Biyernes, Hulyo 8, 2011

LOVE POTION (Chapter 9)

CHAPTER 9

(May new teleserye ang CBS Network at si Director Sean ang madidirect. Sa kanya inoffer ang lead role pero mas pinili nya na gampanan ang kontrabida role. Kaya imbis na si Hannah ang kontrabida, nagpalit sila ng role. But what seems to be funny ay si Ivan ang magiging leading man ni Hannah. Pinili nya maging kontrabida dahil gusto nya machange ang original story. Sa halip na sa bida mapunta ang leading man ay sa kontrabida. Alam nyang paniguradong magpoprotesta ang fans nila ni Ivan at ang Hannah ang mapapahiya. Di pa man nagsisimula ay excited na tuloy sya. Kaya heto sya sa studio ngayon ng kay agang-aga. Title palang ng teleserye ay parang may palitan na ng loveteam kaya sobrang natutuwa sya. Ang title ng teleserye ay “Exchange of Hearts”, SEAN: Devz, sigurado ka bang mas gusto mo ang kontrabida role.?
DEVON: I want to explore Direk! Showing the other side of me…
SEAN: You’re humble as ever talaga, alam ko naman kahit anong role kaya mong iportray..
DEVON: Kayo po talaga…
SEAN: Pupuntahan ko muna ang ibang artist na nagpapaaudition…Alam mo naman kayong tatlo lang ni Ivan at Hannah ang handpicked..Yung ibang casts kailangan ko pang mamili…
DEVON: Cge po Direk…
(Makalipas ang ilang minut0 dumating na din si Ivan at syempre todo smile at pa cute sya)
IVAN: Good to see you here Devz! Bakit pinili mo maging kontrabida?
DEVON: Oyyy!!! Affected ka ba dahil ako gusto mo maging LT?
IVAN: Actually, yes! Alam mo naman mas comfortable ako sayo
DEVON: Huwag ka ngang mag worry dyan..para saan ba at naging “EXCHANGE of HEARTS” ang title ng teleserye?
IVAN: Ikaw talaga gustong-gusto mo baguhin ang plot…
DEVON: Well, alam mo naman….
(biglang dumating si Kyra)
KYRA: Hi handsome! (referring to Ivan)
IVAN: Oh! Hi!
(magsasalita sana si Devon ngunit biglang dumating si Hannah)
HANNAH: Oh! Look who’s here! Devon…So happy, I got the lead role
DEVON: So happy for you! …(pagkukunwari nya)
DEVON’S POV: Kung alam mo lang na sa akin, inoffer ni Direk ang lead role… kawawang Hannah)
HANNAH: I’ll make sure na magiging mataas ang rating ng teleserye
DEVON: Well..prove it….
HANNAH: Ang yabang mo talaga kahit kailan!
DEVON: Hindi kayabangan ang pagsasabi ng totoo.
IVAN: Tama na yan..kayo talaga…

(Tinawag na sila ng ibang staff para sa story-con. Everything went well, sya ang kontrabida, Si Hannah ang bida at si Ivan ang pag-aagawan nila. Other casts were not chosen yet. Sinabi ni Direk Sean sa kanila, na may isang leading man pa na kulang but they couldn’t find the right guy yet. Direk Sean wants to have fresh face, kaya di pa ito makapagdecide. The man na mapipili ay magiging LT niya. Gusto nya si Ivan ang LT ngunit dahil sya ang kontrabida mukhang malabo mangyari yun, but the Writer said, may twist ang story base na din sa title. Kya napatawa sya ng palihim ng makita ang mukha ni Hannah… Parang nahuhulaan na nya na sila pa din ni Ivan ang magiging ending ng story. Matapos ang story-con ay nagpunta silang tatlo nina Ivan at Kyra sa isang restaurant para magcelebrate. Di tuloy sya makadiskarte kay Ivan dahil kasama nila si Kyra. Mukhang napansin ni Ivan ang pagiging BV nya)
IVAN: Are you ok? You look upset
DEVON: Wala lang….
IVAN: Cheer up!! (hinawakan nito ang kanyang baba at nagsmile, na ikinakilig nya naman. Kinunan pala sila ni Kyra ng picture sa ganoong ayos)
DEVON: Loka-loka ka talaga Kyra! (kunwari galit sya sa ginawa nito)
KYRA: Asus! Kunwari ka pa dyan! Gusto mo naman!
DEVON: Ano?!
(Nakita nyang tumawa si Ivan at nahawa na din silang dalawa ni Kyra. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na sila ni Ivan pauwi ng bahay. As usual, mukhang deadma pa din ang beauty nya dito. Naging BV na naman tuloy sya ng manukso na naman si Kyra)

MAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW!!!

(Galit na galit na nagpunta ang kanyang manager na si Abby sa bahay nya at hinagis sa kanyang harapan ang isang newspaper. Pagkakita nya ay sobrang nagulat sya, she saw her and Pierro kissing!)
DEVON: Shittt!!!
ABBY: Ano na naman yan Devon?! Another scandal? Sa bahay mo pa mismo?!
DEVON: Tita Abby…ako nga ito…
ABBY: Katatapos pa lang ng issue sa inyo ni Ivan at heto kay Pierro na naman! at may kissing photos pa? paano mo ito ipapaliwanag?! Sino ba ang nagpalabas ng photos?! (biglang naalala ni Devon si Samantha, ito lang ang may alam tungkol sa nangyari sa kanila ni Piero kaya malamang ito din ang nagpalabas ng photos. Galit na galit syang sumugod sa kwarto ni Samantha. Nakita nya itong nagbabasa ng libro, kinuha nya iyon at hinagis)
DEVON: How dare you?!!!
SAMANTHA: Hey! What’s wrong?!
DEVON: I’ve served you and then you release the photos?!
SAMANTHA: Anong photos ba ang pinagsasabi mo?
(pinakita nya ang newspaper kay Samantha, nagulat ito sa nakita)
DEVON: See? Ganyan ba talaga ka laki ang galit mo sa akin at nagawa mong magcapture ng picture at ilabas pa!
SAMANTHA: Devz…let me explain!
DEVON: Better not to!!!! Andyan na yan,,may magagawa pa ba ako?! Tanga ko talaga nagpauto ako sayo!
SAMANTHA: Devz..listen… (hinawakan nito ang kanyang balikat)
DEVON: Don’t touch me! (napaiyak sya sa harap ni Samantha, it’s the first time na umiyak sya dahil nasaktan. Di na acting ang ipinapakita nya)
I trusted you but you betrayed me!
(Umalis na sya sa kwarto at hindi na hinayaang magsalita pa ulit si Samantha)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento