CHAPTER 23
(Simula ng malaman ng media na magkaptid sina Sam at Erich ay naging hot topic na si Sam. Marami na ang naging curious sa totoong pagkatao nito. Nalaman tuloy ni Devon na kapatid din nito ang sikat na fashion designer na si Empress, at may isa pa itong sikat na kapatid na ramp model sa Europe. Nagulantang tuloy sya sa mga info na lumabas about Sam. Pero ang ipinagtataka nya ay wala man lang issue na lumabas sa pagiging dating bakla nito.)
DEVON’S POV: Magkano kaya ang ibinayad nya para di lumabas sa media ang pagiging dati nyang bakla?! Alam ko na ang gagawin!
(Pumunta sya sa dating kwarto ni Sam, alam nyang hindi pa kinukuha nito ang ibang gamit. Hahanap sya ng proof sa pagiging bakla ni Sam. Kapag nakakita sya ay ito ang gagawin nyang alas laban sa KS video nila na hawak nito. Hinalungkat nya ang closet ngunit wala sya ni isang nakita. Nakita nya ang drawer at binuksan iyon. May nakita syang isang maliit na album, nang buksan nya ito ay nakita nya ang photos ni Sam, mahaba ang buhok nito at nakadamit pambabae at napangiti sya)
DEVON: This is it! May alas na ako laban sayo! (tiningnan nya ng maigi ang photo at nang titigan nya ang kasama nitong babae ay agad nya itong nakilala) Ito yung babaeng tinawag nyang Linn… (she saw the two look cute together in the picture, nang kunin nya ang photo sa loob ng album ay nakita nyang may nakasulat sa likod na)
SAMANTHA!
We look so cute in this picture!
Isn’t it nice if we’re couple?! J
Whatcha think? Hehe!
Linn
(Bigla nyang nabitiwan ang picture ng magsalita si Sam sa likod nya at pinulot din nya agad)
SAM: Tapos ka ng magbasa?
DEVON: Bakit ba sumusulpot ka sa pamamahay ko?! (lumapit ito sa kanya at tumabi sa pagkakaupo)
SAM: Naging curious ka na rin ba sa akin at inaalam mo kung sino talaga ako?
DEVON: Hindi hah!!! Ang kapal mo talaga..hindi kaya kita type!
SAM: Give the picture to me!
DEVON: No way! Ito ang gagamitin ko laban sayo! Ang ganda mo sa picture!
SAM: Give it to me Devon! Kung ayaw mong magalit ako sayo!
DEVON: May something kayo ni Linn, diba? Kaya lang bakla ka kaya! Ayun! Lumayo sya sayo! (nakita nyang galit ang mukha ni Sam at nagpipigil lang ito)
SAM: Give it to me! You don’t know what you’re talking!
DEVON: No way Sam!
(tumayo sya ngunit hinila sya ni Sam dahilan para bumagsak sya sa kama ngunit nagawa pa din nyang itago ang picture sa kanyang likuran, ngunit malakas si Sam…nahawakan nito ang kanyang dalawang kamay at dinanganan sya nito)
DEVON: Get your body off me!!!
SAM: Bakit natatakot ka?!
DEVON: Bakit naman ako matatakot sayo?!
(Tumitig si Sam sa kanya, alam nyang hahalikan sya nito kaya napapikit nalang sya..naramdaman nyang ang isang kamay nito ay naglakbay sa kanyang likuran huli na ng marealize nya na ang picture ang kinuha nito. Agad itong tumayo at umayos pagkakuha sa photo. Ngumiti ito sa kanya)
SAM: I got it!
DEVON: You bullshit! Dumb ass! (binato nya ito ng unan at tumawa lang ito ng makita syang wala ng ibabato dito, lumapit ito sa kanya at dinampian sya ng halik)
SAM: Don’t worry..next time sisiguraduhin kung may mangyayari na sa atin…but for now..may mahalaga pa akong aasikasuhin.
(umalis na ito at naiwan syang nagmumura. Samantalang si Sam naman habang palabas sa bahay ni Devon ay may tinawagan)
SAM: Hello Es..may paiimbistigahan ako sayo…Magkita tayo mamaya..
(Kailangan linawin ni Sam ang lahat dahil naguguluhan na sya sa mga pangyayari. Tininingnan nya ang picture nila ni Linn)
SAM: Linn ano ba talaga ang nangyari?
(Pumasok na sya ng kotse at umalis)
(Nagulat si Devon nang malaman buhat kay Direk Sean na ang ibang scene muna ang kukunan nila dahil umuwi daw ng States si Sam. Nacurious tuloy sya kung bakit biglaan itong napauwi kaya naman tinanong nya si Ivan pagkatapos ng taping nila. Nagpunta sila sa condo unit nito)
DEVON: Bakit biglaang bumalik ng States si Sam? (tumingin muna sa kanya si Ivan bago sumagot)
IVAN: Don’t know why..he’s doing weird things these days.
DEVON: I think nagsimula sya maging ganyan nung inihatid nya ako pauwi at muntikan na kaming may mabanggang sasakyan.
IVAN: I heard you almost bumped into a car.
DEVON: Tapos nung makita namin ang driver…para syang nashocked tapos,umalis agad yung driver.
IVAN: Let’s not talk about Sam. He used to do mysterious things kaya hayaan mo na. Di mo kasi talaga sya kilala, when you come to know him well baka magulat ka pa….
(tumawa si Ivan at inakbayan sya. Their eyes met, the next thing she knew ay naghalikan na sila ni Ivan. It’s always been her dream na mapansin sya ni Ivan. Ivan’s kiss became deeper na sinuklian naman nya with the same intense but suddenly Ivan stopped)
IVAN: Better take you home, malalim na ang gabi.
(she felt disappointed but it was a good thing na rin kasi parang doubtful na sya kung nagpatuloy si Ivan sa ginagawa nito para bang pumapasok sa isip nya si Sam)
DEVON: Hindi pa ba natin sasabihin sa media ang tungkol sa atin? I mean…we’re not on but you know exclusively dating…
IVAN: I want to but I guess this is not the right time. Marami na din kasi kayong fans ni Sam, don’t want to disappoint them baka magkagulo pa ang media pag nalaman nila ang tungkol sa atin lalo pa ngayong di tayo ang OLT sa teleserye.
DEVON: Maybe you’re right…
IVAN: Well let’s go now baka may mga paparazzi na namang maligaw.
DEVON: Ok
(Inihatid na sya ni Ivan pauwi, di na ito tumuloy ng bahay dahil malalim na ang gabi. Nang makapasok sya sa kwarto ay di sya makatulog. Iniisip pa rin nya kung ano ang pinagkakaabalahan ni Sam,at kung bakit ganun nalang ka halaga dito si Linn)
DEVON: Linn ano ba talaga ang kaugnayan mo kay Sam?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento