Biyernes, Hunyo 17, 2011

Second Option (Chapter 14)

CHAPTER 14

KAZEL: Devon, bakit parang pagod ka ha? Nakita kung magkasama kayo ni Sam na dumating.
DEVON: Sinundo lang nya ako sa bahay. (Tanghali na ng magising sila ni Sam at hinatid sya nito sa bahay nila para magpalit ng damit at pagkatapos dumaan si Sam sa bahay nito at nagpalit na rin at pumasok na sila sa school)
KAZEL: Wait…(tiningnan nito ang kanyang leeg at)
Shit!!! Ang dami mong kiss marks ha?! (agad nya itong tinakpan ng mahaba nyang buhok)
DEVON: Hah? Wala ito…. (napahiya na sya ng tuluyan)
KAZEL: Devz, hindi naman sa nanghihimasok ako sa inyo ni Sam…kung wla naman kayong feelings sa isat-isa mas mabuti pang itigil nyo na yang ginagawa nyo. Natatakot kasi ako baka magkamali kayo at mabuntis ka. Hindi maiiwasan yun lalo pa kapag madalas may mang yari sa inyo.
DEVON: Huwag kang matakot Kazel. May tiwala naman ako kay Sam at hinding-hindi mangyayari yang iniisip mo.
KAZEL: Sana nga lang hindi mangyari ang kinatatakutan ko. Isa pang dahilan kung bakit gusto kung tumigil ka na ay ang kapatid mo. Marami ng nakakita sa kanila na sweet at minsan ay naghaharutan. Kilala ko si Sam Devz, kapag nagsawa yun sayo,iiwan ka rin katulad ng ibang babae na dumaan sa buhay nya.
DEVON: No worries Kazel, nag-eenjoy lang naman kami at pag nangyari yung pagsawaan nya ako,I’m willing to let him go naman.
KAZEL: Sana nga…

(Kinahaponan napagpasyahan ni Devon na pasyalan si Enrique sa Library ngunit hindi nya nakita ni anino nito kaya naman tinanong nya ang kasamahan nitong working student. Laking gulat nya ng malaman na napauwi ito dahil isinugod sa ospital ang ina. Dahil malapit ang working student kay Enrique ay nakuha nya kung saang hospital dinala ang ina nito, hindi nya macontact ang phone ni Enrique kaya nagtanong nalang sya sa information area at agad naman sinabi sa kanya ang room number. Dahil hirap sila Enrique ay nasa ward lang ito, nakita ni Devon na umiiyak ang kapatid nitong si Julie at si Enrique naman ay tahimik lang na nakaupo. Narinig nya ang pagsasalita ni Julie)
JULIE: Kuya saan tayo hahanap ng pera pang opera kay Mama? Please Kuya, ayaw kung mawala si Mama. (nakita nyang niyakap nito ang kapatid)
ENRIQUE: Gagawa ako ng paraan, kaya huwag kang mag-alala…
(Nagsalita na sya para mapansin ng mga ito)
DEVON: Maybe I can help…
ENRIQUE: Devon?? Paano mo nalaman na nandito ang Mama sa hospital.
(Sa halip na sagutin si Enrique ay nagtanong sya)
DEVON: Magkano ang kailangan nyong pera?
ENRIQUE: Medyo malaki Devon humigit kumulang 100 thousand kasi kailangan operahan ni Mama.
DEVON: I can help Enrique if you let me…
ENRIQUE: Devon, marami kanang naitulong sa family namin at ayaw ko nang abusuhin pa ang kabaitan mo.
DEVON: That damn pride Enrique! At hahayaan mong maghirap ang Mama mo, ganoon ba?
JULIE: Please kuya tanggapin mo na ang tulong ni Ate Devon…
DEVON: Enrique, you’ll get the money you want but not from me…
ENRIQUE: Ha??? Eh saan ko kukunin ang pera?
DEVON: My cousin is looking for a male model sa University fashion show nila at kapag napili ang creations nya ay makakatanggap sya ng 20,000 cash prize. My cousin doesn’t need the prize but to win the show. Kapag nanalo ang pinsan ko ibibigay namin sayo ng buo ang pera at hindi lang yun, the judge of the said show are from fashion industry, pag napili ang cousin ko as best designer, she’ll get a job sa famous fashion agency at ang model nya ay kukunin din. So, kapag sumali ka at nanalo..may mapapagkakitaan ka na ng pera at mapapagamot mo ang Mama mo..How about that?
(Natahimik si Enrique at matamang nag-isip at matapos ang ilang minuto ay)
ENRIQUE: Kailan ang fashion show?
DEVON: This weekend, but we need to practice first kasi dapat mo rin malaman kung paano iproject yung sarili mo..Don’t worry my cousin will teach you. Ano deal?
ENRIQUE: O sige…

(Pagkatapos ng class ni Devon at duty ni Enrique sa library ay nakipagkita sila kay Fretzie para sa kanilang practice. They need to know kung paano ang tamang pagrampa at facial expressions pati na rin ang damit na isusuot ay dapat nilang malaman. Sinabi ni Fretzie na tamang-tama daw si Enrique sa designs nito. Habag nagpapractice ay)
FRETZIE: Wait..wait…kailangan ng kunting sweetness naman…
(Lumapit ito sa kanila at)
FRETZIE: Enrique, dapat mong hawakan ang beywang ni Devon at Cuz you need to look sweeter at Enrique, ok? Cge…one more! Back to step one!
DEVON: Hay naku! Ganito pala kahirap mag model…
ENRIQUE: Relax, we can make this perfect and we’re going to win.
DEVON: Syempre noh! Mananalo tayo! Tayo pah?!
FRETZIE: Tama na muna ang chika, we need to go back to step one kasi wla na tayong sapat na oras.
DEVON: Strict naman nitong pinsan ko…Relax Cuz mananalo tayo. Gwapo kaya ng model mo…See?? (hinawakan nya ang mukha ni Enrique)
FRETZIE: Touching ka Cuz, bawal yan,,,
DEVON: Gaga! Sige na nga! Uulitin nalang namin. Quen, ready?
ENRIQUE: Ok!

(nagsimula na silang magpractice uli at samantalang si Sam naman ay kasama si Coleen)
SAM: Nakita mo si Devon? Kanina ko pa sya tinatawaga pero di ko macontact.
COLEEN: Nakipagkita ka na naman ba sa akin para hanapin ang kapatid ko?!
(may inis na sabi ni Coleen, nakakainis na sya kay Sam..she expected na ligawan na sya nito pero everytime they’re together puro ito Devon ng Devon)
SAM: No, I just want to eat out with you. (nasiyahan si Coleen sa narinig)
COLEEN: Sure!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento