CHAPTER 39
(Samantalang nagbalik na ng hospital sina Andrea, sinabi na nila sa parents nina Enrique at Kazel ang nangyari. Napagpasyahan nilang magfile ng case, tinawagan nila ang mga police para maka issue na ito ng warrant of arrest. Si Robi kasama ang Daddy ni Kazel at Sam ang nagpunta ng presinto at sumama sa pag-aresto ng mga suspect. Si Andrea naman ay ipinasyang kausapin si Devon. Nakita nyang tulala pa rin ang anak at nakatanaw lang ito sa ceiling ng hospital pero blangko ang pag-iisip nito)
ANDREA: Devon anak…please kausapin mo na kami… (hindi pa rin kumikibo si Devon at nagpatuloy sa pagsasalita si Andrea) I’m sorry dahil sobrang nasaktan ko ang damdami mo noon..but I was just worried baka anong mangyari sayo sa future. Natatakot akong makipagkaibigan ka sa mga mahihirap baka pagsamantalahan lang nila ang kabaitan mo, sinisita kita dahil ayaw kong maligaw ka ng landas pero hindi ibig sabihin noon hindi kita mahal. (hindi pa rin kumibo si Devon) Nawala man ang baby nyo, binabantayan ka pa rin nya. That baby is an angel Devon..kapag nakikita nya ang kanyang ina na malungkot ay nalulungkot din siya. Kinuha ang baby nyo dahil may malaking plano ang Diyos para sayo, para kay Sam at para sa inyong dalawa. Kalimutan mo ang nangyari Devon… Cheer up and talk to us, to Sam…Nasasaktan sya sa ginagawa mo. I saw him looking at you by the distance. Gusto ka nyang yakapin pero di nya magawa dahil natatakot syang ipagtabuyan mo. He loves you at alam mo yan. Stop hurting yourself and Sam…
(magsasalita pa sana si Andrea ngunit nakatanggap sya ng tawag mula kay Robi, pinuntahan nito sa bahay si Coleen kasama ang mga police para aristohin ngunit nakita itong naglaslas ng pulso sa sariling kwarto. Coleen was rushed into a nearby hospital but DOA ito. Sinabi nya kay Devon ang pagtangka ni Coleen sa buhay nito at ang pagpanaw ni Coleen ngunit wala pa rin itong reaction. Si Ann lang ang nakulong, wlang ibang kamag-anak si Coleen kaya sila pa rin ang magpapaibing dito. Nakalabas na ng hospital si Devon ngunit wla itong kinakausap kahit isa man sa kanila pati mga kaibigan nito. Si Kazel naman ay dinala ng mga magulang sa America for a faster recovery at para mapatingin sa espesyalista. Sa lamay ni Coleen, nakatulala lang si Devon na nakaupo sa isang tabi. Hindi rin basta-basta makalabas si Enrique dahil sa balitang kumakalat about him and Devon. There was this news that Enrique met an accident with his non-showbiz girlfriend at nakunan ito. Hindi pa nasasagot ni Enrique ang issue, pero pumunta ito sa last night ng lamay ni Coleen. He saw Devon sitting one of the chair at tama ang sinabi ni Julie sa kanya, naging tulala na ito after the accident. Umupo sya sa tabi nito)
ENRIQUE: Ngayon lang tayo nagkita after that accident…(tumingin si Devon sa kanya) Hindi mo kailangang magsalita Devon.. nakikita ko sa mga mata mo ang hirap at sakit. Maaring nawala nga yong baby nyo but a brighter tomorrow a waits. Hindi natatapos dito ang lahat. Walang dapat sisihin sa nangyari. Alam mo masakit pero pag hindi ka nagmove on ay wala ding mangyayari. Have pity with yourself. (hinawakan nya ang kamay ni Devon) move on and be happy! (biglang yumakap sa kanya si Devon, umiyak at nagsalita)
DEVON : Quen hindi ko kaya..hindi ko kaya…
ENRIQUE: Sige umiyak ka lang…
(Nakita ni Sam ang eksena nina Enrique at Devon at sobra syang nasaktan. Si Enrique lang pala ang makakapagsalita kay Devon, umupo nalang sya sa isa sa mga table doon at may tumabing babae sa kanya. When he looked at her, it’s Queenie na nakilala nyang pinsang doctor ni Kazel na dumalaw minsan sa hospital)
QUEENIE: Mahal mo talaga si Devon? Alam mo nang magpunta sya noon sa clinic para ipaabort ang baby nyo, I saw the fears and sadness in her eyes. Sinasabi ng isip nya na magpaabort pero yung puso nya kabaliktaran ang sinisigaw. She loves you..nararamdaman ko yun. Kaya sana lang huwag mo syang igive up. She’s into a traumatic condtion right now at ang taong lubos lang nyang pinagkakatiwalaan ang kinakausap nya. She didn’t talk to her parents dahil nasaktan sya sa pinapakita ng mga ito noon at sayo dahil maraming beses mo syang sinaktan. Just give her time at magiging maayos din ang lahat. (tumayo na ang doctora at tumingin sa kinaroroonan nina Enrique at Devon at nakita nya ang kislap sa mga mata nito)
SAM: Bagay kayo ni Enrique…(nagsmile ang doctora sa kanya at tuluyan ng umalis at naiwan syang nakatulala)
(Naihatid na sa huling hantungan si Coleen pero ni hindi man lang umiyak si Devon, wla syang naramdaman…simula ng mawala ang baby nila ni Sam ay parang manhid ang buo nyang pakiramdam pwera nalang noong kausapin sya ni Enrique. Nakipaglibing si Enrique, at ng pauwi na sana sila ay may biglaang grupo ng mga reporters ang nagsidatingan at napaligiran sila ng mga ito)
REPORTER 1: Enrique, totoo ba ang balita na nakunan itong non-showbiz girlfriend mo?
ENRIQUE: I’ll have a presscon at doon ko sasagutin ang mga tanong nyo.
(makulit pa rin ang mga reporters at napaligiran sila ng mga ito. Kaya nagulat nalang siya ng may biglang humila sa kanya at nakita nya si Sam. Mabilis syang dala nito sa loob ng sasakyan sa tulong na rin ng mga Gang members. Nang makapasok sila sa loob ay agad sumugod ang mga reporters ngunit hinarangan ito ng mga Gang members ng The Wanteds at pinasibad na ni Sam ang sasakyan. Habang tumatakbo ang kotse ni Sam ay wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. Hanggang huminto ito sa pagmamaneho. Tumingin si Devon sa labas ng kotse at nakita nyang nasa gilid sila ng kalsada malapit sa dagat. Nakita nyang lumabas si Sam ng sasakyan at umupo ito sa bato sa may dalampasigan. Lumabas sya ng kotse at umupo sa tabi nito. Nagsalita si Sam habang nakatingin sa dagat)
SAM: I’m sorry…
(it’s a simple sorry but naramdaman nya ang sincerity nito ngunit hindi sya nagsalita. Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hinawakan ni Sam ang kanyang kamay) Holding your hand makes me feel warm, looking at your eyes make me smile, kissing you makes me my heart pounds faster, making love to you makes me go crazy and loving you complete me. I would have died a million times but if I were to choose to live again, I’d be by your side. I may not be the perfect friend that you can lean on, not a perfect boyfriend that you can be proud of but I’d be the right man who can love you for the rest of your life. I do love you so much Devon. You already gave me one chance and I betrayed your trust but now I’m begging for another one (humarap si Sam sa kanya at lumuhod ito na ikinagulat nya. Hinawakan pa rin nito ang kanyang kamay) I never begged to any other woman except you. They’re right! I’m too possessive when it comes to you. I want to have your attention, everything about you. I could have killed somebody if he tried to touch you. Please don’t make it too hard for me. I’ve had sleepless and restless nights because of you. (she saw the sincerity at Sam’s eyes at hinawakan nya ang mukha nito)
DEVON: I’ll be leaving to Paris tomorrow Sam. I’m sorry…
(Tumayo na sya at iniwan si Sam at sumakay sya ng taxi pauwi ng bahay. Kinabukasan sa flight ay hinatid sya nina Heidi, Patrick at Joe. Hindi na sya hinatid ni Enrique sa airport dahil may presscon ito na sasagutin about sa issue nilang dalawa at para iwas chismis na rin)
HEIDI: Tawag ka agad pagdating doon ha?!
(nagsmile sya kay Heidi at yumakap dito pati kina Joe at Patrick. Tinawag na ang boarding flight ni Devon at agad dumating si Sam na tumatakbo)
SAM: I came here to give this… (kinuha nito ang kanyang palad at nakita nya ang white gold necklace na bigay nito noon sa kanyang 18th birthday) Wear that one, kung handa ka ng magsimula tayo ulit. But for now, I’ll give you time to think. (he hugged her tight ang kissed her forehead)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento