CHAPTER 3
KYRA: Kailangan bang ako pa ang dapat maglinis nitong kwarto na gagamitin ng bestfriend ni Ivan?
DEVON: Sympre naman! wala si Krissy ngayon kaya walang ibang pwede kundi ikaw?
KYRA: Make-up artist mo ako hindi katulong…
DEVON: Dagdag sweldo ka naman…Basta dalian mo…darating na mamayang gabi sina Ivan…
KYRA: Kailangan ba talaga purple ang kwarto? Parang kwarto mo lang ito…
DEVON: Purple din daw kasi favorite color ng bestfriend ni Ivan…
KYRA: Ano ba ang pangalan ng bestfriend ni Ivan…
DEVON: Samantha daw…
KYRA: Wow! Pangalan pa lang, hot na ng dating!
DEVON: Tumigil ka nga Kyra!
KYRA: Bakit ang init ng ulo mo?! Mukhang ang Samanthang ito ay magiging karibal o kasabwat mo kay Ivan…
DEVON: Dahil bestfriend sila, sya ang gagamitin ko para maangkin si Ivan.. kaya excited na ako na makilala sya. Ito na ang pinakahihintay ko, kaibiganin ang bestfriend nang si Ivan ay maangkin!
KYRA: Hay naku! Ito na naman po tayo!
(Hindi na sinagot ni Devon si Kyra sa halip inihanda nya ang sarili. Kailangan nyang magpa-impress sa bestfriend ni Ivan para naman bumuto ito sa kanya para kay Ivan. Nagpaluto sya ng masarap na hapunan at syempre pa, kailangan nyang magmukhang maganda sa harap nito. Natapos na din ni Kyra asikasuhin ang kwarto na tutuluyan ni Samantha. Excited na talaga syang makita ito. Nang marinig nya na may kotseng pumasok sa loob ng gate ay di sya mapakali. At nang pumasok na si Ivan sa loob ay agad syang nag smile dito ng napakasweet. Nagsmile si Ivan sa kanya at pagkatapos nakita nya ang kasama nito buhat sa likuran ni Ivan. Tall, shoulder length hair woman with a beautiful smile.)
DEVON’S POV: Teka lang! bakla ba sya? (agad syang lumapit dito at tiningnan ng malapitan hanggang napakalapit na ng mukha nila ni Samantha, tinaasan sya nito ng kilay at nagsalita)
SAMANTHA: Hey! Why are you staring so close to me? Di tayo talo! (nagulat sya sa narinig, bakla ang bestfriend ni Ivan! Madali pa naman syang mairita sa mga bakla, ngunit di sya nagpahalata ayaw nyang madisappoint si Ivan sa kanya)
DEVON: I’m Devon! Samantha, right? (sa halip na makipag kamay kay Samantha ay umandar ang pilya nyang utak at hinalikan nya ang cheeks nito)
DEVON’S POV: Tingnan natin bakla! Kung di ka tatamaan sa akin…(nagsmile sya at kinindatan ang bakla na si Samantha)
SAMANTHA: Ivan, ganito ba talaga sya ka maldita? Hinalikan ako sa pisngi…
(nakita nyang tumawa si Ivan)
IVAN: Sam…mabait yang si Devon…diba Devz???
DEVON: Oo naman…Paano Kyra..ihatid mo muna si Samantha sa kwarto nya at ng mapahanda ko na ang hapunan…
KYRA: Follow me Samantha….
SAMANTHA: Ivan balik ako agad….(nagsmile lang si Ivan bilang tugon at inirapan nya si Samantha. Nakalayo na sina Samantha at Kyra ng magsalita si Ivan)
IVAN: Natawa talaga ako sa ginawa mo kay Sam…
DEVON: Sam tawag mo sa kanya di Samantha?
IVAN: Ang haba kasi nang name nya..kaya Sam nalang…
DEVON: I don’t like her!!
IVAN: Bakit naman? Ngayon pa lang kayo nagkakilala…
DEVON: Para kasing masisira ang mood ko pag nakita sya…
IVAN: Mabait si Sam…for sure! Magkakasundo kayo…
DEVON: Ah ewan!!!! (hinawakan ni Ivan ang kanyang mukha at iniharap dito kaya nawindang sya at as usual kinilig)
IVAN: Devz..please… huwag kang mang-aaway…alam ko naman mabait ka…
DEVON: Inuoto mo naman ako….(inrapan nya si Ivan)
IVAN: Hindi hah….
(Sabay silang kumain ng hapunan sa bahay ni Devon. Pasulyap-sulyap sya kay Samantha habang kumakain ito at nahalata naman sya ng bakla)
SAMANTHA: Bakit sumusulyap ka sa akin???
DEVON: You’re handsome…(pang-iinis nya dito na kitang-kita nya na ikinairita ni Samantha na ikanatuwa nina Ivan at Kyra)
SAMANTHA: Maghunos-dili ka nga! Babae po ako…hindi lalaki…
DEVON: Tingnan natin…
(may nabubuo na syang plano para inisin si Samantha. Paano ba naman di sya magiging BV dito ay mukhang may gusto ito sa Ivan nya. Hindi naman sya papayag na ang maging matindi nyang karibal kay ay Ivan ay ang bakletang bestfriend nito. Dami na nyang effort na ginawa para mapansin sya ni Ivan at eto may baklang eekesena pa. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Ivan sa kanya at naiwan syang nakaupo sa may garden nila. Biglaan nalang tumabi sa kanya si Samantha na ikinagulat nya)
DEVON: What the??? Ano bang ginagawa mo dito?!
SAMANTHA: Wanna smell fresh air…
DEVON: Walang fresh air dito! Kaya dun ka sa kwarto may air conditioned dun!!!
SAMANTHA: Bakit hindi ka ba fresh air? (pinalalaki nito ang boses at kinindatan sya kaya hindi sya nakapagsalita..Tapos tumawa ito at boses bakla ulit)
Kinabahan ka ano?! Di ka kasi makapagsalita…
DEVON: Huh…you wish!!!
SAMANTHA: Gusto mo si Ivan, diba??
DEVON: Anon man sayo kung gusto ko sya?
SAMANTHA: I like him too…
DEVON: Hindi papatul yun sayo noh! You’re gay! He needs real girl!
SAMANTHA: Bakit pinatulan ka na ba nya?
(hindi sya nakasagot sa tanong ni Samantha)
He’s my bestfriend at alam ko kung ano ang gusto nya sa isang girl… So I could make ways for him to like me… Ehh ikaw ano bang alam mo tungkol sa kanya?
DEVON: Tumahimik ka bakla! Kung hindi!!!!
SAMANTHA: Kung hindi ano??! Anong gagawin mo??
(Dahil nainis sya kay Samantha ay naging maldita na naman sya)
DEVON: Kung hindi ka tatahimik ay hahalikan kita!
(nakita nyang natigilan ang bakletang si Samantha at natuwa sya sa ekspresyon nito. Lumapit sya kay Samantha, hinawakan nya ang mukha nito at nilapit ang kanyang mukha)
You have nice lips and I’m tempted to kiss you… (nakita nyang namula si Samantha kaya naman napatawa sya sa reaction nito at naitulak sya ng bakla. Lalaki pa rin ito kaya na out of balance sya at bumagsak sa lupa)
DEVON: You bitch! Why did you push me?! Aray!!!!
SAMANTHA: Bahala ka na dyan!
(Iniwan na sya ni Samantha at hindi man lang sya tinulungang makatayo. Pero natuwa talaga sya sa reaction nito ng akmang hahalikan nya ang bakla. In fairness, totoo yung sinabi nya. Maganda ang lips ni Samantha, siguro pag naging tunay na lalaki ito ay maraming girls ang maghahabol at mabibighani. Mukhang magkakaroon sya ng matinding karibal kay Ivan at isang bakla pa. Maraming alam ang Samantha kay Ivan kaya kahit impossibleng magkagusto si Ivan dito ay natatakot pa rin sya. Paano kung siraan sya ng baklang si Samantha kay Ivan? Magbestfriend pa naman ang dalawa. Siguro una nya munang aasikasuhin ngayon ay ang tungkol kay Samantha. May naiisip na syang paraan kung paano paamuin ang bakleta. Natutuwa sya sa kanyang naiisip.)
DEVON’S POV: Let’s see Sam…if you can resist me…
hahahaha Laughtrip talaga sis...gusto ko ang karakter ni devon d2...parang siya kung magbiro..except lang yung part na brat at matigas ang ulo!!!lol
TumugonBurahinhahahaha nakakatuwa sila bagay na bagay super!!! SamVon
TumugonBurahin