dito. Nang sulyapan nya si Sam, nakita nyang nagsmile ito.
DEVON’S POV: Aba ang gago!! Ano kaya ang pinaplano?
SAM’S POV: Hindi na rin masama. Kung sa ganun, wla si Mommy para ipagtanggol sya. Kapag  nainis sya sa akin nang husto. Pak!!! Magbaback-out na sya. Ang talino ko tlaga.
MRS. CONCEPCION: Kaya Sam, kw na bahala kay Devon. Pag may kailangan sya, just give it to her. Iha don’t hesitate to tell Sam if you need something. Ok?
DEVON: Opo.
MRS. CONCEPCION: I’ll be leaving this afternoon kaya kayo na bahala dito sa bahay lalo ka na sa Sam? Did you get me?
SAM: Yes, Mom.

(pagkatapos kumain, sabay na silang pumuntang school. Tulad nang dati, they didn’t talk hanggang makarating sila sa Campus. Mabilis tumakbo ang oras hanggang rehearsal na naman. Mabuti nalang makikita na nya sina Aaron at Enrique, mawawalan ang bigat na nararamdaman nya especially with Aaron dami kasi nitong jokes. Pagkapasok pa lang sa studio mukha na nito ang natanaw nya. Dali-dali naman itong lumapit sa kanya, nakita rin nyang napatingin bigla si Sam pagdating nya pero umiwas nalang sya nang tingin dito)
AARON: Devz!! I miss you…
DEVON: Wee,,,di ngah?? Parang kahapon pa tayo nagkita.
AARON:Totoo!! I miss the way you groove! Astig ka talaga. Para kang one of the boys kung humataw. Hot mo sa dance floor.
DEVON: Kaw talaga!!! Mambobola!! (nagtawanan silang dalawa ni Aaron, hindi naman ito nakaligtas sa pandinig ni Sam at nasira na naman ang mood nya nang makitang Masaya si Devon with Aaron)
SAM’S POV: Tingnan natin mamaya if magiging Masaya ka pa!!
(sinulyapan naman ni Devon si Sam at hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pag smile nito)
DEVON: Ano naman kayang pinaplano nya? Bahala ka na nga dyan Samuel. Hanggang kaya kung magtiis, gagawin ko nalang. Hahay!!! Devon Mae nagpapakamartyr ka na naman.
(nagstart na silang magpractice, pagkatapos ay uwian na. Umandar na naman ang pagiging pilyo nitong si Sam at may ginawa syang ikinagulat talaga ni Devon)
SAM: Guys, before you all leave. I have a very important thing to announce!
(napukaw ang attensyon nang lahat sa sinabi ni Sam, sya din naman ay na curios kung ano ang sasabihin nito. Nagulat siya nang bigla sya nitong hilahin at dinala sa harap nang troupe)
SAM: Devon here is my fiancée!!!
(Oh my God! Hindi nya iniexpect na sasabihin ni Sam yun sa harap ng troupe. For sure, kakalat sa buong University ang tungkol sa kanila. Naisip nya si Jasmine. She saw her, nagwalk-out ito at hinabol ni Yen. Para namang wlang pakialam itong Samuel sa girlfriend nya. Medyo natahimik ang paligid at di nya alam kung ano ang gagawin. Hanggang narinig nalang nya na sinasabi nila na “CONGRATULATIONS!” sobrang shocked talaga sya. Hanggang makarating sila nang bahay hindi na sya nagsasalita but ang Sam ay parang nag-eenjoy sa ginawa nito kanina. Napansin nya na panay lang ang ngisi nito, parang sya na ang nka hot seat ngayon. Iniisip palang nya ang mangyayari bukas sa school ay ayaw na nyang pumasok. Siguradong maraming kilay ang tataas pag nalaman na sya ay fiancée ni Sam. Bago pa sya nakapasok sa kanyang kwarto, lumapit ito sa kanya, hinawakan ang kanyang baba at sinabing)
SAM: You want me to be your fiancé? Then I’ll play your game and I’m quite sure. You’ll enjoy it.
(yun lang ang sinabi nito at tuluyan na itong umalis at pumasok na rin sa sariing kwarto. Hindi nya alam kung ano na naman ang pinaplano nito. Ngayon nya naisip na mahirap din pala kalabanin ang isang Samuel Concepcion. Matalino ito at maraming ginagawang strategy mapaurong lang sya sa kasal)
DEVON’S POV: Let’s see kung sino mananalo sa game na ito.

(habang si Sam ay iniisip kung tama ba ang ginawa nyang sabihin na fiancée nya si Devon. Nainis lang naman sya sa kaswitan nito kanina at ni Enrique. Para hindi na ito makipagharutan sa iba, naisip nya ang ganung paraan. Hindi nya man lang inisip si Jasmine. Bahala na, magpapaliwanag nalang sya pag malamig na ang ulo nang babae. Alam nyang galit na galit pa rin yun sa nangyari. Mukhang magandang strategy naman ang naisip nya kasi mukhang bothered si Devon kung ano ang gagawin. Masayang-masaya si Sam sa bago nyang plan kay Devon.
SAM’S POV: This is going to be more exciting!!!

Can't help falling inlove with you (Chapter 8)


CHAPTER 8

(habang nang hinatid ni Sam si Jasmine pauwi, lumilipad pa rin ang isip nya sa sinabi ni Aaron. Di rin sya mapakali sa kaiisip kung bakit pupunta sina Devon at Enrique sa shopping mall. Iniisip nya na baka may bibilhing mahalagang gamit ang dalawa or may date ang mga ito. Bakit pag naiisip nya na malapit si Devon sa dalawa nyang friends di nya maiwasang mainggit)
SAM’S POV: Tinatanong mo pa? Ehh palagi mo naman syang sinasaktan??!! Kaya huwag kang magreact kung nakikita mo syang Masaya sa company nina Aaron at Enrique.
JASMINE: Ano ba ang iniisip mo? Kanina pa ako nagkukwento dito pero para ka namang nasa ibang dimension.
SAM: Pasensya na… Iniisip ko lang yung darating na exam (palusot nya kay Jasmine. Kailan ba sya nagworry sa test. Nalimutan yata nya na top achiever sya sa University)
JASMINE: Alam mo kampante na ako na hindi ka maagaw nang Devon na yun sa akin. Kahit pa nararamdaman ko na madali syang naging close sa troupe.
SAM: What do you mean? (naman!!! Hindi nya magets si Jasmine)
JASMINE: Kanina sa rehearsal natin I can see how Enrique cares for her. Feel ko nga he cares for her more than he did to Coleen before.
SAM: Ganun ba? (bakit parang affected naman sya sa narinig mula kay Jasmine. Totoo naman ang sinasabi nito, lately napapansin nya na palagi magkasama ang dalawa at everytime they saw them he can see how Devon  smiled at Enrique. Nanahimik nalang sya at nasira na ang kanyang mood.)

(Samantalang nag-enjoy naman si Devon kasama si Enrique. Naisip nya na likas na mabait talaga itong si Enrique. Nagpasama ito sa kanya sa mall para ibili nang birthday gift ang younger sister nito. Matapos makabili nang damit nag dinner muna    sila tapos napagpasyahan nya na magkwentuhan muna sila. She can’t help but ask him about Coleen. Akala nya masisira na naman ang mood nito but to her surprise. He opened up the whole story)
ENRIQUE: I met her  sa University.  I did like her the first time I saw her. But at that time may boyfriend na pala sya. Kaya I just kept my feelings for her but when I heard that she broke up with her boyfriend. I took the chance to express my feelings at di naman ako nahirapan, she accepted me. I thought everything is perfect but like any other love stories, may mga problema tlaga na dumarating.
DEVON: Anong nangyari? (Naging curios talaga sya sa lovestory nang dalawa.)
ENRIQUE: Sam once told me that he saw Coleen with her ex-boyfriend and  they looked like romantically involved again. Ayaw ko maniwala sa sinabi nya but I know Sam, hindi sya marunong magsinungaling.
DEVON’S POV: Ganun? Dami kaya nyang kasinungalin… Teka? Kalian ba sya nagsinungaling sya? Ahhh!!! Parang hindi naman. (nakinig nalang sya kay Enrique)
ENRIQUE: I started to doubt about Coleen’s whereabouts. Everytime I asked her out, dami nyang alibis. Hanggang one time, I dropped in her house. When I went inside I saw her kissing with her ex-boyfriend.
(hindi nya lubos maisip na magagawa yun ni Coleen kay Enrique, she looks so pure and innocent. Looks can be deceiving talaga..)
ENRIQUE: I confronted them, yun na nga! The guy told me that they are seeing each other again at ginawa lang akong rebound relationship ni Coleen. I was totally hurt Devz kaya everytime I saw her hindi maiiwasan na masira ang mood ko.
DEVON: Thanks for sharing your story with me Enrique. Don’t worry makahahanap ka rin nang tamang girl for you.
ENRIQUE: Tama ka.
(marami pa silang bagay na napag-usapan, sobrang enjoy syang kasama si Enrique hanggang di nila namalayan ang oras. Hinatid sya pauwi nito mga 11:00 pm. Inalok nya si Enrique na pumasok muna sa loob pero tumanggi na ito kasi medyo late na daw. Habang papasok sya sa loob nang bahay, madilim na at napasigaw talaga sya nang marinig ang boses ni Sam. Akala nya minunulto na sya)
DEVON: Dyos ko po!!! Bakit ba nanggugulat kah??!!
SAM: Bakit ngayon ka lang??!! (kahit madilim na kita nyang seryoso ang mukha ni Sam)
DEVON: Pakialam mo!!! (tatalikod na sana sya nang hablutin sya ni Sam at iharap dito)
SAM: Kinakausap pa kita. Pinakaayaw ko sa lahat ay yung binabastos ako!! (mahina pero mariin nitong pagkakasabi. Medyo natakot na rin sya nang kaunti kasi seryoso talaga ang Samuel at parang nakakamatay ang mga titig nito)
DEVON: Ano ba ang problema mo??
SAM: Stay away from Enrique!!! (seryoso parin ito)
DEVON: What and why should I do that?
SAM: ‘Cause you’re hurting Coleen. How could you do that to your friend?
DEVON: I’m not doing anything!! And you know Coleen cheated him. How could you defend the woman who hurt your friend???
 (narealized ni Sam na tama si Devon. Coleen cheated Enrique and he knew how hurt he was. Pati pala dahilan nang break up alam na nang babaeng ito.  Kaya lalo naman syang nagalit sa nalaman na ito at si Enrique ay nagiging close na tlaga. Marahil tama si Jasmine, na Enrique cares for this girl that much tapos si Aaron din ay gusto ito. Kaya dinagdagan lang nang babaeng ito ang galit nya. Mariin nyang hinawakan ang braso nito.)
DEVON: Let me go! Nasasaktan na ako. (mangiyak-ngiyak na sya kasi naman mahigpit talaga ang pagkakahawak ni Sam sa kanya pero ang hindi nya matanggap ang sunod na sinabi nito)
SAM: Stop flirting! Will you??!!
 (parang bombang sumabog ang galit nya at nasampal nya ito tapos ayun naging drama queen na naman sya at tumulo na naman ang luha nya sa harapan nito. Nabigla man si Sam sa pagsampal ni Devon sa kanya para namang piniga ang puso nya nang makita nya itong umiiyak )
SAM’S POV: Ayan!! Sobrang sakit mo kasing magsalita.Tingnan mo tuloy ang ginawa mo.
DEVON: I hate you Sam!!! I really hate you!!! (yun lang at tumakbo na ito papunta sa kanyang room, gusto nya itong habulin at bawiin ang sinabi nya kanina pero nanaig pa rin ang pride nya. Siguro pagkatapos nito magbaback-out na yun sa plan ng Mom nya. Pumunta na rin si Sam sa kanyang kwarto pero hindi sya makatulog.
SAM’S POV: Guilty plus konsinsya Sam!! Kinakawawa mo kasi sya. Sobra-sobra na ang pinagsasabi mo sa kanya. Baka tuluyan na talaga yung magalit sayo.!! Ikaw din!! Mapupunta na sya sa iba. Pero yun naman ang gusto mo dba? kaya ok lang.
(hindi nya matiis ang nararamdaman kaya naman nasuntok nya ang pinto ng kanyang kwarto.)
SAM’S POV: Ano bang nangyayari sa akin??!!!