Martes, Hulyo 12, 2011

LOVE POTION (Chapter 13)

CHAPTER 13

(Nag-offer si Ivan na ihatid sya pauwi, hindi sumabay si Sam dahil ibibigay pa daw ni Director Sean ang script na pag-aaralan nito. It’s a good thing na din dahil hindi alam ni Devon kung ano ang gagawin. Kung hindi lang umeksena si Sam kanina sa presscon malamang kinilig na sya ngayon ng bonggang-bongga dahil hinatid sya ni Ivan pauwi. Parang nasa shocking stage pa din sya, narinig nyang nagsalita si Ivan)
IVAN: Nagulat ka ba kay Sam?
DEVON: Paano nangyaring naging lalaki sya? (nagkunwari pa syang walang alam, alangan namang sabihin nya kay Ivan ang tungkol sa potion)
IVAN: Hah? (tumingin si Ivan sa kanya bago nagsalita) Well, ewan… the night after na nagpunta sya ng condo dahil may mahalaga kaming pinag-usapan ay unti-unti syang nagbago. He stayed there for a week dahil sa mga files na ginagawa nya…then I just woke up one day na lalaki na sya! Parang magic lang ang lahat.
DEVON’S POV: Oh my God! Ganito ba talaga ang epekto ng potion?!
IVAN: The next thing happened, Director Sean and some writers dropped by the condo and saw Sam, convinced him about the role. I thought he’s not going to accept dahil babalik sya ng States. But he just stayed there for two days and accepted the offer! I think this is interesting dahil magkakasama tayong tatlo sa isang teleserye. We’ll have more bonding moments together. Huwag mo nang isipin kung paano naging lalaki si Sam..it’s better na din, diba?!
DEVON: Maybe you’re right…
IVAN: Let’s eat out first before I’ll send you home, ok?
(nawala na ang pag-aalala nya dahil sa sinabi ni Ivan na kakain muna sila. Well, this is a prove na si Hannah man ang magiging LT nito sa new teleserye ay mas close pa din silang dalawa. She knew naman na hindi kagaya ni Hannah ang type ni Ivan)
DEVON’S POV: Hay naku Hannah hanggang panaginip ka nalang!

(After eating out ay inihatid na agad sya ni Ivan sa bahay. Hindi na ito pumasok dahil kailangan pa daw nitong mag memorize ng script nila dahil two days after na ang taping. Nang makarating sya sa loob ay narinig nya agad ang pagtili ni Kyra, kung hindi sya nagkakamali boses ni Krissy ang isa, ang kanyang katiwala na matagal na nawala at nagbakasyon. Agad syang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito at agad nya nakita kung bakit nagtilian ang dalawa. Nasa harap ng mga ito ang dating bakla na si Samantha. Agad syang nakita ni Kyra at lumapit ito sa kanya)
KYRA: Oh my God Devz!!! Pahingi ng oxygen..bakit ang gwapo ni Sam?! Di ko kinaya! Baka hihimatayin na ako nito!
DEVON: Shut up! Ang OA mo! Hindi sya gwapo no! parang di mo alam na dati syang….(nakita nyang tumingin si Sam sa kanya)
KRISSY: Dati syang ano?! (sabat ni Krissy)
SAM: Dati nya akong gusto and she still likes me until now… (nanlaki ang mata nya sa sinabi ni Sam, kumindat pa ito sa kanya. Tsismosa pa naman ang katiwala nyang si Krissy at baka kung ano pa ang sabihin nito sa press)
DEVON: Shut up! Ano bang ginagawa mo dito?
(lumapit ito sa kanya at bumulong)
SAM: Nalimutan mo yatang dito din ako nakatira.
(sasagot na sana sya ng magsalita si Kyra)
KYRA: Alis muna kami ni Krissy mukhang may intimate moment pa kayong gagawin at epal lang kami…
KRISSY: Pero teka lang…
(hinatak na ni Kyra si Krissy palayo kaya wala na itong nagawa, tsaka sya nagsalita na wala na ang dalawa)
DEVON: Hoy bakla! Kunin mo na ang mga gamit mo ng walang issue ang lumabas tungkol sa ating dalawa.
SAM: Tinawag mo akong bakla?! Kung patunayan ko kaya sayo ang pagiging lalaki ko, tingnan natin kung masabi mo pang bakla ako!
DEVON: Huh…at sinong tinakot mo?! A gay is always a gay Sam! Alam mo yan!
(lumapit si Sam sa kanya at napaatras sya, mabilis si Sam at bigla syang nakulong sa mga braso nito) Let me go! Ano ba?! (magsasalita pa sana si Devon ngunit hinalikan na sya ni Sam, pilit syang kumakawala ngunit sadyang malakas ito kesa sa kanya. Matapos ang ilang segundo ay pinakawalan din sya nito)
SAM: You have sweet lips kapag tinawag mo pa ulit akong bakla hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. I can do something more na hinding-hindi mo malilimutan!
DEVON: Back off!!!
SAM: Mas lalo kitang nagugustuhan sa kasungitan mo, pa sasaan ba at mapapaamo din kita.
DEVON: Hindi ka lang makapal ang hangin mo pa!
SAM: Don’t hate me that much baka mainlove ka pa sa akin…
DEVON: Get out of my house now!!!!
SAM: Chill out Devz…huwag mo akong ipagtabuyan baka mamaya nyan malaman ng press people na I once live here, another scandal of yours.
DEVON: Alam mo balak mo talagang sirain ang career ko… naiiggit ka siguro!
SAM: Bakit naman ako maiinggit sa isang spoiled-brat na katulad mo?! Hindi na ako nagtataka kung bakit wala kang boyfriend… hirap mo pakisamahan, you’re not even a girlfriend material…
DEVON: What?!!!! Parang bakla ka pa din magsalita! (bigla nalang syang hinalikan ni Sam, this time it’s even more powerful na parang pinaparusahan sya, matapos ang ilang segundo ay tumigil din ito)
SAM: I told you huwag na huwag mo akong matatawag na bakla, pasalamat ka at andito sina Kyra at Krissy kung hindi I’ll take you now!
(lumaki ulit ang mata nya sa narinig, akmang sasampalin nya si Sam ngunit nahawakan nito ang kanyang kamay)
DEVON: Bitiwan mo ang kamay ko!
SAM: Maniningil ako Devon and I’ll make sure na kapag dumating ang araw na yun ay wala kang magagawa kundi sumunod sa kagustuhan ko.
(Umalis na si Sam na hindi man lang sya nakapagsalita. Nagtaka tuloy sya na ang laki ng galit nito sa kanya parang tinawag lang na BAKLA ay galit na galit ito. Parang may pinaghuhugutan ang galit ni SAM)
DEVON’S POV: Shit na potion naman ohhh!!!! Mukhang di naman naiinlove ang gagong yun kundi galit pa sa akin!

(Hindi tuloy sya makatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa resulta ng potion. Kaya napagpasyahan nyang magbasa ng script, hindi pa naman nya ito nabasa simula ng ibigay ito sa kanya. Habang nagbabasa ay nalimutan nya sandali ang tungkol sa potion. Ngunit nawindang naman sya sa script, sasama syang mag-inuman kina Enzo sa bar, malalasing sya at pagkatapos dadalhin sya nito sa isang motel at may mangyayari sa kanila. May kissing scene at bed scene sila ng hinayupak na Sam na yun sa teleserye! Ang story ng “EXCHANGE of HEARTS”, BF ito ni Honey ngunit maghihiwalay ang dalawa dahil malalaman ni Honey ang tungkol sa kanila ni Enzo, biglang rescue naman sa broken heart ni Honey ang ultimate crush nya na si Van. Dahil dito magiging malapit ang dalawa at gagawa sila ng paraan ni Enzo na makuha ulit ang mga taong gusto nila, kumbaga silang dalawa ang kontrabida sa pag-iibigan nina Honey at Van. Pero di nagustuhan ni Devon kissing scene at bedscene with Sam. She never did a bedscene in her showbiz life, hanggang kissing scene lang ang kaya nya at ang gusto lang nyang ka kissing scene ay si Ivan.)
DEVON: Never to that hypocrite bastard!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento