Martes, Hulyo 12, 2011

LOVE POTION (Chapter 15)

CHAPTER 15

(One week straight ang taping nila dahil within a week ipapalabas na ang teleserye. Syempre pa,the day before the premiere ay may guesting muna sila sa isang sikat na variety show ng CBS Network. Dahil hindi marunong sumayaw si Hannah ay kanta ang nirehearse nila. During the rehearsal ay si Sam ang partner nya bilang sila ang LT sa teleserye. Inis naman sya dahil during the practice ay panay ang dikit ni Hannah kay Ivan. Nagbreak muna sila sandali at naupo sya sa carpet ng rehearsal room at umupo sa tabi nya si Sam)
SAM: Selos ka kina Ivan at Hannah?
DEVON: Shut up! Stay away from me…dikit ka ng dikit kanina pa!
SAM: Don’t you like it?
DEVON: Yucks! I hate it!
SAM: But I love it! As I have told you, maiinlove ka din sa akin… (kumindat ito sa kanya at dumikit sa pagkakaupo)
DEVON: Stay away from me kung ayaw mong matamaan!
SAM: At huwag masyadong maldita kung ayaw mong mahalikan!
DEVON: What?!!!
SAM: Or gusto mo lang talaga na mahalikan kita? Sinabihan na kita kapag binara mo pa ako ulit hindi lang halik ang aabutin mo sa akin… (kumindat ulit ito sa kanya at tumaas talaga ang dugo nya sa narinig. Tatayo na sana sya ng bigla namang dumating si Ivan at tumabi sa kabilang side nya)
IVAN: Mukhang nag-aaway na naman kayong dalawa.
(nawala ang pagkairita nya kay Sam ng tumabi si Ivan, nagpacute nalang sya dito)
DEVON: Hindi naman..cool friends nga kami ehh…
(inakbayan nya si Sam at kinindatan, nakita nya ang pagkasira ng mood nito. The worst thing she did ay pinunasan nya ang mukha ni Ivan dahil nakita nyang pinapawisan ito. Nakita nyang di makapagreact si Ivan at palihim nyang tiningnan si Sam na parang galit na galit)
DEVON: Mainit ba sa labas at pinapawisan ka?
IVAN: Hah? Yeah!
(nagdiwang ang puso nya dahil hinayaan sya ni Ivan na punasan ito at nakita nyang tumayo si Sam at lumabas)

(Dumating ang araw ng guesting nila, syempre maraming fans ang nagtaka dahil hindi sila ni Ivan ang partner at nakita din nya na may fans club na sila ni Sam sa isang tabi, kaunti nga lang ang members. Syempre pa ang pinakahighlight ng guesting ay ang pagrequest ng fans ng kiss. Marami silang fans ni Ivan kaya nagrequest ang mga ito ng kiss. Tuwang-tuwa sya dahil kitang-kita ang pagkainis ni Hannah, ito ang bida tapos ang OLT nito sa teleserye ay sa kanya humalik. Maraming kinilig ng halikan sya ni Ivan sa pisngi. Matapos ang guesting ay lumabas na sila ng studio. Ang tawag sa fans nina Devon at Ivan ay “DEVAN ASANESS” nagpapicture ang mga ito sa kanila ng ilang minuto. Pagkatapos may lumapit sa kanyang isang babae, nagpakilala itong organizer ng fanbase nila ni Sam. Sinabi sa kanya na ang fanbase nila ay “SAMVON BUBBLES” nagpapicture ang mga ito sa kanila ni Sam, medyo asiwa siya at naramdaman nyang ganun din si Sam. Matapos ang ilang minutong pakikisalamuha sa mga fans sa studio ay lumabas na silang apat. Sobrang natuwa si Devon dahil sa nakitang pagmumukha ni Hannah, paano ba naman si Ivan ang escort nya at si Sam kay Hannah. Sina Ivan at Hannah pa naman ang OLT sa teleserye at ito syang kontrabida ang inaasikaso ng leading man)
DEVON’S POV: Galing mo talaga Devon! Ikaw na!

(Nagyaya sina Sam at Ivan sa kanila ni Hannah na kumain muna sa labas bago umuwi. Kitang-kita ni Devon ang kasiyahan sa mukha ni Hannah.)
DEVON’S POV: Asus! Parang hindi naman nya alam na ako lang ang balak yayain ng dalawa at epal lang sya!
(Pagdating sa restaurant ay agad silang umorder, sympre pa binibida ni Hannah ang sarili kina Ivan at Sam at ang drama naman nya ay behave princess. Natatawa sya ng palihim sa pagiging mahangin ni Hannah. Alam ni Devon na kilala na ni Ivan si Hannah, si Sam lang ang maloloko nito)
DEVON’S POV: Pakialam ko kung lokohin mo ang gagong Samuel na yan!
IVAN: Devz, ang tahimik mo yata ngayon,,,may dinaramdam ka ba?
(nakita nya ang pag-aalala sa mukha ni Ivan at kinilig sya)
DEVON: Wala lang,,,masarap kasi ang pagkain kaya focus ako dito kesa umepal sa isang taong binibida ang sarili. (umandar na naman ang pagiging maldita nya)
HANNAH: Abah! Nagpaparinig ka ba?!
DEVON: Tinamaan ka ba?!
SAM: Stop it Devz! Alam mo na ang mangyayari kapag nagmaldita ka pa! (nabigla naman sya ng sumingit ang Sam at binalaan pa sya)
DEVON: Whatever Sam! Pakialamero ka talaga kahit kailan!
(tumaas ang boses nya at hinawakan ni Ivan ang kanyang kamay dahilan para kumalma sya. Di naman nakaligtas kay Sam ang paghawak ni Ivan sa kamay ni Devon at nag-init ang ulo nya pero kinotrol nya ang sarili. Lately kasi napapansin nya na nag-aalala na si Ivan kay Devon, hinahayaan at di sinasaway ni Ivan ang pagiging brat ng babae parang kumakampi pa ito sa dalaga.)
HANNAH: Wag na kayong mag-away guys..mabuti pa..magpunta tayo ng bar after here..let’s enjoy the night!
(May nabuong plano si Hannah, dadalhin nya ang tatlo sa Bar na tinutugtugan ni Pierro every weekend. Syempre madidistract sina Ivan at Sam pag nakita ng mga ito si Pierro. Alam nyang palaban si Devon at di ito nagpapatalo kaya as expected agad itong tumango at walang nagawa ang dalawang lalaki kundi sumama na rin. Pagdating nila sa Bar parang nagulat si Ivan ng makita si Pierro at si Sam naman ay tahimik lang na umupo)
PIERRO: Oh! What a surprise?!
IVAN: Yeah right!
PIERRO: Enjoy the night guys! (bumalik si Pierro sa stage at nagsalita)
My good friends are here! So I’ll dedicate this song to them especially to Devon! (nagulat si Devon sa sinabi ni Pierro at nakita nya ang pag-iba ng ekspresyon nina Sam at Ivan at nag-eenjoy sya sa ganoong eksena. Nang nasa kalagitnaan na ng kanta si Pierro ay lumapit ito sa kanya at niyaya sya sa stage. Maraming nakatingin kaya namaan di nya magawang ipahiya ito, sinabayan nya ito sa pagkanta at naghiyawan ang mga tao)
DEVON’S POV: Panibagong tsismis na naman ito pero bahala na! Love it parang affected na si Ivan at mukhang selos ang Sam.
(Nag-enjoy muna sya sa stage with Pierro, di nya tuloy namalayan na tapos na pala ang kanta. Nang bumalik sya sa table nila ay di nya makita sina Ivan at Sam)
DEVON: Where are they?
HANNAH: Bigla nalang lumabas…
(Di na sya umupo at hinanap sina Sam at Ivan baka iniwan na sya ng mga ito. Baka umiwas ang dalawa na matsismis kinabukasan at nawala nalang na parang bula. Pumunta na sya ng parking area at nakita nga nya ang dalawa, may pinag-uusapang ang mga ito kaya bilang hindi naman masyadong tsismosa ay nakinig muna sya)
SAM: Hey! Aalis ka na? iiwan mo si Devon sa loob?
IVAN: Baka naman kasi ano na naman ang masabi ng mga makakati ang dila pag nalaman nila na kumanta sya with Pierro sa harap ko…alam mo naman na hanggang ngayon hindi pa din tapos ang issue sa aming tatlo.
SAM: Is that so? Or nagseselos ka lang? (nakita ni Devon na hindi makapagsalita si Ivan, tumingin ito kay Sam)
IVAN: Pag sinabi ko bang nagseselos ako ay ibibigay mo sya sa akin?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento