Miyerkules, Hulyo 27, 2011

LOVE POTION (Chapter 39)

CHAPTER 39

IVAN: Devz I came here to say sorry..pasensya na kung naglihim ka mi sayo.
DEVON: Alam mo Ivan..ang sakit ng ginawa nyo..bakit kailangan pang lokohin nyo akong lahat?!
IVAN: My bestfriend is just inlove with you kaya nya yun nagawa.
DEVON: Inlove? And you want me to believe that?!
IVAN: Please talk to Sam…
DEVON: Akala mo ba pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa akin ay mapapatawad ko pa sya? He destroyed me Ivan!
IVAN: Sana lang dumating ang araw na mapatawad mo sya Devz… Don’t hurt him that much dahil sinasaktan mo rin ang sarili mo.
DEVON: At bakit mo nasabi yan?
IVAN: Ayaw mo man sabihin pero alam at nararamdaman ko na hanggang ngayon nandyan pa rin sa puso mo si Sam. Forgive and forget Devz.. Give him another chance.
DEVON: Akala ko ba you like me?! Bakit ngayon pinagtutulakan mo ako kay Sam?!
IVAN: Yeah! I like you but you love Sam and he loves you. You two deserve each other… I’m not asking you to talk to Sam dahil bestfriend ko sya..I’m asking you dahil gusto kong makitang masaya ka.
(hinawakan ni Ivan ang kanyang mga kamay at nagpatuloy ito sa pagsasalita)
Maraming di magandang bagay man ang nangyari ang mahalaga ay masaya ka at mahal nyo ang isat-isa.
DEVON: I don’t know Ivan..hindi ko alam kong paano ko sya haharapin na walang galit sa puso ko.
IVAN: You have always been good Devz..alam ko hindi ikaw ang klase ng tao na nagtatanim ng galit sa puso. Just try to talk to him…ok?
(wala na syang nagawa kundi tumango kay Ivan dahil kahit anong gawin nya ay hindi naman ito titigil sa pamimilit. When Ivan left ay pinag-isipan nya ang sinabi nito. May kasalanan din naman sya kay Sam when they were young. She said bad things about him and she provoked him too much)
DEVON: I don’t know what to do…

(SAM decided na rin na iwanan ang showbiz at magbalik ng States. He already did everything para kausapin sya ni Devon ngunit nanatili itong ilap sa kanya. He already got his plane ticket and tomorrow is his flight. )
LINN: Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?
KYRA: Oo nga!
SAM: Hay naku Linn! Babalik din naman kayo ni Ivan sa States pagkatapos ng commitment nya dito.
IVAN: Sabay nalang kasi tayong bumalik doon..
SAM: Mauuna nalang ako..para naman mabigyan ko ng time na makapag-isip si Devon…ayaw ko muna syang kulitin..
ESLOVE: Well pare tama ka rin..tsaka balang araw mapapatawad ka rin noon..Biruin mo naman nagpanggap ka pang bakla makalapit lang sa kanya. May pa love potion ka pa ngang nalalaman para kunwari maging lalaki ka.
SAM: Huwag mo nang ipaalala sa akin yan…
ESLOVE: Di ko rin naman yun makakalimutan kasi pinagpanggap mo pa akong bakla…
SAM: Di nga bagay sayo!
(nagkatawanan sila and for the first time napangiti si Sam matapos ang ilang linggong pagiging depressed nya. His phone vibrated, when he looked at the screen..he saw a text message coming from Devon)

“Let’s meet up tonight at 7:00 PM in our elementary school before”

(Sobrang saya ang naramdaman ni Sam matapos basahin ang message galing kay Devon)
IVAN: Oh! Ang lapad yata ng ngiti mo…
SAM: It’s Devon..she wanted to see me…
KYRA: Paano ba yan?! Mukhang handa na syang kausapin ka kaya wag mo ng palampasin ang pagkakataon…
SAM: Sana nga maging maayos ang lahat…

(6 pm palang ay dumating na si Sam sa dati nilang school. He’s been here a year ago. Nag stop over lang ang plane nya before ng 4 hours in the Philippines kaya naman naisipan nya na magdropped by sa dating elementary school and Devon accidentally bumped into him pero tinakbuhan sya nito. He tried to catch her but agad itong nakapasok sa sasakyan at mukhang nagmamadali. Memories keep on coming back, the first time he saw her, how she said bad things about him and how he carefully and silently looked at her by the distance. Palakad-lakad si Sam ng bigla syang may nakabangga and it was Devon mukhang nagulat pa ito pagkakita sa kanya pero agad itong nakabawi sa pagkabigla)

SAM: I’m sorry may iniisip kasi ako…
DEVON: I see… (umupo sila sa malapit na bench at namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sam broke the silence)
SAM: I’m sorry… (he silently uttered at nakiramdam kay Devon but she didn’t bother to speak up nanatili lang itong tahimik kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita)
Matagal na panahon ang hinintay ko para lang makita kitang muli. When I saw that night.. same time, same place, same day and same month last year in here…tinakbuhan mo ako… I tried to run after you but you easily got into your car.
(agad naman naalala ni Devon na may nakabangga nga sya dati sa pagpunta nya dito and now she realized that it was Sam)
When I had an interview I was hoping na maalala mo ako nung sabihin ko na I found the girl but tinakbuhan nya ako…but hindi mo rin pala naalala ang lahat. I was hurt everytime I see you happily chatting and chasing with Ivan. I asked Kyra’s help para mabantayan ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya I decided na magpanggap na bakla para mapansin mo ako ‘cuz I know how much you hate gays.
I even decided na palabasin ang LOVE POTION ang dahilan ng lahat para makuha ko ang attensyon mo but I ended up hurting both of us. It was really my fault at the start dahil wala akong lakas ng loob para ipagtapat ang damdamin ko sayo. Natatakot akong malaman mo na ako si Renz dahil pinaasa lang kita noon. Umalis akong walang paalam at nasaktan kita ng husto.
DEVON: Kung sinabi mo lang sana ang lahat hindi tayo aabot sa ganito…
Hindi mangyayari na sapilitan mong kunin ang isang bagay na matagal kong iniingatan Sam…
(napaiyak na sya at sinubukan ni Sam na hawakan ang kanyang kamay ngunit
Umiwas sya at nagpatuloy sa pagsasalita)
Kalimutan nalang natin ang isat-isa Sam..mas makakabuti yun. Hindi ko kayang magpanggap na ok lang sa akin ang lahat. Napakasakit ng ginawa mo sa akin… I’m sorry but ito na ang huling beses na kakausapin kita at sana naman huwag ka ng magpakita sa akin kahit kailan.
(tumayo na sya ngunit hinawakan ni Sam ang kanyang mga kamay at iniharap sya nito. She saw him crying at hindi na sya makapagsalita)
SAM: Yan ba talaga ang gusto mo??
(tumango sya at hinawakan nito ang kanyang mukha)
SAM: I love you pero kung talagang gusto mong layuan kita ay gagawin ko mapatawad mo lang ako…(yumakap ito sa kanya ng mahigpit at pagkatapos hinawakan ulit nito ang kanyang mukha)
Can I kiss you goodbye? (hindi sya sumagot at nagsalita ulit ito)
Please??
(tumango sya at unti-unting lumapat ang labi nito sa kanyang labi. It was just a soft kiss but she could feel the pain between their kisses kaya hindi nya napigilan ang sarili at tumugon sya dito. The kiss lasted for a couple of minutes tsaka tumigil si Sam at muling tumitig sa kanya)
Makakaasa kang hindi na kita kukulitin kahit kailan… You can leave me now. Mas gusto kong mas mauna kang umalis dahil kapag ako hindi ko kaya at baka tumakbo pa ako pabalik sayo.
(She then slowly step forward..habang papalayo kay Sam ay panay naman ang tulo ng kanyang mga luha. She wanted to turn her back pero pinigilan nya ang sarili samantalang gusto namang habulin ni Sam si Devon pero di nya ginawa dahil gusto nyang respetuhin ang desisyon nito dahil malaki ang kasalanan na nagawa nya)
SAM: This is really goodbye for us Devz..(hanggang naglaho na ito sa kanyang paningin at napasandal sya sa puno, unti-unting napaupo at napayuko)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento