Linggo, Hulyo 3, 2011

LOVE POTION (Chapter 5)

CHAPTER 5

(Nag guest sina Ivan at Devon para ipromote ang kanilang movie na “I LOVE THE WAY YOU LIE” sa isang talk show. Syempre pa may live interview)

HOST: Totoo ba ang balita na nagpunta ka Devon sa condo unit ni Ivan?
(Di na nagulat si Devon sa tanong ng tv host, pinagsabihan sya ng manager na si Abby na ideny ang issue ngunit pinakaayaw nya sa lahat ang magsinungaling kaya)
DEVON: Yes, it’s true. I went once at Ivan’s unit. (nakita ni Devon ang galit na mukha ng kanyang manager)
HOST: So may namamagitan na sa inyo ni Ivan?
DEVON: Bakit hindi po si Ivan ang tanungin nyo? (tumawa sya at nakita nya na parang hindi comfortable si Ivan sa pagpasa nya sa tanong dito)
HOST: So Ivan may namamagitan na ba sa inyo ni Devon?
IVAN: Devon and I are good friends…
HOST: Paano mo ipapaliwanag ang mga photos na naglalabasan na masayang-masaya kang nakaakbay sa kanya papasok sa unit mo?
IVAN: That’s how close and good friends we are…
HOST: Lumalabas lang ba kayo for the sake of promotion dahil may new movie kayo?
DEVON: No..hindi po..lumabas na po kami noon pa…
IVAN: We don’t need to hang-out just to promote the movie. I love Devon’s company so I sometimes go out with her.
HOST: So, is there any possibility na mahulog kayo sa isat-isa?
DEVON: Well…why not? (pilya nyang sagot na ikinakilig naman ng mga fans nila)
IVAN: Devon naman is super nice and very down to earth..malay po natin…
(kahit medyo playing safe ang sagot ni Ivan natuwa pa rin sya)
HOST: Sige imbitahan nyo na ang inyong mga fans na manood sa inyong new movie.
(Pagkatapos ng kanilang interview ay agad na silang lumabas ng studio at nakasalubong nila sina Hannah at Pierro)
HANNAH: Look who’s here!
DEVON: Well, it’s me! May iba pa bang maganda dito? (nakita ni Devon na tumaas ang kilay ni Hannah at nagsmile si Pierro)
HANNAH: Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan!
DEVON: Well, opinion mo yan…
HANNAH: Ikaw ang sikat ngayon! Bukas…
DEVON: Bukas ako pa rin! (nagsmile sya at iniwan na si Hannah at sumunod din naman si Ivan sa kanya)
PIERRO: Wow! Devon is hot!
HANNAH: Anong sinabi mo?!!
PIERRO: I like her! She’s my style!

(Naging blockbuster ang movie nila ni Ivan at syempre naging laman na naman sila sa usap-usapan sa showbiz industry. Kaya nagpaparty ang kanilang Director na si Sean sa bahay nya. Invited lang sa party ang casts sa movie at iba pa nilang malalapit na kaibigan. Hindi napansin ni Devon na lumabas ang baklang si Samantha, dami pa namang gwapong boylets ang dumating)
DEVON: Asan si Samantha? Di ko yata sya nakikita ngayon?
KYRA: Ewan ko ba! Sinabi ko kanina daming gwapong maliligaw dito sabi nya si Ivan lang ang gwapo!
DEVON: Ang bakla talagang yun! Makikita nya pagkatapos ng party!
KYRA: Bakit anong kamalditahan na naman ang naiisip mo?
DEVON: Basta..abangers ka nalang…ngayon si Ivan muna ang pag-uukulan ko ng pansin…
KYRA: Di ka pa rin ba sumusuko kay Ivan? Mukhang hanggang ngayon dead pa din ang beauty mo sa kanya…
DEVON: Ivan will be mine tandaan mo yan..Sige maiwan na kita at hahanapin ko pa si Ivan…
KYRA: Hay naku Devon!

(Hinanap ni Devon si Ivan ngunit di nya ito makita. Bakit ba naman kasi ang laki ng bahay nya at hirap maghanap ng taong gusto nyang makita.Nagpunta sya sa ketchin at nakita nya sina Ivan at Samantha, mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa at narinig nya ang kanyang pangalan)
SAMANTHA: Feeling ko gusto ka ni Devon…
IVAN: Talaga? Bakit mo naman nasabi?
SAMANTHA: Nararamdaman ko yun..
IVAN: I see…..
SAMANTHA: Sya pa rin ba?
(hindi maintindihan ni Devon kung sino ang tinutukoy ni Samantha kaya nakinig muna sya sa usapan ng dalawa)
IVAN: I can’t forget her…she’s always on my mind…
SAMANTHA: That was over a year ago…it’s time to move on…maraming babae sa tabi-tabi…
IVAN: Ewan….

(Nasaktan si Devon sa narinig, kaya pala di sya magawang pag-ukulan ng pansin ni Ivan dahil may iba itong gusto na hanggang ngayon ay di nito nakakalimutan…Sino at ano kaya ang nangyari sa babaeng gusto ni Ivan? But she’s Devon, hindi sya ipinanganak na talunan..hindi sya magpapatalo..gagawa sya ng paraan para makuha si Ivan. Wla pa syang gusto na di nakukuha)
DEVON’S POV: What Devon wants, Devon gets! Kaya magiging akin ka rin Ivan!

(Natigil ang pag-iisip nya dahil sumingit si Samantha)
SAMANTHA: You were eavesdropping, don’t you?
DEVON: Paki mo bakla!
SAMANTHA: At narinig mo ang pinag-usapan namin, diba? Paano ba yan di ka na hurt?
DEVON: Bakit naman ako masasaktan? It’s past! Ang importante ang ngayon at ang future!
SAMANTHA: At sinasabi mo na ikaw ang future nya?
DEVON: At bakit naman hindi? Look at me?! I’m a real woman! Eh ikaw?!
SAMANTHA: Hay naku! Ayaw kong pumatol sa pagiging childish mo…
(nakita nyang lumakad si Samantha, kaya sinundan nya ito)
DEVON: Hey! I’m not yet done with you! Bakit ba ang bastos mo? Kinakausap pa kita!
(nakita nya na nakarating sila sa living room at naupo doon si Samantha at dinedma talaga sya, kaya naman umandar ang pagiging pilya nya. She sat at Samantha’s lap at nabigla ang bakla sa ginawa nya. Bago pa sya maitulak nito ay yumakap sya dito)
DEVON: Don’t ever try to push me again!
( naramdaman nyang hindi na kumikibo si Samantha, kaya unti-unti nyang niluwang ang pagkakayap dito, tinitigan si Samantha. Hindi nya napigilan ang sarili kaya hinaplos nya ang mukha ni Samantha)
DEVON’S POV: Shit! Gwapo talaga ang baklang ito!
(naging pilya ulit ang utak nya lalo pa sa nakikita nya na parang di alam ni Samantha ang gagawin. Idinikit nya ang mukha kay Samantha)
DEVON’S POV: Mahalikan nga ang baklang ito! Tingnan natin kung di ito magiging lalaki pagkatapos! (akmang hahalikan na sana nya si Samantha ng biglang itinulak sya nito. Dahil nakayakap sya kay Samantha ay bumagsak silang dalawa at nakadangan ito sa kanya)

3 komento:

  1. wapak sis...saludo ako sau!!ikaw na talaga....

    TumugonBurahin
  2. woohoo!!! galing!!! sana nga maging tumay na lalaki na c Samantha!!! parang may something na sa kanila ;)

    TumugonBurahin
  3. next na sis excited much na ako sobra!!!

    TumugonBurahin