CHAPTER 6
(Hindi makatulog at di dinadalaw ng antok si Devon)
DEVON: Shit!!!!! Loko-lokong bakla!! ! Grrrrr!!!!!!!!!!!!!!!!! Halikan ba naman ako?!!!!!!!!!! Nakakainis talaga!!!!!!!!!!
(nagsasalita syang mag-isa sa loob ng kanyang kwarto, di sya nakapagreact kanina matapos syang halikan ni Samantha. Nakuryente ata sya at natameme ng ilang segundo at nakita nya ang nakakalokong mukha ng bakleta pagkatapos nyang mahalikan. Marunong ba humalik si Samantha? In a scale of 1-10, masasabi ni Devon na perfect 10!)
DEVON: Of course! Marunong sya humalik dahil bakla sya! Ilang lalaki na kaya ang nahalikan nun! Yucks!!!! Nakakadiri talaga!!!
DEVON’S POV: Nandidiri ka ba talaga o gusto mo yung ginawa nya? Common Devon! Huwag lokohin ang sarili! Nag-enjoy ka sa ginawa ni Samantha!
(Ibinaon nya ang ulo sa unan at pagkatapos ay sumigaw sya ng malakas na nagpagising kay Kyra sa kabilang kwarto at dali-dali itong kumatok sa kanyang silid na binuksan naman nya)
KYRA: Ok ka lang? Anong problema? Alas dos na ng madaling araw at sumigaw ka pa, nagising tuloy itong beauty ko…
DEVON: Tumahimik ka! Naiinis ako! Naiinis ako! Naiinis ako!
KYRA: Ano bang problema ha? Matulog ka na nga…
DEVON: Hindi ako makatulog kaya samahan mo ako….
KYRA: Ha? Saan tayo pupunta?
DEVON: Jogging!
KYRA: Ano? Alas dos ng madaling araw Devon? Ok ka lang?
DEVON: Sasamahan mo ba ako o gusto mong….
KYRA: Sige na! sige na! sasama na po….
(Nagpunta sila sa park at nag jogging. Nagrereklamo si Kyra dahil inaantok pa ito samantalang hyper na hyper pa sya. Walang tao kaya walang makakakilala sa kanya. Nagulat nalang sya ng biglaang napasigaw si Kyra buhat sa kanyang likuran. Nang lumingon sya nakita nyang may dalawang malalaking tao ang may dala ng patalim at nakatuon kay Kyra)
DEVON: Hoy mga manong na malalaking tiyan! Ilayo nyo ang patalim kay Kyra!
GUY 1: Teka, teka… ikaw si Devon, diba? Ang sikat na young superstar! Kapag sinuswerte nga naman!
DEVON: Ako nga! Bakit masyado ba akong maganda sa personal?!
GUY 2: Ano pare?! Sya nalang ang paglaruan natin magkakapera pa tayo!
(Akmang lalapit ang dalawa sa kanya ng magsalita sya)
DEVON: Opps! Huwag Kayong lalapit! Wala kayong makukuha sa akin…Nasa alalay ko ang aking pera at mga credit cards kaya sya nalang! (nakita nyang namumutla si Kyra sa sinabi nya)
KYRA: Hoy Devon! Huwag mo akong ipahamak..alam mong wala akong pera…
GUY 1: Para walang away kayong dalawa nalang!
(hinawakan ng isang lalaki si Kyra at ang isa naman ay palapit sa kanya, gusto nyang tumakbo ngunit umurong yata ang tuhod nya. Hahablutin na sana sya ng biglaang may sumuntok at humandusay ito sa lakas ng tama. Nang tingnan nya ang tumulong sa kanya ay nakita nya si Pierro, sinuntok ulit nito ang lalaki at tumulong ang kasamahan nito. Sadyang mabilis gumalaw si Pierro at napabagsak nito ang dalawa at tumakbo na ito palayo sa kanila pagkatapos
Dahil nabigla sa bilis ng pangyayari di sya makapagsalita)
PIERRO: You ok? (hinawakan nito ang kanyang balikat)
DEVON: Yeah…thanks…
KYRA: Our hero! Mabuti naman at dumating ka…
PIERRO: I was just across from here ng makita ko ang familiar na feature ni Devon kaya pumunta ako dito..hindi ko naman aakalain na may nangyari na palang di maganda…
DEVON: Bakit ka naman napadpad dito?
PIERRO: Across from here is a famous pub..we perform there every weekend.
KYRA: Huwag ka ng magsungit Devon..sya yata ang savior mo ngayon….
DEVON: Anyway, thanks again…aalis na kami…
PIERRO: I’ll give you a lift..if ok lang?
DEVON: It’s ok… I have my own car…
PIERRO: I want you to go home safe..kaya ihahatid na kita…
(mukhang pursigido ang Pierro kaya pumayag nalang sya)
DEVON: Ok…Kyra..take my key and drive my car…
(inihagis nya ang car key kay Kyra at sumunod na kay Pierro papasok sa kotse nito. Habang pauwi ng bahay ay parang di sya komportable kay Pierro kaya di sya makapagsalita)
PIERRO: Are you scared of me?
DEVON: No..I’m not..It’s just that I’m not at ease…
PIERRO: And that’s what I like about you…masyado kang straightforward magsalita. You impress me.
DEVON: What? Are you kidding me?!
PIERRO: I’m not Devon…I like you and I want you to be my girl…
(Di sya makapagsalita sa bilis ng pangyayari. She knows Pierro dated a lot of woman and once his done with somebody, iiwan na lang nito basta ang babae na parang walang nangyari. )
PIERRO: I dated a lot of woman…yes! It’s true… (nahulaan pa nito ang iniisip nya)
I don’t trust woman Devon dahil alam mo naman ang estorya ng buhay ko. My Mom cheated my father at pagkatapos nun nawala na ang tiwala ko sa mga babae.
DEVON: And you want to play with me..ganoon ba? You don’t trust woman, then fool them not me…
PIERRO: As what I’ve said earlier…I like you..you’re straightforward kaya I want to know you more..maybe I could learn to trust woman again if you would give me a chance..
DEVON: I’m sorry Pierro but…..
PIERRO: Because of Ivan? Are you into a relationship with him?
DEVON: No..we’re not into a relationship…
PIERRO: You like him..don’t you?
DEVON: What are you talking???
PIERRO: I’ve met a lot of woman Devon at alam ko kung kailan sila nagkakagusto sa isang lalaki. Just like you…I can see how happy you are everytime Ivan is around…But sad to say, he’s too insensitive to notice your feelings for him.
(mukhang nahuli na sya ni Pierro)
DEVON’S POV: Naman! ang hirap gumawa ng defense mechanism sa lalaking ito..
PIERRO: I won’t give up on you Devon… try to consider about my proposal.. ok?
(di na nya sinagot si Pierro dahil ang bilis nito kung makadiskarte. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay nya. Infairness, gentleman ang Pierro…una itong lumabas sa kotse at inalalayan pa syang makababa. Ngunit dahil mabilis si Pierro ay nacorner sya nito at napasandal sya sa labas kotse)
PIERRO: Ivan is fool for ignoring your existence Devon….
DEVON: He’s not fool! I won’t allow anybody to talk to him like that! I hate it!
PIERRO: I’m just expressing my opinion Devon…Sorry…
DEVON: Anyway, thanks for the ride! (itutulak na sana nya ang kamay nito ng biglaan sya nitong dampian ng halik sa pisngi na ikinagulat nya)
PIERRO: You owe me a date…
DEVON: What?!!!
PIERRO: Walang libre ngayon..I saved you..so you owe me one! I’ll pick you up tomorrow at 7 p.m. (kinindatan sya ni Pierro, tuluyan na itong pumasok sa loob ng kotse at umalis. Naiwan syang naiinis kay Pierro sa pagiging agresibo nito)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento