Sabado, Hulyo 30, 2011

The Closet Girlfriend (Chapter 1)

CHAPTER 1

(When she was in the 5th grade)

YEN: Ano ba yan Devon? Kanina ka pa nakaharap sa TV screen… maglaro na tayo!
DEVON: Mamaya na papanoorin ko pa si Sam…
YEN: Hay naku si Sam na naman! matatanggal din yan sa contest!
DEVON: Ehh kunwari ka pa! sya rin naman ang bet mo…
YEN: Ang dami kasing nagkakaxcrush sa kanya..kaya kainis tuloy! Ang dami kong kaagaw…
DEVON: At isa na ako dun!
YEN: Alam ko naman na dead na dead ka rin sa kanya.
DEVON: Tama! Ivovote ko nga nalang sya para di matanggal…
YEN: Inubos mo na yata allowance mo mavote lang sya.
DEVON: Syempre all out support ko kay crush…! kaya ikaw magvote na din kasi crush mo rin naman sya…

(may tumikhim sa kanilang likuran. Nang lumingon sila ay nakita nila si Enchong ang half-brother ni Devon sa father side, he’s 3 years older than her)
Anak si Enchong sa legal na asawa ng kanyang ama pero kahit anak sa labas ay close sila nito. Sa katunayan tuwing December sanay na sya na sa kanila ito nagbabakasyon)

ENCHONG: At ano itong narinig ko na crush huh? Ang babata nyo pa lumalandi na kayo…
DEVON: Ehhh..kuya si Yen may crush kay Sam Concepcion yung contestant sa isang singing contest ng NBC Network.
YEN: Si Devon din naman patay na patay kay Sam..
ENCHONG: Bakit nyo naman sya crush?!
DEVON: Kuya he’s super cute tapos ang galing pa nya kumanta at sumayaw.
YEN: Oo nga kuya Enchong…
ENCHONG: Isusumbong kita kay Tita Cleo Devon may crush ka ng nalalaman.
DEVON: Kuya naman kainis ka!
(sinimangutan at inirapan nya ang kapatid)
ENCHONG: Smile na Baby Devz may pasalubong ako sayo from Dad.
(pagkarinig nya sa salitang pasalubong ay agad syang ngumiti)
DEVON: Chocolates ba kuya?!
ENCHONG: May iba pa ba! yun lang naman ang gusto mo!
YEN: How about me Kuya Enchong?!
ENCHONG: You have yours too…
YEN: Thanks Kuya! (hinalikan nito sa pisngi si Enchong)

(Kapag nasa bahay nila si Enchong nakakalibre talaga si Devon sa maraming bagay. Mahilig kasi bumili ang kanyang kuya ng snacks at super maalaga nito sa kanya. Pero di pa nga dumarating ang Christmas ay kinausap sya nito)

ENCHONG: Baby Devz..babalik na pala ako bukas ng Manila. (nagulat sya)
DEVON: Akala ko ba dito ka sa Christmas?
ENCHONG: Mommy called..she needs me there kasi may mahalagang bagay syang inaasikaso.
DEVON: Sasabihin ko kay Tita Carmi na dito ka nalang…
ENCHONG: I asked Mom but mahalaga at kailangan talaga ako dun…
DEVON: Sayang naman! Wala si Mommy dito dahil nasa Canada..akala ko pa naman may kasama ako sa Christmas.
ENCHONG: Sama ka nalang kaya sa akin sa Manila…miss ka rin naman ni Mommy.
DEVON: Huwag na…dito nalang ako…tsaka kina Yen nalang muna ako…
ENCHONG: Sigurado ka?! Don’t worry..I’ll send you something na ikakatuwa mo!
DEVON: Sabi mo yan huh…
ENCHONG: Promise…

(Kahit pa bumalik na ng Manila si Enchong tuwang-tuwa naman si Devon dahil naging champion sa singing contest ang kanyang crush na si Sam Concepcion, parang sya tuloy ang nanalo)

DEVON: Ang galing nya talaga at champion pa!
YEN: Sinabi mo pa sis…
DEVON: Gusto ko talaga syang ma meet and greet in person…
YEN: Punta kayo tayo ng Manila tapos stay tayo dun sa house ng kuya mo!
DEVON: Never been there. Nang magpunta kami ni Mommy sa Manila noon, we stayed at a hotel.
YEN: Mabait naman yung Mom ni kuya Enchong diba?
DEVON: Bait nga si Tita Carmi pero nahihiya ako sa kanya….
YEN: Hay naku! Kelan kaya natin makikita si Sam C?!
DEVON: Ewan!!!
(Isang TV interview ang nakapagpabago sa crush ni Devon kay Sam)

YEN: Kanina ka pa wala sa mood? Galit na galit sayo si Miss Reyes..di ka nakikinig sa lecture kanina…
DEVON: Nakakainis kasi yung interview ni Sam kahapon…aminin ba naman nya na may crush na sya.. ang sakit kaya sa heart nun!
YEN: Huwag mong sabihing hindi ka pa nakaget-over sa interview nya kahapon?!
DEVON: Ayaw ko kasing..may gusto sa iba yung crush ko…
YEN: Paano naman kasi di tayo kilala ni Sam kaya naman di malayong mangyari na magkacrush sya sa iba…at tsaka malabong magkagusto yun sa katulad natin.
DEVON: Ayaw ko na sa kanya!!! Mula ngayon di ko na sya crush!!!!
YEN: Sigurado ka?!! Baka bukas nyan kinikilig ka na naman ng husto sa kanya!
DEVON: Promise ayaw ko na talaga sa kanya!

(umuwi na sya ng bahay at pagkarating sa kanyang kwarto..isa-isa nyang inaalis ang mga posters ni Sam at pinagpupunit)
DEVON: Ayaw ko na sayo!!! Nakakainis ka!!!
(napaiyak sya sa sobrang inis, nagulat nalang sya ng biglang bumukas ang kanyang kwarto at iniluwa ang kanyang kuya Enchong. It’s December again kaya napasugod ito sa kanila)
ENCHONG: Ano ito? Bakit pinagpupunit mo ang posters ni Sam?
DEVON: Ayaw ko na sa kanya kuya may crush na kasi sya…
ENCHONG: Ano ka ba?! crush lang naman yun..kilala mo ba kung sino?
DEVON: Ewan di naman nya pinangalanan sa interview…
ENCHONG: Yun naman pala.. malay mo ikaw yung crush nya…
DEVON: Pwede ba Kuya! Wag mo nga akong paglolokohin kita mo namang hurt at affected ako masyado..
ENCHONG: Kaya wag kang mag-over react! Kawawa naman si Sam posters nya pinagdidiskitaan mo…
DEVON: Ah basta! From now on..hindi ko na sya crush!!! tapos! I’ll forget him na!!!
ENCHONG: Hay naku Devon…
(iniwan na nya ang kapatid at hinanap ang dala nitong pasalubong para sa kanya. She wanted to forget her crush…ang layo nga ng agwat nila. It’s been a year mula ng magchampion si Sam sa singing contest. Sikat na sikat na ito ngayon kaya malabong ang katulad nya ay magustuhan nito)
DEVON’S POV: Hindi na kita crush at kakalimutan na kita!

1 komento:

  1. sis ha...love mo talaga ako...sana everyday kang mag update...ang galing mo kasi...as in wapak!!

    TumugonBurahin