Miyerkules, Marso 28, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 15)

CHAPTER 15

RHUVY: What??!! That bitch was chosen in the stage play?!!
COLEEN: The two of us ang napili para sa lead casts.
RHUVY: This is impossible! How come she was casted?
COLEEN: I think Enrique has something to do with it.
RHUVY: That guy?!!...teka…
(nakita ni Coleen na ngumiti si Rhuvy ng makahulugan)
COLEEN: Ano ang iniisip mo?
RHUVY: That girl must fall for Enrique!
COLEEN: What?!!
RHUVY: Don’t tell me that until now you still have thing for Enrique?!!
COLEEN: Rhuvy??!!
RHUVY: Enrique will be my instrument para maghiwalay ang SamVon!!
(At ngumiti si Rhuvy)

(Meanwhile Devon is with Enrique. He asked her out for a snack. Ayaw sana ni Devon dahil naiilang siya pero she has no choice, hindi naman habambuhay kaya niyang iwasan si Enrique lalo na nasa iisang University sila. Muntikan pa siyang mabilaukan ng magsalita si Enrique)
ENRIQUE: Do you like me??!!
(Hindi alam ni Devon ang isasagot kay Enrique, it took her few seconds bago nakasagot)
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo? (uneasy na siya sa sitwasyon nila)
ENRIQUE: Sam told me that you like me!
(At gusto nang lumubog ni Devon sa sobrang kahihiyan)
DEVON’S POV: Samuel kahit kailan talaga pahamak ka!!!
ENRIQUE: I don’t know kung pinagtritripan lang ako ni Sam or whatsoever…
DEVON: Ha???,,, wag mo nalang pansinin si Sam…alam mo kasi…
ENRIQUE: I know I shouldn’t think about it…but when he told me that, I felt different.
DEVON: Quen??
ENRIQUE: What if gusto din pala kita?!! Sounds funny, right?!!
(Kailangan ng umiwas ni Devon bago pa ano ang masabi niya. She’s scared na baka ipagkanulo siya ng sariling damdamin. Yeah! She likes Enrique, she likes him a lot.)
DEVON: Kailangan ko nang umalis..baka hinahanap na ako ni Sam…
ENRIQUE: I know you’re avoiding the topic Devz. Don’t worry, nothing will change in our friendship. I’m still thinking kung ano ba talaga ang feelings ko para sayo until now.
DEVON: Quen??
ENRIQUE: You can go.. he must have been waiting for you…
(At iniwan nga niya si Enrique. Nang makalayo siya sa lalaki ay nakahinga siya ng maluwag. And now, she wants to confront Sam sa sinabi nito kay Enrique. She decided to go back in the apartment first bago puntahan si Sam sa Wired Bar. Pagdating niya sa apartment ay nakita niya si Kazel na inaayos ang sarili. The woman looks stunning and beautiful kahit naka light make up lang ito. Napansin naman ni Kazel ang pagdating ni Devon kaya agad siyang tumingin sa may pintuan)
KAZEL: Why are you staring at me?!! (mataray nitong tanong)
DEVON: Wala….
KAZEL: I look pretty,right?! (tumango si Devon sa sinabi ni Kazel)
While you look so plain and simple. Hay naku! Ano nga ba ang nagustuhan ni Samuel sayo?!! Ay mali!! Wala pala siyang nagustuhan sayo dahil isang agreement lang ang kasal niyo… (gusto nang sabunutan ni Devon si Kazel sa pinagsasabi nito)
DEVON: Ngayong alam mo na ang totoo, gagawa ka ng paraan para paghiwalayin kami,diba?!
KAZEL: Let’s just say na nagbalik ako for a reason…
DEVON: At yun ay manggulo?!
KAZEL: Whatever you think about it!!
(Aalis na sana si Devon papunta sa kanyang kwarto pero nagsalita ulit si Kazel)
I’m going to Wired Bar tonight baka gusto mong sumama?! (hindi siya nagsalita at tiningnan lang si Kazel at nagpatuloy ito sa pagsasalita) Ikaw din! I heard from Nel pupunta rin daw sina Rhuvy.. Hahayaan mo bang landiin ng bitch na yun ang Samuel mo?!
DEVON: Bakit mo ba ginagawa ito?!
KAZEL: Sabihin nalang natin na hindi ko gusto si Rhuvy for Sam…So are you going with me or what?!!
(Kailangan din naman niya kausapin si Sam para komprontahin ito sa sinabi nito kay Enrique kaya naman nag O.o siya kay Kazel. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya and she saw Kazel in full make up at nakapostura pa talaga. Hindi nakaligtas kay Devon ang pagtaas ng kilay nito)
KAZEL: Are you going with me na ganyan ang ayos mo?! Gossh!! Ayaw kong may kasamang mukhang nanny…
(Pinigilan ni Devon ang sarili sa pag-aasar ni Kazel kaya hindi nalang siya sumagot)
Common! You change!!!
(hinila siya nito at dinala sa kwarto na inuukupahan nito sa apartment ni Sam. Nanlaki ang mata ni Devon ng makita ang closet ni Kazel. She saw lots of beautiful dresses. Kumuha si Kazel ng isang damit sa closet nito at inihagis sa kanya)
Wear that!! Hurry!!!
(Walang nagawa si Devon kundi sundin ang kagustuhan ni Kazel. She felt conscious dahil masyadong hapit ang dress sa kanyang katawan at below the knee pa ang tabas and it’s a bit revealing din)
DEVON: Pwede bang huwag nalang ito ang isuot ko?!
(But Kazel didn’t listen, hinila siya nito at hinarap sa salamin. Maya-maya pa ay pinaupo siya nito and before she could react ay inaaplayan na siya nito ng make-up. Kazel has strong personality kaya naging sunud-sunuran si Devon dito. After 15 minutes ay natapos na rin sila. Devon couldn’t believe what she’s seeing in the mirror. It’s a different her. Narinig nalang niya na nagsalita si Kazel)
KAZEL: Perfect!!! Let’s go!!

(It’s Nel’s birthday at sa Wired Bar ang party. Maraming malalapit nilang mga kaibigan ang dumalo. Of course, mawawala ba naman sa eksena ang magBFF na Rhuvy at Coleen. Pagkarating palang ng mga ito ay agad hinanap ng mga mata ni Rhuvy si Sam. She found him sitting and sipping wine. Mukhang seryoso ang lolo niyo. Agad yumakap na parang sawa si Rhuvy kay Sam na hindi naman sinaway ng huli)
RHUVY: Why so serious here?
SAM: Rhuvy I’m not in the mood.
RHUVY: Alam mo na ba ang balita?
SAM: Anong balita?
RHUVY: Your wife was one of the lead casts in the University play… (Sam felt proud for Devon at napangiti siya pero dinugtungan ni Rhuvy ang sinabi nito) And the mean reason she was chosen was because of Enrique… (nag-init agad ang ulo ni Sam sa narinig) She looks so innocent and pure pero nasa loob lang pala ang kulo! How could she flirt with Enrique? Hindi man lang niya iniisip na may asawa siya.
SAM: Rhuvy please….
RHUVY: Anyway you don’t care naman diba? You don’t love her, I know that…
(hinawakan nito ang mukha ni Sam) and I know na kahit anong mangyari, maraming mang babae na nauugnay sayo…sa akin ka pa rin bandang huli…
(Akmang hahalikan ni Rhuvy si Sam nang may narinig silang tumawag sa pangalan ng huli. Nang lumingon si Sam, he was surprised to see Devon wearing dress and light make-up. Huminto yata ang mundo niya sa nakitang kagandahan ni Devon. Nagbalik ang isip niya ng makita ang namumuong luha sa mga mata ni Devon. Before he could speak ay nakita niya itong tumakbo palabas ng Bar)

Break the Rules or Not? (Chapter 14)

CHAPTER 14

(Muntik ng mapasigaw si Devon sa sobrang gulat ng pagpasok niya sa apartment ay narinig niya ang pagkabasag ng flower vase na itinapon ni Sam. Ginabi siya ng uwi dahil naglibot pa sila ni Kyra para makabili ng damit ang kaibigan and to her surprise ay maabutan niya ang pagtatalo nina Sam at Kazel. Hindi muna siya pumasok at nakinig sa mga ito)
SAM: Bakit mo yun ginawa sa boutique ni Hanah?!!
KAZEL: Nagsumbong ang magaling na si Rhuvy,diba?!
(Ouch for Devon! Dahil concern ang Sam sa ginawa ni Kazel sa magkakaibigang Rhuvy, Hanah at Coleen)
SAM: Itigil mo na ang pakikialam sa buhay ko Kazel dahil wala kang karapatan!
(Nakita ni Devon na it took Kazel few seconds bago nito sinagot si Sam)
KAZEL: Ang pangingialam ko ba talaga sa inyo ni Rhuvy ang ikinagagalit mo? O ang tungkol sa sinabi sayo ni Devon kaninang umaga?!
(Nagulat si Devon sa sinabi ni Kazel at nakita niya na biglang natigilan si Sam)
SAM: Devon is my wife, kung ano man ang narinig mo kanina ay kalimutan mo!
KAZEL: How could I forget it Sam?!! How could I forget that you set some rules in your marriage with her??! You married her because of your Grandpa, diba?!
(Parang napako si Devon sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang gagawin, nakita niyang huminga ng malalim si Sam bago ito sumagot kay Kazel)
SAM: Tama ka! I married her because of Grandpa! I just want to save the University. When I accidentally read his last will, I didn’t have any choice but to get married. I just want to have the University, you know it’s the only thing that reminds me of my Mom.
KAZEL: Sinasabi ko na nga ba may mali sa biglaan mong pagpapakasal!!
SAM: Please Kazel…keep this one!
KAZEL: Ok fine! But don’t throw anything to me dahil galit ka sa akin sa ginawa ko kay Rhuvy!!
SAM: Kazel, will you shut up!!
KAZEL: Galit ka not because of Rhuvy but because of what Devon had told you!!
SAM: It’s none of your business!
KAZEL: Now that I know everything! I have reasons to stay longer…
(At iniwan na siya ni Kazel. Ngayong alam na ni Kazel ang tungkol sa kanila ni Devon, Sam knows na may gagawin ang babae na ikakagulat ng lahat. He knows her, she likes playing games! And he hates being played by her)

(After few minutes ay nakita ni Devon na pumasok na si Sam sa kwarto at pagkalipas ng ilang minuto ay sumunod na siya dito. Pagkapasok sa loob ay nakita niya si Sam na nakahiga sa kama. They shared room simula ng tumira si Kazel sa apartment. Sam sleeps on the floor samantalang sa bed naman siya. Parang balewala lang nito ang pagdating niya dahil nakatitig ito sa ceiling. Umupo siya sa kama at)
DEVON: Anong iniisip mo?
(Nakita niyang bumuntung-hininga si Sam bago sumagot sa kanya)
SAM: I’m thinking kung tama ba ang naging desisyon ko na magpakasal para isave ang University na pinaghirapan itayo ni Mommy.
(Naramdaman ni Devon na seryoso si Sam.)
DEVON: Nagsisisi ka ba na nagpakasal ka sa akin?
(Nagulat naman si Sam sa sinabi ni Devon, hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagsasalita si Devon)
Alam mo sa tuwing naiisip ko ang pagpapakasal natin, wala akong nararamdamang pagsisisi..
SAM: Hindi ka nagsisisi dahil natulungan kita, diba??
DEVON: Tama ka natulungan mo nga ako pero hindi naman yun ang malaking dahilan kung bakit hindi ako nagsisisi…
SAM: Then tell me…
DEVON: Sam…
(Nakita ni Devon na umayos si Sam at bumangon mula sa pagkakahiga at hinawakan ang kanyang mukha)
SAM: What if I’ll tell you na hindi ako nagsisisi na ikaw ang pinili kong pakasalan?
Would you believe me?
DEVON: Sam…please.. let’s not talk about this.
SAM: Do you like him??
(Devon saw pain in Sam’s eyes pero iniisip niya na namamalikmata lang siya)
DEVON: Sino ba ang tinutukoy mo?
SAM: You told me this morning, what if magkagusto ka sa ibang guy, right?
DEVON: Sam kasi…
SAM: If you really like somebody,…hindi kita pipigilan…
(At nakita ni Devon ang sadness and pain sa mga mata ni Sam. Nang mga oras na iyon parang gusto niyang umiyak pero pinigil niya ang sarili. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy naman si Sam sa pagsasalita)
I set some rules na dapat nating sundin diba?
(Hinawakan ni Sam ang kanyang mukha at nagulat pa siya ng bigla siya nitong kabigin at yakapin)
I’m always thankful to you Devz…
(Pinakawalan siya nito at iniwan. Nang makalabas si Sam sa pinto ay hindi niya napigilan ang sarili at napaiyak siya)
DEVON: Ano bang nangyayari sa akin?!...

(Sam went out and the next thing he knew ay nasa condo unit na siya ni Enrique. Nagulat si Enrique pagkakita kay Sam. He gave him a bottle of beer and)
ENRIQUE: Something wrong?
SAM: Do you like Devon?
ENRIQUE: Sam?
SAM: I know, I sound like a jealous husband…
ENRIQUE: Which is tama!
SAM: She likes you…
ENRIQUE: What?!
SAM: Devon likes you. Kahit hindi niya sinasabi, alam kong ikaw ang lalaking tinutukoy niya. The way she smiles when she talks about you.
ENRIQUE: Let’s not talk about this!
SAM: Why? Are you afraid if the….! (hindi na naipagpatuloy ni Sam ang sasabihin dahil binara siya ni Enrique
ENRIQUE: Sam you misunderstood Devon’s feelings.
SAM: I didn’t misunderstand her.
ENRIQUE: Sabihin nalang natin na gusto niya ako. And do you care asking why?
(Hindi nagsalita si Sam at nagpatuloy si Enrique)
Because you’re not showing her the real you.
SAM: Stop it Quen!!!
(Tumayo na siya at lumabas ng pinto bago pa siya tuluyang umalis ay nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: There is a big difference between like and love Sam.
(Napalingon si Sam kay Enrique at nagsalita siya)
SAM: And I hope what you feel for her is just LIKE not LOVE…
(At naiwan si Enrique na naguguluhan)
ENRIQUE: Gusto ko nga lang ba talaga si Devon or mas higit pa?

Break the Rules or Not? (Chapter 13)

CHAPTER 13

DEVON: Sam paano kung magkagusto ako sa iba??
(Muntikan ng mabitiwan ni Sam ang hawak na gitara sa sinabi ni Devon)
SAM: Ano ang ibig mong sabihin?
DEVON: Alam naman natin pareho ang dahilan ng pagpapakasal natin, diba? Tsaka hindi naman ako ganoon kamanhid at ka gaga na hindi ko alam ang pinaggagawa mo.
SAM: Sinabihan ka ni Kazel? Sabi na nga ba at naninira ang babaeng yun!!!
DEVON: Walang sinasabi si Kazel. Alam ko naman na lumalabas ka kasama ang ibat-ibang babae!
SAM: So are you trying to say na huwag akong lumabas kasama ang ibat-ibang babae?!
DEVON: Sam kahit naman sabihin ko sayo na huwag kang lumabas kasama sila wala naman akong magagawa dahil part yun ng rules. Dapat hindi ko pinapakialaman ang personal mong buhay. Naisip ko lang na kung ikaw ay lumalabas kasama ang ibat-ibang babae, possible naman siguro na gawin ko rin iyon, diba?
(Hindi alam ni Sam ang naramdaman pero nakaramdam siya ng pagkainis sa sinabi ni Devon)
SAM: Are you meeting someone in the University? (diretsahan niyang tanong)
DEVON: Hindi ako nakikipagkita kahit kanino sa University kaya lang… parang may feelings ako sa isang guy…hindi ko alam… naguguluhan ako.
(At mas lalong nagngitngit ang kalooban ni Sam sa narinig. Tumayo siya at walang sabi na iniwan si Devon. Lumabas siya ng pinto pero laking gulat niya na nandoon pala si Kazel at nakikinig sa usapan nila ni Devon)
KAZEL: Opps! I never intend to eavesdrop!
(Pero alam niyang nakiusyoso ito. Sa halip na pansinin si Kazel ay diri-diritsu siyang lumabas ng apartment.)

(Nakatanggap naman ng tawag si Devon buhat kay Kyra. Nagpapasama ang kanyang bestfriend sa isang boutique. May bibilhin daw itong damit. Nagkita sila bandang alas 5 ng hapon at)
DEVON: At kailan ka pa nahilig magsuot ng damit?
KYRA: Niyaya kasi ako ni Jaco na mag dinner bukas kaya heto…
DEVON: Teka..teka… nanliligaw ba yun sayo?
KYRA: Ewan ko…wala namang sinasabi.
DEVON: Hay naku Ky! mag-ingat ka doon! Alam ko kung gaano katinik sa mga babae ang mga kaibigan ni Samuel!
KYRA: Don’t worry my bff! Teka ano ba?! Bagay ba itong purple sa akin?! Duh! Mukhang magiging bula ako nito ehh!
DEVON: Bula ka diyan!!
KYRA: Ehh sa totoo naman na lakas sumuporta ng mga bula sa SamVon hah… Kaya ikaw make sure na hindi maging awkward si Sam sa LT niyo.. malakas pa naman yung kalaban!
DEVON: Ikaw talaga Ky! Love naman namin pareho ni Sam ang mga bula ehh.
KYRA: So ano na? Kukunin ko na itong purple dress?!
(Pero biglang may umagaw sa pagkakahawak ni Kyra sa purple dress. Nagulat naman si Devon pagkakita sa magbff na Rhuvy at Coleen)
RHUVY: I think this dress looks good on me, Coleen!
COLEEN: Tama ka fren!
KYRA: Teka! Ako ang nakauna sa dress na ito!
RHUVY: Sorry but gusto ko rin ito!
KYRA: Ibalik mo yan sa akin!!
(Pilit na inaagaw ni Kyra ang damit buhat kay Rhuvy)
DEVON: Ibigay mo nga yan kay Kyra!! Siya ang nakauna diyan! Kung hindi magsusumbong ako sa may-ari nitong boutique!
KYRA: Then subukan mong magsumbong!!
(Yun nga ang ginawa ni Devon, tinawag niya ang saleslady. Maya-maya pa ay tinawag nito ang may-ari ng boutique. Pero laking gulat niya kung sino ang nakita. Ang may-ari ng boutique ay walang iba kundi ang babaeng ipinalit sa kanya ni Patrick, si Hanah)
HANAH: What’s going on?!
RHUVY: Well look who’s complaining? my ex bf’s wife!!
(Narealized ni Devon na magkaibigan ang mga ito)
HANAH: Your ex bf’s wife who happens to be my bf’s ex-gf too!
(sarkastiko nitong sabi)
RHUVY: So ano nga ulit ang inirereklamo mo?! Na kayo ang naka-una sa damit na ito?! Alam niyo ba kung magkano ito?! I bet, one month salary sa coffee shop ay di sapat para dito!!
KYRA: Aba! At sumusobra ka na talaga!
(akmang susugurin na ito ni Kyra pero pinigilan niya ang kaibigan)
DEVON: Ky! huwag!
(at lumapit si Rhuvy sa kanya)
RHUVY: Ano nga ba ang nagustuhan ni Sam sa yo at pinakasalan ka niya?! Look at yourself! Look at your skin color! You’re not tisay! Hindi ka mayaman! Hindi ka rin natapos sa pag-aaral at bukod sa lahat walang-wala ka sa mga naging babae niya!
(Gusto nang maiyak ni Devon sa pinagsasabi ni Rhuvy ngunit pinigil niya ang sarili. Magsasalita pa sana si Rhuvy ngunit nagulat si Devon nang may magsalita sa kanyang likuran at nakita niya si Kazel)
KAZEL: Same old Rhuvy..di ka pa rin nagbabago!
(Napansin ni Devon na parang nagulat si Rhuvy pagkakita kay Kazel)
RHUVY: Kazel??!
KAZEL: It’s me! Mukhang nagulat ka yata?!
RHUVY: I didn’t expect to see you..here…
KAZEL: But I already expected na iinsultuhin mo si Devon…
RHUVY: Kazel…kasi…
KAZEL: Well, I’m not here for that!!
(Nagpalakad-lakad si Kazel at sila ay tahimik lang na pinagmasdan ito. Nakita nila na tumitingin-tingin ito sa mga damit sa boutique at mayat-maya pa ay nagsalita ito.)
Hmm… the designs are not that bad afterall!
(Nag-init naman ang ulo ni Hanah sa sinabi ni Kazel)
HANAH: What did you just say?!
(Pero hindi nito pinansin ang sinabi ni Hanah. Sa halip ay natuon ang mga mata nito sa hawak na damit ni Rhuvy at kinuha ito ng walang sabi-sabi buhat sa babae. Nang mga oras na iyon napagtanto ni Devon na tama si Enrique about Kazel. Ito ang tipo ng babae na walang kinakatakutan at makalas ang personalidad)
KAZEL: I think this dress isn’t good for you Rhuvy!!
(Nagulat si Devon ng lumapit si Kazel sa kanya at)
This dress looks good on you!
(Hindi nakapagreact si Devon at si Rhuvy ay di napigilan ang sarili)
RHUVY: Hindi niya kayang bayaran ang damit na yan! Wala siyang sapat na pera para bayaran yan!
KAZEL: Sinabi ko bang bibilhin niya?!
(Nakita nilang lumakad si Kazel at may kinuha sa counter. Pagbalik nito ay may dala na itong gunting. Nanlaki ang kanilang mga mata ng pag-gupit-gupitin nito ang damit)
HANAH: Bakit mo yun ginawa?!! Ang mahal niyan!!
(Binuksan ni Kazel ang kanyang bag at kumuha ito ng pera buhat sa wallet at hinagis sa mukha ni Hanah)
KAZEL: I think that’s enough for the damage!!
(At iniwan na sila nitong speechless)

Break the Rules or Not? (Chapter 12)

CHAPTER 12

KAZEL: Ewww!!! What kind of food are these?
(nainis si Devon sa kaartihan ni Kazel. Noong isang araw pa ito nakalipat sa apartment ni Sam at wala na itong ibang ginawa kundi punain siya at ang Sam naman ay walang ginagawa para ipagtanggol siya)
DEVON: Pasensiya na…
KAZEL: I want to eat beef steak but you only know how to cook fried egg! Duh!!! Sam, I’m wondering kung bakit siya pa ang pinakasalan mo! She knows nothing!
(Gusto ng hagisan ni Devon ng mainit na tubig si Kazel, kumapit ba naman sa braso ni Sam habang nasa mesa sila)
SAM: Kazel kainin mo nalang yan.
KAZEL: I don’t wanna eat these! Let’s eat out Sam..please???
(Nagpapacute ito kay Sam at mas lalo siyang nainis kaya naman tumayo na siya)
DEVON: Excuse me!
SAM: Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain.
DEVON: Baka ma late pa ako sa klase ko.
KAZEL: Are you going to University na ganyan lang ang suot mo? Gossshhh naman!!! naturingan ka pa namang asawa ni Sam eh ganyan ka simple!
(mas lalo pang nainis si Devon sa banat ni Kazel)
DEVON: Wala namang masama sa suot ko.
KAZEL: Well wala ngang masama sa suot mo. I’m just warning you na baka magising ka isang araw na wala ka ng asawa.
(Hindi nalang niya pinansin si Kazel at dali-dali siyang lumabas ng apartment)
SAM: Kazel bakit mo naman yun sinabi?
KAZEL: I’m just telling her the truth Sam. I know you hindi ka kontento sa isang babae lang.
SAM: Pero hindi mo na dapat pinupuna ang ginagawa at ang kasimplehan niya.
KAZEL: I do whatever I want to do Sam!
(Tumayo na si Kazel at iniwan si Sam)

(Samantalang nagpa-audition nga si Devon sa stage play ng University para inisin si Coleen. Enrique was there to watched and chose the deserving students na masasali sa naturang play. They did acting,singing and dancing. For Devon, hindi siya nahirapan kumanta at sumayaw dahil may talent naman talaga siya. Sa acting lang siya kinabahan dahil to her surprise ang ex na si Patrick pala ay ang handpicked sa male lead role at ito ang naging ka eksena ng lahat ng mga babae. Ngayon lang rin niya nalaman na sa iisang University lang sila nag-aaral. Pagkatapos ng audition ay lumapit agad si Patrick sa kanya)
PATRICK: It’s really a great surprise! Sabi ko na nga ba, ikaw yung nakita ko last week sa canteen.
DEVON: Ano naman ngayon?
PATRICK: Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nangyari?
DEVON: Pwede ba Patrick wag na natin yang pag-usapan!
PATRICK: Pero kung paano kung sabihin ko sayo na hindi ko talaga mahal si Hana at ikaw talaga ang gusto ko?!
(Hindi nakapagreact si Devon sa sinabi ni Patrick at nagpatuloy ito sa pagsasalita)
That guy, when he kissed you in the Bar. Alam mo bang sobrang nasaktan ako noon sa nakita ko!
DEVON: That guy na sinasabi mo ay asawa ko na ngayon!
(Halatang nagulat si Patrick sa sinabi niya and it took him few seconds bago nakasagot)
PATRICK: I heard a lot of things about that guy from Hanah. Sasaktan ka lang niya sa huli Devon kaya mas mabuti pang…(binara niya si Patrick)
DEVON: Mas mabuti pang hiwalayan ko siya at bumalik ako sayo,ganoon ba?
PATRICK: Devz???
DEVON: Kung magkahiwalay man kami, hinding-hindi ako babalik sayo! Mas nanaisin ko pang magkagusto sa iba… (hindi na naituloy ni Devon ang susunod na sasabihin dahil nagsalita si Patrick)
PATRICK: Magkagusto sa iba gaya nalang ni Director Gil??
(Nakita ni Devon na palabas ng studio si Enrique at doon nakatuon ang mata ni Patrick. Hindi siya makapagsalita sa sinabi nito)
PATRICK: The way he stares at you kanina sa Audition, it shows something Devz!
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?!
PATRICK: And I know you like him, too.
(Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Patrick na depensahan ang sarili dahil iniwan siya nito na nakatulala at hindi niya tuloy namalayan na nasa harapan na niya si Enrique. Kung hindi pa ito tukhim ay hindi siya magigising mula sa ibang deminsyon)
ENRIQUE: Malalim yata ang iniisip mo.
DEVON: Ha? Ano…kasi…
ENRIQUE: Ang galing mo pala kanina. The result of the audition will be posted soon.
DEVON: Aalis na ako!! (Kailangan niyang umiwas kay Enrique dahil naguguluhan na siya sa sariling damdamin)
ENRIQUE: Ganoon ba?
DEVON: Pinapapunta kasi ako ni Sam sa…sa… Wired Bar..tama sa Bar.. (pagsisinungaling niya)
ENRIQUE: Ha?.. O sige.. mag-ingat ka.
(Tumakbo na siya at iniwan si Enrique. Napagpasyahan naman ni Enrique na umalis na rin at magpunta ng Company. Nang makarating siya sa parking area ay nagulat pa siya ng makita si Coleen)
COLEEN: She’ll be surely part of the stage play,right?
ENRIQUE: Wala naman sigurong masama kung masali man siya sa play.
COLEEN: Walang masama pwera nalang kung hindi mo siya personal choice.
ENRIQUE: What are you talking?
COLEEN: You like her, don’t you??
ENRIQUE: So inabangan mo ako dito sa parking area para lang itanong yan?
COLEEN: Quen baka nakakalimutan mo na asawa siya ni Sam??!
ENRIQUE: At baka nakalimutan mo na you cheated me with Sam??!
(Hindi agad nakapagsalita si Coleen)
COLEEN: Sam is right after all, He can’t trust the people around him.
(Umalis na si Coleen pero bago pa ito tuluyang makalayo ay nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: Sam might tell everybody that he doesn’t trust the people around him but I know he trusts me!
(Napahinto si Coleen sandali at pagkalipas ng ilang segundo ay tuluyan na rin itong umalis)

Break the Rules or Not? (Chapter 11)

CHAPTER 11


(Dahil sa biglaang pagsulpot ni Kazel ay hindi naihatid ni Sam si Devon sa University. Here she is! Naiinis kay Sam.)
DEVON: Kahit kailan mahilig talaga siya sa mga tisay!!! Mabuti sana kung tisoy eh hindi!!! Nakakainis talaga!!! (muntikan ng mapasigaw si Devon ng may magsalita sa kanyang likuran. Nang lumingon siya ay nakita niya si Enrique)
ENRIQUE: It’s early in the morning, bv ka na agad.
DEVON: Naiinis ako…
ENRIQUE: Kay Sam? I bet may babae na namang umaaligid?
DEVON: Kasi naman may isang tisay na half-blooded Japanese lang ang dumating. Naging sunud-sunuran na agad siya.
ENRIQUE: So Kazel is back then…
DEVON: Kilala mo siya?
ENRIQUE: The only girl Sam is scared of…
DEVON: Scared? Bakit?
ENRIQUE: Kazel has a strong personality. She is a destructive and manipulative but she’s nice when you come to know her well.
DEVON: Ewan ko. Teka bakit andito ka sa University?
ENRIQUE: I’m the Director now.
DEVON: Ha? Akala ko ba si Sam ang magiging Director?
ENRIQUE: Nobody can take over the position for now. Don Manuel decided that I’ll be working here in the morning then I’ll be in the Company in the afternoon.
DEVON: So mukhang nadagdagan ang responsibilities mo?
ENRIQUE: I don’t have any choice.
DEVON: Kasalanan to lahat ni Sam… ayaw niyang hawakan ang negosyo ng pamilya niya!
ENRIQUE: You can’t blame him. It’s his choice.
DEVON: Napapansin ko lang na marami na akong masasamang salita na nasasabi tungkol kay Sam pero ikaw hindi ko pa talaga narinig nagsalita ng masama laban sa kanya. Samantalang ayaw niyang magtiwala ako sayo.
ENRIQUE: Maraming bagay ka pang hindi alam Devon.
(Magtatanong pa sana siya kay Enrique ngunit bigla niyang nakita si Coleen na palapit sa kanila. Inis siya sa babae dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Agad siyang nagkunwari na natapilok at napayakap kay Enrique. Agad naman siyang sinaklolohan ng huli. Hindi nakaligtas kay Devon ang pagtaas ng kilay at pagkasira ng mukha ni Coleen sa nakita.)
DEVON’S POV: Ikaw lang ba ang magaling magkunwari?!
(Pero mukhang wrong move yata ang kunwa-kunwarian niyang pagkatapilok at pagyakap kay Enrique dahil ilang dipa nalang ang agwat ng mukha nilang dalawa. Si Enrique ang unang nagbawi ng tingin at nagsalita)
ENRIQUE: Ok ka lang?
DEVON: Ha?...O.o… (nagkandautal niyang sagot)
ENRIQUE: Sige pupunta na ako sa office.

(Tumango nalang siya bilang tugon kay Enrique. Kung kanina ay inis siya kay Sam ngayon naman binabagabag ang kanyang isipan kay Enrique. Hindi na naman siya nakapagconcentrate sa klase. Nang magpunta si Devon sa canteen ay narinig niya ang bulung-bulungan ng mga estudyante.)
STUDENT 1: Mag pa-audition tayo sa Stage Play. I heard malaki ang cash prizes and it’s a good exposure for us.
STUDENT 2: Tama! Kapag napili tayo magkakapera at magkakaroon tayo ng chance na ma meet ang mga famous people in the Industry.
STUDENT 3: Balita ko magpapa-audition daw si Coleen.
STUDENT 4: Akala mo naman talented yun. Nagtaka nga ako last year stage play napasali siya sa casts…hindi naman marunong umiyak.
STUDENT 1: Alam mo naman malakas ang Dad niya sa ibang members ng board.
STUDENT 2: Tingnan natin ngayon… si Sir Enrique na ang Director. Balita ko strict daw yun.
STUDENT 4: Basta ako magpapa-audition!
STUDENT 3: Ako rin!

(Napangiti si Devon sa narinig na usapan ng apat at)
DEVON’S POV: Makapag-audition nga!
(Kanina pa gustong tumakas ni Sam kay Kazel ngunit di niya magawa. Kung bakit ba kasi nagbalik ang babae. Gusto niyang ihatid si Devon kanina ngunit dahil biglang sumulpot si Kazel ay di niya nagawa. He knows kung paano magalit si Kazel at yun ang ikinatatakot niya baka may gawin pa itong hindi maganda kay Devon. Kung masama ang ugali ni Rhuvy mas masahol pa si Kazel. And here he is, together with the woman in the shopping mall. Ginawa siyang tagabitbit ng mga pinamili nitong damit)
SAM: Hindi ka pa ba tapos mamili? Ang dami na nito.
KAZEL: Hindi pa? bakit may reklamo ka?
SAM: Bakit ba bigla ka nalang napabalik ng bansa?
KAZEL: Bakit masama bang bisitahin ang mga taong mahalaga sa akin?
SAM: Kazel?
KAZEL: So that girl is your wife?
SAM: Hindi siya katulad ng mga babaeng iniisip mo.
KAZEL: What’s so special about her at siya ang napili mong pakasalan? When I left, I thought u gonna end up with Rhuvy.
SAM: Let’s not talk about Devon. Bakit ka ba talaga nagbalik?
KAZEL: Well…let’s just say that I wanna make things right…
SAM: What?!
KAZEL: You heard me right.
SAM: Kung anong kalokohan man yang pinaplano mo, huwag mo ng ituloy!
KAZEL: Hindi naman siguro matatawag na kalokohan kapag sa apartment mo ako tumira diba?
(Nagulat si Sam sa narinig. Kung titira si Kazel sa apartment niya, it only means one thing. He needs to share room with Devon.)
SAM’S POV: Sinasabi na nga ba may motibo ang babaeng ito sa pagbabalik niya.
KAZEL: I’ll be moving to your apartment tomorrow morning. You still have extra room,right?
SAM: Ha?!
KAZEL: Huwag mong sabihin na hindi kayo nagsasama ng asawa mo sa iisang kwarto??
SAM: Kasi baka hindi pumayag si Devon na sa apartment ka tumira.
KAZEL: Whether she likes it or not and whether you like it or not. Doon ako titira. End of discussion!
(At iniwan na nito si Sam na napabuntong-hininga)

(Pagdating ni Devon sa bahay ay agad ibinalita ni Sam sa kanya ang napag-usapan nito at ni Kazel)
DEVON: Pero bakit dito pa sa apartment mo?
SAM: Kazel is Kazel Devz… I don’t have a choice. Mas mabuti pa ilipat mo na ang mga gamit mo sa kwarto ko bago pa niya malaman na magkaiba tayo ng room.
DEVON: Pero bakit ba ganoon ka nalang kung sumunod sa mga sinasabi niya?
SAM: I don’t want her to hurt you. She’s dangerous Devz.
DEVON: As if naman may magagawa pa ako.
(Iniwan na niya si Sam at napaupo nalang si Sam sa couch at napahilamos sa mukha)
SAM: Kung anong laro man ito Kazel sana lang huwag mong saktan si Devon kung hindi ako ang makakalaban mo.

Miyerkules, Marso 21, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 10)

CHAPTER 10

HIS PERFECT HOUSEWIFE

RHUVY: That bitch!
COLEEN: Ano na naman ba ang problema?
RHUVY: Didn’t you see last night? She pretended she couldn’t swim para iligtas ni Sam.
COLEEN: Baka naman talaga hindi yun marunong lumangoy…
RHUVY: Whatever! Kung inaakala ng babaeng yun tapos na ang lahat pwes nagkakamali siya!
COLEEN: Going to your plan B?
RHUVY: Exactly!! She doesn’t know kung sino ang kinakabangga niya! Now it’s time for her to know kung sino talaga si Rhuvy.
COLEEN: So when will the next plan be?
RHUVY: Soon my dear…soon…(at napangiti si Rhuvy)

(Maagang nagising si Devon kahit Linggo. She prepared breakfast for her and Sam.Habang nagluluto ay nakatanggap siya ng tawag buhat kay Kyra)
KYRA: Alam mo Devz kontrabida sa buhay mo yung dalawang magBFF!
DEVON: Hayaan mo nalang sila.
KYRA: Kung hindi lang ako pinigilan ng mga kaibigan ni Sam kagabi baka nakalbo ko na ang mga iyon! (natawa nalang si Devon sa sinabi ni Kyra)
DEVON: Pasensiya na pala tumakbo ako palabas at nalimutan kita.
KYRA: Ok lang yun noh!! Hinatid ako ni Jaco, infairness! Gwapo ng mga friends ni Sam.
DEVON: Huwag mong sabihin na siya na naman ang type mo?
KYRA: Si Greek God ang mas lamang sa puso ko…
DEVON: Hay naku Ky!!..

(Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kyra ay ipinagpatuloy ni Devon ang pagluluto. Nang matapos siya ay tinawag niya si Sam ngunit hindi ito sumasagot. Nakailang beses siya sa pagtawag sa pangalan nito pero wala pa ring sumasagot sa kanya. She decided to go to his room. Hindi naman nakalock ang pinto. Pagkapasok niya sa loob ay nakita niya si Sam na nakahiga sa kama)
DEVON: Sam gising na! nakapagluto na ako, kain ka muna.
(Umungol lang ito at hindi sumagot sa kanya)
DEVON: Sam?... (lumapit siya sa kama at tiningnan ito) May problema ba?
SAM: Devz….masakit ang ulo ko… (nang idampi niya ang palad sa noo nito ay)
DEVON: Ang init mo!!!.... nilalagnat ka…
(Agad siyang kumuha ng tuwalya at tubig para punasan si Sam. Naghanap din siya ng gamot sa cabinet nito at may nakita naman siya at agad niyang pinainum dito. She felt so worried about him. Seguro nilagnat ito dahil sa nabasa ito sa tubig kagabi. She knew na pagod pa ito sa biyahe, dumiritsu sa bday party ni Coleen at napalusong sa tubig ng di oras dahil sa kanya. Wala siyang ginawa buong araw kundi bantayan at alagaan si Sam.)

(Nagising si Sam bandang alas 7 ng gabi. Agad niyang nakita si Devon na nakatulog. He smiled at hinaplos niya ang buhok nito. Agad naman naramdaman ni Devon na may humahaplos sa kanyang buhok. Nag-angat siya ng mukha at nakita niya si Sam na nakatingin sa kanya)
DEVON: Ok ka na?! (sinalat niya ang noo nito) may sinat ka pa rin. Gutom ka na ba? Ipagluluto kita ng soup.
SAM: Devz don’t worry. Hindi ako gutom…
DEVON: Kailangan mong kumain para magkalaman yang sikmura mo! Maiwan muna kita sandali at ipagluluto kita.
(Wala ng nagawa si Sam dahil umalis na si Devon. Nagring ang kanyang cellphone at nakita niya na si Nel ang tumatawag)
NEL: Asan ka na? magsisimula na tayo in a few minutes.
SAM: Sorry pare. I’m not feeling good right now. Hindi ako makakapag perform tonight…
NEL: Sigurado ka ba? or may babae ka na namang kasama ngayon?
SAM: Pare nasa bahay lang ako at masama talaga ang pakiramdam ko.
NEL: Sa bahay?? Bakit na miss mo na agad si misis mo? Nagpunta lang tayo sa Baguio ng isang araw dahil sa gig at ngayon hindi mo na maiwan-iwan ang asawa mo.
(Napangiti nalang si Sam sa sinabi ni Nel. He knew what he’s friend is thinking ng mga oras na iyon)

(Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Devon na may dalang soup. Aside from his Mom, Devon is the first girl who did this kind of care to him. He can’t help but stare at her habang sinusubuan siya nito. He pretended na hindi nya kayang hawakan ang spoon para subuan siya nito. Looking at her closely, Sam realized how beautiful she is. Mahahabang pilikmata, expressive eyes, matangos na ilong, kissable lips and an innocent and perfect smile. Plus the fact that she’s good, caring, masayahin and loving. His perfect housewife he thought. Hindi tuloy niya namalayan na naubos na niya ang soup kung hindi pa nagsalita si Devon)
DEVON: Ubos na! matulog ka na at magpahinga. Huhugasan ko muna ito.
(Tumalikod na ito sa kanya pero nagsalita siya dahilan para mapalingon ito)
SAM: Can you come back after you wash those?
DEVON: Ha??.. cge mamaya. You need to drink your meds pa pala.
(Lumabas na si Devon sa kanyang kwarto. Pagkabalik nito ay madala itong baso ng tubig at gamot. Pagkatapos niyang mainum ang gamot ay)
DEVON: Sige matulog ka na…
SAM: Devz can you sleep here, beside me?
(Nagulat si Devon sa sinabi ni Sam. Nakita niya ang pagsusumamo sa mukha nito. Naramdaman niyang hinawakan ni Sam ang kanyang kamay at hinila siya sa tabi nito. Hindi niya alam ang gagawin at naging sunud-sunuran siya dito. Naramdaman nalang niya na nakayakap na sa kanya si Sam, at unan na niya ang balikat nito)
SAM: Hug me please…
(Hindi niya alam kung susunod ba siya sa sinabi nito. Nang hindi siya umimik ay mas lalo pang naging mahigpit ang yakap nito sa kanya at)
SAM: Ang payat mo…kung yayakapin pa kita ng mahigpit baka madurog pa ang mga buto mo… (Natauhan siya sa sinabi nito, bumangon siya at hinampas ito ng unan)
DEVON: Ang sama mo! Nagka abs at muscles ka lang ginaganito mo na ako!
SAM: Huwag mo naman akong hampasin ng unan baka lumala pa ang sakit ko.
DEVON: Ewan ko sayo Samuel!!!
(Sabay talikod dito)
SAM: Saan ka pupunta?
DEVON: Eh di sa kwarto ko!!! (at tuluyan na siyang lumabas ng pinto)

(Kinabukasan naging ok na si Sam at nawala na rin ang lagnat niya. He insisted to Devon na ihahatid niya ito sa University. Wala namang nagawa si Devon kundi pumayag sa kagustuhan ni Sam. She’s worried baka mabinat lang si Sam pero makulit ang lalaki kaya wala na siyang nagawa. Paglabas nila ng gate ay may isang kotse ang huminto. Agad bumaba ang driver nito. Isang maganda at tisay na babae ang nakita ni Devon. Bago pa siya makapagreact ay nakalapit na ito kay Sam at yumakap dito. Narinig nalang ni Devon ang pagsambit ni Sam sa pangalan ng babae)
SAM: Kazel? (He’s astonished! He didn’t expect her to show up)

Break the Rules or Not? (Chapter 9)

CHAPTER 9

DEVON and KYRA VS. RHUVY and COLEEN

COLEEN: Oh! Bakit ganyang ang mukha mo at hindi maipinta?
DEVON: Wala ito…
COLEEN: Si Sam ba?
DEVON: Hindi… (pagkakaila niya)
COLEEN: Anyway, it’s my birthday this weekend. Punta ka sa bahay ha…
DEVON: Ha? Huwag na..nakakahiya naman at tsaka hindi ako sanay makisalamuha sa mga mayayaman.
COLEEN: Ano ka ba? My friends are nice, I’m sure they gonna like you.
DEVON: O sige…
COLEEN: It’s a custome party. Don’t forget to wear anime custome.
DEVON: Ha? Bakit naman ganoon?! Nakakahiya…
COLEEN: I just like cartoons. Wanna have unique birthday each year.
DEVON: O sige…
(at palihim na napangiti si Coleen)

(Pagkauwi ng bahay ay agad naghalungkat si Devon kung anong custome ang gagamitin niya sa nalalapit na birthday ni Coleen. Naisip niyang magtahi nalang ng custome na isusuot. Habang abala siya sa paggupit ng tela ay biglaan namang pumasok si Sam sa kanyang kwarto)
SAM: Can we talk?!
DEVON: Ano bang gusto mong sabihin? (nagpatuloy siya sa ginagawa at hindi man lang sinulyapan si Sam sa kanyang tabi)
SAM: About last night…
DEVON: Huwag na nating pag-usapan yun. Tama ka naman, hindi ko dapat pinapakialaman ang buhay mo.
SAM: About that girl last night. She’s one of my…
DEVON: Alam ko naman yun… (Dahil lumingon si Devon kay Sam ay hindi niya namalayan ang karayum at natusok siya nito) Aray!! (nakita niyang tumulo ang dugo sa kanyang daliri)
SAM: Ok ka lang?!
DEVON: Natusok ako ng karayum…
(Nagulat naman si Devon ng biglang hawakan ni Sam ang kanyang kamay at sinipsip nito ang dugo sa kanyang daliri. Hindi siya makapagreact dahil parang nakukuryente siya sa ginawa nito. Nang tumingin si Sam sa kanya ay nag-abot ang kanilang mga mata. He touched her face and closely moved towards her. She knows he’s going to kiss her. She closed her eyes as his face became so near at hers. And then he ended up kissing her forehead)
SAM: Good night!
(At iniwan na siya nitong speechless)

COLEEN’S BIRTHDAY!

KYRA: At kailangan pa talaga na nakasuot din ako ng ganito?? Naman!! Well, kahit naman ganito ang suot natin. We look beautiful as always…
DEVON: Kailangan ko lang talaga ng kasama.
KYRA: Bakit ba hindi ka sumabay kay Sam?
DEVON: May gig sila sa Baguio last night kaya diretsu na sila kina Coleen.
KYRA: Hay naku!! Sana nagpasundo nalang tayo kay Greek God!!!
DEVON: Ky!!!
KYRA: Bakit totoo naman talaga na Greek God ang kagwapohan ni Enrique, diba?
(Hindi nalang nagsalita si Devon. Nang makarating sila sa bahay ni Coleen ay bukas ang gate kaya naman pumasok na sila. To their surprised ay hindi naman custome party ang birthday. Nakapang damit mayaman ang mga tao sa loob. At silang dalawa ni Kyra ay pinagtitinginan ng mga tao. Sobrang inis ang naramdaman ni Devon dahil niloko siya ni Coleen. Nakita niya itong papalapit sa kanya kasama ang babae na sinabi ni Sam na ex umano nito.)
RHUVY: I’m glad you came to my bestfriend’s birthday party! How’s the custome?!
(Tiningnan nito si Devon mula ulo hanggang paa) Look at you! I couldn’t believe na isang tanga ang pinakasalan ni Sam.
DEVON: Akala ko pa naman totoong kaibigan ka Coleen (tiningnan niya si Coleen)
COLEEN: Don’t trust somebody so easily my dear….
DEVON: Pare-pareho lang kayong mga mayayaman!!!
RHUVY: Everybody listens… Seems like these two here aren’t in the right place!
KYRA: Aba! Gusto mo sabunutan kita?!!
(Nakita ni Devon na pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid. Sino nga naman ang hindi matatawa sa suot nila ni Kyra na sailormoon custome. Nang mga oras na iyon ay gusto na niyang maglahong parang bula. At bigla nalang narinig ni Devon si Sam na nagsalita buhat sa kanyang likuran)
SAM: What’s going on here? Devz, Kyra? (tumingin si Sam sa kanila at sobrang hiya ang naramdaman ni Devon)
RHUVY: Seems like your wife and her friend don’t know how to dress formally.
DEVON: Kyra, tayo na!! (hinila niya si Kyra ngunit nagmatigas ito)
KYRA: Wait Devz!!
(Lumapit ito kay Rhuvy at sinampal ang babae. Halos napanganga lahat ng tao sa paligid sa nakikita. Nang makabawi si Rhuvy ay agad itong sumugod kay Kyra ngunit humarang si Devon at siya ay itinulak ni Rhuvy sa swimming pool. Hindi siya marunong lumangoy kaya naman nahihirapan siya. Agad naman siyang sinaklolohan ni Sam at inihaon sa tubig. Napaubo siya dahil sa nainum na tubig. She felt so embarrassed dahil pinagbubulungan siya ng mga tao sa paligid. She suddenly ran away and left the place. Laking gulat niya ng hablutin siya ni Sam ng makalabas siya ng gate)
SAM: Don’t just run away…
DEVON: At anong gusto mong gawin ko manatili ako sa loob at pagtawanan nila?! (Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan na siyang napaiyak. Hinawakan ni Sam ang kanyang mukha at maya-maya pa ay niyakap siya nito. Pagkatapos ng ilang segundo ay pumara si Sam ng taxi. When they were inside, ay naalala niya pa rin ang kahihiyan na ginawa ni Rhuvy sa kanya kaya hindi niya napigilan ang ang sarili at tumulo ang kanyang luha. She felt Sam crossed his arms on her shoulders at isinandal siya sa dibdib nito. She felt that she’s safe in his arms.)

Break the Rules or Not? (Chapter 8)

CHAPTER 8

GO DEVON! FIGHTING!

(Nakita ni Devon na tumayo si Kyra at lumapit kay Enrique dinala nito ang lalaki sa table nila)
KYRA: Dito ka na sa table namin ni Devz. What’s your order pala?
ENRIQUE: On duty ka pa rin?
KYRA: Wala na but for you, anytime! (siniko ni Devon si Kyra)
ENRIQUE: Sige…cappuccino nalang. Make it 3 para na rin sa inyo ni Devon.
KYRA: Ok! (tumayo si Kyra at iniwan silang dalawa ni Enrique)
ENRIQUE: Tahimik ka yata may problema ba?
DEVON: Ha?! Wala…
ENRIQUE: How’s school pala?
DEVON: Ok lang.
ENRIQUE: There will be an upcoming stage play baka interested ka sumali doon?
DEVON: Huwag na… hindi naman ako masyadong talented.
ENRIQUE: Think about it. I heard from the members of the board. There will be cash prices for those na mapipili.
DEVON: Eh baka mapahiya lang ako doon. Freshman palang ako at maraming magagaling at talented na student sa University.
ENRIQUE: Consider it. I asked Sam to be the Director of the school but never got any answer from him.
DEVON: Bakit siya ang gusto mo para sa posisyon?
ENRIQUE: ‘Cause I know him. He can do better than me lalo na sa family business.
(Marami pa siyang gustong itanong kay Enrique ngunit dumating naman si Kyra.
Pagkatapos mag-usap ay nangulit si Kyra na ihatid ito ni Enrique sa apartment nito. Napailing nalang si Devon sa sobrang kakulitan ng kanyang bestfriend. Matapos maihatid si Kyra ay sinabihan niya si Enrique na magtataxi nalang siya pauwi ng apartment nila ni Sam ngunit hindi ito pumayag. Habang nasa kotse sila ni Enrique ay tahimik lang si Devon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at si Enrique naman ay parang pinag-aaralan ang kanyang kilos at galaw hanggang narinig nalang niya itong nagsalita)
ENRIQUE: How about your life with Sam?
DEVON: Ha?
ENRIQUE: I know Sam very much… He’s sudden marriage is a shock to everybody.
DEVON: Ok lang naman kami ni Sam.
ENRIQUE: I see.
(Hindi na muling nagsalita si Enrique hanggang makarating sila sa apartment. Pagbaba ni Devon sa kotse nito ay saka namang paglabas ni Sam sa gate.)
SAM: Anong oras ba natapos ang class mo at ngayon ka lang dumating?!
DEVON: Ano kasi…(hindi namalayan ni Devon na nakalabas na rin pala si Enrique sa kotse at ito na ang sumagot kay Sam)
ENRIQUE: I saw her in the coffee shop with Kyra, nagkwentuhan kami at hindi namalayan yung oras.
(Lumapit si Sam kay Devon at hinila nito ang kanyang kamay)
SAM: Let’s go!
DEVON: Ha? Saan tayo pupunta?!
SAM: You’ll be going with me in the Bar!
(Wala nang nagawa si Devon dahil hinila na siya palayo ni Sam. Paglingon niya ay nakita niya si Enrique na nagsmile sa kanya. Habang palakad ay di pa rin binibitiwan ni Sam ang kanyang kamay)
DEVON: Ayaw kong sumama sayo sa Bar may class pa ako bukas.
SAM: Ayaw mong sumama dahil mas gusto mong kasama si Enrique…
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?!
SAM: I told you Devon, you don’t have to be closed sa mga taong malapit sa akin. You don’t know them…
DEVON: Pero mabait naman si Enrique and I trust him.
SAM: Rule number 2! Trust nobody but me!!
DEVON: Pero Sam?!
SAM: You’re not gonna break some rules, do you?
(Hindi nalang nagsalita si Devon. Para makaiwas sa gulo ay sumama nalang siya kay Sam sa Wired Bar. Pagdating sa loob ay agad siyang sinalubong ng mga katropa nito)
JV: At nagdala pa talaga ng asawa!
JACO: Nice to see you here Devz. Feel at home.
NEL: We’ll be performing later.
DEVON: Sige papanoorin ko kayo.
(Pagkatapos ng ilang minuto ay nagperform nga ang band nila ni Sam. As usual maraming girls ang tili ng tili dahil sa sobrang kilig. The four boys are really handsome. Pagkatapos ng kanta ay may isang babae ang umakyat sa stage at lumapit kay Sam. Before he could react ay hinalikan na siya nito sa labi at naghiyawan ang mga tao sa paligid. Sobrang inis naman ang naramdaman ni Devon sa nakikita. Nakailang kanta pa ang band nila ni Sam at ang malanding babae ay hindi pa rin lumulubay dito. Pagkatapos ng kanilang performance ay humabol pa ang babae kay Sam)
BABAE: Hey Sam! Wanna enjoy the rest of the night with me? (humaplos ito sa dibdib ni Sam at kitang-kita iyon ni Devon)
SAM: Not tonight….
(Iniwan na nito ang babae at lumapit si Sam sa kanya. But the girl is persistent at humabol ito kay Sam)
BABAE: Oh please…don’t make it too hard for me.
(Hindi na mapigilan ni Devon na sumingit sa usapan ng dalawa)
DEVON: Alam mo miss, huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo!
BABAE: And who are you?! (sabay taas ng kilay) Pwede ba huwag kang makialam! Look at yourself, ugly duckling!! (tumaas ang dugo ni Devon sa sinabi ng babae at kinuha niya ang glass of wine sa kabilang table sabay buhos sa babae)
What the?!!
(Naagaw ang atensyon ng mga tao sa loob ng Bar at ang mga ito ay nagtinginan sa kanila. Susugurin sana siya ng babae ngunit nahawakan ito nina Jaco at JV at hinila naman siya ni Sam palabas ng Bar)
SAM: What the hell did you do?!
DEVON: At kinakampihan mo pa ang malanding yun?
SAM: Hindi ko siya kinakampihan. What I’m trying to say is mali ang ginawa mo!
DEVON: Eh di balikan mo yun at aluin mo!!
SAM: Devon?! Alam mo ba sa ginawa mo maaaring mabawasan ang customer ng Bar?! Some people know that I’m married, others don’t. Ano nalang ang sasabihin nila? Na warfreak ang asawa ko?!
DEVON: May mga nakakaalam naman pala na may asawa ka sana hindi na naglandi pa ang babaeng yun…Huh!! O.o nga pala! Nakalimutan ko kung ano ka talaga! (Nakita ni Devon ang galit sa mukha ni Sam bago ito nagsalita)
SAM: Rule number one: Mind your own business Devon!
(At iniwan na siya ni Sam na naiinis)

Break the Rules or Not? (Chapter 7)

CHAPTER 7

CONFUSION

(Kanina pa nakatulala si Devon. Hindi niya pa rin malimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Enrique. Those deep set eyes and warm lips made her tremble. Dahil sa masyadong pag-iisip kay Enrique ay di siya nakapagconcentrate sa unang araw ng klase. Palabas na siya ng University gate ng makita niya si Coleen. Agad lumapit ang babae sa kanya)
COLEEN: Tapos na ang class mo?
DEVON: O.o, pauwi na ako…
COLEEN: Why don’t you join me for a snack? Nagugutom kasi ako.
DEVON: Huwag na nakakahiya naman…
COLEEN: Basta join me!
(hinila na siya ni Coleen kaya wala siyang nagawa. Nagpunta sila sa school canteen at ito na ang nagbayad ng snacks nila.)
DEVON: Thanks!
COLEEN: Nakita ko pala kayo ni Enrique kaninang umaga. He dropped you in your first class.
DEVON’S POV: Nakita rin kaya niya ang nangyari kanina?
COLEEN: Enrique he’s every woman’s dream guy.
DEVON: May gusto ka sa kanya?
COLEEN: I did love him…(nakita niya ang sadness sa mukha ni Coleen)
DEVON: Naging kayo?
COLEEN: Yeah..for a couple of months. But he’s too good for me. I mean, I was borned to be wild and liberated. I wanted to be always with him but he’s too focused with his life and career. So I ended up cheating him.
DEVON: Cheating him with Sam?
COLEEN: He told you then…
DEVON: Sinabi lang niya may namagitan sa inyo but hindi ko alam ang buong story.
COLEEN: Sam is womanizer and he’s good in bed, you know that…
(Namula si Devon sa sinabi ni Coleen. Kung alam lang ng babae na walang namamagitan sa kanila ni Sam physically)
DEVON: Sam is Sam…
COLEEN: But I guess he must have like you a lot. Ikaw lang yata ang babaeng tumagal sa kanya at pinakasalan ka pa.
(Nagsmile nalang si Devon sa halip na sumagot. Pagkatapos nilang magsnack ni Coleen ay nagpaalam na rin ito sa kanya dahil may pupuntahan pa raw ito. Coleen went to Rhuy’s house and then)
RHUVY: So how’s the chitchat with that woman?
COLEEN: Not that bad…
RHUVY: Basta you must be friend with her para makuha mo ang tiwala niya.
COLEEN: And then what?....
RHUVY: I’ll make it sure na maghihiwalay sila ni Sam.
COLEEN: Hay naku fren hindi ka pa rin nagbabago pagdating kay Sam.
RHUVY: He’s only mine Coleen alam mo yan.
COLEEN: So what’s the plan?
RHUVY: Malapit na ang birthday mo. I want you to invite her…
COLEEN: And then?
RHUVY: I’ll make a scene na hinding-hindi niya makakalimutan!
COLEEN: With the devil’s mind as always!
(Tumawa si Rhuvy pati na rin si Coleen)

(Kinagabihan pagkatapos ng performance nina Sam sa Wired Bar ay nag-inuman silang magkakaibigan)
NEL: Tingnan niyo yung mga babae sa kabilang table panay yata ang sulyap dito.
JV: Tirahin mo na Nel!
NEL: Sige pag na out ko…bigyan niyo ako ng tig 500?
SAM: Shoot!!
(Tumayo na si Nel at lumapit sa kabilang table. Nakita nilang nakipag-usap ito sa babae at maya-maya pa ay umakbay na ito at nag thums up sign sa kanila bago lumapit ulit sa kanilang table)
NEL: 1500 ko bukas huwag niyo kalimutan. Gonna out now! And Sam gusto ka raw ng friend nung isang babae. Ano pare?!
SAM: Pass muna ako!
JACO: Huwag mong sasabihin na duduwag ka?
JV: Or baka naman takot lang kay misis?!
SAM: Huh!! Ako duwag at takot?!
(Tumayo na siya at lumapit sa kabilang table. He went to the other girl. Kitang-kita niya na halos lumawa na ang dibdid nito sa suot na damit. When he looked down kitang-kita niya maikli ang suot nitong skirt. As playboy as he is, nilapit niya ang katawan sa babae at dinikit sa hita nito ang baso ng beer na dala niya at bumulong siya sa babae)
SAM: Let’s get of of here babe…
(kumapit ang babae sa kanyang braso at lumingon siya sa mga kaibigan with matching kindat bago tuluyang lumabas sa Bar. Napailing nalang sina Jaco at JV na naiwan)

(Sam ended up in the motel with the girl at pagkatapos ay sinulat nito ang sariling number sa isang maliit na papel)
GIRL: You can call me anytime. I’m free basta ikaw!
(Humalik ang babae sa kanyang labi bago tuluyang lumabas ng motel. Tiningnan naman ni Sam ang papel na pinagsulatan ng babae sa number nito. Pagkatapos ay kinuyomos niya ang papel at hinagis sa maliit na trash bin na nandoon)
SAM: Women!!

(He looked at his phonebook. Bago pa man niya ma press ang call button ay nagbago ang isip niya. He closed his eyes and slept)

(Pabaling-baling naman si Devon sa kanyang kama. She’s worried about her situation with Sam and the thought of Enrique bothered her that much. She called her bestfriend Kyra pero kalagitnaan na ng gabi at hindi na nito sinagot ang tawag niya. Napabuntunghininga nalang siya at pinilit na ipikit ang mga mata para matulog.)

(Kinabukasan pagkatapos ng class ni Devon ay nakipagkita siya kay Kyra pagkatapos ng duty nito)
KYRA: What’s with the dark circle Devz?
DEVON: Ky ang puso ko!!
KYRA: My heart problem ka?! Oh my Gosshh!! Magpacheck up ka baka lumala pa yan.
DEVON: Gaga! Wala akong sakit sa puso…
KYRA: Eh anong problema ng puso mo?!
DEVON: Di ko maintindihan si heart…
KYRA: Hindi ko rin maintindihan ang heart ko…Oh my!! Ang lakas ng kabog!!!
DEVON: Ano?! (napataas ang kilay ni Devon sa sinabi ni Kyra kahit kailan talaga ang tagal makaintindi ng bestfriend niya)
KYRA: Ang lakas ng kabog ng heart ko Devz lalo na ngayon na papasok si Greek God sa shop!!
(Nang tingnan ni Devon ang entrance ay nakita niya si Enrique. He took off his shades at lumitaw ang kagwapohan nito. At nang tumingon ito sa kinaroonan nila ni Kyra ay napag-abot ang kanilang mga mata at para siyang napako sa kinauupuan)

Huwebes, Marso 15, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 6)

CHAPTER 6

CURIOSITY

DEVON: Ano?!!
(Nagulat si Devon sa sinabi ng kanyang nakakabatang kapatid na si Kathryn. Sinadya siya nito sa apartment ni Sam para sabihin na nagkakamabutihan ang kanyang Inay at si Ricardo; isang negosyante sa kanilang lugar. At nagpaplano umano ang mga ito na magsama)
KATHRYN: Ate ayaw kong lumipat kami ni Inay sa bahay ni Tito Ricardo.
DEVON: Sige kakausapin ko si Inay. Uuwi ako sa atin ngayong Linggo.
KATHRYN: Salamat ate. Asan pala si Kuya Sam?
DEVON: Andun sa Bar na pinagtratrabahoan niya.
KATHRYN: Paano ate hindi na ako magtatagal baka gabihin pa ako paauwi.
DEVON: Sige ihahatid na kita sa Bus terminal.
KATHRYN: Ok lang ate kaya ko na.
DEVON: Sigurado ka?
KATHRYN: Sympre naman! big girl na kaya ako.
(Umalis na nga si Kathryn at naiwan si Devon na nag-aalala sa kanyang Inay at kapatid. Alam niya noon pa na may gusto si Ricardo sa kanilang Inay pero hindi niya inakala na sasagutin ito ng kanyang ina. Kailangan niya talagang umuwi para kausapin ang kanyang ina. Dahil sa sobrang pag-aalala hindi namalayan ni Devon ang oras at nakatulog siya sa sala.
Umuwi si Sam quarter to 12 midnight at nagulat siya ng makita si Devon na nakatulog sa sofa. Lumapit siya sa babae at pinagmasdan ito ng maagi)
SAM: Bakit ba hindi ko magawang paglaruan ka?
(Hinaplos ni Sam ang mukha ni Devon. Naramdaman naman ni Devon na may humaplos sa mukha niya. Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Sam na matamang nakatitig sa kanya)
DEVON: Andito ka na pala.
SAM: Bakit dito ka natulog? Maginaw dito.
DEVON: Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
(Tumayo na siya para lumipat sa kanyang kwarto pero pinigilan ni Sam ang kanyang kamay)
SAM: Devz… I’m sorry…
DEVON: Sorry? Para saan?
SAM: Kaninang tanghali. I kissed you. Sorry…I won’t do it again.
(Devon saw Sam’s sincerity at ngumiti siya dito)
DEVON: Huwag mo nang isipin yun…
SAM: Hindi ka galit?
DEVON: Hindi…tsaka may karapatan ka naman. Kahit kasunduan lang ang kasal natin, asawa mo pa rin ako.
(Iniwan na niya si Sam)
SAM: That woman didn’t know what she just had said.
(Napailing si Sam at pumasok na rin sa kanyang kwarto)

(Nang sumapit ang weekend ay nagpaalam si Devon kay Sam na uuwi siya sa bahay nila. To her surprised ay nag-insist si Sam na sumama sa kanya. Nakarating sila bandang alas 3 ng hapon at pagdating nila sa bahay ay mas lalo pang nasurpresa si Devon ng makita may mga tauhan na naghahakot ng gamit nila. Nang makapasok siya sa loob ay nakita niya ang kanyang Inay na nagliligpit ng gamit. Agad siyang lumapit at nagmano dito pati na rin si Sam.)
DEVON: Nay, anong ibig sabihin nito?
MYLENE: Pasensiya na anak hindi ko nasabi sayo. Sinagot ko na ang Tito Ricardo mo at lilipat na kami ni Kathryn sa bahay niya.
DEVON: Nay, huwag naman kayong magpadalus-dalos…ok naman ang karenderya at maghahanap ako ng trabaho para makapagbigay ako ng pera sa inyo.
MYLENE: Anak nakakahiya na sa iyo…tsaka may asawa ka na. Dapat siya ang pagtuonan mo ng pansin.
DEVON: Pero Inay??
KATHRYN: Inay, ayaw ko sa bahay ni Tito Ricardo gusto kay ate nalang ako. Ok lang naman yun Kuya Sam,diba?
SAM: Ha?? Sige…walang problema.
MYLENE: Salamat nalang hijo. Kathryn napag-usapan na natin ito. Ok?
KATHRYN: Pero Inay?
MYLENE: Mahiya ka naman sa ate mo. May asawa na siya.
KATHRYN: May magagawa pa ba ako?! (sumimangot si Kathryn at umalis na ito)
MYLENE: Ang bata talagang iyon, tinutubuan na ng sungay.
DEVON: Nay naman kasi…
MYLENE: Devon anak..alam mo namang sobrang bait ng Tito Ricardo mo kaya wala kang dapat ipag-alala sa amin ng kapatid mo.
DEVON: Sige Inay…desisyon niyo yan..Basta masaya kayo, masaya na rin ako. Huwag kang mag-alala kakausapin ko si Kathryn mamaya.
MYLENE: Mabuti pa nga. Dito na kayo maghapunan pupunta dito si Ricardo mamaya.
DEVON: Sige po Inay.
(Sumabay ngang maghapunan sa kanila si Ricardo. Bandang alas 8 ng gabi ay umalis na rin sina Sam at Devon. Habang nasa daan ay biglang hininto ni Sam ang motorsiklo nito at nagulat si Devon)
DEVON: Bakit may problema ba?
SAM: About Tita Mylene’s boyfriend, your soon to be stepdad…
DEVON: Bakit anong problema sa kanya?
SAM: I don’t like him…
DEVON: Ano? Bakit naman?
SAM: When we were having dinner, he was maliciously staring at you!
DEVON: Hay naku Sam bakit ba pinag-iisipan mo ng masama si Tito Ricardo?
SAM: I’m a man Devon at hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. He must be wearing a mask.
DEVON: Umuwi na nga lang tayo.
(Hindi nalang sumagot si Sam at pinaandar ang motor pero masama talaga ang pakiramdam niya sa Ricardo na iyon. So he decided to do something)

(Nagulat naman si Enrique ng pagkapasok niya sa office ay nakita niya si Sam na nakaupo at parang bagot na bagot na sa kahihintay sa kanya)
ENRIQUE: What a surprise?!, I didn’t expect to see you here early in the morning!
SAM: I need you to do something for me…
ENRIQUE: And what made you think na tutulungan kita?
SAM: Well in return you can let me do something for you.
(Napag-isip si Enrique sa sinabi ni Sam. He knows Sam hindi ito basta lalapit sa kanya at sa Don kung hindi importante ang sadya nito)
ENRIQUE: Ok…what is it?
SAM: I want you to ask Grandpa’s private investigator to do some research about Ricardo Ruiz.
ENRIQUE: Sounds familiar…you mean Ricardo Ruiz, the owner of Zuir Buses?
SAM: Tama!
ENRIQUE: What’s with that man at interesado kang imbistigahan siya?
SAM: I just want to know everything about my wife, her family including the people around them.
ENRIQUE: It seems that I’m talking to a different Sam now.
SAM: I’m still me.
ENRIQUE: Well, I’ll ask the private investigator to gather some information about him and in return…I want you to manage the Performing Arts University.
SAM: What?! You’re kidding, don’t you?!
ENRIQUE: Director Lim has just resigned last week and the Board is looking for somebody to take his position. You know, I’m busy with Travel Shipping and Airline Companies. Who else can take over the position, except you? Besides, you have all the rights to that University.
SAM: I couldn’t believe you would ask this much from me!!
ENRIQUE: Think about it. To be the Director of the University and have Ricardo Ruiz investigated or just let your curiosity about him have a natural death?
SAM: Let me consider. (Tumayo na siya at lumabas ng pinto pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay nagsalita si Enrique)
ENRIQUE: You’re treating her differently.
SAM: It’s none of your business! (at tuluyan na niyang iniwan si Enrique)

(Nang makalabas ng building ay tinawagan ni Sam si Rhuvy at agad sila nagkita ng babae sa condo unit nito)
RHUVY: I miss doing this Sam…(nagsimula ng humalik si Rhuvy kay Sam)
SAM: I’m not here for this Rhuvy…
RHUVY: Common! You know what we both want… Tell me hindi ka pa ba nagsasawa sa asawa mo?
SAM: Let’s not talk about her…
RHUVY: And then what?? Huwag mong sabihin na magtitigan lang tayo dito?!
SAM: Then let’s do what you want…(at siniil niya ng halik si Rhuvy.)

(Hindi na nakauwi si Sam sa kanyang apartment ng gabing iyon. Kinaumagahan bandang alas 10 ay umuwi siya ng bahay. Naabutan niya si Devon na naglilinis ng apartment.)
DEVON: Oh andito kana pala!
SAM: Yeah!
(Walang buhay niyang sagot at umupo siya sa sofa. Si Devon naman ay ipinagpatuloy ang paglilinis sa harapan niya. Hindi naman maiwasan ni Sam na mapagmasdan si Devon. Nakikita niya na tumutulo ang pawis nito sa noo and he finds her hot)
SAM: Can I ask you a question?
DEVON: Ano?!
SAM: That Patrick guy… I mean your ex-boyfriend. Did he ever touch you?!
DEVON: Ano?!!!! Pwede ba Sam huwag mong pakialaman ang past ko!
SAM: I was just asking.
DEVON: Hindi ko gusto ang tanong mo!
SAM: I’m just kinda curious…
DEVON: At wala kang makukuhang sagot buhat sa akin.
SAM: I already knew the answer kahit hindi mo sagutin.
(Tumayo na si Sam at nagsmile siya kay Devon)
DEVON: Napakaarogante mo talaga kahit kailan!!!
SAM: Sadyang malakas lang talaga ang pakiramdam ko!
DEVON: Ewan ko sayo!! Masyado kang pakialamero!
(At tuluyan na niyang iniwan si Sam)

(First day ni Devon sa University. She was so excited. Habang naglalakad sa hallway ay panay ang imagination niya sa kanyang natupad na pangarap kaya hindi niya tuloy namalayan na nakaapak siya ng maliit na bola dahilan para ma out of balance siya. Bago pa man siya bumagsak sa semento ay may matitipunong braso ang sumalo sa kanya and to her surprised ay lumapat ang labi niya sa labi nito. When she opened her eyes ay nakita niya ang gwapong mukhan ni Enrique)

Linggo, Marso 11, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 5)

CHAPTER 5

WHO’S AFFECTED?

DEVON: Anong ginagawa natin dito sa Performing Arts University?
SAM: You’ll study here.
DEVON: Ano?!
SAM: It’s my way of helping you. You have done a lot to me.
DEVON: Pero hindi mo naman kailangan pang gawin ito. Binayaran mo ako at nakatulong pa ang pera sa karenderya ni Inay.
(Hinawakan ni Sam ang kanyang mukha bago ito nagsalita)
SAM: No more buts ok?
(He smiled at her and held her hands bago sila tuluyang pumasok sa University. Wala nang nagawa si Devon ng ipaenrol nga siya ni Sam. It’s always been her dream na makapag-aral and now walang pagsidlan ang kaligayahan na kanyang naramdaman.Sam isn’t bad afterall. Infact, he did a lot of good things to her. Yun nga lang she knows his animal characteristic when it comes to woman.
Matapos siyang ipaenrol nito ay nagpunta muna siya ng restroom. Si Sam naman ay nagpaiwan sa University Lobby. Now, that he got married his Grandfather decided not to sell the school and he felt so happy about it. Utang niya ang lahat kay Devon, the girl agreed to get married with him and he has no problem with her. Mabait,masiyahin at malambing ang babae. He didn’t realize na nakangiti na pala siya kung hindi lang nagsalita si Coleen na nasa tabi na pala niya.)
COLEEN: Mukhang masaya ka yata.
SAM: Oh Coleen! Ikaw pala!
COLEEN: I saw you with your wife awhile ago.
SAM: Yeah! She’s here.
COLEEN: Sam??
(Coleen looked at her and he knew what’s in her mind. Well, lingid sa kaalaman ng lahat especially Rhuvy. Coleen and him had spent a lot of time together.)
SAM: Wanna have some time tonight? (mahina at pabulong niyang sabi dito)
COLEEN: Sam may asawa ka na at tsaka alam mo naman na bestfriend ko si Rhuvy.
SAM: Common! I know you miss me. About Rhuvy, how many times do I have to tell you na wala akong feelings sa kanya.
COLEEN: Paano ang asawa mo?
SAM: Bakit sasabihim mo ba sa kanya?
COLEEN: Mukha kasing mabait siya.
SAM: No questions with that. She’s the kindest girl I have ever known.
(Bago pa makasagot si Coleen ay dumating naman si Devon)
DEVON: Sam pasensiya na at medyo natagalan ako. (At napako ang tingin niya sa babaeng katabi ni Sam. Maputi at maganda ito)
SAM: Devz, this is Coleen and Coleen meet Devz.
(Naglahad ng kamay si Devon na tinanggap naman ni Coleen)
COLEEN: I saw you in the registrar’s office. I guess you’ll be studying here, Am I right?
DEVON: O.o tama.
COLEEN: Paano. I gotta go. See you around Devz.
(Nagsmile si Coleen sa kanya bago tuluyang umalis. Nang makalabas sila ni Sam sa University ay di niya mapigilang magtanong dito)
DEVON: Si Coleen isa ba siya sa mga babae mo?
SAM: Well, yes!
DEVON: Maganda siya at mukhang mabait.
SAM: Yeah! She’s pretty. Mabait? I don’t think so.
DEVON: Bakit mo naman nasabi yan?
SAM: Well I have my own definition of mabait.
DEVON: Anong mabait para sayo?
SAM: Well look at here!
(Sam dragged him at the rearview mirror of one of the cars in the parking area)
DEVON: Ano bang meron sa salamin?
SAM: Asking me the defition of mabait, right? Then look at the mirror and see for yourself.
(Hindi na makapagsalita si Devon dahil sarili naman niya ang tinutukoy ni Sam. Then she felt he put his arms on her shoulders and he whispered)
SAM: You’re too good that I’m scared of hurting you.
(And then he left her stunned)
(Samantalang nag-uusap naman sina Don Manuel at Enrique sa office)
DON MANUEL: Based from the investigator Sam once kissed her in the Wired Bar and then they started hanging out and few months later they got married because they were caught by her Mom.
ENRIQUE: So wala naman po sigurong problema doon.
DON MANUEL: Enrique, you know how Sam treated all the women he met. Pag nagsawa na siya sa asawa niya, ano?! Magpapa-annul sila?! By knowing his wife’s family background ang by looking at her. Masasabi kong mabait na babae ang pinakasalan niya. Hindi ako papayag na paglaruan lang niya ang batang yun.
ENRIQUE: Hayaan nalang po muna natin si Sam. Sa nakikita ko naman ngayon ay mukhang hindi naman po siya nagloloko.
DON MANUEL: Sana nga hijo.
(Hindi nalang nagsalita si Enrique sa halip ay hinayaan nalang niya ang Don sa mga sinasabi nito. Don Manuel is a business minded man dahilan para mawalan ito ng oras kay Sam. He knows Sam well. Hindi mahalaga dito ang pera and the guy doesn’t even give a damn about the Don’s businesses. Kaya here he is ang masyadong stressed dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng Don sa mga negosyo nito. He’s been working with him for almost 3 years now at wala yatang araw na hindi siya stressed. He wanted to do a lot of things pero di niya magawa. He already tried to talk to Sam nahawakan nito ang negosyo but he failed. The only thing that can release his stress is to go out from the office every lunch time for at least an hour. He usually spends time outside, strolling the city and sometimes walking in the shopping mall. Mahigit isang oras din silang nag-usap ni Don Manuel, pagkatapos ay napagpasyahan ni Enrique na maglibot sa Mall malapit sa office nila. Habang naglalakad ay di niya napansin si Devon na palapit sa kanya. Kung hindi pa nito tinawag ang kanyang pangalan ay di niya ito mapapansin. Di maiwasang pagmasdan ni Enrique si Devon habang palapit ito sa kanya. She smiled at kitang-kita niya ang inosenti at puno ng buhay na ngiti nito. He could say na maganda talaga ang babae.
DEVON: Salamat naman at nakita kita dito.
ENRIQUE: Bakit may problema ba?
DEVON: Iniwan kasi ako ni Sam sa labas ng University tapos wala akong pera pamasahe.
(Napangiti si Enrique sa biglaang pag-iba ng ekresyon ni Devon. Kanina mukhang ang saya nito ngayon naman mukha itong batang inagawan ng candy)
ENRIQUE: Hindi mo ba tinawagan si Sam?
DEVON: Tinawagan ko siya kanina pa sabi niya pupuntahan daw niya ako dito pero halos dalawang oras na ako naghihintay wala pa rin siya.
ENRIQUE: Why don’t you join me for lunch?
DEVON: Huwag na hihintayin ko nalang si Sam, papunta na rin siguro yun.
ENRIQUE: It’s past 12 baka malipasan ka pa ng gutom.
(Sasagot na sana si Devon pero dumating na pala si Sam na hindi nila namamalayan at ito na ang sumagot kay Enrique)
SAM: Don’t bother Quen, she’ll be joining with me.
ENRIQUE: Well..andito na pala ang hinihintay mo.
SAM: Paano mauna na kami. Devz let’s go!
(Hinila na siya ni Sam palabas ng Mall at bago tuluyang makalayo ay napalingon siya kay Enrique at kumuway dito.
Sa labas ng mall ay)
DEVON: Bakit ba nagmamadali ka? Hindi tuloy ako nakapagpaalam ng maayos kay Enrique.
SAM(pabulong): Kunwari pang magpapaalam eh gusto lang naman na magpacute.
DEVON: Anong sinabi mo?
SAM: Ha? Sabi ko may paapaalam ka pang nalalaman.
DEVON: Siyempre dapat naman talaga akong magpaalam sa kanya. Di ako kagaya mo na basta-basta nalang nang iiwan na parang wala kang kasama.
SAM: Paano naman hindi kita iiwan? Natulala ka yata kanina.
(Namula si Devon sa sinabi ni Sam) and you’re blushing now.
DEVON: Hindi ahh! Mainit lang kaya ako namumula!
SAM: Kailan pa namumula ang morena?!
DEVON: Alam mo kainis ka talaga!! (hinampas niya ito pero nahawakan nito ang magkabila niyang kamay)
SAM: Why don’t you admit na affected ka sa sinabi ko kanina?
DEVON: Sinabi nang hindi! Ang kulit mo!
SAM: Admit it! (hinawakan nito ang kanyang mukha)
DEVON: Hindi ako affected sayo!!!
SAM: Ahhh ganun?!!
(And then he kissed her na ikinagulat niya. After few seconds ay pinakawalan din nito ang kanyang mga labi and he looked at her)
SAM: And you can’t deny anymore that you’re affected.
(Hinaplos ni Sam ang kanyang mukha at nagulat siya ng bigla siyang yakapin nito samantalang natatanaw naman sila ni Enrique sa loob ng mall na napabuntunghininga sa nakikita.)

Linggo, Marso 4, 2012

Break the Rules or Not? (Chapter 4)

CHAPTER 4

BACK TO PRESENT!!

SAM: Have you seen my Grandpa’s reaction ng malaman niya na asawa kita? (tawa ng tawa si Sam. Nasa apartment na sila nito at hindi nalang siya umimik. Napansin naman ni Sam na tahimik si Devon kaya tumigil siya pagtawa)
Hey! Is there something wrong?
DEVON: Mukha namang mabait ang Grandpa mo. Bakit hindi mo nalang sundin ang gusto niya? Magtrabaho ka sa Company niyo.
SAM: Forget it! Andun naman si Enrique. He can handle the Company better than me. Anyway, thanks for showing up earlier. I thought hindi ka na darating.
DEVON: Ginagawa ko lang ang part ko sa laro mo.
SAM: Whatever you call it! You’re free naman to do whatever you want.
DEVON: Alam ko…kaya lang natatakot ako kapag natuklasan ni Inay ang totoo.
SAM: Tsaka mo na problemahin yan kapag nagkabukingan na. For now, just play your part and I’ll play mine! (hinawakan niya ang mukha ni Devon) You have nothing to worry ang pagiging mag-asawa natin ay hanggang sa papel lang. I won’t touch unless you want me to. (kinindatan niya si Devon)
DEVON: Ang kapal mo talaga kahit kelan!
SAM: Wala ba talaga dating sayo ang mukhang ito?! (hinawakan nito ang mukha sabay lapit kay Devon)
DEVON: Kahit gaano ka pa ka gwapo hindi ako tatablan sayo! (tumayo na siya) Asan ang magiging kwarto ko? Inaantok na ako.
SAM: We can share room if you want.
DEVON: Hindi yan part ng usapan!
SAM: Binibiro lang kita, naniwala ka naman agad. (Tumayo na rin siya at kinuha ang maletang dala ni Devon at dinala iyon sa magiging kwarto ng babae)
This is the only extra room that I have in this apartment.
DEVON: Mas malaki pa rin ito sa bahay namin. Iwan mo nalang diyan ang gamit ko at inaantok na talaga ako.
SAM: Masusunod kamahalan! Sige good night and thanks ulit!
(Umalis na si Sam at naiwan si Devon na napabuntunghininga. Pumayag siya sa kasunduan nila ni Sam at dapat lang na galingan niya ang gagampanang papel sa laro nito)

(Meanwhile si Rhuvy naman at ang ina nito sa kanilang bahay ay)
GRETA: How come you didn’t know na nag-asawa si Sam?
RHUVY: Mom the last time I talked to him was 6 months ago and now that girl showed up claiming that she’s Sam’s wife!
GRETA: And it’s true!! Rhuvy, alam mong palugi ang negosyo natin and our only option is for you to get married with Sam!
RHUVY: Don’t worry Mom, I know Sam. Once he’s done with her, babalik siya sa akin!
GRETA: Siguraduhin mo lang ng di tayo maghirap na parang daga!
RHUVY: Trust me Mom!

(Pagkagising ni Devon kinaumagahan ay may nabasa siyang sulat galing kay Sam. He asked her to buy some groceries at may pera na ding iniwan ang lalaki. Tinawagan niya ang bestfriend na si Kyra at nagpasama dito.)
KYRA: Simula ng magpakasal kayo ni Sam bihira na tayo mag-usap. Bumalik ka na kasi ulit sa Starbucks. Alam mo naman na gustung-gusto ni manager ang performance mo kapag nag-apply ka ulit dun, tatanggapin ka ulit nun for sure.
DEVON: Ayaw kasi ni Sam na magtrabaho ako sa Starbucks. Ipapasok daw niya ako sa University ng Mom niya bilang staff dun. Ewan ko nga anong magiging trabaho ko, wala naman akong natapos.
KYRA: Sa bagay…chance mo na rin yan. Hmmm…anyway, wala pa ba? (nakita niyang ngumiti si Kyra)
DEVON: Anong wala pa?
KYRA: Wala pa ba akong magiging pamangkin?!
DEVON: Ky ano ba yang pinagsasabi mo?
KYRA: Devz naman ang hot kaya ng asawa mo! Huwag mong sabihin na santo yun!
DEVON’S POV: Kung alam mo lang ang totoo!
KYRA: Basta dapat may magiging pamangkin na ako!
DEVON: Hay naku Ky!
(Lumakad siya at nagpunta sa coffee section. Inihabilin kasi ni Sam na bumili siya ng coffee. Hindi niya alam kung anong coffee ang gusto ni Sam. Habang abala sa katitingin sa coffee brands ay bigla namang may nagsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya si Enrique)
ENRIQUE: Nescafe tastes better than kopiko.
DEVON: Ikaw pala…
(Bago pa nakasagot si Enrique ay bigla namang sumingit si Kyra)
KYRA: Oh my!!! Greek God!!! Bumaba ka ba sa langit?!
(Parehong napatawa sina Devon at Enrique sa sinabi ni Kyra. Tiningnan ni Devon si Enrique, last night ay hindi niya ito na titigan ng maigi. Now that he’s infront of her ay tama nga si Kyra. He’s one of those who have these Greek Gods’ look. Enrique looked at her at nagtama ang kanilang mga mata. Agad nagbaba ng tingin si Devon at nagsalita naman si Enrique)
ENRIQUE: I’m Enrique…and you are? (pakilala nito kay Kyra, agad naman inabot ng huli ang kamay habang kinikilig)
KYRA: I’m Kyra..Devon’s bestfriend…mamimili ka rin ba?
ENRIQUE: No…I just dropped by to unwind myself. (sabay tingin kay Devon)
DEVON: Bakit?
ENRIQUE: I just can’t believe until now na asawa ka ni Sam.
KYRA: Sa maniwala ka at sa hindi mag-asawa talaga sila.
(Tumango nalang si Enrique at maya-maya pa ay nagpaalam na rin ito sa kanila. Nang makaalis ito ay)
KYRA: He’s super gwapo Devz!! Ilakad mo naman ako sa kanya…please??
DEVON: Ano ka?? Kagabi ko nga lang nakilala yun.
KYRA: Sige na para magkaboyfriend na rin ako ng gwapo…please…
DEVON: Ewan ko sayo Ky!!

(Si Sam naman ay nagpapractice ng kanta sa Wired Bar kasama sina Nel, Jaco at JV)
NEL: Ginulat mo kaming lahat kagabi pare. Malay pala namin na kaya ka nawala ng anim na buwan ay nag-asawa ka na pala!
(ngumiti siya sa halip na sumagot)
JV: So natamaan ka talaga sa Devon na yun? Para kasing hindi kapani-paniwala na ang heartbreaker na si Sam ay nagpatali?
JACO: No questions JV…Nakita mo naman dati pa dun sa Starbucks na effortlessly beautiful si Devon.
NEL: For good na ba talaga yan pare? Just tell me if sawa ka na sa kanya..You know, I’m willing to heal her future broken heart.
SAM: Not with Devon pare.
JV: Did I hear the real Samuel? Kailan ka pa naging ganyan sa mga babae mo?
SAM: She’s not one of those girls na inaakala nyo. She’s exclusive for me dahil asawa ko siya.
JACO: Nel, JV narinig niyo yun?!
NEL: Wala na akong sinabi…
(Naputol ang usapan nila ng biglang pumasok si Rhuvy at agad lumapit kay Sam. Hindi nito alintana na andun ang mga barkada ni Sam. Pumulupot ito sa lalaki at humalik dito. Narinig nalang ni Sam na nagsara ang pinto dahil agad na naglabasan ang kanyang mga barkada. Sige pa rin sa paghalik si Rhuvy sa kanya at marahan niya itong itinulak)
SAM: Rhuvy stop…
(Humawak ang babae sa kanyang dibdib at humaplos doon)
RHUVY: I miss you so much…
SAM: Rhuvy…I’m married…
RHUVY: I don’t care…I just wanna make it up to you. I miss you so badly for the past 6 months…(unti-unting kinakalas ng babae ang butones ng kanyang polo)
SAM: Don’t seduce me Rhuvz…
RHUVY: Bakit tinatablan ka na?...
SAM: Shit!!!
(At agad niyang siniil ng halik si Rhuvy. It’s been 6 months na wala siyang nagagalaw ni isang babae dahil sa gusto niyang mag work ang plan niya. Mabilis ang mga kilos at galaw nila ni Rhuvy. He’s an expert when it comes to woman kaya naman ang mga ganitong tagpo ay masyado nang madali para sa kanya.)

(Nakauwi si Sam sa apartment ay bandang alas 3 na ng madaling araw. Bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto ay dumaan siya sa kwarto ni Devon. Nang pihitin niya ang doorknob ay hindi ito nakalock. Pumasok siya sa loob at nakita niya si Devon na mahimbing na natutulog. Nalaglag ang kumot nito at pinulot niya para ikumot dito. Pero bago pa man niya ito tuluyang makumotan ay nasagi ng kanyang mga mata ang binti nito, nakalihis ang suot nitong palda. Napalunok siya sa nakita at mabilis na kinumutan ang babae tsaka lumabas ng kwarto nito. Pagkarating sa kanyang kwarto ay pilit niyang winaglit ang bagay na pumasok sa kanyang isipan. Pinikit niya ang mga mata at pinilit na makatulog.)

(Nagising si Sam sa lakas ng music sa bahay. Bumangon siya at lumabas ng kanyang kwarto. Pagkalabas ay nakita niya si Devon na sumasayaw. Gusto niya itong sigawan pero napangiti nalang siya sa nakikita. Naramdaman ni Devon na parang may mga matang nakatingin sa kanya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Sam na mataman na nakatitig sa kanya. Nataranta siya at agad hininto ang cd na pinapatugtog.)
DEVON: Pasensiya na..akala ko kasi hindi ka umuwi kagabi…
SAM: Paano mo mapapansin eh para kang mantika kung matulog.
DEVON: Sobra ka naman…(sabay ngiti) Tutugtog ka ulit mamayang gabi sa Bar?
SAM: Makakatugtog kaya ako, dinisturbo mo ang pagtulog ko?
DEVON: Pasensiya na talaga…matulog ka nalang ulit. Di na ako mag-iingay.
SAM: Mabuti pa ipagtimpla mo nalang ako ng kape.
DEVON: Sandali lang…(umalis na si Devon at maya-maya pa ay may dala na itong tasa ng kape)
SAM: You know that I like Nescafe?.
DEVON: Sinabi lang ni Enrique na mas maganda ang Nescafe, kaya yun ang binili ko.
SAM: Nagkita kayo ni Enrique?
DEVON: O.o kahapon sa grocery store. Alam mo napagmasdan ko siya kahapon…super gwapo niya pala. (sabay ngiti)
SAM: Mas gwapo ako dun…
DEVON: Sabi mo lang yan…
SAM: May gusto ka sa kanya?!
(Napansin ni Devon na biglang tumaas ang boses ni Sam)
DEVON: Bakit parang galit ka yata? Sa tingin ko naman mabait si Enrique at mapagkakatiwalaan.
SAM: I already told you. You have to trust nobody but me! (sabay tayo at iniwanansi Devon)
DEVON: Anong problema ng lalaking yun?