Huwebes, Hulyo 21, 2011

LOVE POTION (Chapter 33)

CHAPTER 33

(Nagkagulo ang media ng aminin ni Ivan ang tungkol sa kanila ni Devon sa isang live interview. Maraming press people ang gusto sya makunan ng karagdagang interview but ayaw na nya magsalita mas pinili nyang manahimik nalang pagkatapos aminin ang katotohanan. Si Devon na may pictorial ay dinumog ng mga reporters, sobrang nabigla sya ng malaman na alam na ng media ang tungkol sa kanila ni Ivan. Hindi man lang sinabi sa kanya ni Ivan na aamin na ito sa tunay nilang relasyon. Dinumog sya ng reporters sa studio at ang manager nyang si Abby ang sumagot sa mga reporters)

ABBY: Magpapalive interview si Devon one of these days…

(Dumating ang security units ng Network at nakaalis din sila ng kanyang manager. Habang nasa kotse ay para namang nabunutan ng tinik ang kanyang manager)

ABBY: Naku naman Devon bakit hindi mo man lang ako inabisuhan na magsasalita na si Ivan tungkol sa inyo.
DEVON: Tita hindi ko naman alam na aamin sya ngayon sa media pati nga ako nagulat….
ABBY: Ano??!! Paano na ito showing pa naman ang new movie mo next week. Sabi ni Direk Sean na si Sam dapat ang escort mo sa premiere dahil sa cameo appearance nya dun.
DEVON: Ano ka ba naman Tita?! Pwede pa rin naman na si Sam ang escort ko, ok lang naman yun kay Ivan…
ABBY: I want him to speak up dati but now that you have new movie ay parang ayaw ko ang ginawa nya…Paniguradong magugulo ang mga fans at ang management kayo pa naman ni Sam ang pinaplanohang bigyan ng new project together….
DEVON: New project together?
ABBY: May pinaplanong new project para sa inyo ni Sam pero dahil sa pag-amin ni Ivan ngayon baka sa iba na yun ibigay…
DEVON: Unfair naman yata yun Tita!! Bakit ibang mga artist iba ang karelasyon tapos binibigyan pa din sila ng project ng LT nila!
ABBY: Alam mo naman ngayon na lumelevel-up na ang LT niyo ni Sam and proof of that sa text votes…kaya dun nagkainteres ang management but sa pag-amin ni Ivan baka mabago ang isip nila…
DEVON: It’s ok Tita ayaw ko naman makatrabaho si Sam…di ko gusto ang kayabangan nya!
ABBY: You need to have a live interview at linawin mo ang lahat, I want it this weekend..
DEVON: Kayo po ang bahala….

(Pagdating nila ng kanyang manager sa bahay ay nasurpresa si Devon ng makita si Ivan na naghihintay sa kanya)
DEVON: Oh…!
IVAN: Sorry kanina…I surprised you…
ABBY: Hay naku Ivan! Dahil sa ginawa mo dinumog kami sa studio kanina…
Di ka man lang nagbigay ng abiso…akala ko pa naman pinagbabawalan ka ng manager mo na magsalita.
IVAN: Sorry po…napagalitan nga ako ni manager kasi sinuway ko sya…
DEVON: Ano??!!!
ABBY: Sige mag-usap muna kayo at ako ay eexit muna…
(nang makaalis ang kanyang manager,agad lumapit si Ivan sa kanya at umakbay)
DEVON: Kaya mo ba biglang inamin ang tungkol sa atin dahil gusto mo talaga or gusto mo lang paselosin si Linn?
IVAN: Devz…ano ba yang pinagsasabi mo?!
DEVON: Hindi ko mapigilang magduda Ivan…when I saw your confrontation with Linn, I feel how bitter you were..
IVAN: I just realized Devz na it’s time for me to move on and you’re here to help me….I saw Linn is happy with Sam…. Tama ka! Let’s make this relationship work.
(hinawakan ni Ivan ang kanyang mukha at tinitigan sya)
I wanna spend my life with you…
DEVON: Ivan??
IVAN: I wanna settle down Devz….let’s get married..
(nabigla sya sa sinabi ni Ivan at hindi makapagsalita)
Let’s stay away from here at kalimutan ang showbiz..
DEVON: Pero?
IVAN: I’ll give you time to think…

(tinitigan sya ni Ivan at tsaka ginawaran ng smack kiss, makalipas ang 30 minutes ay nagpaalam na din si Ivan sa kanya. Pumasok sya sa loob na tahimik kaya nagtaka ang kanyang manager)

ABBY: Something wrong?
DEVON: Ivan proposed to me…
He wants to get married with me…
ABBY: What??!!! Naman Devon! Ang bata nyo pa!
DEVON: Hindi ko pa tinanggap yung proposal nya…
ABBY: Devon..hindi naman sa ayaw ko sa inyo ni Ivan but I’m just worried about you. Masyado pa kayong bata para sa ganyang bagay . I know Ivan is responsible pero duda ako sayo…
DEVON: Tita naman?! parang sinabi nyo na rin na irresponsible ako…
ABBY: It’s not what I’m trying to say…I doubt sa feelings mo… Do you really love Ivan or deep inside you have feelings for Sam?
DEVON: Tita…?
ABBY: Yung mga gestures nyo ni Sam ay halata Devon kaya naman wag ka ng mag deny.
DEVON: There’s nothing between me and Sam.
ABBY: Kahit ano pang gawin ko hindi ka rin naman aamin…basta pag-isipan mong mabuti ang proposal ni Ivan..ok?!

(Abby smiled at her at umalis na din ito. She was left alone at home, tinawagan nya ang kasambahay na si Krissy para itanong kung kailan ito babalik. She was a bit surprised na maingay ang paligid nito,akala nya nasa probinsya)
KRISSY: Hindi pa kasi maganda pakiramdam ni Inay kaya medyo matatagalan pa ko…
DEVON: Ah..ok…bakit medyo maingay ang paligid?
KRISSY: Fieta kasi dito sa amin…
DEVON: I see…

(Nag end call na sila at namayani ang katahimikan sa bahay ni Devon. Hindi sya makapaniwala sa maraming bagay na nangyari kaninang umaga. Ang pag-amin ni Ivan sa press at ang proposal nito. Hindi nya tuloy alam ang gagawin at naguguluhan sya,she wanted to forget Sam pero pinaalala naman sa kanya ni Manager Abby ang lalaki. Hindi pa din nya nakakausap si Ivan about Renz)

DEVON: I always want to see Renz again, to be with Ivan and be his girl pero bakit parang may kulang? I can’t feel total happiness…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento