CHAPTER 19
(Pumasok na si Devon sa kanyang kwarto at inis na inis na inihagis kung ano man ang kanyang mahawakan)
DEVON: Damn you Sam!!! (nahawakan nya ang isang vase at ibinato at nabasag ito, pagkalipas ng ilang minuto agad pumasok si Kyra sa loob ng kanyang kwarto)
KYRA: Oh my God Devon! Anong ginawa mo?
DEVON: Nakita mong basag diba? Ibinato ko! May reklamo?!
KYRA: Mahal kaya nito…
DEVON: Eh di pulutin mo at sayo nalang!
KYRA: Wala na itong pakinabang..(lumapit si Kyra sa kanya)
DEVON: Anong tiningin-tingin mo dyan?!
KYRA: Umiiyak ka ba?
DEVON: Bakit naman ako iiyak? (pagkakaila nya)
KYRA: Eh kasi pumunta dito ng kay agang-aga ni Manager Abby at galit na galit… headline ka na naman, may mga photos nyo ni Pierro na lumabas ngayon..it was taken last night sa isang bar…sweet nyong tingnan na kumakanta. Tapos may photos din sina Sam,Ivan at Hannah. Magkasama kayo diba?
DEVON: Pakialam ko sa isyong yan!
KYRA: Hahay! Hindi ka talaga hinihiwalayan ng media…
DEVON: Syempre sikat ako eh!
KYRA: Anyway, bakit hindi ka umuwi kagabi? Sino kasama mo si Pierro, si Ivan o baka naman si Samantha? (nakita ni Devon ang nanunuksong mata ni Kyra)
DEVON: I was with Sam… (mahina nyang tugon at kitang-kita nya ang pagkabigla ni Kyra)
KYRA: Whaatttt????!!!! Ano?! Anong nangyari?!
DEVON: Ano bang iniexpect mong mangyari?
KYRA: Naku naman Devon! Ang gwapo kaya ni Sam kapag binigyan ako ng chance na makasama sya for a day ay gagawin ko ang lahat mapaibig lang sya, kahit maghubad sa harapan nya ay gagawin ko!
DEVON: Huh…kahit hindi ko naman gawin yun ay mapapaibig sya sa akin…
KYRA: Hindi mo na nga kailangang maghubad sa harapan nya dahil nakainum sya ng potion!
DEVON: Pwede ba huwag mo nang ipaala sa akin ang tungkol sa potion na yan!
KYRA: Nagpasalamat nga ako na si Sam ang nakainum nun..biruin mo naging tunay na lalaki at gwapo nya talaga, ngayon gustong-gusto ka na sya.
DEVON: Pero parang nawawala na ang bisa ng potion.
KYRA: Ha? Paano mo nasabi yan? Di ba sunod ng sunod at dikit ng dikit pa nga yun sayo?! At tsaka sabi ni Lola mawawala lang ang bisa ng potion sakaling wagas na umibig ang nakainum nito sa ibang tao at wagas na iibig din ang taong yun sa nakainum. Si Sam, sayo lang naman yun dumidikit.
DEVON: Ewan parang yun ang pakiramdam ko…Anyway, pakialam ko naman kung mawala ang bisa ng potion mas mabuti pa nga yun kasi wala na akong stalker!
KYRA: Sigurado ka bang di ka affected? Pakiramdam ko kasi mukhang nahuhulog ka na din kay Sam.
DEVON: Guni-guni mo lang yan…alam mo naman kung sino talaga ang gusto ko….
KYRA: Ang manhid na si Ivan na naman?! (iniba nalang nya ang usapan)
DEVON: Tawagin mo nalang si Krissy at ipalinis ang kalat dito sa kwarto ko! Pag hinanap ako ni Tita Abby sabihin mo hindi pa ako bumabalik.
KYRA: Masusunod po…
(Matapos linisin ni Krissy ang kalat sa kanyang kwarto ay bumalik na sa normal ang kanyang pag-iisip. Kakalimutan at pababayaan nalang nya ang mga ginagawa ni Sam, ginugulo lang nito ang sistema nya. Sa halip kinuha nya ulit ang new script nila sa teleserye at nagmemorize. Tumawag ang kanyang manager pero di nya sinagot. Sinubukan nyang mag internet at ng mag google sya, lumabas ang ibat-ibang photos nila ni Pierro na masayang kumakanta. Nakita din nya ang photos nina Sam,Ivan at Hannah na umiiwas sa camera. Nang basahin nya ang nakasulat about them ay as usual dinidikit na naman sya kina Pierro at Ivan. Nagulat sya ng may picture nila ni Sam ang lumabas, it was taken ng balikan sya ni Sam at binasa nya ang nakasulat)
“Who’s REAL for DEVON? Is it PIERRO or IVAN? Some have said it was PIERRO based on the photos recently that they have kissed and the latest one which showed how sweet they were while singing. Some testified it was IVAN since many have seen them hanging out together in some classy restaurants, he often visits her and so she is. But what seems to be surprising was last night! Devon’s new LT in the teleserye SAM was caught picking her up at the club where PIERRO performed. The two were seen as they have left the said place. Is SAM the REAL one?
DEVON: Naman?!!! lagot na talaga ako nito kay Tita Abby…
(Two days later ay taping na ulit nila, tinanggap na nya ang sermon ng kanyang manager. Marami ang gustong mag interview sa kanya but sinabi nya na busy pa sya. Pati sa location nila ang daming media ang dumating, mabuti nalang may security unit si Director Sean at hindi nakalapit ang mga ito sa kanila. Nasa isang location silang apat nina Sam,Ivan at Hannah. Agad lumapit si Ivan sa kanya at ngumiti)
IVAN: Pasensya na talaga noong isang gabi Devz, alam mo naman yun diba? Iniwan ka namin…mabuti nalang pumayag si Sam na balikan ka.
DEVON: Yan naman ang hirap sayo Ivan…masyado mong pinapahalagahan ang career mo kesa sa akin… (nagtampo talaga sya sa ginawa ni Ivan kahit na pinabalik nito si Sam for her, siguro mas ok kung ito ang bumalik)
IVAN: I’m sorry na…(may inabot itong isang rose sa kanya at nagulat talaga sya, it’s the first na nagbigay sa kanya ng bulaklak si Ivan, she felt happy sa nakita at ngumiti) Am I forgiven? (tumango sya at ginulo nito ang kanyang buhok)
DEVON: Ano ba?! mahal ang shampoo ngayon… (nagkulitan sila ni Ivan at yun ang naabutan na eksena nina Sam at Hannah. Nagkatitigan sila ni Sam at agad itong umiwas ng tingin sa kanya)
HANNAH: Wow! Sweet nyo naman… baka nakalimutan nyo na hindi kayo ang OLT sa teleserye…
DEVON: Bakit for reel lang naman kayo ni Ivan diba?!
HANNAH: Eh kayo ba for real? Sa pagkakaalam ko reel lang din naman kayo! (mukhang magsisimula na naman silang magbangayan ni Hannah ngunit bago pa sya makasagot ay nagsalita si Ivan)
IVAN: Pwede namang maging real ang reel diba? (nabigla si Devon sa sinabi ni Ivan, hindi nya tuloy maisip kung ano ang ibig sabihin nito. Is Ivan referring to her or Hannah but somehow she felt he’s referring to her at nagdiwang ang puso nya)
DEVON: Ibig sabihin ba nito liligawan na nya ako?!
HANNAH: What are you trying to say?!
(nakita ni Devon na tumingin si Ivan kay Sam at namalayan nalang nyang hinawakan nito ang kanyang kamay,hinila sya at inilayo kina Sam at Hannah pero bago tuluyang makalayo ay nagkatitigan sila ni Sam at nagsmile ito sa kanya but she can feel he’s hurting)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento