Martes, Hulyo 19, 2011

LOVE POTION (Chapter 28)

CHAPTER 28

SECOND to the LAST DAY of TAPING ay nasurpresa si DEVON sa pagdalaw ni IVAN sa SET. Lumaki tuloy ang bulung-bulungan tungkol sa kanilang dalawa but she didn’t mind although they have to keep their real relationship sa publiko lalo pa ngayong parang sila na ni SAM ang OLT. Natapos nila ang MOVIE within a month. Umuwi na ng bansa ang ibang staff and crew samantalang nagdecide muna sila ni Ivan na magstay ng 3 more days sa CANADA. She was surprised ng sabihin ni Ivan sa kanya na may beach resort ang family nito sa Toronto where they decided to stay. Nang makarating sila sa resort ng family ni Ivan ay agad syang ipinasyal nito. She enjoyed the scenery a lot at nakalimutan nya ang hinanakit na kanyang naramdaman. It was almost midnight ng ihatid sya nito sa kanyang tinutuluyang kwarto. Bago pa man nya tuluyang maisara ang pinto ay bigla syang siniil ng halik ni Ivan. Kahit paano na miss nya ito kaya naman bumigay sya at gumanti. Their kiss became deeper hanggang namalayan nalang nya na naging mapusok na si Ivan. She saw how he closed the door but she didn’t mind. After all, Ivan is her boyfriend kaya nararapat lang na maipadama nya rin dito ang pagmamahal though di na nga katulad ng dati. Nang mga oras na yun, inisip nalang nya na pag may nangyari sa kanila ay baka maibalik nya ang dating nararamdaman dito.)
DEVON’S POV: I deserve him and he deserves me…


(Nagising si Devon sa sinag ng araw buhat sa bintana, she saw Ivan beside her deeply sleeping. She looked at him intently, touched his face and smiled bigla naman itong nagising at ngumiti sa kanya)
IVAN: Why are you staring like that?
DEVON: No..nothing… (hinila sya ni Ivan palapit dito at ikinulong sa dibdib nito.)
IVAN: I had a wonderful night with you… (namula sya sa sinabi ni Ivan at gumanti ng yakap dito) Mamasyal tayo mamaya…
DEVON: I’m tired…di ako masyadong nakatulog…
IVAN: Sorry…masyado yata kitang pinagod kagabi…
DEVON: You don’t have to say sorry…ginusto ko rin naman yun…
IVAN: Thanks Devz…
(niyakap sya ng mahigpit ni Ivan ngunit nagulat nalang sila pareho ng biglang bumukas ang kwarto. She was more surprise when she saw Sam at kitang-kita sa mukha nito ang pagkagulat sa naabutan between her and Ivan. Hindi nya alam ang gagawin, gusto nyang lamunin na sya ng lupa ng mga oras na yun. Namalayan nalang nya ng magsalita si Sam)
SAM: Sorry…I didn’t know….
(hindi na nitong hinintay na may sumagot at umalis na ito sa harapan nila)

(Halos isang oras na buhat ng makita sila ni Sam ay di pa din mapakali si Devon. She decided to go out at tahimik ang paligid. Nagtaka tuloy sya kung saan nagsuot si Ivan. Kunsabay, hindi sya dapat mag-alala at magpaliwanag kay Sam dahil wala naman silang ugnayan nito. Nagkataon lang na wala itong modo at basta-basta na lang pumapasok ng kwarto. Nagulat pa sya ng biglang may magsalita sa kanyang likuran,and she knew it was Sam pero di sya lumingon dito)
SAM: The water is so calm…sana ganun din ako…
DEVON: Stop talking nonsense! Will you?!
SAM: Yeah! I always talk about nonsense kaya naman nakakagawa ako ng mga bagay na nonsense din…
DEVON: Excuse me…(she decided to leave him pero bago pa man sya nakalayo ay niyakap sya nito. She felt like it was a final hug from him)
SAM: Just let me hug you for 5 minutes and after this hindi na kita guguluhin.
(hindi na sya kumontra kay Sam at makalipas nga ang limang minuto ay kumalas na ito)
Thanks Devz… (humalik ito sa kanyang noo at umalis..hindi sya makapagsalita habang tinatanaw ito na papalayo)

(After ng extension nila sa Canada ay bumalik na din sila sa Pinas. Nagulat pa si Devon na sumabay sa kanila ni Ivan si Sam kasama ang sister nito na si Empress. Medyo mahaba ang biyahe kaya medyo nangawit ang leeg nya. She saw naman na Sam is really a caring brother dahil pinasandal nito ang kapatid sa dibdib. When she looked at Ivan beside him ay tulog na ito, di tuloy maiwasan na magkasalubong ang mga mata nila ni Sam ngunit agad itong umiwas ng tingin. Namalayan nalang ni Devon na nakarating na sila sa Manila ng gisingin sya ni Ivan, hinatid na din sya nito pauwi ng bahay…and she’s back to her normal routine. A boring house dahil wala na si Kyra, ang katulong nalang na si Krissy ang naiwan ngunit wala naman itong pakialam sa kanya. She went directly to her room, kahit maraming bumabagabag sa kanyang isipan ay agad din naman syang nakatulog dahil sa sobrang pagod. Nagising nalang sya kinabukasan sa lakas ng boses ng kanyang manager Abby. Agad nitong ipinakita ang larawan nila ni Pierro in Canada at di na sya nagulat)
ABBY: Ano naman ito Devon?! Nagkita kayo ni Pierro dun?!!!
DEVON: Tita Abby…
ABBY: Balak mo bang mangolekta ng boylets ha?!!!
Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sayo?!! At paano kung lumabas din na 3 days kayong magkasama ni Ivan dun…Ang dami mo ng issue! Ang mabuti pa aminin nyo na ni Ivan ang totoo nyong relasyon!!!
DEVON: Relasyon??!!!
ABBY: Kahit hindi mo sinasabi sa akin..alam kung may relasyon na kayo ni Ivan kaya mas mabuti pang umamin na kayo!!!
DEVON: Pero Tita?? Paano ang LT namin ni Sam?!! Alam mo naman na dumadami na ang fans namin at ayaw ko silang basagin…
ABBY: Kung inisip mo sana ang LT nyo ni Sam ay di ka makikipagkita kay Pierro dun at di ka sasama kay Ivan…
DEVON: Aksidente lang naman ang pagkikita namin ni Pierro…
ABBY: Kahit na!!! nagkita pa din kayo at may nakakuha ng photos ng yakapin ka nya!!! Hindi lang LT niyo ni Sam ang masisira nito pati LT niyo ni Ivan…
DEVON: Tita?
ABBY: Baka naman dalawa mong LT ang gusto mong mawala sayo?! Kaya aminin nyo na ni Ivan ang relasyon nyo bago pa lumala ang issue tungkol sa inyo ni Pierro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento