CHAPTER 25
(Kanina pa sya nakauwi buhat sa studio ngunit hindi pa rin sya mapakali. Hindi man lang sya pinansin ni Sam matapos ang prod, panay kasi ang pulupot ni Hannah dito at sya naman ay nasa tabi ni Ivan. Alam nyang nagpapanggap lang ito sa harap ni Ivan gaya ng sinabi nito sa kanya dati)
DEVON: Ang galing talaga nyang magpanggap sa harap ni Ivan! Traydor naman!
(nagulat sya ng biglang may yumakap sa kanya buhat sa likuran, napasigaw sya ngunit natakpan nito ang kanyang bibig dahilan para hindi sya marinig nina Kyra. When she turned her back ay nakita nya si Sam)
DEVON: Paano ka nakapasok sa kwarto ko?!
SAM: Hindi kaya nakalock …
DEVON: Paano ka nakapasok dito sa bahay?!
SAM: Nakalimutan mo na yata na may susi ako dito..Here! (ipinakita pa sa kanya ang hawak nitong susi)
DEVON: Give it back to me!!!! Hindi ka na naman nakatira dito!!!! (sinubukan nyang agawin ang susi buhat dito ngunit agad nitong isinilid sa bulsa ng pantaloon)
SAM: Get it!!!
DEVON: Damn you!!!
SAM: Dahan-dahan Devz..nakalimutan mo yata nasa akin pa ang video natin…Ipakita ko kaya ito yun kay Ivan…
DEVON: Panira ka talaga! Inilabas mo na nga ang photos namin ni Pierro dati tapos ngayon balak mo pang ipalabas ang video natin?! Anong klaseng tao ka ba?!
SAM: Pwede ba Devon..huwag mong ibintang sa akin ang paglabas ng photos niyo ni Pierro …hindi ako ang nagpalabas nun! Nakita ko ngang hinalikan ka nya pero hindi ko ugaling magpalabas agad ng isang item na hindi man lang ako nananatakot..Why don’t you try to look around kung sinong tumatraydor sayo?! Ang photos niyo ni Pierro, ang pagpunta mo sa condo ni Ivan, ang pagpunta natin noon sa Bar at ang pagshopping nyo ni Kyra…sinong may alam nun?! Hindi mo ba naiisip na may umaahas sayo?!!
DEVON: Stop it!!! Nagmamalinis ka lang!!!
SAM: Open your eyes Devon at nang malaman mo kung sino ang tumatraydor sayo!
DEVON: Umalis ka na dito!!! Alam ko kung bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na ito..gusto mo bumilib ako sayo! Para makuha mo ang loob ko!
SAM: Yan ba talaga ang tingin mo sa akin?! Binibida ang sarili sayo?! (nakita nya ang pait sa mga salita ni Sam pero di sya nagpaapekto)
DEVON: Bakit hindi ba?!! You’re stalking me! Simula ng mainum mo yung potion na supposedly para kay Ivan!!! (huli na para bawiin nya ang sinabi)
Wake up Sam! You’re gay!!! Dahil sa lintik na potion na yun kaya ka naging tunay na lalaki pag nawala na ang bisa nun…paniguradong mandidiri ka sa pinaggagawa mo!
(nakita nyang di agad nagsalita si Sam at tumitig sa kanya)
SAM: Ganoon ka ba ka desperada para makuha ang taong gusto mo?!
DEVON: Hindi ako desperada Sam..nagmahal lang ako at hindi kasalanan yun.
SAM: So that’s it!! Kung sakali bang mawala sa akin ang bisa ng potion ay hindi ka manghihinayang?!
(ayaw nyang magpatalo kaya tiningnan nya si Sam)
DEVON: Hinding-hindi… (nakita nya ang sakit sa mga mata ni Sam pero di sya nagpatalo. She was born to be a fighter)
SAM: Ganun mo ba talaga ka mahal si Ivan at naisipan mo ang tungkol sa potion?!
(Nakita nyang seryoso si Sam sa tanong nito)
DEVON: You don’t have to ask dahil alam mo na ang sagot… (she silently uttered at narinig nya na napamura si Sam)
SAM: That’s bullshit!!! Don’t give me that damn answer!!!
DEVON: Ganyan ba kahina ang kukote mo at di mo ako maintindihan?!
SAM: Now tell me..paano mawawala ang bisa ng potion?!
(nagulat sya sa tanong ni Sam)
DEVON: Bakit mo tinatanong? Gusto mo bumalik sa pagiging bakla?
(tumitig ito sa kanya tsaka nagsalita)
SAM: Just wanna forget you…
(nasaktan sya sa sinabi ni Sam but she found courage para sabihin dito ang paraan para mawala ang bisa ng potion)
DEVON: Mawawala lang ang bisa ng potion sakaling may wagas na umibig sayo at wagas mo din syang iibigin
(Habang sinasabi nya yun kay Sam ay parang wala sya sa sarili, hindi nya tuloy namalayan na umalis na ito )
(Simula ng sabihin nya kay Sam ang tungkol sa LOVE POTION ay naramdaman nya ang unti-unting paglayo nito sa kanya. Kagaya nalang ngayon sila na naman ang magkaeksena parang hindi na sya nag-eexist sa paningin nito. Pinagbulung-bulungan tuloy sila sa set, wla pa naman si Ivan dahil nasa ibang location ito with Hannah. Break nila nasa loob sya ng tent at may narinig syang echoserang staff na nag-uusap, mukhang hindi alam ng dalawa na nasa loob sya)
STAFF 1: Sa tingin ko ha?! Sila na nina Ivan at Devon pero tinatago lang nila kasi sina Ivan at Hannah ang OLT ngayon…
STAFF 2: Tama ka! Napansin ko kasi hindi masyado lumalapit si Sam kay Devon ngayon baka umiiwas madikit ang pangalan nya kay Devon..magbestfriend kasi sila ni Ivan…
STAFF 1: Isa na rin siguro yan sa dahilan pero pakiramdam ko…mukhang may something din sina Sam at Devon..naalala mo yung poolscene nila?! Hindi part sa script yung titigan diba?! Nagustuhan di Direk kasi real kaya yun ang nilabas nila sa TV..yun nga lang pinasekreto yun ni Direk as a respect na din for them.
STAFF 2: Tayo na ang naguguluhan kung sinong boylet talaga ang real nya…
(natawa nalang sya sa narinig na usapan ng dalawang staff)
(It was Sunday at nasa bahay lang si Devon,naalala nya ang minsang sinabi ni Sam na tumatraydor sa kanya. Ayaw nya yung isipin dahil isa lang palagi ang pumasok sa kanyang isip na may maraming alam kundi si Kyra. Sumasakit ang ulo nya kapag iniisip ang pinagsasabi ni Sam. Nakita nya si Kyra na palapit sa kanya at umupo ito sa kanyang tabi)
KYRA: Manood tayo ng TV may live interview ngayon si Sam…
(pinagmasdan nya ang mga galaw nito. Kyra turned the TV on, at nakita nga nyang pumasok si Sam sa studio ng isang talk show. Wala syang balak makinig sa LIVE INTERVIEW nito but she was a bit curious kaya nakinig nalang sya)
HOST: Thanks for coming over for a live interview Sam..
SAM: It’s my pleasure to be here po..
HOST: Sige di na ako magpapaliguy-ligoy pa…I have 3 questions for you. First one, how does it feel to be the only guy in the family? You have 3 older sisters and you’re the youngest.
DEVON’S POV: Marahil isa yan sa dahilan kung bakit sya naging bakla.
SAM: Well..it feels good. They pampered me much but it doesn’t mean na spoiled ako…I’ve strived for the things I got.
HOST: Second question…Is there any tension between you and Ivan lalo pa ngayong ikaw itong OLT ni Devon na napapabalitang may lihim na relasyon na at si Ivan? (nakita ni Devon ang panandaliang pagtahimik ni Sam)
DEVON’S POV: Gago talaga! Nagpapahalata sa TV! (narinig nya itong sumagot)
SAM: Wala naman po…Ivan and I are bestfriends kaya malabong maapektuhan ang friendship namin sa mga issues na yan.
HOST: Last but not the least… We got one question from one of your sisters.
KYRA: Devon…sister daw ni Sam ang magtatanong sa last question…
(tahimik lang syang nanonood at nakita nya sa video ang magandang babae, one of Sam’s sister and she knew her…the famous fashion designer Empress. Nakinig sya sa tanong nito)
EMPRESS: Ganoon ba talaga sya kahalaga sayo at bumalik ka dito sa States ng isang Linggo para humingi ng sisterly advice?
(Nagulat si Devon sa sinabi ni Empress pati yata si Sam ay nagulat sa tanong ng kapatid)
HOST: Ngayon Sam…sagutin mo na ang tanong, mukhang may mystery girl kang tinatago sa amin..(nakita ni Devon na naging seryoso si Sam)
SAM: Yeah…she’s very important to me…but when I saw her again ay tinakbuhan nya ako…
(hindi na pinakinggan ni Devon ang iba pang sasabihin ni Sam, dahil alam na nya kung sino ang tinutukoy nito. Sam is referring to Linn…Tinabkuhan nga naman nito si Sam ng magkita ang mga ito. She entered her room at doon ibinuhos ang sama ng loob, she felt the pain…maybe Kyra is right..)
DEVON: Am I falling for him? Am I falling for Sam?!
OMG yun nanga ang sinasabi ko magsisisi ka talaga....sino ba naman ang hindi maiinlove kay sam hayyyyy aminim mo na kasi.....SamVon!!!
TumugonBurahinnakakakilig talaga from the start up until now. kawawa lang si Ivan kasi bestfriend niya ang nagtataksil sa kanya??? babalik ba sa pagkabading si sam? sana wag!!! :)))) SAMVON!!!!
TumugonBurahin