Biyernes, Hulyo 8, 2011

LOVE POTION (Chapter 10)

CHAPTER 10

(The issue became bigger,different version of stories. May balitang naghiwalay na sila ni Ivan kaya hindi ito ang magiging LT nya sa new project. Meron ding lumalabas na balitang matagal nang may namamagitan sa kanila ni Pierro, tinatago lang nila dahil si Ivan umano ang LT nya. At ang pinakamalala sa lahat ay ang issue na pagiging playgirl nya, pinagsabay daw nya sina Ivan at Pierro. Wala syang balak na sumagot sa issue, hahayaan nalang nya na mawala ito naturally. Pierro had an interview and clarified everything. Sinabi nito na magkaibigan lang silang dalawa. The kissing photo ay dahil lang nalasing siya and he took advantage. Somehow, she felt happy dahil Pierro defended her. Ivan was also asked about the issue but nag no comment lang ito. Matapos lumabas ang scandal between him and Pierro, Ivan never did call nor send her messages. Hindi na rin ito pumupunta sa kanila. Galit sya kay Samantha at hindi nya ito kinakausap, maraming beses ito nagtangkang lumapit sa kanya ngunit umiiwas sya. Isang araw nagulat nalang sya ng biglang dumating si Ivan sa kanila. She was so happy seeing him pero hindi ito mukhang masaya ng makita sya)
IVAN: I dropped by to talk to Sam… (hindi sya manhid para hindi maramdaman ang panlalamig ni Ivan sa kanya)
DEVON: Are you mad at me?
IVAN: May karapatan ba akong magalit sayo? (nabigla sya sa sinabi ni Ivan)
DEVON: Dahil ba ito sa photos namin ni Pierro?
IVAN: Kunting respeto sana Devz..ako pa din ang official LT mo….
DEVON: Pierro already broke his silence about it… I was a bit tipsy, he kissed me but I didn’t respond…
IVAN: I don’t wanna talk about this matter Devz…
DEVON: Are you worried about our LT or naseselos ka lang?
(Ivan looked at her and she silently prayed na sabihin nito na nagseselos ito sa kanila ni Pierro)
IVAN: Worried lang ako sa LT natin… (her heart was broken sa sinabi ni Ivan, but she doesn’t wanna cry infront of him…She fakingly smile)
DEVON: Huh…sana hinalikan ko na rin lang si Pierro…
(nagwalk-out sya at iniwan si Ivan)

(Dahil hindi pa natatapos ang casting sa bago nilang teleserye ay di pa sila makapagsimulang magshooting. Good thing na din iyon para kay Devon dahil mainit pa din ang issue tungkol sa kanilang tatlo nina Pierro at Ivan. Nasaktan talaga sya ng husto sa pang iignore ni Ivan sa kanya. Simula ng magpunta ito sa bahay nya ay di na ulit sila muling nag-usap. Palagi syang malungkutin at tulala, sobrang broken hearted talaga sya)
KYRA: Affected ka pa din ba sa ginagawa ni Ivan?
DEVON: Ano ang gagawin ko? LT lang talaga namin ang concern nya. Gustung-gusto ko sya..alam mo yun..halos ginawa ko na yata ang lahat pero deadma pa din ako sa kanya.
(nakita nyang natahimik si Kyra sandali at naging seryoso na ang mukha nito)
KYRA: Naniniwala ka ba sa gayuma?!
DEVON: Ha? Anong pinagsasabi mo?
KYRA: May gayuma ang lola ko sa probinsya…at epektibo yun… Kung gusto mo talagang makuha si Ivan ay mangyayari yun….
DEVON: Uso pa ba ang love potion ngayon?
KYRA: Subukan mo at nang malaman natin…(dahil desperada na syang makuha talaga si Ivan ay susugal na sya sa huling baraha, it’s either winning Ivan or losing him forever!)
DEVON: Magpunta na tayo sa Isla nyo..!
KYRA: Talaga?! Kailan?!
DEVON: Ngayon mismo!!!
KYRA: Ano?! (hinatak na nya si Kyra palabas ng bahay at nakasalubong nila si Samantha na may kasamahang bakla)
BAKLA: Oh hi Dear Devon! Sa wakas nakita na rin kita ng personal…(tumaas ang kilay nya, di nya gusto ang suot ng bakla..mahalay ang dating at para itong clown sa make-up)
KYRA: Oh hi!
SAMANTHA: My friend Lovely… She owns a beauty shop..you can drop by anytime in her shop….
KYRA: Talaga? With discount?
LOVELY: Kahit for free pa! (di nagustuhan ni Devon ang pag-uusap ng mga ito dahil BV pa din sya kay Samantha)
DEVON: Kyra, let’s go! (hinila na nya si Samantha)
LOVELY: Saan kayo pupunta?
KYRA: Sa isla!!! (nakalayo na sina Devon at Kyra at naiwan sina Samantha at Lovely)
LOVELY: Galit pa din yata sayo ang Devon…
SAMANTHA: Akala ko nga sasampalin nya ako dahil dun sa photos na lumabas.
LOVELY: Sayang di ka sinampal…
SAMANTHA: Gusto mo ikaw sampalin ko?!
LOVELY: Joke lang..ito naman hindi na mabiro…

*(Samantalang desidido na talaga si Devon sa LOVE POTION na sinasabi ni Kyra, anim na oras ang binyahi nila makarating lang sa bahay nina Kyra. Kailangan nya pang magtakip ng mukha habang nasa byahe para di sya makilala ng mga tao. Nang makarating sa bahay nina Kyra ay ipinakilala agad sya sa Lola nito at dahil malayo sa kabihasnan ang bahay nina Kyra ay wala ni isa man ang nakakilala sa kanya. Binigay ng Lola ni Kyra sa kanya ang sinasabi nitong gayuma at)
LOLA: Ipainum mo iyan sa lalaking mahal mo, eepekto yan sa loob ng isang linggo.
DEVON: Talaga po? (halos di makapaniwala nyang tanong dito, halatang-halata sa mukha nya ang kasiyahan)
LOLA: Oo naman iha..ngunit wag masyadong magsaya… kahit anong gayuma ay mawawalan ng epekto.
KYRA: Ano pong ibig nyong sabihin Lola?
LOLA: Lahat ng bagay ay nawawalang ng bisa sa kapangyarihan ng pag-ibig. Kapag ang taong nakainum nyan ay may ibang mahal at mahal din sya ng taong iyun ay mawawala agad ang epekto ng gayuma.
DEVON: Ganun po ba? Ok lang yun..salamat po ng maraming dito…
LOLA: Basta iha tandaan mo lang…wagas na pag-ibig ang makakatalo sa gayuma na yan…
(Masayang-masaya na si Devon..Nasa kanya na ang huling baraha, maaangkin na din nya si Ivan…alam nyang may gusto pa si Ivan sa ex yata nito na minsan narinig nya sa usapan nito at ni Samantha, wala na syang pakialam dun. Ang importante sa kanya ngayon ay mapainum kay Ivan ang gayuma at maangkin ito. Nang makabalik sila ng bahay ay agad nyang tinawagan si Ivan and invited him for dinner dahil magluluto sya. Naramdaman nyang cold pa din ito ngunit nangulit sya at pinaandar ang pagiging brat kaya napaOO nya si Ivan. Dumating ito bandang alas 6:30 ng gabi. Naupo ito sa living room at kausap si Samantha. Matapos maihanda ang hapagkainan ay tinawag na nya ang mga ito. Tahimik silang tatlo nina Ivan at Samantha. Si Kyra lang ang palaging nagsasalita. Alam nyang napilitan lang si Ivan na magpunta sa bahay nya kaya di ito nagsasalita, si Samantha naman ay pasulyap-sulyap sa kanya pero deadma at irap lang ang pinapakita nya dito. Matapos kumain ay nagtuloy sina Ivan at Samantha sa living room, tinawag niya si Kyra para isagawa ang plano nila)
DEVON: Ibigay mo ang juice na yan kay Ivan..(nakita nyang nag-iisa na si Ivan at sa living room at ang Samantha ay biglang naglaho sa paningin nya)
KYRA: Bakit ako?! Ikaw nalang baka magtaka si Ivan kasi katatapos lang natin mag dinner at maghahatid ako ng juice sa kanya.
DEVON: Alam mo naman na deadma nya ako these days…
KYRA: Sige na nga! (kinuha na ni Kyra ang juice at dinala papuntang living room, nakita nyang parang nagtaka ang Ivan pero nabasa nya sa labi nito ang pag “THANK YOU” kay Kyra. Bumalik na agad si Kyra sa kanya pagkatapos at)
KYRA: Done! (tumawa silang dalawa ni Kyra)
DEVON’S POV: Sa wakas! Magiging akin ka na rin Ivan!
(Nagstay at nagkwentuhan sila ni Kyra sa dining room ng biglang lumapit sina Ivan at Samantha. Hawak ni Samantha ang tray ng juice at inilapag ito sa mesa, nagningning ang mata ni Devon sa kasiyahan. After one week, ay eepekto na ang gayuma at magiging kanya na si Ivan)
IVAN: Need to go now..it’s getting late..Thanks for the dinner… (maikling pahayag ni Ivan)
DEVON: It’s my pleasure!
IVAN: Kyra, thanks for the juice…
KYRA: Wala yun… (nasiyahan si Devon sa narinig)
IVAN: But it was apple juice and I don’t like apples.. So…(kinabahan si Devon dahil si Samantha ang may hawak ng tray)
IVAN: Sam drank it!
DEVON and KYRA: Ano?!!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento