CHAPTER 18
(Nakita ni Devon na nagdilim ang mukha ni Sam sa ginawa nya. Tumayo ito buhat sa pagkakaupo at lumapit sa kanya)
SAM: Nice one Devz! Ikaw palang ang nakagawa sa akin nito!
DEVON: Ginagalit mo kasi ako!
SAM: And I’ll make it sure na may mangyayari sa atin bago kita ibalik sa inyo.
(iniwan na sya nito at ibinagsak ang pinto)
DEVON: I hate you! I hate you! I hate you Sam! (ewan ba at biglaan nalang syang napaiyak, hindi nya maintindihan ang sarili. Samantalang si Sam naman sa labas ay napasuntok sa pintuan)
SAM: I’m sorry Devz…(narinig nya ang pag-iyak ni Devon sa loob ng kwarto, naputol ang pag-iisip ni Sam nang mag ring ang kanyang phone, it was Ivan and he took the call) Hello?
IVAN: You’re with her?
SAM: Just give me time and I’ll give her back to you… (naramdaman ni Sam na tumahimik sandali si Ivan sa kabilang linya)
IVAN: Sam?
SAM: Give yourself a chance Ivan… move on and be happy.
IVAN: Paano ka?
SAM: I’ll be fine..nararamdaman ko naman na wala talagang chance between me and Devon.
IVAN: But?!
SAM: Admit your feelings for her…alam ko naman na ikaw talaga yung gusto nya…ayaw kong ipilit ang sarili ko sa babaeng walang feelings sa akin…I might just hurt her and I’m just hurting myself more. Marami ng nangyari, I guess it’s about time na aminin mo yung feelings mo sa kanya. Forget the past and take chances now.
IVAN: Pero Sam?
SAM: Don’t worry about me…I just want my bestfriend to be happy and you deserve it… Huwag kang mag-alala ibabalik ko si Devon ng buong-buo sayo, just give me this day to be with her.
IVAN: Thanks Sam….
(Nag end call na si Ivan at napaupo nalang si Sam sa may pintuan. He loves Devon but bestfriend nya si Ivan. He met Ivan ng mag migrate sila sa States at buhat noon naging magbestfriends na sila. Ivan has always been with him through thick and thin, ito ang partners in crime nya kumbaga. Tagapagtanggol kapag may umaapi sa kanya, he gained self-confidence dahil na rin dito. It’s about time na rin para lumigaya ang kanyang bestfriend matapos ang maraming taong pagiging malungkutin nito. When Ivan decided to come in the Philippines, he felt happy dahil unti-unti na itong nagmove on. When he found out na nag-artista ito and became Devon’s LT ay naramdaman na nya na mahuhulog ito sa dalaga. Alam nyang iniiwasan nito si Devon dahil ayaw lang ni Ivan na may masaktan ulit sa huli. Now is the right time for his bestfriend to be happy again)
SAM: Giving up the person I love is the best thing to do than loving unrequitedly.
(mapait syang ngumiti)
(Dahil nagutom ay kinain na din ni Devon ang pagkain na dinala ni Sam at naubos pa nya lahat. Makalipas ang isang oras pumasok ulit si Sam sa loob ng kwarto at inirapan nya ito)
SAM: I’m sorry…
(di sya makapaniwala sa narinig)
DEVON: Anong sinabi mo?
(nagsmile si Sam sa kanya, nakita nyang wala na ang galit sa mga mata nito ngunit she saw pain in his eyes at para syang nasaktan sa nakikita)
SAM: Pwede bang huwag muna tayong mag-away ngayon? Let’s enjoy outside…I promise, I gonna take you home after…
(nakita nya ang sincerity sa mga mata ni Sam kaya naman tumango sya dito, pagod na din sya makipagbangayan at gusto na nyang makauwi. Paglabas nila ni Sam nagulat pa sya sa ganda ng paligid. Wla naman pala sila sa isang deserted island, nasa isang ranch sila. She saw many horses, niyaya siya ni Sam na maghorseback riding, hindi sya marunong kaya sa isang kabayo nalang sila sumakay. Sam was at her back and she felt he’s protecting her para di malaglag. Hindi nangungulit si Sam at tahimik lang ito kaya nanibago sya, kaya binasag nya ang katahimikan sa pagitan nila)
DEVON: Nakakapanibago ka? May problema ba?
SAM: I just remembered lang kasi noong bata pa ako, I promised to myself na dadahin ko dito yung taong mahal ko.
DEVON: Bakla ka na ba noong bata ka pa? (natutop nya ang bibig, sa mga nangyari kasi parang nalimutan na ni Sam na dati itong bakla)
SAM: Hah? Ano yung sinabi mo?
DEVON’S POV: Naman oh..paano ko ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa potion? Na naging lalaki sya dahil doon…lintik na buhay… (hindi na sya sumagot sa tanong ni Sam, naramdaman nyang huminga ito ng malalim sa likod nya at muling nagsalita)
SAM: Naranasan mo na bang mainlove at mabigo? (nagulat naman sya sa tanong ni Sam pero naramdaman nyang seryoso ito kaya naman sumagot sya)
DEVON: Maybe it was love…maybe it wasn’t… But one thing was sure…I like him a lot but he took me for granted or…(hindi nya maipagpatuloy ang sasabihin dahil nagsalita si Sam)
SAM: If it’s about Ivan, you don’t have to worry too much…I know mahalaga ka sa kanya (ayaw nyang lingunin si Sam dahil nararamdaman nyang nasasaktan ito sa sinasabi sa kanya)
DEVON: Yeah! Right…
(hindi nalang ulit sya nagsalita, alangan namang sabihin nya kay Sam na hindi si Ivan ang tinutukoy nya kundi si Renz ang payatot,weird at iniinsulto nya noon dahil sa pagpapaasa sa kanya at naglahong parang bula. Sa bagay parang si Renz lang din naman si Ivan, tahimik, sweet at mahilig magpaasa. Caring pero hindi mo alam kung ano ang tunay na nararamdaman)
SAM: Di ba sinabi ko sayo kanina na noong bata pa ako, I promised to myself na dadalhin ko dito ang taong mahal ko…that’s why I brought you here…
(hindi nya alam kung ano ang gagawin, nagtapat sa kanya si Sam…alam nyang dahil lang ito sa gayuma ngunit kinilig sya,nagsalita ulit si Sam) Please turn your back…
(she felt na nagsusumamo ito, naglalakad na ang kabayo kaya lumingon sya dito. When she turned her back, she saw how sincere he is…Sam claimed her lips at ginantihan nya ito, after a few seconds ay sinabi na nitong ihahatid sya pauwi ng bahay. Habang nasa daan ay wala silang imikan, namalayan nalang nya na huminto na ang kotse nito sa bahay niya. Binuksan nya ang pinto ng kotse at pinigil sya nito at siniil ng halik, tutugon na sana sya ngunit tumigil ito at nagsalita)
SAM: We better be friends…(yumuko si Sam nang sabihin iyon at hindi sya nakapagsalita, namalayan nalang nya na nakalabas na sya ng kotse nito at patakbong pumasok sa loob ng bahay na umiiyak)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento