Huwebes, Hulyo 14, 2011

LOVE POTION (Chapter 20)

CHAPTER 20

(Days had passed, nararamdaman ni Devon na parang iniiwasan sya ni Sam at naiinis sya ginagawa nito. Sila pa naman ang kadalasang ang pareho ng location. Iniisip nalang nya na nawawala na ang bisa ng gayuma dito. Kung deadmahan ang drama ni Sam eh di deadma din sya dito. Palagi silang lumalabas ni Ivan pero di pa ito nagtatapat sa kanya kaya naiirita tuloy sya. Minabuti nyang magbasa ng script habang break nila, nagulat nalang syang may tumambad na mga bulaklak sa harapan nya. When she looked, she saw Sam holding flowers at napangiti sya sa nakita. The flowers smell good at naging magaan ang loob nya. Sam sat beside her pero di ito nagsasalita kya nainis na sya ng tuluyan sa pagiging tahimik nito)
DEVON: Ano bang problema? Bakit ba iniiwasan mo ako?! (tumingin ito sa kanya, at nakakatunaw ang mga titig nito baka kung fans pa ang nasa ganung sitwasyon ay hinimatay na)
SAM: Some things are better left unsaid Devz…(tumayo na ito at nagsimulang humakbang palayo sa kanya)
DEVON: Bakit nga ba may mga taong ipinanganak na duwag?! (nakita nyang huminto ito ngunit di lumingon sa kanya ng magsalita)
SAM: The flowers are from Ivan…(na speechless sya at tuluyan ng umalis si Sam)

(Naging maganda ang feedback ng mga tao sa kanilang teleserye, epektib daw syang kontrabida. Ang fans nila ni Ivan ay naiinis kay Hannah, at nagpower email ang mga ito na maging DEVAN naman ang teleserye. Samantalang dumadami naman ang fans nila ni Sam..lakas daw ng chemistry nila onscreen kaya ok lang daw na SAMVON ang teleserye. Samantalang nararamdaman ni Devon na inis talaga si Hannah kasi sa kanya pa din na lilink ang dalawang lalaki.)
DEVON’S POV: As expected sa akin pa din ang huling halakhak!
(napasmile sya sa naiisip, dahil good mood ay niyaya nya si Kyra na mag shopping. Hindi ito pumayag pero ng sabihin nyang siya ang taya nauna pa itong pumasok ng kotse. Marami silang nabili na mga damit, habang palabas ng Mall ay malikot si Kyra, paikot-ikot itong naglakad kaya biglaan itong may nabanggang isang lalaki at natapon ang dala nitong paper bag. Agad namang pinulot ng lalaki ang paper bag, at nang mag-angat ng mukha ang lalaki ay parang familiar sa kanya ang mukha nito. Agad nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki pagkakita sa kanya at dali-daling umalis, hindi pa natapos ni Kyra ang pagpulot sa ibang paper bag ay nawala na ito agad)
KYRA: Walang modong lalaki yun! Hindi man lang pinulot ang lahat at umalis agad!
DEVON: I think I saw him before….
KYRA: Sino? Yung walang modong lalaki na yun? Pag nakita ko ang pagmumukha noon, sasampalin ko talaga! Langhiya!
DEVON: Parang kilala ko sya…
KYRA: Baka isa sa mga fans mo na na meet mo before…
DEVON: Kung fans bakit mukha syang nataranta pagkakita sa akin?
KYRA: Kalimutan mo na nga ang langhiyang yun!
DEVON: Mabuti pa nga!
(pagkalabas nila ng shopping mall ay marami ng media ang nasa labas at nag-aabang. Nagulat tuloy si Devon paano nalaman ng mga ito na nasa shopping mall sya. Maraming security units ang mall kaya di makalapit ang mga ito sa kanya. Narinig nya ang tanong ng isang reporter habang naglakad sila ni Kyra patungo sa kanyang sasakyan)
REPORTER: Devon, anong masasabi mo sa mga issue na lumalabas ngayon tungkol sayo?
(Pilit na lumapit ang mga reporters at ang mga security naman ay pinipigilan ang mga ito. Nakita ni Devon na malabong makapasok sila ni Kyra sa sasakyan nya dahil napapaligiran ito ng mga reporters. She was hopeless pero biglang naagaw ang atensyon ng media ng may biglang dumating na sasakyan. Devon saw Ivan na lumabas ng kotse nito at agad sumugod dito ang mga reporters. Ngunit binalewala ni Ivan ang mga ito, lumapit ito sa kanya, hinila sya at namalayan nalang nya na nasa loob na sila ng sasakyan nito. Agad nito pinaandar ang sasakyan at nakalayo sila sa naturang mall,naiwan tuloy si Kyra. Habang nasa daan tahimik na nagmamaneho si Ivan)
DEVON: Thanks for saving me… (tumingin ito sa kanya at ngumiti bago nagsalita)
IVAN: Sam already did his part and now it’s my turn.
DEVON: What do you mean?
(inihinto ni Ivan ang kotse at humarap ito sa kanya)
IVAN: I’m not that insensitive naman Devon… I know what you feel for me.
(napahiya sya sa sinabi ni Ivan, kung ganoon matagal na nito nararamdaman na may gusto sya dito)
DEVON: Ano kasi….
(hindi nya alam ang sasabihin, namalayan nalang nya na nasakop na ni Ivan ang kanyang mga labi. Ito ang pinakahihintay nya na pagkakataon ngunit parang ang isang bahagi ng kanyang puso ay di masaya. Tutugon na sana sya pero tumigil si Ivan at tumitig sa kanya)
IVAN: Let’s take it slow Devon…ayaw kong madaliin ka kahit pa alam kung gusto natin ang isat-isa. I just wanna kiss you na walang camerang nakapaligid, walang Direktor na nagmamando at walang mga taong nag-eexpect at nag-aassume.
(tumango siya kay Ivan but at that moment alam nyang may unawaan na silang dalawa. They both have mutual feelings for each other, yun ang pagkakaalam at pagkakaintindi nya)

(Kahit magkaiba ng location, sometimes pumunta si Ivan sa location nya to visit her at natutuwa sya sa ginagawa nito pero gayunpaman awkward sya dahil alam nyang may ilangan sa kanila ni Sam at bawat scene na magkasama sila ay parang kay hirap gawin. Gaya nalang ngayon, ang scene ay nasa pool sila at nagswimming. Bubuhatin sya ni Sam ngunit na out of balance sya at nadulas sa shoulder nito, mabuti at di malalim ang tubig di pa naman sya marunong lumangoy. Agad naman syang inalalayan ni Sam at nagkatitigan silang dalawa, nalimutan nilang may camera sa paligid, kung di pa sumigaw ng CUT si Director Sean ay di sya matatauhan)
SEAN: Cut!!!! Di yun part ng script but I like that scene…it’s natural! Yun ang ipapalabas natin!
(napahiya sya sa sinabi ni Director Sean, umahon sya sa tubig at agad kumuha ng tuwalya para itakip sa kanyang katawan. Ngayon lang sya napapayag mag two-piece sa harap ng camera kaya medyo awkward pa sya. Tumabi si Sam sa kanya at inayos ang kanyang basang buhok na sabog na sabog. Marereact sana sya ngunit nagsalita ito)
SAM: Allow me to do this… (hinayaan nalang nya na itali nito ang kanyang basang buhok at may pumasok sa kanyang isip)
DEVON’S POV: Hindi kaya nawala na nang tuluyan ang epekto ng potion at bumalik na sya sa pagiging bakla?!
SAM: Why are you staring like that? May dumi ba ako sa mukha?
DEVON: Naniniwala ka ba sa gayuma? (yun ang lumabas sa kanyang bibig kaya di nalang nya binawi, curios din naman sya sa reaksyon ni Sam about LOVE POTION. Nakita nyang tumitig ito sa kanya at bumuntunghininga)
SAM: Kung yun lang ang tanging paraan para makuha ang taong mahal ko ay susugal ako…Take chances..so that no regrets. Magsisisi ka man at least during those times na kasama mo sya ay naging masaya ka.
DEVON: Paano kung mawala ang epekto noon , anong gagawin mo?
SAM: Sa totoo lang…may gayuma man o wla kung kayo talaga ang nakatadhana pagtatagpuin kayo ng kapalaran.
DEVON: But you make your own destiny…
SAM: And destiny depends upon your choice… (namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Sam).

(Matapos ang ilang scene ay pack-up na sila,sinabihan sya ni Sam na tumawag si Ivan dito at pinapahatid sya pauwi. Nainis sya dahil ang Sam ay sunod ng sunod sa bestfriend nito at di sya comfortable sa sitwasyon nila. Habang pauwi ay wala silang imikan sa loob ng sasakyan. Nabigla nalang si Devon ng magpreno si Sam, muntikan pa tuloy mabagok ang ulo nya.)
DEVON: What the?! (napatigil sya ng makitang tumama ang ulo ni Sam sa salamin ng kotse at umaagos ang dugo buhat sa noo nito) Oh my God! May sugat ka…(naghanap sya ng first-aid)
SAM: Kunting galos lang ito…we have to check outside…
(nang tingnan ni Devon ang harapan ay nakita nyang may nabangga pala silang kotse. Sabay silang lumabas ni Sam sa sasakyan at gayundin ang driver ng kabilang kotse. Napansin ni Devon na nagkatitigan sina Sam at ang driver ng sasakyan. Devon saw a beautiful woman infront of them, mestiza ito at matangkad. Nakita nyang nabigla ang babae pagkakita kay Sam at gayundin din naman si Sam, kitang-kita ni Devon ang shocked na ekspresyon nito. Narinig nalang nya ang mahinang pagbigkas ni Sam ng)
SAM: Linn?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento