Huwebes, Hulyo 21, 2011

LOVE POTION (Chapter 31)

CHAPTER 31

(Kanina pa nakauwi si Devon sa kanyang bahay at di pa rin sya makapaniwala sa natuklasan. Hindi na nya hinintay na dumating si Ivan,agad syang umuwi matapos matuklasan ang tungkol kay Renz. )
DEVON: Bakit hindi nya sinabi sa akin na sya si Renz? Ano ba talaga ang binabalak nya?
(muli nyang kinuha ang isang box sa drawer. It contains the cards Renz had given to her and she smiled upon reading those)
DEVON: Ngayong alam ko na kayo ay iisa…nararapat lang na hindi kita pakawalan.
(binalik nya muli ang cards sa box ang she fell asleep with smile in her face)

(The next day, she called Ivan to meet him. They were in a coffee shop, she smiled so sweetly pero parang inis si Ivan)
DEVON: Bakit parang ayaw mo akong makita? Is there something wrong?
IVAN: This is wrong Devz..didn’t you remember? You got off my car and left without a word tapos ngayon makikipagkita ka sa akin with a big smile in your face. Are you fooling me??!!
(medyo nainis sya sa sinabi ni Ivan ngunit di sya nagpahalata na affected, she held his hands and smiled)
DEVON: Ano ka ba? I just wanna say sorry umandar kasi ang pagiging brat ko that time..but I promise di na yun mauulit…
IVAN: Devz??? (tumitig si Ivan sa kanya)
Let’s stop this…ayaw kong dumating ang araw na sinasaktan natin ang isat-isa.
DEVON: Ivan? I want this to work out…
IVAN: I like you alam mo yan but ikaw? Sigurado ka ba talaga sa feelings mo sa akin?? Stop fooling yourself Devz..kahit hindi mo sabihin alam kong may feelings ka kay Sam….
DEVON: Ivan??!!! Bakit ba pinagtatabuyan mo ako kay Sam??!!
IVAN: Hindi kita pinagtatabuyan..what I mean is…ask your heart, sino ba talaga ang nasa puso mo? Ako ba or si Sam? I’m just giving you time to think Devz…
DEVON: Para ano??!! Para balikan mo si Linn?? Ganoon ba??!! Gumagawa ka lang ng excuse para mabalikan mo sya!!! Kunwari ka pang concern sa akin but ang totoo ang sarili mo lang ang iniisip mo??!!! (galit na talaga sya kay Ivan at napasigaw sya, pinagtitinginan tuloy sila ng ibang tao…wala na syang pakialam maheadline man sila kinabukasan)
IVAN: Balikan si Linn??!!! Paano ko babalikan ang taong matagal ng patay!!
(nabigla naman si Devon sa sinabi ni Ivan)
DEVON: Ano patay na si Linn?? Pero..pero nakita ko sya with Sam…
IVAN: What??!!! (hinawakan ni Ivan ng mariin ang kanyang braso) huwag kang magbiro ng ganyan Devz..hindi ka nakakatuwa!
DEVON: The night na pinahatid mo ako kay Sam from taping ay muntikan na kaming mabangga diba? Ang muntikan na naming mabangga ay si Linn… I heard it clearly ng banggitin ni Sam ang pangalan nya..but she ran away from us!
IVAN: But this can’t be!!!
DEVON: Kung ayaw mong maniwala..eh di tanungin mo si Sam!
(nakita nyang natahimik si Ivan at parang may malalim itong iniisip)

(Muling nagbalik sa alala ni Ivan ang nakaraan. He was born in a simple yet happy family in the States… He thought they’ll be happy forever ngunit maraming pangyayari na nakapagpabago sa kanyang family. He’s always kind to everybody but malas naman sya pagdating sa mga taong mahal nya. Namatay ang Mommy nya sa isang car accident at himalang wala man lang ni isang galos na tinamo siya noon. He had a sister pero namatay din ito ng nasa middle school sila. Pauwi sila noon from school nang may dalawang gangs ang nagrambulan at nadamay sila.His sister got stabbed and died infront of them. He became so desperate dahil wala syang nagawa para tulungan ang kapatid. During their University Graduation nakatanggap sya ng tawag buhat sa mga police, his girlfriend Linn died in a big fire sa apartment nito. He and Sam hurried toward the apartment at nakita nila buhat sa mga police ang necklace na pagmamay-ari ng girlfriend nyang si Linn. Buhat noon naging malungkutin na sya at isinumpa sa sarili na hindi na magiging malapit sa sinumang babae. Pakiramdam nya kasi lahat ng babaeng napapalapit sa kanya ay nawawala. Kaya after a year of depression, ay napagpasyahan nyang magpunta ng Pinas at kalimutan ang masasamang nakaraan. He likes Devon since then hindi dahil pareho ito ng ugali kay Linn dahil he sees her cute in everything she does. Pinigil nya ang damdamin sa babae dahil takot syang mawala ito sa kanya tulad ng nangyari sa kanyang Mommy, kapatid at kay Linn. Alam nyang gusto din ng bestfriend nyang si Sam si Devon ngunit nagpaubaya ito dahil na rin gusto nitong lumigaya sya after the heartbreak. Kung kailan nahuhulog na sya kay Devon tsaka naman nya malalaman na buhay si Linn. Bigla tuloy syang nagalit sa kanyang bestfriend na si Sam sa pagtatago ng katotohanan sa kanya. Nakwento nya kay Devon ang lahat-lahat at pagkatapos ay)

DEVON: Tinanong mo pa kung bakit tinago sayo ni Sam ang totoo?! Syempre dahil gusto nya din si Linn! Nakita ko sila minsan sa condo unit ni Sam na nag-uusap.
IVAN: Pero hindi ako naniniwala na may namamagitan sa kanila…
DEVON: Sigurado ka ba talagang wlang gusto si Sam kay Linn?!

(hindi agad nakasagot si Ivan, noon pa man ay nagseselos na din sya sa closeness nina Sam at Linn. There were times na nakikita nya noon ang dalawang naghaharutan at nagkukulitan and he couldn’t help but feel jealous.)

IVAN: I know Sam never sya magkakainterest sa babaeng pagmamay-ari na ng iba.
DEVON: Pero paano mo maipapaliwanag ang pagtago nya sayo kay Linn?

(Kahit pilitin man ni Ivan na intindihin si Sam hindi nya magawang hindi magduda dito. Hindi na nya tuloy alam ang gagawin kapag nagkausap o nagkita sila ni Sam. He never fought with Sam dahil lang sa babae pero ang pagtago nito sa kanya tungkol kay Linn ay hindi makatwiran. His bestfriend is hiding something from him na may kinalaman pa sa babaeng napakahalaga sa kanya. He then decided to comfront Sam, nagpasama sya kay Devon sa condo unit nito. Habang nasa daan ay hindi mapakali si Ivan, nang sulyapan nya si Devon ay tahimik ito ay may malalim na iniisip. Ayaw nya munang magsalita dahil hindi naman nya alam ang sasabihin. After 20 minutes ay nakarating na sila sa condo ni Sam.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento