Martes, Hunyo 14, 2011

Second Option (Chapter 8)

CHAPTER 8

(Galing shopping si Devon kasama sina Kazel at Heidi. Masayang-masaya sya dahil nakatanggap sya ng pera buhat sa kanyang Daddy Robi, kaya naman nilibre nya ang dalawang kaibigan. Nang makauwi sya ng bahay ay bandang alas 9 na ng gabi. Patakbo syang pumasok sa loob, ngunit hindi pa man sya nakakarating sa living room nila ay may narinig na syang nagtatawanan. She knows that it’s her sister’s voice, pero ang boses na narinig nya na kasama nito ay napakafamiliar. The way the person laughs ay kilalang-kilala nya, kaya naman dahan-dahan syang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. When she finally saw them, she wasn’t wrong her sister was cheerfully laughing with no other than Sam. She stood still for a minute bago sya nakapagsalita)
DEVON: Sam, anong ginagawa mo dito?
(it’s the first time na nakapasok ito sa kanila, mukha namang nagulat si Sam pagkarinig ng boses nya. She expected him to kiss her na karaniwang ginagawa nito pag nakikita sya pero hindi man lang ito tumayo sa kinauupuan)
SAM: Devon, bakit hindi mo man lang sinabi na magkapatid pala kayo ng beauty ang brain ng Campus natin… (para syang nasaktan sa sinabi ni Sam pero hindi sya nagpahalata)
DEVON: Ha?? Pasensya na…
COLEEN: Nagkakilala kami kanina sa basketball gym… Naglalaro sila ng mga kaibigan nyo at aksidenting natamaan nya ako ng bola. Tapos after that nagkakilala kami at nagkakwentuhan nang biglang tumawag si Mom…Then I told her what happened and she told me to invite Sam for a dinner. Sayang hindi ka nakauwi ng maaga, nakasalo ka sana namin.
(nawindang sya sa natuklasan, ngayon lang nagkakilala ang mga ito at nag-invite agad ang ate nya for dinner sa pakana na rin ng kanyang ina at ang Sam ay pumayag naman agad hindi talaga sya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari)
DEVON: Ganoon ba? I guess, I won’t interfere kung ano man ang pinag-uusapan nyo.
SAM: Ha?? You join us..para na rin mas exciting…
DEVON: Masama kasi ang pakiramdam ko..halos apat na oras kaming naglakad nina Kazel sa Mall, next time nalang…Anyway, para na rin makilala nyo ang isat-isa.
(hindi na nya hinintay na mkasagot ang dalawa at tuluyan na syang umalis papunta sa kanyang kwarto.)
COLEEN: Pagpasensyahan mo nalang ang kapatid ko..ganoon talaga ang ugali noon.
SAM: Alam ko..hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin..kilala ko na sya.
COLEEN: Matanong ko lang, mahalaga ba sayo ang kapatid ko?
SAM: Oo naman…
(nakita ni Coleen na nagsmile si Sam, at hindi nya maiwasang kiligin…Totoo talaga ang sinasabi ng kanyang mga kaklase na gwapo talaga ito. May naririnig na rin syang rumor sa University na may namamagitan kina Sam and Devon kasi may ilang nakakita sa mga ito na naghahalikan minsan sa Campus)
COLEEN: Mukhang hindi yata nagustuhan ng kapatid ko ang nasaksihan nyang kasiyahan natin kanina. (tumingin sa kanya si Sam bago nagsalita)
SAM: Kakausapin ko nalang sya mamaya.
COLEEN: Matagal na rin kayo magkakilala diba?
SAM: Yup! She’s 18 now. I met her noong freshman pa lang sya sa University, I guess she was 16 then,,,bali 2 years na kaming magkakilala.
COLEEN: Paano kayo nagkakilala? Hindi kasi nya kinwento sa akin.
SAM: Naging magkaklase kami noon sa P.E. at naging magkagrupo kami. We need to present a dance number sa finals kaya nagsimula kami maging close sa rehearsals . At that time, 1 year na rin ang Gang namin…and we recruited new members… I suggested her to join at pumayag naman sya. Actually sa P.E group lahat kami ay Gangsters except your sister but she’s really nice kaya naman nagustuhan sya ng Gang namin at hindi pinagtripan. As a President hindi ko naman hahayaang ang sino man na manakit sa kapatid mo.
COLEEN: Is she really that important to you? (biglang tumahimik si Sam sa kanyang tanong)
SAM: Why are you asking that kind of question?
COLEEN: Nakita ko kasi kayo minsan na naghalikan at hindi lingid sa aking kaalaman na napapadalas ang pagtulog nya sa bahay mo these past few days.
SAM: Wala naman sigurong masama doon? I want her, she wants me but we’re not committed.
COLEEN: Wala talaga kayong relasyon?
SAM: Devon and I are not committed at kung may mga rumors man na lumalabas sa Campus between me and her..it’s not true..we’re both enjoying each other’s company.
(nasiyahan si Coleen sa narinig na wla talaga itong relasyon at si Devon, kinabahan kasi sya kanina ng sundan ng tingin ni Sam si Devon ng umalis ito. Samantalang si Devon sa loob ng kanyang kwarto)
DEVON: Mukhang nahumaling ang Samuel sa aking magandang kapatid. Nakakainis para na akong hindi nag exist sa kanya dahil nasa harap nya si Ate.
(She keeps on walking back and forth nang maisipan nyang magtxt kay Heidi, pero sa di sinasadya ay kay Enrique nya na send ang message. Magkasunod kasi ang name ng dalawa sa kanyang phonebook)
DEVON: Shit!!!! Naloko na…(pagkalipas ng ilang minuto, nagvibrate ang kanyang phone at nakita nya ang txt msg, ni Enrique sa inbox)

Enrique’s txt msg : Hi Devon! Wrong sent ka yata. Bakit ka BV ha? (napasmile sya sa msg ni Enrique at nagreply)
Devon’s txt msg: Ewan,,hindi ko alam..naguguluhan din me  (Enrique replied)
Enrique’s txt msg: GV kana plz…para mawala na yang #bittermode na yan  (napasmile ulit sya sa msg ni Enrique and she replied)
Devon’s txt msg: Cge na nga GV na me …Sinabi mo ehh ;) (Enrique replied)
Enrique’s txt msg: Kaya mo yan  Ikaw pa! Fighting!
Devon’s txt msg: Thanks ha? Ang bait mo sa akin 
Enrique’s txt msg: You’re welcome! #GV lang palagi…promotion lang yan 
Devon’s txt msg: Boang! Cge tulog na ako, kita tayo bukas…ipapagawa ko sayo homework ko…hehehe (napasmile sya ulit)
Enrique’s txt msg: Masusunod po ang inyong kahilingan kamahalan  Cge kita kits nalang bukas 
(Hindi na ulit sya nag reply kay Enrique at binasa nya ulit ang msgs nito at hindi nya maiwasang ma pa smile, bigla tuloy nawala ang inis dahil sa #GV message ni Enrique. Excited na tuloy syang makita ito kinabukasan sa school. She puts her phone in a silent mode at gusto nyang matulog ng maaga.)

(Kanina pa tawag ng tawag si Sam kay Devon at hindi man lang sya nito sinasagot. Ring lang ng ring ang phone nito at nagsent na rin sya ng msg at hindi pa rin ito sumasagot, kaya sobrang inis ang kanyang naramdaman)
SAM: Damn it Devon!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento