CHAPTER 22
(Inis talaga si Devon, gustung-gusto talaga nya makita ang Pinoy Hollywood star na si Erich na guest ngayon sa musical variety show kung saan regular na silang apat ni Hannah ngunit ito sila may emergency taping dahil kinulang sila ng episode for next week. Naapektuhan tuloy ang bawat esksena nya, nasa isang location silang apat. Eksena nila ni Hannah ngayon may confrontation at nalimutan nya ang kanyang line kaya nag CUT si Direk Sean)
SEAN: Devon kanina ka pang walang focus…Sige break muna tayo sandali.
DEVON: Sorry po…
HANNAH: Sabihin mo hindi mo talaga kabisado ang lines.
DEVON: Huh…shut up! (naisip nyang sagutin si Hannah dahil nakita nya si Ivan na kausap si Direk Sean) Hay naku Hannah! Kahit kailan insecure ka talaga!
(mahina lang ang pagkakasabi nya baka marinig pa sila ng ibang staff)
HANNAH: What did you say?! (bago pa sya nakasagot ay nasa likod pala nya si Sam at sumingit sa usapan nila)
SAM: That’s enough girls baka marinig pa kayo ng ibang staff.
HANNAH: Pagsabihan mo ang malditang yan! (umalis na si Hannah at naiwan silang dalawa ni Sam)
DEVON: At nagwalk-out… (bigla naman syang hinila ni Sam papasok sa tent,mabuti nalang busy ang mga tao sa paligid at walang nakakita sa ginawa nito) Ano bang problema mo?! (bigla syang niyakap nito at hindi nya alam ang gagawin.Pagkatapos pinakawalan din sya)
SAM: I realize na hindi kita kayang ibigay kay Ivan… (nawindang sya sa sinabi ni Sam, naisip nya na hindi pa talaga nawawala ang bisa ng potion dito)
DEVON: Ibigay? I was never been yours!!
SAM: You were already mine Devon… maging kayo man ni Ivan pero hawak pa din kita at hinding-hindi yun mababago.
DEVON: Ano ba Sam?! Ano ba yang pinagsasabi mo? Pwede ba pabayaan mo na kami ni Ivan! (tumitig sa kanya si Sam tsaka muling nagsalita)
SAM: Akala ko kaya kung ipaubaya ka kay Ivan dahil magbestfriend kami pero di ko kaya,I’m hurting alam mo ba yun?!
DEVON: At ano?! Sa harap ng bestfriend mo magpapanggap ka na nagpaubaya ka at pag nalingat sya ay tatraydurin mo sya?!
SAM: Ang galing! Nabasa mo ang isip ko!
DEVON: At akala mo naman…madadala mo ako?!
SAM: Bakit hindi natin subukan?! (bigla syang siniil ng halik ni Sam, she protested pero pagkalipas ng ilang segundo she found herself responding at tumigil naman si Sam) This is a proof Devon! You can’t say no to me! (ipinakita nito ang phone, kinununan ni Sam ang nangyaring halikan kani-kanina lang)
DEVON: Walang hiya ka talaga! Delete it! (hindi man lang nya namalayan na nakakuha ito ng video, natuliro kasi sya sa halik nito)
SAM: Kapag hindi ka pumayag sa gusto ko ay ipapakita ko ito kay Ivan. Alam ko naman na may understanding na kayo. You’d do what I want Devon kung ayaw mong magkasira kayo ni Ivan.
DEVON: What kind of bestfriend you are to Ivan?!
SAM: I’m just inlove with you Devon (hinawakan nito ang kanyang baba at dinampian sya ng halik, tsaka ito lumabas ng tent. Pero bago tuluyang makalabass ng tent nagsalita ulit si Sam)
Don’t worry Erich will be dropping here today. (tuluyan na itong lumabas at naiwan syang speechless)
(Makalipas ang isang oras, narinig ni Devon na nagkagulo ang labas kaya lumabas sya at nakiusyoso. Laking gulat nya ng makita ang Hollywood Star na
Si Erich, kausap ito ni Direk Sean at ibang staff ng “Exchange of Hearts”. Nakita nya rin si Hannah na nakaupo sa tabi ni Erich, mukhang sumisipsip ang Hannah sa paningin nya. Biglang tumingin si Erich sa gawi nya at nagsmile, hindi sya makapagsalita. Idol pa naman nya si Erich, marami nga ang nagsasabi na magkamukha sila. Nakita nyang tumayo si Erich sa kinauupuan at lumapit ito sa kanya, di tuloy sya makapaniwala)
ERICH: Hi! (nagbeso ito sa kanya na ikinagulat nya, nang tingnan nya si Hannah kitang-kita nya ang inis sa mukha nito kaya naman kinindatan nya ito)
DEVON: Hello…(tangi nyang nasabi dito. Hinila sya nito paupo kasama sina Hannah at Direk Sean. Napansin nya tuloy panay ang sulyap ni Direk Sean kay Erich,at mukhang nabasa agad ni Erich ang iniisip nya)
ERICH: Sean and I are high school friends… We went to the same school.
(nagulat naman sya, kunsabagay..magka-edad nga ang mga ito)
Where are Sam and Ivan?
SEAN: They’ll be here in awhile bumili lang sila ng snacks for the staff.
(Hindi tuloy maintindihan ni Devon kung paano nalaman ni Sam na pupunta
ng set nila si Erich. Nakikinig lang sya sa pakikipagkwentuhan nito sa mga staff sa paligid. May isang staff ang nagtanong kung bakit ang daling umiyak ni Erich at bakit parang may pinaghuhugutan ito tuwing umiiyak sa isang scene. Nakita nyang biglang natahimik si Erich tsaka sumagot)
ERICH: I was in 4th year high school ng malaman namin na may Cancer si Daddy. We moved here in Manila para ipagamot sya,nagtransfer kami ng school at dun kami nagkakilala ni Sean. Few months had passed, naging malala ang kalagayan ni Daddy..we don’t have any choice kundi magpunta ng States at dun sya ipagamot. One day, pag-uwi namin ng bahay ng mga kapatid ko..handa na lahat ng gamit at umalis na kami. 5 months had passed in the States at binawian ng buhay si Daddy. My Mom decided na magmigrate nalang kami dun at yun nga dun na kami nag-aral ng mga kapatid ko. Seeing your Dad suffering from pain everyday sobrang sakit noon, wala ka man lang magawa. Kaya everytime may dramatic scene ako, yun nalang ang iniisip ko.
(naawa sya kay Erich,grabe naman pala ang pinagdaanan nito. Akala nya talaga ay gawa-gawa lang ang istorya nito sa buhay noong unang nagcameo role ito sa isang American drama pero totoo pala talaga ang lahat. Naputol ang pag-iisip nya ng tumayo si Erich sa tabi nya at masayang lumapit kina Ivan at Sam na kadarating lang buhat sa pagbili ng snacks)
ERICH: Ivan!! (humalik ito sa pisngi ni Ivan at napataas agad ang kilay nya parang matagal ng magkakilala ang dalawa sa nakikita nya. Sunod ay yumakap si Erich kay Sam at)
Samantha dear!!!! (nagulat si Devon nang tawagin ni Erich na Samantha si Sam, ibig sabihin alam din nito ang pagiging bakla ni Sam at parang balewala naman ng mga staff ang patawag ni Erich ng Samantha kay Sam)
DEVON’S POV: Kunsabagay, hindi naman nila alam na bakla talaga sya dahil lang sa potion naging tunay syang lalaki.
ERICH: Namiss ko kayo!!! Lalo ka na Ivan..It’s been a year simula ng huli tayong magkita..hindi ka man lang tumawag… (na feel ni Devon parang may something kina Ivan at Erich pero mas matanda si Erich kay Ivan kaya malabo pero sa States di importante ang edad, BV tuloy sya kay Erich)
SAM: Paano naman ako? Di mo na miss?! (nakita nya ang nagtatampong mukha ni Sam at nainis din sya)
ERICH: Palagi kaya tayong nagkakausap sa phone.
(dahil may ilang reporters sa paligid ay naguluhan ang mga ito.Marami tuloy echoserang palaka ang nagbulung-bulungan at nagmamasid sa eksena ng tatlo. Mukhang agad napansin ni Erich ang pagsidatingan ng mga reporters kaya humarap ito at nagsalita)
ERICH: Please don’t misinterpret what you’ve just heard.
SAM: Don’t do this… (nakita ni Devon na parang pinipigilan ni Sam si Erich sa sasabihin, ngunit tinitigan lang nang matiim ni Erich si Sam at tumahimik na ito)
ERICH: Guys, listen…Sam and I are siblings.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento