CHAPTER 16
(Hinintay ni Devon na sumagot si Sam sa tanong ni Ivan, kinakabahan tuloy sya sa isasagot nito. Akmang sasagot na sana si Sam ng biglaang dumating ang sasakyan ng mga media. Lumabas ang ilang reporters at pinagkukunan sina Ivan at Sam habang sya naman ay patuloy sa pagtatago)
REPORTER 1: Ano bang ginagawa nyong dalawa dito? Totoo bang kasama nyo sina Devon at Hannah?
IVAN: Sorry but we need to leave now,it’s quite late.
(Nakita nyang papasok na ang dalawa sa sasakyan)
DEVON’S POV: Aba! At iiwan pa nila ako! (ayaw din naman nyang lumabas sa pinagtataguan baka ma headline na naman sya, nakita nyang lumabas si Hannah at ang mga media ay agad nakafocus dito. Sina Sam at Ivan naman ay di natuloy sa pagpasok sa kotse)
REPORTER 2: Here’s Hannah! So totoo talagang magkasama kayo?
HANNAH: Yeah! But we need to go now…Sorry… (nakita ni Devon na pumasok na ito sa kotse ni Ivan at pumasok na din ang dalawang lalaki sa loob, nagpumilit kumuha ng statement ang mga media ngunit umalis na ang sasakyan ni Ivan. Napoot si Devon dahil iniwan pa sya ng tatlo)
DEVON: Aba! At iniwan talaga ako! Mga walang-hiya!
(Nakita nyang palinga-linga ang mga reporters para bang may hinahanap at kung di sya nagkakamail sya ang hinahanap ng mga ito. Nagtago sya sa may halaman ng papalapit ang ilang reporters sa kinaroroonan nya. Tumigil pa ang ilan sa mga ito sa may pinagtataguan nya at nag-usap)
REPORTER 1: Akala ko ba andito si Devon, mukhang wala naman…
REPORTER 2: Baka nagkamali ang scoop mo?
REPORTER 3: Hindi talaga..magpapakatiwalaan yun… nagduet pa nga daw at si Pierro kanina…
REPORTER 1: May ibidensya ba?
REPORTER 3: Hihingin ko sa aking scoop at panigurado, headline na naman sya bukas at ako ang bibida…Paano ba yan mangalap din kayo ng evidences para marecognize din kayo. (umalis na ang reporter 3 at naiwan ang dalawang reporters)
REPORTER 2: Dali pasok tayo sa loob,subukan nating magtanong sa mga naroon at humingi ng photos kung meron.
REPORTER 1: Mabuti pa nga! (umalis na din ang dalawang reporters)
DEVON’S POV: Patay na ako nito kay Tita Abby bukas…
(It’s 2 a.m pero di pa rin makaalis si Devon dahil may ilang media pa din sa labas at naiinis na sya. Sinubukan nyang tawagan si Kyra ngunit out of reach ito pati si Krissy…alam nyang gumimik ang dalawa dahil linggo. Di man lang tumawag o nagtxt si Ivan sa kanya)
DEVON: How could he leave me like this?! (mangiyak-ngiyak na sya, nabigla nalang sya at muntikan mapasigaw ng may humawak sa kanyang balikat. Nang lumingon sya ay nakita nya si Pierro)
PIERRO: Still here? Akala ko umalis na kayo kanina pang 1 a.m.
DE VON: Iniwan nila ako…
PIERRO: What??!!
DEVON: Bigla kasing dumating ang mga media kanina…
PIERRO: Nakita ko nga..may ilang pumasok sa loob at nag-interview sa mga customers at humingi ng photos…panigurado malaking gulo na naman ito bukas, nakita ko kasing may ilang customer ang nagpainterview at nagbluetooth ng photos. They tried to ask me but I avoided them.
DEVON: Hay naku!
PIERRO: Mabuti pa I’ll drive you home nalang…don’t worry nakita kong umalis na lahat ng media..kaya it’s time to go.
DEVON: Thanks Pierro…mabuti ka pa…
PIERRO: I told you gagawin ko lahat magustuhan mo lang ako…
DEVON: Di ka pa din ba sumusuko? Paano na ang LT nyo ni Hannah?
PIERRO: Si Ivan na ata ang OLT nya ngayon…
DEVON: Balita ko kasali ka dapat sa casting sa teleserye namin but hindi mo tinanggap…why?
PIERRO: My band will be having a series of concert abroad..and you know mas love ko ang pagkanta kesa acting.
DEVON: Wow bongga! Kailan alis nyo?
PIERRO: After a couple of weeks…
DEVON: I see… Paano alis na tayo..inaantok na kasi ako…
PIERRO: Sure!
(Papasok na sana si Devon sa kotse ni Pierro ng may biglang humila sa braso nya, nang lumingon sya nakita nya si Sam)
DEVON: What the hell?!!
SAM: You’re not going with him! (ma-awtoridad nitong sabi)
DEVON: At sino ka para pakialaman ako?!
SAM: Sige sumama ka sa kanya..sayang pinakiusapan pa naman ako ni Ivan na balikan ka dito… (agad nagdiwang ang puso nya sa narinig, tumingin sya kay Pierro at para namang nakuha nito ang ibig nyang ipahiwatig)
PIERRO: She can go with you but next time na iwan nyo pa ulit sya ni Ivan ay ako na ang makakabangga nyo!
(bago pumasok si Pierro sa sasakyan nito ay humalik ito sa pisngi nya na ikinagulat nya ng sobra pero wala na syang nagawa. Nang makaalis ang sasakyan ni Pierro ay agad syang hinila ni Sam at pwersahang pinapasok sa kotse na dala nito. Hindi kotse ni Ivan ang dala ni Sam kaya nagtaka sya. Nang nasa loob na sila ng kotse ay nakita nya ang galit na mukha ni Sam)
DEVON: Walang modo ka talaga kahit kailan!!
SAM: Sino kaya sa ating dalawa ang walang modo?! Di ba ikaw?! Pumapayag kang magpahalik ng kung sinong lalaki!
DEVON: Teka nga! Nagseselos ka ba sa paghalik ni Pierro sa akin?! (tumitig si Sam sa kanya)
SAM: I like you! Alam mo yan!
DEVON: You like me dahil..dahil.. (hindi nya matuloy ang sasabihin…paano ba nya sasabihin kay Sam na nagkakagusto lang ito sa kanya dahil sa gayuma na nainum nito at ito ay dating bakla)
SAM: I like you..dahil ano?! Bakit di mo matuloy ang sasabihin mo?!
DEVON: You like me dahil hindi naman maipagkakaila na maganda ako, talented at mayaman pa!
(nakita nyang mas nagalit ito sa sinabi nya)
SAM: Despite of those na sinabi mo..hindi ko alam kung bakit ang katulad mong maldita at brat pa ang nagustuhan ko! Boang na nga siguro ako!
(parang nakakita sya ng sincerity sa sinabi ni Sam, alam nyang dahil lang sa potion kung bakit nagkakagusto ito sa kanya pero gayunpaman di nya maiwasang kiligin. Iniba nalang nya ang usapan para makaiwas kay Sam)
DEVON: Si Ivan ba talaga ang nagpabalik dito sayo?
(tumitig ito sa kanya bago sumagot)
SAM: Yes… (mahina nitong sagot na ikinakilig nya. biruin mahalaga talaga sya kay Ivan kaya napangiti sya. Narinig nya na nagsalita ulit si Sam)
Kahit pa hindi sinabi ni Ivan na balikan kita dito ay gagawin ko pa rin…. (nabigla sya sa sinabi ni Sam at di makapagsalita. Narinig nalang nya na pinaandar na nito ang sasakyan at umalis na sila)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento