CHAPTER 36
(FLASHES of lights ang sumalubong kay Sam sa hospital. Different reporters from different TV networks. Paano ba naman sikat na artista na si Enrique. Nagsidatingan ang security units at pinalabas ang mga reporters. Hindi nya alam kung ano ang gagawin, he felt nothing but numb. Nakita nyang dumating ang Mama ni Enrique at kapatid na umiiyak, inaalo naman ni Joe ang mga ito. Tumawag din ang parents ni Kazel agad itong uuwi ng bansa. Biglaan ding dumating si Coleen at lumapit sa kanya)
COLEEN: How’s my sister? (hindi sya sumagot kay Coleen dahil hindi nya alam ang sasabihin.) Ano ba ang nangyari? Bakit sila nabangga?
(Nakita ni Sam dumating sina Heidi and Patrick. Nakita nya na umiiyak si Heidi at nabigla sya ng hablutin nito si Coleen at sabunutan,pinigilan ito ni Patrick)
PATRICK: Ano bang problema Heidz? Magulo na nga ang sitwasyon..dinagdagan mo pa.
HEIDI: Coleen is a bitch Patrick! She’s a bitch! She’s the mistress of my Dad!
(Nakita ni Sam na namutla si Coleen at parang napahiya)
COLEEN: Ano bang pinagsasabi mo?! Sinungaling ka!
HEIDI: Ako sinungaling?! Wait! (may kinuha ito sa bag) See? It’s you when you were in High school! (inabot nya ang larawan at hinampas sa mukha ni Coleen. It was a picture of her Dad and Coleen hugging in the beach. At may kinuha pa syang isang picture) Ito pa! You went on a school seminar for almost two weeks at nakipagkita ka sa Daddy ko at that time! (hinampas nya ulit sa mukha ni Coleen ang picture na nakuhang naghahalikan with her Dad) You were already a slut high school ka palang! At isa sa mga reasons sa break up niyo ni Enrique ay ang pagiging sinungaling mo, diba?! At hanggang ngayon may ugnayan pa rin kayo ng Daddy ko! You’re not just a bitch but you’re also a gold-digger! Nakakakuha ka ng datong from my Dad! (sinampal nya si Coleen at tumingin ito kay Sam)
COLEEN: Sam let me explain…
SAM: You don’t owe me an explanation Coleen.
COLEEN: I love you Sam and I don’t wanna lose you (yumakap sya kay Sam at itinulak sya nito)
SAM: I’m sorry Coleen but I was never been inlove with you.
COLEEN: So ginamit mo lang talaga ako para ano? Para protektahan si Devon?
SAM: I admit. I used you! I used you to protect her!
COLEEN: Well tingnan natin Sam kung hanggang kailan mo sya kayang protektahan!
(Magrereact pa sana si Sam ngunit biglang dumating ang doctor )
DOCTOR: Sinong kamag-anak ng mga biktima? (agad sila lumapit sa Doctor at nagsalita ang Mama ni Enrique)
LILY: Kumusta na ang anak ko? (umiiyak pa rin ito)
DOCTOR: Sino ang kamag-anak nung babae na medyo mestiza? (tinutukoy nito si Kazel)
HEIDI: Kaibigan po namin sya. Kumusta na po sya?
DOCTOR: Masama yung tama nya sa ulo kaya under observation pa sya. Pag hindi sya nagising within 48 hours ay baka ….alam nyo na ang mangyayari. (nakita ni Sam na bumigay ulit si Heidi)
JULIE: How about my Kuya?
DOCTOR: Your brother is safe now pero he needs to undergo some operation kasi yung bubog ng salamin ay pumasok sa kanyang mata pag hindi naagapan baka ikabulag nya.
LILY: Please Doc..gawin nyo lahat para sa anak ko…
DOCTOR: Huwag kayong mag-alala misis,,gagawin po namin lahat ng makakaya namin.
(walang lakas ng loob si Sam na magtanong dahil pakiramdam nya ay nanghihina sya at namanhid ang buo nyang katawan kaya narinig nya na si Joe na ang nagtanong)
JOE: How about yung isa nilang kasamahan?
DOCTOR: She badly needs blood donor..maraming dugo ang nawala sa kanya.
(nakinig lang sya sa sinasabi ng Doctor) Sinong kamag-anak nya para ma blood test natin..
HEIDI: Hey bitch! Diba magkapatid kayo?! (tumingin si Sam kay Coleen at)
COLEEN: Sorry Doc..kakadonate ko lang ng dugo last week.
HEIDI: Naman?! selfish ka talaga! Doc, kami nalang po ang iblood test nyo baka pwede kami.
DOCTOR: Sige.punta na tayo ng laboratory.
(walang nabanggit ang Doctor tungkol sa pinagbubuntis ni Devon kaya nawalan ng kaunti ang bigat na dinadala ni Sam. Tinawagan nya ang ibang Gang member para magblood test but sad to say wala ni isa ang nagmatch sa blood type ni Devon. They were already hopeless dahil mabilis ang takbo ng oras but there came Justin at nagulat sila na dumating ito)
JUSTIN: Baka pwede ako? (hindi na nagprotesta si Sam and to his surprised nag match ang blood type nito kay Devon at ito na mismo ang nagvolunteer na magdonate ng dugo)
JUSTIN: I’m doing this for Devon..Sam… She’s always been nice to me and it’s payback time. (hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Justin.Pagkatapos ng blood transfusion ay agad lumapit ang doctor sa kanila)
DOCTOR: I have good and bad news… Ano gusto nyong unang malaman?
SAM: Doc, unahin mo na ang good news.
DOCTOR: The transfusion was successful but the bad news is… (kinabahan si Sam sa susunod na sasabihin ng doctor)
SAM: Ano po iyon?
DOCTOR: We tried our best but we’re not able to save her baby.
(Ilang minutong nanatiling nakaupo at nakasandal si Sam. Wala syang nararamdaman. They lost their first child, ang bunga ng pag-ibig nila ni Devon ay nawala. Namalayan nalang nya na tumulo na ang kanyang luha)
SAM: Why?.... (namalayan nalang nyang may yumakap sa kanya, her mother Dara)
DARA: Son, things happen for a reason… nawala yung baby for a reason…
SAM: Mom..it’s all my fault… my way of protecting her was wrong. I hurt her too much. She stayed away from me, I raced with them, He drove faster, lost control and bumped into a truck. If only I didn’t hurt her, If only I was strong enough and If only I didn’t race with them…baka…walang nangyaring masama…baka buhay pa ang baby namin.
DARA: Sam… kung hindi mo yun ginawa..mawawala at mawawala pa rin ang baby niyo in other way around. It might be worse than the accident. Don’t blame yourself sa nangyari. It’s all God’s plan.
SAM: But it’s unfair Mom! Sana ako nalang yung nawala at hindi ang baby namin.
DARA: I know how you feel but you need to be strong kailangan ka ni Devon.
SAM: At anong mukhang ihaharap ko sa kanya pagkatapos ng nangyari?
DARA: Sam, I know and you know Devon…she’s always been a good girl and understanding..maiintindihan nya ang nangyari.
SAM: Sana nga Mom…sana nga…
(Muli syang niyakap ng kanyang Mommy Dara at kahit paano naibsan ang kanyang kalungkutan, ang problema nalang ngayon ay kung papaano nya haharapin si Devon pagkagising nito. Alam nyang malulungkot at magagalit ito sa kanya pero handa nyang gawin ang lahat mapatawad lang sya nito. Devon is her life, hindi nya alam ang gagawin kapag nawala ito sa kanya. Siguro mamatay na rin ang puso nya pag nawala ito. Huli na para magsisisi, ang dapat gawin ay magpaliwanag at tanggapin kung ano man ang sasabihin nito sa kanya)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento