CHAPTER 2
(Nakarating na sila sa condo unit ni Ivan. Kinakabahan si Devon na excited, di nya maintindihan ang nararamdaman. It’s the first time na nakapunta sya sa unit ni Ivan. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya habang nakaupo sa couch at tumabi pa si Ivan sa kanya. Dikit na dikit na sila and then she saw him leaning on the couch)
IVAN: You know..you’re the first girl I brought here…(sobrang nasiyahan sya sa narinig)
DEVON: Talaga?
IVAN: You’re important to me Devon (kinilig sya ng bonggang-bongga)
DEVON’S POV: Sabi na nga ba! May gusto ka rin sa akin…
DEVON: Why you brought me here pala?
IVAN: I want to spend time with you…( at ang puso nya ay sumigaw sa sobrang saya)
DEVON: Spend… time…. with me????...(nagkandautal nyang pahayag)
IVAN: I told you will do something that you won’t forget…
DEVON’S POV: Ito na ang pinakahihintay ko…
DEVON: Ano ba yun?
IVAN: Since I came here, I haven’t tried cooking… So I want you to help me…(nagsmile si Ivan sa kanya at sobrang disappointed nya sa narinig. Buong akala pa naman nya ay matutupad na ang kanyang pinakaasam-asam, ang maging kanya si Ivan)
DEVON: You know I hate cooking! (tumayo sya sa couch pero hinawakan ni Ivan ang kanyang kamay)
IVAN: That’s what I’ve told you… You won’t forget this day because I’m going to teach you…(hindi nya pinansin ang sinabi ni Ivan, ang napansin lang nya ay ang paghawak nito sa kanyang kamay. Kaya pumayag nalang sya sa sinabi nito)
DEVON: Ok..sinabi mo ehhh….
IVAN: Let’s start! (hinila na sya ni Ivan papunta sa kitchen, at sobrang saya naman nya)
DEVON’S POV: Learning how to cook with the man of my dreams… Wla nang hihigit pa dito.. (nagsmile sya ng napakatamis)
(Pagkatapos magluto at kumain ay nagkwentuhan muna sila ni Ivan, tsaka nito napagpasyahan na ihatid sya sa bahay. Kahit disappointed na wala man lang intimate encounter sa kanila ay nasiyahan naman sya sa pagluluto nila kanina. Nang makarating sila sa malapalasyo nyang bahay ay bigla syang pinigilan ni Ivan na bumaba ng sasakyan. Hinawakan nito ang kanyang kamay na sobrang ikinakilig nya. Tsaka nagsalita si Ivan)
IVAN: Can I ask you a favor?
DEVON: Ano yun?
IVAN: My bestfriend is coming here this weekend… Can she stay in your place?
(Parang nagpagting ang tenga nya sa narinig na SHE….ibig sabihin babae ang bestfriend ni Ivan at gusto nito magstay sa kanila)
DEVON: Why in my place? Why not in your condo? Or she can rent…
IVAN: Alam mo naman kapag sa unit ko sya nagstay baka ma issue pa ako, gastos din kasi if magrent sya… Nagmigrate na kasi family nya sa States. Looking for comfortable place to stay. I suggested sa bahay mo total malaki naman at walang nakatira, dami pang rooms. She’ll pay you… Please??? (hinawakan ni Ivan ang kanyang mukha kaya tumango nalang sya)
DEVON: Ok..may magagawa pa ba ako..nagrecommend ka na..basta make it sure na hindi pakialamera yang bestfriend mo sa private life ko kung hindi palalayasin ko sya sa bahay!
IVAN: I assure you.. she’s kind and harmless.. maganda pa! (nagselos sya sa narinig)
DEVON: Mas maganda pa ko sa bestfriend mo!
IVAN: Nakakatawa ka talaga! Paano aalis na ako… Susunduin ko ang bestfriend ko this weekend at dritsu na kami dito…ok?
DEVON: Sure! Give me some info about her at ng mapaayos ko ang room… Wait, ilang months ba sya dito?
IVAN: For a couple of months.. Itatawag ko nalang mamaya ang infos about her.
DEVON: Ok…
(Humalik si Ivan sa kanyang pisngi at tuluyan ng nagpaalam. Pumasok na sya sa loob at nakita nya na gising pa ang kanyang make-up artist friend na si Kyra. Nagbabasa ito ng magazine at tumigil nang makita sya na kadarating lang.)
KYRA: So how’s the date? At mukhang bad mood ka!
DEVON: Nainis ako kay Ivan…
KYRA: Bakit saan ba kayo nagpunta?
DEVON: Sa condo nya…
KYRA: What???!!!!!!!!!!!!!!
DEVON: And we did something… (nanlaki ang mata ni Kyra sa narinig)
KYRA: Anong ginawa nyo sa condo ni Ivan? May nangyari sa inyo?
DEVON: How I wish may nangyari sa amin..kumain lang kami dun at pinagluto nya ako!
KYRA: Ang senyorita pinagluto ni Ivan?!!! (tumawa si Kyra sa narinig. Di nya kasi ma imagine na nagluto si Devon. Ni humawak nga sa rice cooker ayaw nitong gawin.)
DEVON: Huwag kang tumawa dyan! Alam mo naman gagawin ko ang lahat para kay Ivan! Magustuhan lang nya ako!
KYRA: Bakit ba naman kasi si Ivan pa ang nagustuhan mo?! Dami namang lalaki dyan na umaaligid sayo…
DEVON: Basta gagawin ko ang lahat, maging akin lang sya!
KYRA: Na sayo na halos lahat maliban sa taong gusto mo!
DEVON: Sige mang-inis ka pa dyan! Kung ayaw mong mawalan ng trabaho! Gusto mo bukas umuwi ka na sa isla nyo!
KYRA: Titigil na..alam mo naman sayo lang ako umaasa.
DEVON: Mabuti nagkakaintindihan tayo..imbis na mang-inis ka ay tulungan mo nalang akong bihagin si Ivan… gagawa tayo ng plan ok?
KYRA: Ganyan ka na ka pursigidong makuha si Ivan?
DEVON: What I want is what I get Kyra! Gusto ko si Ivan at dapat lang makuha ko sya!
KYRA: Lakas talaga ng fighting spirit mo!
DEVON: Hindi ako ipinanganak na talunan!
(Nagkatawanan nalang sila ni Kyra. Samantalang si Ivan naman ay tinawagan ang bestfriend. He confirmed na pumayag na si Devon na doon ito magstay sa bahay ng dalaga. Mukha namang nasiyahan ang kanyang bestfriend sa narinig. Sana nga lang magkasundo ito at si Devon. Alam nyang brat talaga si Devon at kapag di gusto ang isang tao ay agad nito sinasabi. Devon made him smile sa pagiging brat at maarte nito. Akala nya kanina ay di ito magluluto, mabuti naman at napasunod nya . 1 year na silang magkakilala kya naman alam na nya ang pag-uugali ng dalaga. Kung kailan ito sinusumpong sa magiging maldita at kung kailan ito nagiging mabait. For him, mabait naman si Devon kaya lang masyado itong spoiled kaya minsan misunderstood ito ng mga tao. But despite that, talented talaga ito at ang lakas ng hatak sa masa. Napasmile tuloy sya thinking about Devon.
IVAN’S POV: Hay naku Devon….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento