CHAPTER 4
(Simula ng magtapat sa kanya si Sam ay umiiwas na sya dito. Napansin naman ni Enchong ang pag-iwas ni Devon kay Sam sa bahay kaya kinausap nya si Devon)
ENCHONG: May ginawa ba sayo ang kapatid ko?
DEVON: Kuya Enchong?
ENCHONG: Alam ko naman elementary ka pa lang crush mo na si Sam at hindi pa nawawala yung feelings mo sa kanya until now.
DEVON: Kuya?
ENCHONG: Pareho ko kayong kapatid kaya nag-aalala ako. Huwag mong iwasan si Sam hindi yun sanay na may umiiwas sa kanya.
DEVON: Natatakot kasi ako sa maaring mangyari pag nagkalapit kami… Ayaw kong mainlove sa kanya.
ENCHONG: At inamin mo rin na may feelings ka pa talaga sa kanya? You’re very young Devz,,pupply love lang yan. Sinabihan ko na si Sam, kapag niligawan ka nya! lagot yun sa akin.
DEVON: Hah?!
ENCHONG: Kapatid kita sa ama at kapatid ko sya sa ina..ayaw kong pumasok kayo sa isang bagay na ikakasira ng magandang samahan ng mga magulang natin. Para narin kayong magkapatid kung totoosin, diba?
DEVON: Ibig sabihin if ever na may namagitan sa amin, di mo yun magugustuhan kuya?
ENCHONG: It’s not what I mean..masyado pa kasi kayong bata. Take things slowly..isipin mo nalang na older brother mo sya sa ngayon.
DEVON: But he’s not my brother and he’s not related to me.
ENCHONG: Baby Devz..brotherly advice lang to. Dinala ko si Sam dito dahil kapatid ko sya sana huwag kayong padalus-dalos..ok? (tumango nalang sya)
Anyway, aalis pala ako mamaya. Mag oovernight ako kasama ang mga kaibigan ko dito. Ikaw na bahala kay Sam..ok? di ko sya pwede isama baka ma issue pa sya.
DEVON: Sige kuya..
(Nakaalis na ang kuya Enchong nya. Nakatutok naman sya sa TV SCREEN ng biglang tumabi si Sam sa kanya)
SAM: Hoy! Kausapin mo naman ako…
DEVON: Papasok na ako sa kwarto…inaantok na ako..
(tumayo siya ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay kaya bigla syang napabalik ng upo)
SAM: Kailan mo ba ako sasagutin?
DEVON: Ano?! Di ba pinagbawalan ka ni Kuya na manligaw sa akin?!
SAM: O.o pero I can’t control myself,..kaya naman please sagutin mo na ako… di naman natin sasabihin kay Enchong..tsaka hindi naman tayo related.
DEVON: Sam natatakot akong suwayin si Kuya.baka ano pang sabihin ng mga magulang natin…
SAM: Devon..I’m serious..please..huwag mo na akong pahirapan. Ilang araw mo na akong iniiwasan… parating pa naman ang Christmas, I want to receive a special gift..please?... (nagsusumamo ito sa kanya ngunit di sya nagpadala. Tumayo na sya ulit at iniwan ito sa living room)
(It’s Christmas eve. As usual tawag ang nareceive ni Devon sa kanyang Daddy Dennis at sa kanyang Mommy Cleo)
DEVON: Hay naku Mommy! Sanay na naman ako na tawag lang ang natatanggap buhat sayo! When was the last time you spent Christmas with me? I was just 6 then..it’s been 10 years na hindi ko kayo nakakasama tuwing Christmas. Mabuti pa si Daddy, pumupunta dito kung kinsan. Kung wala si Kuya Enchong napakalonely ko siguro.
CLEO: Please understand iha..busy lang si Mommy sa work…alam mo naman…
Don’t worry..magpapadala ako ng maraming gifts for you.
DEVON: May magagawa pa ba ako?! (she cancelled the call. Nakita nyang papalapit sa kanya sina Yen at Phytos)
YEN: Merry Christmas sis! Here’s my gift! (tinanggap nya ang dala ni Yen at nagbeso dito)
DEVON: Thanks Yen! Bigay ko mamaya yung gift ko…
PHYTOS: Devz Merry Christmas! Ito pala ang gift ko sayo. (sabay abot ng gift)
DEVON: Thanks Phy! Bigay ko rin mamaya yung para sayo.
PHYTOS: Talaga you prepared something for me?
DEVON: Syempre naman..I’m thankful kasi na dito kayo ni Yen nagspend nang Christmas sa bahay para may makasama ako.
YEN: Kami pa! Teka asan kuya mo at si Sam may gift din ako for them?
DEVON: Sa kitchen pa siguro…tinutulungan si Aling Martia…
YEN: Sige puntahan ko muna sila..maiwan ko muna kayo… (umalis na si Yen at naiwan sila ni Phytos)
PHYTOS: You look sad..may problema ba?
DEVON: Wala lang…
PHYTOS: Sabi ni Yen nalulungkot ka daw every Christmas dahil wala parents mo dito. Don’t worry,,we’re here naman for you… (hinawakan nito ang kanyang kamay at napangiti sya)
DEVON: Tayo na sa loob at kumain….
(Habang kumakain ay napansin ni Devon na tahimik si Sam at parang may malalim itong iniisip. Panay naman ang kadaldalan ng kanyang kuya Enchong at Yen)
ENCHONG: Naalala ko lang dati na may dalawang batang babae ang patay na patay sa TV screen dahil kakanta na ang idol nila sa singing contest!
(alam ni Devon na pinariringgan sya ng kapatid kaya sinita nya ito baka ilaglag sya sa harap ni Sam)
DEVON: Tumigil ka nga Kuya! Ang ingay mo..kumain ka na nga lang…
(napatingin si Sam sa kanya at agad din naman ito nagbawi ng tingin)
YEN: O.o nga!
(hindi na nagsalita ang kanyang kuya at nagconcentrate nalang ito sa pagkain. After few hours ay nagdesisyon na rin na umuwi sina Yen at Phytos. Nagpresinta ang kanyang kuya Enchong na ihatid na ang mga ito pauwi at sumang-ayon naman ang dalawa. Nang makaalis na ang tatlo ay dali-dali syang bumalik papasok sa loob ng bahay ngunit agad naman nahawakan ni Sam ang kanyang kamay)
SAM: Please..talk to me…
DEVON: Sam ano bang pag-uusapan natin?
SAM: About us..hanggang kailan mo ba ako pahihirapan?
DEVON: Hindi naman kita pinahihirapan ehh..kaya lang takot ako na magalit si Kuya pag sinuway natin sya…
SAM: Sino bang nagsabi sayo na malalaman nya?! itatago naman natin pag sinagot mo ako..please…Don’t make this two hard for me Devz…
DEVON: Pero Sam?... (lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha)
SAM: Trust me..hinding-hindi kita sasaktan… (she smiled at him and gave A-ok sign) Ibig sabihin tayo na?! (tumango sya at niyakap sya nito ng mahigpit)
You’re the most precious gift I have received Devon.
DEVON: Basta hah?! Yung promise mo never mong ipapaalam kay Kuya…
SAM: Promise! At takot din naman ako na malaman nya na sinuway ko sya.
DEVON: I trust you Sam..sana hindi mo sisirain ang tiwala ko sayo.
SAM: You can have my words Devz… (yumakap ulit ito ng mahigpit sa kanya, tsaka tinitigan sya ng mariin at pagkatapos) Can I kiss you? (kinabahan sya sa sinabi ni Sam at ang bilis ng tibok ng puso nya)
DEVON: Sam..kasi…
SAM: Please?...
DEVON: I’m not ready…
SAM: Sa cheeks nalang please?....
(tumango sya at agad naman itong humalik sa kanyang pisngi na nagdulot ng kilig sa kanya. He hugged her tight at yumakap din sya dito)
awwwwwwwwww
TumugonBurahin