CHAPTER 38
(Dumating na ang parents ni Devon at sinabi ng Mommy nya ang lahat sa mga ito. He expected them to be mad at him but they weren’t. Alam nyang masungit ang Mommy ni Devon but when she faced and confronted him naging mahinahon ito)
ANDREA: Do you really love my daughter?
SAM: Yes, I love her so much…(with sincerity and honesty na tugon nya dito)
ANDREA: I understand what you did is just to protect her but hindi ko alam ang takbo ng pag-iisip ni Devon, she grew up hiding herself from me.
(nakita nya ang kalungkutan sa mga mata ng ina nito)
SAM: I saw Devon shedding tears everytime she’s hurt.
ROBI: Sam let’s talk this matter right after we talk to Devon. We tried to talk to her but she didn’t even give as a single answer. She was just looking at the ceiling with blank expression on her face and It hurts seeing my daughter in that situation.
SAM: Naintindihan ko po. (pagkalipas ng ilang minuto dumating ang dalawang police investigators at kinausap sila regarding the accident)
POLICE 1: It was not an accident, it was intentional.
(nagulantang silang apat sa narinig. Sam is together with Devon’s parents and her Mom)
SAM: Ano pong ibig nyong sabihin?
POLICE 2: We asked Enrique’s testimony yesterday..his car is new and he was just shocked na nawalan sya ng preno and based on the investigation na nakuha namin kaninang umaga ay intentional ang pagputol ng preno ng sasakyan.
(walang maisip si Sam na pwedeng gumawa nito maliban sa The Bandits. But he already talked to Justin at alam nyang hindi ito kayang manakit especially when Devon is concerned)
ROBI: So any lead suspect?
POLICE 1: Before we went here, we gathered some sufficient evidence. That day your daughter Devon went to Doctor Queenie’s OB-GYNE clinic with her friends’ Kazel and Enrique. Devon and Kazel went inside while Enrique bought some medicine and then went inside the clinic right after. The car was in the parking area and it was noon, only few people were there. Two women went into the car at pinakialaman ang preno nito.
(Kinabahan si Sam sa narinig at nagpatuloy ang dalawang police)
POLICE 2: One witness saw them and we had the cartographic sketch and were able to find out their identity. (inabot ng mga police ang sketch at to their surprised, they saw Coleen and Ann)
ANDREA: Baka nagkakamali kayo, this one is my eldest daughter. (tinuro nito ang picture ni Coleen)
POLICE 2: We thought na nagkamali ang witness kasi when we investigated, we found out na magkapatid ang suspect at ang biktima but one member of The Bandits Gang confirmed about sa plano ng dalawa.
SAM: Sino ang nagconfirmed?
POLICE 1: It was Ann’s bestfriend Kiray. She felt guilty kasi nawala yung pinagbubuntis ng anak nyo. So anong hakbang ang gagawin nyo? Are you going to file a case against them? mabigat na kaparusahan ang naghihintay sa dalawa.
(tumingin sya sa mga magulang ni Devon kung sya ang magdedesisyon, ipapaaresto nya agad ang mga ito)
ROBI: Nasabi nyo na ba ito sa parents ng dalawa pang biktima?
POLICE 2: Hindi pa…kayo pa lang nakakaalam.
ANDREA: Kung ganoon…kami nalang magsasabi sa kanila at tatawag nalang kami sa inyo tungkol sa aming desisyon.
(Nagpaalam na ang dalawang police)
ANDREA: Puntahan natin si Coleen sa University! (nakita ni Sam ang serysong pahayag ni Andrea)
ROBI: Hindi pa ba natin sasabihin sa parents ng dalawa ang resulta ng imbestigasyon.?
ANDREA: Mamaya na! kailangan kung makausap si Coleen! (nakita ni Sam ang galit na mukha ni Andrea)
SAM: Sasama po ako…
(Pagkarating sa University, nakita nila agad si Coleen na nakaupo sa study hall at parang may malalim na iniisip. Agad lumapit si Andrea dito at hinablot ang braso nito ng malakas)
ANDREA: How dare you?! (sabay sampal ng malakas! At naagaw ang pansin ng iba pang estudyante sa University at tumingin sa eksena ng mag-ina)
COLEEN: Mom, why did you slap me?
ANDREA: You’re asking why?! Bakit mo yun nagawa sa kapatid mo?!
COLEEN: Mom please huwag tayong gumawa ng eksena dito…
ANDREA: I would do whatever I want!
COLEEN: Mom, huwag nyo akong ipahiya dito…
ANDREA: Ipahiya? Dapat ko pa bang gawin yun?! Eh nakakahiya ka naman talaga! How could you destroy one family? You’re a mistress! (sinampal ulit nito si Coleen, nagtaka si Sam dahil hindi man lang pinigilan ni Robi si Andrea)
COLEEN: Mom..I’m sorry… (nakita nyang umiyak si Coleen pero sa ginawa nito kay Devon ay hindi sya naawa dito)
ANDREA: At ito pa! (sampal ulit nito si Coleen) sa pagtangka sa buhay ni Devon at ito pang isa! (sinampal ulit nito si Coleen at marami ang estudyante na nakakita) para sa pagkamatay ng magiging apo ko!
COLEEN: Bakit nyo ginagawa sa akin ito?? (nakita ni Sam na hilam sa luha ang mga mata ni Coleen) I did everything para maging proud kayo sa akin at ito lang aabutin ko sa inyo?
ANDREA: Dahil hindi kita tunay na anak! (another revelation na narinig ni Sam at nakita nyang nagbulungan ang mga estudyante sa paligid)
COLEEN: Nagsisinungaling lang kayo diba?
ANDREA: Totoo ang sinasabi ko!
COLEEN: Dad, nagsisinungaling lang si Mommy diba? (tumingin si Coleen sa ama at)
ROBI: I’m sorry pero totoo ang sinasabi ng Mommy mo…
COLEEN: Pero Mommy mas mahal at pinapahalagahan nyo ako kaysa kay Devon..
ANDREA: Dahil natatakot ako na kapag natuklasan mo ang katotohanan ay lumayo ka sa amin kaya ang pagtrato ko sayo ay iba compared kay Devon..but I regret doing it! Maputi ka nga pero maitim naman ang budhi mo! Wala kang kasing sama! Napulot ka lang namin sa lansangan! Hindi ko aakalain na ikaw pala ang magiging dahilan sa kasawian ng totoo kung anak! Wala kang utang na loob! Pagkatapos ka naming bihisan, pakainin at bigyan ng magandang edukasyon ito pa ang igaganti mo sa amin?! Ang dapat sayo mabulok sa bilangguan, maghanda ka na dahil ipapakulong kita! (yun lang at tuluyan ng iniwan ni Andrea si Coleen gayundin naman si Robi, aalis na din sana si Sam ngunit agad yumakap si Coleen sa kanya buhat sa likod)
COLEEN: Sam, I’m sorry…nadala lang ako sa selos kaya ko yun nagawa…
(tinanggal ni Sam ang kamay ni Coleen na nakayapos sa kanya at humarap dito)
SAM: You killed my child Coleen! At ang sakit sakit noon!
COLEEN: Hindi ko yun sinasadya Sam hindi ko naman aakalain na sa ganoon aabot ang lahat.
SAM: Don’t bother to explain Coleen! You’re hopeless!
(tuluyan na nya itong iniwan na napaluhod at humagulhol. Narinig ni Coleen ang pagkutya sa kanya ng maraming estudyante, lubos syang napahiya at nasaktan sa nangyari. Sirang-sira na ang pangalan nya ! alam na ng mga ito ang pagiging mistress nya at ang tangkang pagpatay sa kinikilalang kapatid)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento