Martes, Hulyo 12, 2011

LOVE POTION (Chapter 11)

CHAPTER 11

(Nakaalis na si Ivan at sumama si Samantha dito dahil may mahalagang bagay daw na pag-uusapan ang dalawa. Hindi pa rin makahuma si Devon matapos malaman na si Samantha ang nakainum ng potion)
KYRA: Paano na yan? Ano ang gagawin natin?
DEVON: Hindi ko alam Kyra, ayaw kong isipin na ang bakletang yun ang maiinlove sa akin… I hate that gay!
KYRA: Oh my God Devz! Baka maging lalaki yung bakla at mainlove sayo or bakla pa din sya at mainlove sayo! Malaking gulo ito!
DEVON: Kasalan mo ang lahat! Di mo kasi siniguro na si Ivan ang makakainum noon!
KYRA: Malay ko bang hindi pala sya mahilig sa apples.. Ikaw kaya nagtimpla ng juice, besides mas kilala mo si Ivan kesa sa akin…
DEVON: Hey! Nalimutan mo siguro sino ang kausap mo?!
KYRA: Sige na po tatahimik na….
DEVON: Shit!!!! Letseng buhay ito!!!! Kapag minamalas ka nga naman!
KYRA: Wala na bang potion? Kung meron pa pwede pa natin ipainum kay Ivan
DEVON: Wala na… tsaka sabi ng Lola mo dapat sa isang tao lang yun ipainum kung ayaw kong magkamalas-malas ang buhay ko.
KYRA: At mukhang minalas ka na nga…
DEVON: Anong sinabi mo?!
KYRA: Ah wala! Hintayin nalang natin ang epekto nun kay Samantha…
DEVON: Parang gusto kong tumigil ang oras at hindi dumating ang one week.
KYRA: Ano ka ba Devz? Ok lang yun ano?! Kung iisipin mo ang gwapo kaya ni Samantha pag naging lalaki sya.
DEVON: Never kong pinangarap na mainlove sa kanya! Bakla na nga at!!!!
(hindi nya maipagpatuloy ang sasabihin)
KYRA: At ano?!
DEVON: He reminds me of somebody….(napatigil si Kyra sandali)
KYRA: Somebody ?? You mean your ex-bf? Eh sa pagkakaalam ko never kapang nagkakaboyfriend diba?
DEVON: Not my boyfriend… I never had any boyfriend… You know that…
KYRA: Who’s that somebody?
DEVON: Somebody I used to hate but secretly love.
KYRA: Lalim naman…di ko ma gets eh…
DEVON: But that was long time ago, maybe I was just 11 then… anyways, may similarities lang kasi sila ni Samantha…kaya ganun yung nararamdaman ko sa bakla.
KYRA: So you mean? You hate Samantha but you secretly like him? Her?
DEVON: Gaga! What I mean is there’s something with them na similar but I couldn’t distinguish kung ano…
KYRA: Hahay Devon..ako na itong naiintriga…basta let’s wait and see after a week kung ano ang mangyayari kay Samantha….Excited much na aketch!
DEVON: Tumigil ka nga! Pati ikaw nahahawa na sa pagiging bakla nya!

(Iniwan na nya si Kyra at pumasok sa kanyang kwarto, litung-lito sya at di mapakali kung ano ang kahihinatnan sa pag-inum ni Samantha sa potion. She hates the gay because he reminded her of somebody. He reminded her of Renz. Sino nga ba si Renz sa buhay nya?)

FLASHBACK!!!!!! (muna tayo)

(Nasa sixth grade na noon si Devon, wala talaga syang close friends dahil sa pagiging brat nya at maldita. She was born with a silver spoon kaya naman ganun ang ugali nya. Perhaps lahat ng nakilala ay hindi nya naging tunay na kaibigan kasi ginagamit lang sya nito dahil nga maykaya ang family nila. Kaya inisip nya na di bale na lang walang close friends kesa ginagamit sya. One day, may isang kaklaseng babae ang nagtanong sa kanya kung may gusto ba sya sa school nila)
CLASMET: Sino gusto mo sa school?
DEVON: Gusto? I don’t find any attractive boys in here!
CLASMET: Dami kayang cute boys dito at daming may gusto sayo! Kaya sige pili na…sino ang gusto mo?
DEVON: I don’t like anybody…I haven’t found my ideal boy in this school.
CLASMET: Bakit ano ba ideal boy mo?
(nag-isip sya kung ano ang ideal boy nya)
DEVON: Well, I Iike smart boy… yun bang nag-eexcel academically…
CLASMET: Like Renz?
DEVON: Who’s Renz?
CLASMET: Oh my God?! Di mo sya kilala?! Siya lang naman yung transferee student last week and got 1 mistake sa entrance test. Maraming teachers nga ang humanga sa kanya.
(agad syang napabilib sa narinig. Nag-aaral si Devon sa isang exclusive school, sa pagkakaalam nya hindi tumatanggap ang school nila ng transferee pwera nalang kung pumasa ito sa entrance test nila na napakahirap talaga. Dahil curious sya about Renz ay pinakiusapan nya ang kaklase na ituro sa kanya kung sino ito. Grade 6-F si Devon hindi dahil mahina ang kukote nya kung hind dahil tamad talaga syang mag-aral kaya bumagsak sya sa last section samantalang ang sinasabi ng kaklase na Renz ay nasa Grade 6-A at balita na ito ang nag-eexcel sa section, tinalo nito ng walang kahirap-hirap ang top student ng Section A. Nasa canteen sila kasama ang clasmet nya, nakaupo sila sa isang table at)
CLASMET: That’s Renz! (tiningnan nya ang itinuro nito, she saw a skinny boy with big eye glasses)
DEVON: Ang payatot naman nya! kaya pala 1 mistake lang sa test, tingnan mo naman parang si Einstein sa suot na eye glasses.
(lumapit si Renz sa kanila at nakishare ng table. Nagpakilala ang clasmet nya dito at ipinakilala sya kay Renz, she doesn’t like weird boy. Weird talaga ito sa paningin nya, habang kumakain ay nagbabasa ng libro kaya naman bad trip sya dito. Pero para naman di sya nag-eexist sa paningin nito kung ibang boys pa siguro kaharap nya malamang nagpacute na pero ang genius na si Renz ay keribels lang at deadma ang beauty nya. Matapos ang canteen encounter nila ni Renz ay di na sila muling nagkasalubong or nagkaharap nito. She always sees him in the library facing lots of books. Mabilis lumipas ang buwan at Christmas party na nila sa school, nagulat nalang sya ng may isang kaklase ang nag-abot sa kanya ng Christmas card. Nang basahin nya ito ay nagulat sya,it came from Renz. The message was just a simple greeting ngunit kinilig sya. She expected him to talk to her ngunit natapos na ang Christmas at New Year ay di ito nagparamdam hanggang sumapit ang Valentines Day at nakareceived ulit sya ng Valentines’ card buhat dito and a simple greeting na nagpakilig ulit sa kanya ngunit he never did confirm his feelings for her. Kaya inis sya dito at palaging nakakapagbitiw ng masamang salita against him. One day, she was talking to some classmates malapit sa inuupuang bench ni Renz)
DEVON: I hate those boys na hindi marunong manligaw! Yun bang hanggang letters at cards lang ang kayang ibigay sayo! Ano tingin nila sa akin mailbox?!
CLASMET 1: Baka naman torpe lang..tsaka ang babata pa natin..we’re just 11.
DEVON: Torpe?! Or bakla lang?! I hate gays! (sinadya nyang lakasan ang boses para marinig sya ni Renz dahil alam nyang nakikinig ito sa usapan nila.)
(Pagkatapos ng isang buwan ay graduation na nila, she heard Renz was supposed to be the class valedictorian ngunit malabo itong mangyari dahil transferee student ito, he just became the Salutatorian. She was surprised that Renz didn’t attend the graduation ceremony, balita nya may family problem ito kaya di naka attend ng graduation. Matapos noon, wala na syang nabalitaan about Renz)
DEVON: Asan ka na ba ngayon?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento