CHAPTER 9
KAZEL: Alam mo Devon na plapastikan talaga ako dyan sa kapatid mo.
DEVON: Bakit naman?
KAZEL: Alam naman nyang may something kayo ni Sam at sya ay obvious na humahabol sa knight in shining armor mo.
DEVON: May something kami ni Sam? Andyan ka na naman...
KAZEL: Ewan! Denial ka naman...
HEIDI: Girls, huwag na nating pag-usapan ang mga boys...boring lang. May naiisip akong pwede nating gawin ngayon.
DEVON: Ano naman yun?
HEIDI: Casino tayo..Nagpadala si Dad ng Money...So makapal ang bulsa ko. Ano sama kayo?
KAZEL: Go ako dyan! Kaw Devz?
DEVON: Shoot! Let's go!
(Nang makarating sila sa Casino ay panay ang tingin ng mga matatandang gurang sa kanila at)
KAZEL: Yucks! Kung makatingin ang mga lalaking ito ay parang ngayon lang nakakita ng mga anghel na bumaba sa lupa!
DEVON: Ang sabihin mo mga demonyita na nagpapanggap anghel.
HEIDI: Three cute devils...
(tumawa silang tatlo. Pagkatapos ng ilang minuto nagsimula na silang sumali sa laro. Devon played Poker at mukhang swerte sya at sunod-sunod nyang nakuha ang bet. Hindi nya namalayan na mabilis lumipas ang oras at palaki ng palaki ang kanyang napanalunan. Mukha namang nainis ang kanyang mga nakalaban. Kung hindi sya nagkakamali isa sa mga ito ay si Ann member ng "The Bandits" Gang sa ibang University. Matapos ang ilang ulit na pagkatalo,sumuko na ito at lumapit sa kanila pagkatapos)
ANN: Hindi pa tayo tapos! Next time tatalunin kita!
DEVON: Hah! Binabantaan mo ba ako! Why don't you accept na talo kana? Mahirap ba tanggapin yun?!
ANN: Ikaw palang gumawa sa akin nito! Next time lalampasuhin kita!
DEVON: Eh di gawin mo! Puro ka lang naman salita!
(nakita nyang nagngitngit ito sa galit ngunit pinigilan ito ng kasamahan na sa pagkakakilala nya ay si Kiray)
KIRAY: Tama na Ann! Baka malagot tayo kay Nel pag nag-eskandalo ka dito. Bawi tayo next time!
(Nag dirty finger si Ann sa kanya at tuluyan ng lumabas)
KAZEL: Aba! Sarap sampalin ng bruhang yun hah! Hindi kayang tanggapin na talo sya!
HEIDI: Bayaan nalang natin,,insecure lang yun…Teka Devz, magkano na yang napanalunan mo? Mukhang makapal na yan ha?
DEVON: Wait..bibilangin ko…Hmmm… 20 k na ito hah!
KAZEL: Wow!! Galing mo talaga sa poker!!! So ano sige pa tayo?
DEVON: Malaki na ito..next time nalang ulit…baka maging bato pa ito!
HEIDI: Tama ka Devz! Saan tayo after here? Ayaw kung umuwi sa bahay, it’s so boring there!
DEVON: Drinking bar? How about that? Ako ang taya!
KAZEL: Sure! Let’s go!
(Aalis na sana sila ng may biglang nagsalita, nang marinig ni Devon ang boses ng isang lalaki ay natigil sya sa paglalakad. Nang lumingon sya ay nakita nya ang kanyang Daddy Robi)
ROBI: Would you mind playing poker with me?? (her Dad smiled at dali-dali syang tumakbo at yumakap dito)
DEVON: Daddy? Kailan pa kayo dumating? At paano nyo nalaman na andito ako?
ROBI: Take it easy Baby Devz..masyadong marami ang tanong..Actually, just got back few hours ago. Hindi pa ako umuwi sa bahay. I went to a nearby hotel para makapag relax..Alam mo naman na bungangera yung Mom mo ayaw kong salubungin nya ako.
DEVON: Kayo talaga Dad…anyway, how did you know na nandito ako?
ROBI: I stayed at Jackson’s hotel and I met your friend Bret there. He told me na nandito daw kayo. (she wondered kung paano nalaman ni Bret na nasa casino sila, buti nalang nagsalita si Heidi)
HEIDI: I sent message to Bret.
DEVON: I see.
ROBI: So girls, saan ang lakad nyo? Mind if I join? I miss the Philippines’ life.
KAZEL: Sure tito…drinking bar kami…
ROBI: Ok..let’s go!
(Her Dad is really a jolly person, cool ito at magkasundo talaga silang dalawa kaya hindi nakapagtataka na namana nya dito ang kanyang personality kaya naman kilala na nito ang halos lahat ng member ng “The Wanteds” . Alas dos na ng madaling araw ng magyayang umuwi ang kanyang Daddy, at naisipan na rin nito na dumiritsu na ng bahay at balikan nalang ang mga gamit kinabukasan sa hotel. Nag taxi lang sila pauwi ng makarating sila sa bahay ay laking gulat nila ng may bigla ding huminto na sasakyan. Devon knows that it’s Sam’s car. Nang bumaba ang sakay nito ay nabigla sya ng makita ang kanyang kapatid. Hindi sya makapagsalita at tumitig sa kanya si Sam sandali at ibanaling nito ang tingin sa kanyang kapatid. Napansin naman ni Coleen na kasama ni Devon ang ama kaya bigla itong lumapit sa kanila)
COLEEN: Dad kailan pa kayo dumating?
ROBI: Kaninang hapon. Bakit kayo magkasama ni Sam? Anong oras na? (mukhang galit ang kanyang cool dad at natuwa sya dahil napagsabihan nito ang kanyang kapatid, na pa smile tuloy sya)
DEVON’S POV: Behave Devon! Baka mahalata ka.. (narinig nyang sumagot si Coleen sa kanilang Dad)
COLEEN: Eh bakit mukhang galit kayo? Eh si Devon nga umaalis at umuuwi ng madaling araw minsan sa ibang bahay pa natutulog hindi nyo pinagsasabihan! You’re so unfair Dad!
ROBI: Don’t give that reasons Coleen! Si Devon walang record na dapat imaintain.ehh ikaw? You give pride to the family!
(nasaktan nman sya sa sinabi ng ama, kahit kailan talaga wla syang kwenta sa mga magulang kahit pa close sila ng Dad nya ay nararamdaman pa rin nya how proud her Dad for Coleen. Kaya imbis na makinig sa sagutan ng mga ito ay napagpasyahan nyang pumasok na sa loob bago pa man sya makapasok ay nagkatinginan sila ni Sam. Alam nyang alam nito na nasaktan sya sa sinabi ng ama, Sam knows kung kailan sya nasasaktan. She fakingly smiled at him at tuluyan ng pumasok ng bahay. Makalipas ang ilang minuto ay nagvibrate ang kanyang phone and nakareceive sya ng msg. from Sam)
Sam’s msg: You ok? Don’t mind your Dad . Galit lang yun at hindi sinasadyang makapagbitiw ng ganoong salita. (she replied)
Devon’s msg: I’m fine. Sanay na ako dun..no worries (reply ulit si Sam)
Sam’s msg: About me and your sister. I can explain. (naguluhan naman sya kung bakit kailangan pa nitong mag explain. Kahit these days ay nagiging close ito sa kanyang kapatid, wla naman itong dapat ipaliwanag kasi malinaw sa kanilang dalawa na wala silang commitment. Kaya she replied)
Devon’s msg: Don’t bother K lng. (Sam replied)
Sam’s msg: Bakit ganyan ka? (hindi nya ma gets si Sam kaya she replied)
Devon’s msg: Bakit ganito ako? Why? (Sam replied again)
Sam’s msg: Forget it ! Tulog ka nalang. Goodnyt (sa halip na kulitin si Sam ay nagreply nalang sya ng)
Devon’s msg: Ok..sabi mo ehh..gudnyt din
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento