Martes, Hulyo 12, 2011

LOVE POTION (Chapter 12)

CHAPTER 12

(Sumapit na din ang araw na pinakahihintay nina Devon at Kyra, one week na ang nakalipas matapos mainum ni Samantha ang potion. Simula ng mainum ito ni Samantha ay di na ito bumalik sa bahay nina Devon, nagsent lang ito ng message kay Kyra telling na may mahalaga itong aasikasuhin. Naging payapa ang kalooban ni Devon sa pansamantalang pag-alis ni Samantha, magandang pagkakataon na din iyun dahil makakafocus na sya sa trabaho. Two days after ay magsisimula na silang mag tape sa new teleserye na “Exchange of Hearts” pero bago ang taping ipapakilala muna sa kanila ni Director Sean ang magiging LT niya, the Director already chose kung sino ang ipapareha sa kanya. Present na ang ibang casts sa bagong teleserye, karamihan sa mga ito ay nakatrabaho na nya dati kaya naman magaan agad ang pakiramdam nya. Syempre hindi mawawala si Ivan, grabeng pacute ang ginawa nya mapansin lang sya nito at ang kanyang mortal na karibal na si Hannah. Actually, it’s a presscon kaya naman nagpaganda sya in a simple way na hindi mukhang trying hard na bakla ang dating nya. Syempre ang kanyang beauty ngayon ay courtesy of Kyra, kahit si Hannah ang bida parang sa kanya naman nakafocus ang press bilang sya ang kontrabida. Nagpakilala na isat-isa ang mga casts at ang mga press sympre pa ay nagtanong sa mga ito. Silang tatlo ni Ivan ang inihuli bilang sa kanila nakasentro ang story. Nagtataka nga sya dahil ang sinasabing leading man nya ay di pa dumarating malapit na matapos ang presscon. Nakinig sya kay Ivan habang nagsasalita ito)
IVAN: Hi everyone! I’ll be playing the role of Van the MVP in this teleserye.
PRESS 1: It’s a new role for you Ivan. Isn’t this a big challenge? kasi balita namin ikaw itong magiging LT ni Hannah, alam naman nating lahat na si Devon talaga yung palagi mong kapareha at hit talaga pag kayo ang nagkasama..and a proof of that ay yung recently lang na “Love the way you Lie” na movie nyo.
IVAN: It’s ok naman po kasi…I worked with Hannah before sa isang teenshow kung saan kaming tatlo nagsimula.
(sunod na syang nagpakilala)
DEVON: Hello! I’ll be playing the role of Mimi the Cheerleader.
PRESS 2: Brief introduction huh…Ok Devon…here’s my question. Bakit nga ba hindi ikaw ang nakakuha sa lead role? Does it have something to do sa mga scandals na kinasasangkutan mo lately? (napatawa sya ng palihim sa question halata kasi nyang maka-HANNAH ang press na nagtanong sa kanya)
DEVON: It has nothing to do with the scandals I’ve been into lately. Just wanna try something new and explore my horizon.
PRESS 2: How about the Hannah-Ivan tandem, hindi ba ito nakakaapekto sa relasyon na meron kayo ni Ivan?
(tiningnan muna nya si Ivan bago sumagot, she saw him shocked about the question)
DEVON: No..hindi naman po nakakaapekto. Ivan and I know na trabaho lang ito, at the end of the day alam naman namin pareho kung ano ang kaibahan ng reel sa real, di po ba?
(umandar na naman ang pagiging brat nya kaya naman ang press people ay parang nawindang, nakita nyang napasimangot si Hannah sa sagot nya at ang Ivan ay tiningnan sya kaya napatawa sya ng palihim)
DEVON’S POV: You already Devon!
PRESS 2: Anong reel sa real? Anong ibig mong sabihin doon?
DEVON: Well. Let’s just leave it that way..kayo na bahalang mag-isip.
(Nakita nyang nagbulung-bulungan ang mga press people at mukhang napagkasunduan ng mga ito na hindi na magfollow-up question kasi pinakita nya naman na ayaw na nyang magcomment kaya naman nag proceed na ang mga ito kay Hannah)
HANNAH: Hello….I’ll be playing the role of Honey the Scholar.
PRESS 3: How did you feel na you got the lead role?
HANNAH: I’m so blessed and happy po. Pinapangako ko naman na gagalingan ko talaga para tangkilin ng masa ang teleserye namin.
DEVON’S POV: Well..tingnan natin…
PRESS 3: How did you feel na kinocompare ka kay Devon? What I mean is pagkatapos ng teenshow nyo noon ay mas nauna syang bigyan ng break kesa sayo?
HANNAH: Hindi naman po importante kung sinong una nabigyan ng break, ang mas mahalaga ngayon ay paano namin pagtutulungan na kagatin yung show namin tsaka I’m super proud and happy naman po sa narating nya lalo na po ngayon na magkakatrabaho ko sya.
DEVON’S POV: Plastic talaga.
PRESS 3: Possible bang mahulog ka kay Ivan sa totoong buhay?
(nainis si Devon sa question ng press)
HANNAH: Malay po natin…mabait naman talaga si Ivan kaya titingnan po…
PRESS 3: Ok..thanks for answering the questions…
(Nagbulung-bulungan ulit ang mga press people dahil nga hinihintay ng mga ito ang last confirmed cast. Nakita ni Devon na tumayo si Director Sean sa gitna at nagsalita using a mic)
SEAN: Pasensya na at ang huli naming cast ay na late kasi, he just came straight from the airport. Everybody, I’d like you to meet Sam!
(Hindi agad nakabawi si Devon sa sobrang kabiglaan! Pumasok buhat sa kung saan ang dating bakletang si Samantha na ngayon ay hunk na hunk sa suot na white plain shirt and blue jeans, ang dating shoulder length na buhok nito ay bagong gupit na! (man’s cut kumbaga). Mukhang lahat ng cam ay nakafocus dito, agad itong tumabi sa vacant seat sa tabi nya. Ang baklang si Samantha ngayon ay lalaki na!)
DEVON: Oh my God?! Dyos ko ito na po ba ang epekto ng gayuma?! Shit naman bakit ang gwapo nya?! (nakita nyang kinuha ni Samantha ang mic, este Sam na pala ito ngayon)
SAM: Hi! I’ll be playing the role of Enzo the Band Leader.
PRESS 4: Hmmm…mukhang hindi pa kami nakakabawi lahat sa pagdating mo Sam. (bakla ang press 4 kaya medyo pa cute ito kung magtanong) Ang gwapo mo hah! Fresh face sa showbiz, bilang wala pa kaming alam tungkol sayo. Can you say something kung paano mo nakuha ang role?
SAM: Director Sean, visited Ivan’s condo and saw me. He asked if I could do the role as Enzo… kaya naman susubukan ko lang kung kaya ko ba.
PRESS 4: So, you’re good friends with Ivan?
SAM: I met him in the States nang mag migrate ang family ko dun, since then we became good friends..bestfriends in fact.
(nakinig lang si Devon sa press at sa sagot ni Sam)
PRESS 4: In this teleserye you will be working with Devon, any awkwardness with her? (tumingin muna si Sam sa kanya bago nagsalita)
SAM: Well..not at all. I already knew Devon before accepting this role.
PRESS 4: Oh! Paano kayo nagkakilala?
SAM: It’s a long story kapag sinabi ko pa…but she’s a good friend kaya naman wala ng awkward moment.
(bilib din naman sya kung sumagot ang dating bakla parang sanay na sa showbiz. Natapos ang presscon na proud at happy si Director Sean. )

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento