CHAPTER 21
(Dali-daling bumalik sa loob ng kotse ang babaeng tinawag ni Sam na Linn. Hinabol ito ni Sam at sinubukang kausapin ang babae ngunit, napaandar na nito ang sasakyan at umaalis. Hindi alam ni Devon ang gagawin, pinapanood lang nya ang mga kaganapan. Natauhan nalang sya ng sabihin ni Sam na bumalik na sila sa loob ng kotse nito. Nang makapasok sila sa loob ay tsaka lang nya naalala ang kaninang noo ni Sam na dumudugo)
DEVON: Wait…
(nilagyan nya ng first-aid ang noo nito at nanginginig sya sa ginagawa, hindi naman umiimik si Sam simula ng makita nito ang mestizang babae na nagngangalang Linn. Matapos ang ilang sandali, natapos ni Devon ang ginagawa at nagsalita si Sam)
SAM: Thanks!
DEVON: Sino si Linn? (tumitig sa kanya si Sam at tsaka sumagot)
SAM: It’s really her..hindi ako mag-aaring magkamali.
DEVON: Sino ba talaga sya? Bakit parang lumilipad ang isip mo matapos mo syang makita kanina… (muli itong tumitig sa kanya)
SAM: A girl from the past… (nang marinig ang sagot ni Sam ay para bang nasaktan sya)
DEVON’S POV: Hindi naman siguro nya ex dahil bakla sya…or baka naman ex nya talaga, tapos naghiwalay sila ng malaman ng babaeng yun na bakla si Sam? Ano ba talaga ang totoo?
SAM: I need to drive you home now.
(Hindi nalang sya nagsalita, pinaandar na ni Sam ang sasakyan at umalis na sila. Nang makarating sa bahay nya ay ewan ba at biglaan nyang niyaya si Sam na pumasok sa loob, nagpaunlak naman ito. Mukhang nagdiwang naman sina Kyra at Krissy pagkakita kay Sam, mukhang na out of place pa tuloy sya)
KRISSY: What do you want? Kuha kita ng merienda!
DEVON’S POV: At lumalandi ang alilang si Krissy.
SAM: Just water… (agad tumalima si Krissy at ang Kyra naman ay tumabi sa pagkakaupo samantalang sya ay naiwan na nakatayo)
KYRA: Alam mo Sam..hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa mga pangyayari. Makalaglag P_____ ka talaga! (humagikhik si Kyra,nakisakay si Sam sa pagtawa nito at nainis sya)
DEVON: Hay naku Kyra! Ganyan ka naman lagi kapag nakakita ng gwapo.
SAM: So inaamin mo na ngayon na gwagwapohan ka sa akin? (namula sya sa sinabi nito)
DEVON: Tumigil ka nga! Magsama kayo ni Kyra!
KYRA: Why not? (humawak pa ito sa braso ni Sam at dumikit at nag-init ang ulo nya sa nakita)
DEVON: The hell I care!
KYRA: Oyyy nagseselos….
(minabuti nyang umalis at pumasok sa kanyang kwarto. Pagkatapos makipagkwentuhan ng ilang minuto kina Kyra at Krissy umalis na din ni Sam. Habang nasa daan ay nasa isip nya pa din si Linn. It’s been two years the last time he saw her. Sabay nyang nakilala sina Ivan at Linn ng magmigrate sila sa States,infact silang tatlo ay close friends. Hindi sya maaaring magkamali. He really saw Linn,at agad itong umalis pagkakita sa kanya.)
SAM: Paanong nandito sya? Akala ko…akala ko…(naputol ang pag-iisip nya ng may matanggap na tawag. It’s an international call from his sister Erich)
Sis? Why the sudden call?
ERICH: Samantha??!!!!!!!!!
SAM: Please…drop that name…
ERICH: Why dear?? Hmmm…
SAM: Stop it sis…kung ayaw mong putulin ko ang tawag mo.
ERICH: Wait…just wanna let you know that I’m coming!!!!
SAM: What??!!!
ERICH: I’ll be there in a week.
SAM: Bakit ka pupunta dito? (kinabahan tuloy sya na uuwi ng Pinas ang kanyang nakakatandang kapatid)
ERICH: I’ll be promoting my new movie my dear….
(Apat silang magkakapatid. Si Erich ang pinakamatanda, ito ay isang Hollywood star. Hindi naman alam ng local industry na magkapatid sila dahil iba ang screen name na gamit ni Erich,nagpalit ito ng apelyido. Pangalawa si Jessy,isang sikat na ramp model. Pangatlo si Empress,sikat na fashion designer at sya ang nag-iisang lalaki at bunso.)
SAM: Who’s gonna be with you?
ERICH: some of the staff of my new movie. I called you ‘cause I wanna meet you up,hectic kasi ang sked ko pagdating dyan. Daming guestings and 3 days lang din kami dahil we’ll be going to Singapore after. I’ll be guesting in CBS Network,hope to see you then.
SAM: People here don’t know na magkapatid tayo.
ERICH: Well, it’s not a problem… anyway, I gotta go now marami pa akong aasikasuhin…
SAM: Wait sis..How’s Linn’s family? (natahimik sandali si Erich bago sumagot)
ERICH: Hah? Why sudden ask about her family?
SAM: I just…just remember them.
ERICH: I don’t have any info about them, you better ask Empress…alam mo naman na sila ang close.
SAM: Ok…
(Natapos na ang tawag ng kanyang kapatid na si Erich at magulo pa din ang kanyang. Naisip nyang tawagan ang kapatid na si Empress ngunit di nito sinasagot ang tawag,busy siguro ang kanyang kapatid. Tatawagan nalang nya ulit ito at magtatanong sya about Linn. Naisipan nyang magdrop by sa condo ni Ivan,sa oras sa kanyang wristwatch ay malamang nakauwi na si Ivan. Nang makarating sa Unit,ay andun na nga si Ivan)
IVAN: Ohh! Anong oras na? nahatid mo ba si Devon?
SAM: Yeah! Can I have a bottle of beer?
IVAN: Wait.. (tumayo si Ivan sa pagkakaupo at kumuha ng beer at inabot sa kanya) Here! Any problem?
SAM: Paano kung may isang taong bumalik at guluhin ang tahimik mong mundo?
(tumawa si Ivan sa narinig)
IVAN: Ang lalim naman nun!
SAM: I’m serious..I ain’t kidding man!
IVAN: You can answer it Sam… (alam nya kung ano ang tinutukoy ni Ivan)
SAM: But what if you thought that what had happened in the past was the end of everything but then that person suddenly showed up infront of you?!
(nakita nyang sandaling natahimik si Ivan bago sumagot)
IVAN: Are you talking about yourself or me?! (sa tagal na nilang magkaibigan ni Ivan, alam nyang kaya na nitong basahin kung may gumugulo sa isipan nya)
SAM: Loko lang! naniwala ka naman! wala kasi akong maisip na sasabihin.
(tumawa sya at nakita nya ang biglaang naguluhang ekspresyon ni Ivan. Tsaka nalang nya sasabin dito ang tungkol kay Linn, wala pa syang sapat na ebidensya. Kailangan nya munang kausapin ang kapatid na si Empress bago ang lahat. Kailangan nyang bumalik ng States at personal na kausapin si Empress kung kinakailangan bilang sya na itong naguguluhan ngayon)
IVAN: Inuman na nga tayo, ang labo mo talagang kausap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento