Sabado, Hunyo 25, 2011

Second Option (Chapter 34)

CHAPTER 34

Hindi pa nga nakakapasok si Coleen sa tambayan ng The Wanteds ay narinig nya ang usapan nina Sam at Patrick)
PATRICK: Tinambangan na naman ang ibang member kagabi mabuti at walang nasaktan. Ano na ang gagawin natin?
SAM: Kakausapin ko si Nel mukhang wala syang alam sa pinaggawa ni Justin.
PATRICK: Mabuti pa nga! Nabalitaan pala ni Joe na si Ann ay may malaking galit kay Devon dahil natalo nya ito ng dalawang beses sa Casino at sa Fashion show kaya baka madamay pa rin si Devon. Pareho yata ang takbo ng utak nina Justin at Ann.
SAM: Nilayuan ko nga si Devon para hindi sya madamay sa galit ni Patrick… Hinahanap nila ang kahinaan ko Pat kaya nilayuan ko si Devon kahit masakit. Ayaw kong siya ang pagtuonan ng galit ni Patrick…ayaw kong malaman nya na si Devon ang kahinaan ko.
(And that’s it! A confirmation from Sam, parang bomba ang narinig ni Coleen. Ang totoong gusto ni Sam ay si Devon, nilayuan nito ang kapatid nya para protektahan from the Gang. Natatakot si Sam na ang gantihan ng Gang ay ang taong malapit dito at sya ay ginagamit lang nito. Ang narinig nyang banta ni Justin kanina ay tungkol sa kanya. Kaya bago pa makagawa si Justin ng masama ay isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip )

(This might be the worst thing Coleen could do. Pumunta sya sa University ng “The Bandits”. At hinanap nya ang tambayan ng mga ito. Pagkarating nya doon ay nakita nya ang ibang member. She knows the two girls Kiray and Ann at parang nagulat ang mga ito pagkakita sa kanya)
ANN: Hey! What brought you here? The beauty and brain sister of my mortal enemy? (nagulat sya sa sinabi ni Ann para bang ang laki ng galit nito kay Devon at napangiti sya sa iniisip)
KIRAY: At bakit napapangiti ka?! Hindi mo ba alam na naligaw ka ng teritoryo!
COLEEN: Maaaring naligaw nga ako pero may mahalaga akong sasabihin kay Justin.
ANN: Gaga ka ba?! Hindi ka ba sinabihan ni Sam na lumayo kay Justin? Hindi mo yata alam na ikaw ang gagantihan nya sa ginawa ng grupo nina Sam before sa kanya?!
COLEEN: I knew it! But I came here for a very important thing!
KIRAY: At ano iyon?!

(Sinabi nya sa dalawa ang gamitan na nangyari at parang gulat na gulat ang mga ito)
ANN: Well girl pareho pala tayong may malaking galit sa kapatid mo at pag nalaman ni Justin ang totoo paniguradong sya na ang pagtutuonan nito ng pansin para gantihan.
COLEEN: Kaya hihintayin ko si Justin para sabihin sa kanya ang totoo.
ANN: No need to do that kami na ang magsasabi sa kanya.
COLEEN: Pero mas maganda kung ako mismo ang magsabi sa kanya.
ANN: We have common goal here ang gantihan si Devon at ang kay Justin ay ang gantihan ang kahinaan ni Sam at si Devon yun…kaya kami na ang bahala!
COLEEN: O sige….

(Nagpaalam na sya sa dalawa at nakasalubong nya palabas nag leader ng “The Bandits na si Nel at mukhang nagulat ito pagkakita sa kanya pero hindi naman nagtanong. Masaya si Coleen dahil makakapaghiganti na sya kay Devon at panigurado na magiging sa kanya si Sam, yun ang assurance ni Ann sa kanya. Nang makapasok naman si Nel sa tambayan ng The Bandits)
NEL: Anong ginagawa noon dito?
KIRAY: Sino?
NEL: Yung si Coleen..
ANN: Wala..may pinuntahan sya dito sa University at inanyayahan namin sandali na mag drop by dito.
NEL: I see…teka lang , ano pala ang pinagkakaabalahan ni Justin these past few days?
KIRAY: Tumutulong sya sa bagong resto ng parents nya.
NEL: Sigurado kayo?! May nababalitaan kasi ako na tinambangan nila Justin ang ibang member ng The Wanteds. Ayaw ko ng gulo between us and them..alam nyo yan! Kapag nalaman ko na totoo yun…alam nyo kung paano ako magalit! At isa pa, pakisabi kay Justin na kalimutan na nya ang planong maghiganti kay Sam…nananahimik na yung tao!

(Kahit masama ang loob ay nagawa pa rin ni Devon na pumunta sa house blessing ni Enrique kasama si Kazel. Mga malalapit lang sa pamilya ni Enrique ang dumalo pero nakita nya ang dalawang kasamahan nito sa teenshow na sina Yen at Aaron at ang kaibigan na si Kazel ay kinilig pagkakita dito)
KAZEL: Shit Devz..ang lakas ng sex appeal ni Aaron at panay pa ang sulyap dito.
DEVON: Eh paanong hindi susulyap yan..eh nagpapaCute ka?
KAZEL: I think I’m falling for Aaron!
DEVON: Hahay! Ito na naman po tayo!
(nagtawanan silang dalawa at naagaw ang kanilang pansin sa paglapit ng kapatid ni Enrique na si Julie may kasama itong lalaki, magkaholding hands pa ang dalawa at ang mas lalong nakakagulat ay kilala nila ito. It’s Joe!)
KAZEL: Teka nga Joe! Huwag mo sabihing si Julie ang babaeng tinutukoy mo sa amin?!
JOE: Exactly! We’re on! (niyakap pa nito si Julie sa harap nila at tumawa sila ni Devon)
DEVON: God Julie! Bakit mo sya sinagot?!
JULIE: Ate Devon naman…mabait naman si Joe…
KAZEL: Hindi mo ba alam na matinik yan sa chicks! Iiyak ka panigurado!
JOE: Huwag kayong ganyan..nilalaglag nyo ako sa harap ni Julie.
JULIE: Hindi naman ako naniniwala sa kanila..at tsaka nakakainlove kasi dance moves mo.
DEVON: Nilalanggam na kayo! (nagtawanan silang apat at nalimutan ni Devon sandali ang problema. Lumapit si Enrique sa kanila)
ENRIQUE: Pasensya na…may mga bisita kasi at hindi ko kayo maasikaso.
DEVON: Ok lang yun Quen…andito naman si Julie to keep us company.
JULIE: Oo nga kuya…
ENRIQUE: Oh Joe! Nakarating ka, good! Huwag mong lolokohin ang kapatid ko kung ayaw mong malagot sa akin!
JOE: Syempre naman..love ko kapatid mo at takot ako sayo.
(nagtawanan na naman sila)
KAZEL: Hoy Quen! Pakilala mo naman ako kay Aaron!
ENRIQUE: Type mo sya? Sorry Kazel may nililigawan na yun…
KAZEL: Sino?
ENRIQUE: Si Linn yung kasamahan din namin sa show.
KAZEL: Sayang naman… (nakita ni Devon na nalungkot ang mukha ni Kazel at napatawa siya. Malas talaga si Kazel pagdating sa boys)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento