Biyernes, Hunyo 10, 2011

Second Option (Chapter 4)


CHAPTER 4

(Dahan-dahang pumasok si Devon para hindi sya mapansin ng kanyang Mommy. It’s the first time na hindi sya umuwi ng bahay, kahit gimikira at madaling araw na sila na natatapos ng mga kasamahan nya sa Gang ay umuuwi parin sya. Nang makapasok sya sa loob ay tahimik ang paligid at hindi din nya nakita ang car ng kanyang ina sa Garage, kaya naman na palagay ang kanyang loob. Papasok na sana sya sa kanyang kwarto ng sitahin sya ng kapatid na si Coleen)

COLEEN: Ngayon ka lang dumating? Tanghali na yata.
DEVON: Sis ikaw lang pala..ginulat mo naman ako…
COLEEN: Mabuti nalang wala si Mommy kahapon, out of town sya kasama ang kanyang mga kaibigan.
(nasiyahan sya sa narinig, ibig sabihin hindi malalaman ng kanyang ina na hindi sya natulog sa bahay)
DEVON: Wow galing naman ng timing! (nakasmile nyang sabi)
COLEEN: Tumawag sya kagabi at hinanap ka…
DEVON: Anong sinabi mo?
COLEEN: Alam mo naman na kahit magsinungaling pa ako ay malalaman rin nya na gumimik ka na naman.
DEVON: So sinabi mo ang totoo? Well, ok lang..sanay na akong masermonan ni Mom.
COLEEN: Sundin mo nalang kasi si Mom..kaya ka lang naman nya sinsermonan kasi pinapabayaan mo yung studies mo at sumali ka pa sa Gang ng University.
DEVON: Bakit kapag sinunod ko ba sya ay bibigyan nya ako ng atensyon tulad ng binibigay nya sayo?! Alam naman nating dalawa na simula pagkabata ikaw na yung favorite nya.
COLEEN: Devon naman…huwag kang magsalita ng ganyan…
DEVON: Whatever sis! (akmang iiwan na sana nya ang kapatid ng magsalita ulit ito)
COLEEN: Nakita ko yung eksena nyo ni Sam kanina sa may gate.
(napalingon si Devon sa kapatid)
COLEEN: May namamagitan na ba sa inyo? At sa kanila ka natulog diba?
DEVON: May namamagitan sa amin ni Sam? Sis, nagpapatawa ka ba? And yes, sa kanila ako natulog..ano namang masama doon?
COLEEN: Devon, ano ba ang idinudulot sayo ng Sam na yun? Simula ng sumali ka sa Gang na yan. Natuto kang uminom at gumimik hanggang madaling araw.
DEVON: Aminado naman ako na natuto ako ng bisyo dahil kay Sam at ng iba pang members ng Gang pero sila lang naman ang nagpapasaya sa akin. Kung ano man yung nakita mo sa amin ni Sam…it’s just friendship, sinusuklian ko lang yung kabutihan nya sa akin.
COLEEN: Well..ganoon ba? Ayaw ko nang makipagtalo sayo kasi alam ko namang hindi ka marunong makinig. (tumalikod na ang kanyang kapatid pero hindi pa man ito nakakalayo ay)
DEVON: Why did u break up with Enrique? (nakita nyang natigilan ang kanyang kapatid at humarap sa kanya)
COLEEN: Nagkausap kayo?
DEVON: Nagkasalubong kami sa Hallway kahapon at nag-usap sandali.
COLEEN: Ganoon ba? (nakita nya na may sadness ang kanyang kapatid sa mga mata nito)
DEVON: You broke up with him dahil sa family status nila?
COLEEN: Kilala mo naman si Mommy diba?
DEVON: Enrique seems to be a nice guy, sayang pinakawalan mo pa.
(nakita nyang biglaang tumaas ang kilay ng kanyang kapatid)
COLEEN: Paano mo naman nasabi na mabait sya eh hindi nga kayo nag-uusap noon palagi.
DEVON: Basta nararamdaman ko na mabait sya. Hindi naman kailangan close kami para hindi ko maramdaman kung anong klasing tao sya.
COLEEN: Break na kami ni Enrique at hindi na yun dapat pang pag-usapan.
(at iniwan na sya ng kanyang kapatid)

(SUNDAY NIGHT during dinner time ay sabay silang kumaing tatlo sa bahay. Nakabalik na ang kanyang Mommy at hindi sya dapat gumimik dahil magbibigay ito ng allowance )

ANDREA: Coleen, iha dahil top ka na naman ng inyong Department ay dinagdagan ko ang allowance mo. (hinalikan nito ang kanyang sister sa pisngi at di nya maiwasang maiinggit sa nakitang eksena)
COLEEN: Thanks Mom! I did my best talaga para maging proud kayo sa akin.
ANDREA: Of course! I’m so proud of you.
(nairita sya sa drama ng kanyang ate at Mom kaya naman hindi nya mapigilang sumingit sa usapan ng dalawa)
DEVON: Mom, asan na ang allowance ko?
(tumingin sa kanya ang ina at)
ANDREA: At sinong nagsabi sayo na may allowance kang makukuha this month?!
(galit na sagot ni Andrea)
DEVON: Anong ibig nyong sabihin?
ANDREA: Nalaman kung hindi ka umuwi noong Friday night sa bahay! Bilang parusa ay wala kang matatanggap na allowance sa buwang ito!
DEVON: Sino ba ang nagsabi sa inyo na hindi ako umuwi?!
(nang tingnan nya ang kapatid ay nakita nyang yumuko ito, palatandaan na ito ang nagsumbong sa Mom nya. Kaya naman sobrang sama ng kanyang loob at nagwalk out sya. Akala pa naman nya ay kakampi nya ang kanyang kapatid. Lumabas sya ng bahay at agad pumara ng taxi. Wala syang maisip na pwedeng puntahan kundi si Sam dahil ito lang naman ang nakakaintindi sa kanya. Nang makarating sya sa bahay nito ay agad naman syang pinapasok ng mga katulong. Sinabihan sya na hintayin nalang si Sam sa living room ngunit hindi sya nakinig at pinuntahan si Sam sa kwarto nito. Hinapit nya ang doorknob at di na sya kumatok dahil baka bumigay na sya at umiyak sa harap ng pintuan. Nang makapasok sa loob ay nakita nya si Sam na nakatapis lang, kapapaligo lang nito. Nagulat naman ito ng bigla syang pumasok ng wala man lang paalam.
Pero bumigay na sya at umiyak kaya agad itong lumapit sa kanya at niyakap sya)
DEVON: Ang sama-sama ng loob ko. (patuloy pa rin sya sa pag-iyak)
SAM: Why what happen? (tiningnan nito ang kanyang luhaang mga mata)
DEVON: Nagsumbong si Ate kay Mommy na hindi ako natulog sa bahay.
Kaya as a punishment wala akong matatanggap na allowance this month.
SAM: Yun lang ba? I can give you money…
DEVON: No..it’s not that…kahit hindi nya ako bigyan may pera naman ako.
SAM: So anong problema?
DEVON: Masama lang talaga ang loob ko kay Ate.
SAM: Tatanggalin ko nalang ang sama ng loob mo.
DEVON: Paano? (bago pa man sya nakahuma ay nasakop na ng bibig nito ang kanyang bibig.Wala na syang nagawa kundi tugunin ang mga halik ni Sam. This time wala na syang pag-alinlangan, she gave herself once again to him)

1 komento:

  1. I hope magkaroon na talaga sila ng romantically feelings for each other @ sana unti unti nang magbago c devs para naman magustuhan na sya ng mommy niya....#samvonFTW!

    TumugonBurahin