CHAPTER 7
(Sunday around 6 pm ay nagbihis na si Devon, wla syang nagawa kundi sumama kay Pierro…Pinakaayaw nya ang magkaroon ng utang na loob. Exactly 7 pm naman ay dumating si Pierro pero paglabas pa lang nila sa gate ay tsaka naman ang pagdating ni Ivan. Lumabas sya ng kotse at lumabas din si Ivan)
IVAN: Where are you going? (nakita nyang medyo irita si Ivan bago pa sya makasagot ay nakalabas na si Pierro at ito ang sumagot)
PIERRO: She’s going with me on a date…(hindi nagsalita si Ivan at tumingin sa kanya)
DEVON: I’ll be back early.
IVAN: You can have fun with him…
DEVON: Bakit ka pala napunta dito?
IVAN: May lakad kasi kami ni Samantha (sumama ang loob ni Devon, si Samantha lang pala ang ipinunta ni Ivan at hindi sya, mabuti na ring sumama sya kay Pierro)
PIERRO: Paano ba yan? Alis na kami
(tumango lang si Ivan, pumasok sila sa loob ng sasakyan ni Pierro at umalis na din sila. Habang nasa daan ang nasa isip nya ay kay Ivan pa rin)
PIERRO: Nakita mo na? wala talaga syang pakialam sayo.
DEVON: Bakit mo ba sinisiraan si Ivan sa akin?!
PIERRO: Hindi ko sya sinisiraan Devon…face the fact, he would never fall for you.
DEVON: How dare you talking to me like that?! (nainis sya kay Pierro) Stop the car!
PIERRO: Sorry but I won’t…you owe me a date kaya let’s enjoy the night kesa magbangayan tayo…
DEVON: Huh…
PIERRO: I like you kaya gagawin ko lahat mapaibig lang kita!
DEVON: What?!
PIERRO: You heard me right….
(Hindi na nya sinagot si Pierro at baka masira lang ng husto ang mood nya. She convinced herself na huwag magpaapekto at mag-enjoy nalang with Pierro. She was amazed ng dalhin sya nito sa isang cozy and classy Japanese restaurant. Kahit pa mahangin si Pierro ay naimpressed pa din sya sa ginawa nito.)
DEVON’S POV: Not bad Devon…just enjoy the night…
(Samantalang sa bahay naman ni Devon nag-uusap sina Samantha at Ivan)
IVAN: What??! Hinalikan mo si Devon?! (napatawa si Ivan sa sinabi ni Samantha)
SAMANTHA: I hate that look Ivan!
IVAN: Di lang ako makapaniwala…ano bumigay ka na ba?
SAMANTHA: Shut up! Tuturuan ko ng leksyon ang malditang yun!
IVAN: And what are you planning to do?
SAMANTHA: Basta makikita nya…
IVAN: Basta huwag mo lang sasaktan si Devon kung hindi ako ang makakalaban mo…(tumaas ang kilay ni Samantha sa narinig)
SAMANTHA: Do you like Devon (seryoso nyang tanong kay Ivan na agad naman nakuha nito kung anong ibig nyang sabihin)
IVAN: Ano ka ba? She’s just a sister to me..to be exact.. para ko na syang nakakabatang kapatid….
SAMANTHA: Sana nga lang Ivan…dahil kapag umibig ka kay Devon alam mo na kung ano ang mangyayari…
IVAN: Hindi ko naman nakakalimutan yun….
SAMANTHA: That’s good….
IVAN: And you know…the reason why I won’t allow myself to fall for Devon….
SAMANTHA: Siya na naman ba? move on…matagal nang tapos ang lahat…
IVAN: Napapanaginipan ko pa rin sya…kasalan ko ang lahat.
SAMANTHA: Don’t blame yourself..walang dapat sisihin sa nangyari..
IVAN: Ewan Sam….
(tumayo na si Ivan at umalis na wala man lang paalam kay Samantha. Naintindihan naman nya ito, di naman kasi biro ang pinagdaanan ni Ivan na humantong sa paglayo nito sa States at magpunta ng Pinas para kalimutan ang malagim na trahedya. One of the reasons na bumalik sa Pinas si Samantha ay para malaman kung naka move on na ba ang matalik na kaibigan at malaking dahilan ay para tuparin ang mission na sa matagal na panahon na rin nabuo nya at naplano)
(Nag-inuman sina Devon at Pierro at ng parang lasing na sya ay sinabihan na nya ito na ihatid sya pauwi ng bahay. Agad namang pumayag si Pierro, nang makarating sila sa bahay ay as usual gentleman ito at pinagbuksan sya ng pinto. Dahil tipsy ay nabuwal sya at bigla namang naalalayan ni Pierro at napayakap dito. Bago pa sya makahuma ay nasakop na ni Pierro ang kanyang mga labi, di sya nakagalaw at hinayaan lang nya itong halikan sya at bumitiw naman si Pierro agad)
PIERRO: Damn it Devon! You’re cold! Nakakawalang gana ka naman….
DEVON: Whatever!
(nagtitigan sila ni Pierro ng ilang segundo pagkatapos ay nakita nyang tumalikod na ito at naiwan syang nakatayo. Umupo muna sya sandali sa may pintuan na parang may malalim na iniisip..Makalipas ang ilang minuto pumasok na rin sya sa loob ng bahay. Habang papalapit naman sya sa loob ay nakarinig sya ng ingay, parang may nagsasayawan. Nang makalapit na sya kung saan nagmula ang music ay nakita nyang nagsasayawan sina Kyra at Samantha. Ang gandang tingnan ng dalawa sabay na sabay ang mga galaw. Napansin naman ng dalawa na nanonood sya kaya tumigil ang mga ito)
DEVON: Galing naman! pwedeng sumali?! (nakita nyang nag-iba ang timpla ng mukhan ng bakla)
SAMANTHA: Huwag na! baka masira lang ang sayaw! (nainis agad sya sa pang-iinsulto ng bakla, mukhang nakalimutan nito na sa pagsayaw sya nagsimula)
DEVON: Hoy bakla! Mas magaling pa ako sayong magsayaw!
SAMANTHA: Yabang talaga!
KYRA: Opps! Nag-aaway na naman kayong dalawa! Baka mamaya nyan kayo ang magkatuluyan! Pareho pa naman kayo ng smile!
DEVON: No way! Di ko type ang isang bakla!
SAMANTHA: At ayaw ko naman sa isang brat, maldita at malandi! (nag-init na talaga ng tuluyan ang ulo nya sa sinabi ni Samantha, susugurin na sana nya ito ng pumagitna si Kyra)
KYRA: Relax Devz…easy lang…(nakita nya ang nakalolokang ngiti ni Samantha kaya inirapan nya ito)
SAMANTHA: Matutulog nalang aketch para makapag beauty rest…
(nagflying kiss ito sa kanya sabay kindat na ikinabulangwit tawa ni Kyra at nagwalk-out sya. Pumasok sya ng kwarto at nagpasyang magpahinga. Pabaling-baling sya sa kama at di makatulog, inis sya kay Samantha kaya naman napagpasyahan nyang gumanti dito. Kumuha sya ng drawing pen at paglalaruan nya ang mukha ni Samantha. Napatawa sya sa naiisip, dinala nya ang kanyang camera papunta sa room ni Samantha. Nag tiptoe sya para di marinig. Nang hapitin nya ang seradura ay di ito nakalock kaya madali para sa kanyang pumasok. Dim ang light sa loob ng kwarto, dahan-dahan syang lumapit sa natutulog na si Samantha. Nanlaki ang mata nya sa nakita. Samantha has six packs and perfect abs, di ito nakasuot ng pang-itaas kaya nanigas ang tuhod nya sa nakita at di sya makagalaw . The worst thing was, nagising si Samantha at kitang-kita nya ang pag-iba ng facial expression nito. Bumangon ito at lumapit sa kanya habang nakatitig lang sya dito. Nasa harap na nya si Samantha, bigla nitong hinawakan ang kanyang mukha at parang nakuryente sya sa ginawa nito, pinalandas pa ang daliri sa kanyang labi at)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento