Martes, Hunyo 21, 2011

Second Option (Chapter 23)

CHAPTER 23

SAM: Sino sa inyo ang naglabas ng photos namin ni Devon?!
(Ni isang member ng Gang ang nagsalita kaya lalo syang nagalit)
Kung walang aamin at pag nalaman ko kung sino alam nyo na ang mangyayari!
(Wala talaga ni isa ang nagsasalita. Nakita ni Sam na kabado sina Kazel at Heidi kaya nagduda sya sa dalawa pero wala syang ebidensya)
So, wala talagang aamin?! (biglang nagsalita si Joe)
JOE: What’s the big deal ba doon sa photos na lumabas?
SAM: Alam nyo naman na pinagbabawal yun at nilabas talaga?! Alam nyo bang may mapapagalitan at may magagalit dahil sa nangyari ha??!
JOE: Lumabas na yun..wala na tayong magagawa. Magkakasiraan ba ang grupo dahil sa mga photos na yun?
SAM: It has something to do with me and Devon kayo ako nagkakaganito! Hindi nyo ba yun maintindihan! Oras na malaman ko kung sino talaga ang naglabas noon ay malalagot talaga sa akin!

(Umalis si Sam at iniwan ang mga member ng Gang. Nagpunta sya sa kanyang kotse dahil gusto nyang umalis at lumayo. Pero bago pa sya makapasok sa kanyang sasakyan dumating naman si Coleen)
COLEEN: Sam, saan ka pupunta? Hindi ka ba papasok?
SAM: Coleen, ikaw pala. May pupuntahan lang ako at wala akong balak na pumasok sa klase ngayon.
COLEEN: Tungkol doon sa photos nyo ni Devon….
SAM: Totoo ang lahat ng yun…
COLEEN: How about yung niyaya mo syang makipag live in?
SAM: Totoo din yun… Noong hindi sya umuuwi sa inyo ay sa bahay sya natutulog.
(nakita ni Sam na natahimik si Coleen at nasaktan ito sa sinabi nya)
COLEEN: Thanks for being honest Sam, dahil dito mas lalo kitang nagustuhan. Don’t worry, I’m not angry…alam ko naman na friend lang talaga kayo ni Devon
(yumakap si Coleen sa kanya at hinayaan lang nya ito.)
(Girlfriend na nya si Coleen kaya naman dapat magfocus na sya dito kaysa pakialaman ang buhay ni Devon. It’s been a week ng huli nyang makausap si Devon at hindi na nya ito nakikita pa sa Campus. About sa photos nila na kumalat ay wala pa rin syang clue kung sino sa Gang member ang naglabas noon. Having Coleen as a girlfriend wasn’t that bad after all. Sweet ito at lagi syang inaalala but sometimes na aalala nya talaga si Devon, ang kakulitan nito and how she made him smile by just looking at her. One night while having a dinner date with Coleen ay may lumapit sa table nila. At first he couldn’t recognize him but when he talked ay naalala nya ito. He’s Justin, the guy na pinabugbog nya noon kina Bret dahil umaaligid kay Devon at balita rin nya member na ito ng “The Bandits”)
JUSTIN: Oh! What a small world? Dito pa tayo sa resto ng family ko nagkita.
SAM: I don’t want any trouble pare!
JUSTIN: Don’t want trouble? Kaya ba mga kasamahan mo noon ang isinalang mo?! Or duwag ka lang talaga?!
SAM: Kung gusto mo ng away, huwag dito sa loob..doon tayo sa labas!
JUSTIN: Don’t want to disappoint my parents for now. Pero ito lang masasabi ko, gaganti ako balang araw!
SAM: Hihintayin ko yan! (tumalikod na si Justin pero bumalik ulit)
JUSTIN: And one more thing! Maganda ang girlfriend mo pero mas type ko pa rin si Devon! (tuluyan ng umalis si Justin at nahampas nya ang table nila)
COLEEN: May atraso ka ba doon?
SAM:Huwag na natin syang pag-usapan…
COLEEN: Pero Sam! Narinig ko ang pangalan ni Devon, something to do with her again? Lahat nalang ba ng bagay may kaugnayan sa kanya?
SAM: I don’t want to talk about it Coleen! (tumayo na sya at iniwan si Coleen sa loob ng resto at hinabol naman sya nito hanggang makapasok sila sa loob ng sasakyan)
COLEEN: Ano ba Sam? Balak mo bang iwan ako doon sa loob?
SAM: Kung ayaw mong magalit ako Coleen, stop mentioning Devon! Naintindihan mo ba ako?! (tumaas ang boses nya at nakita nyang umiyak si Coleen but he didn’t do anything para aluhin ito)
COLEEN: I know pero sana naman kunting respeto Sam, I’m your girlfriend now…and I want this relationship to work out.
(hindi na sya nakapagsalita at tiningnan lang si Coleen na umiiyak. Tumingin din ito sa kanya at maya-maya pa ay hinalikan sya nito. Lalaki lang naman sya, madaling matukso kaya tinugon nya ang halik ni Coleen. Their kiss became deeper at naging mapangahas na rin ang kanyang mga kamay. He started to unbutton her blouse pero bigla syang natigil)
COLEEN: Why did you stop?
SAM: It’s getting late Coleen. I’ll take you home.
COLEEN: It’s not yet 10 p.m! Hindi mo ba kaya ha?! Akala ko ba lalaki ka?!
(nainis sya sa sinabi ni Coleen pero pinigil nya ang sarili)
SAM: I respect you Coleen kaya hindi ko itinuloy.
COLEEN: You respect me and you don’t respect Devon? Ganun ba yun?
(tuluyan na talaga syang nagalit at nasuntok nya ang manibela ng kotse)
SAM: Stop comparing yourself to Devon! (mukha namang nagulat at natakot si Coleen sa ginawa nya at natahimik ito)
SAM: I’ll take you home… (hindi na ng salita si Coleen at pinaandar na nya ang sasakyan)

(Nang makarating sila ng bahay ay inanyayahan siya ni Coleen na pumasok muna, wala syang balak tumuloy kaya lang na curios sya kung ano na ang ginagawa ni Devon dahil wala sya kahit ano mang balita dito. Nang makapasok sa loob, he was shocked to see Devon and Enrique in the living room. They’re focusing on the TV screen at nanood yata ng palabas ang dalawa at hindi namalayan na dumating sila ni Coleen)
COLEEN: Hmmm..excuse me??
(tila nagulat ang dalawa pagkakita sa kanila, tumingin sa kanya si Devon sandali at agad din naman ito nagbawi ng tingin at nagsmile kay Enrique)
ENRIQUE: Devon, paano ba yan…10 pm na. I have to go baka nag-aalala na si Mama.
DEVON: Excuse us, hatid ko muna si Quen sa labas.
(Pagdating nila sa may gate)
ENRIQUE: Ok ka lang? Review mo nalang yung notes na binigay ko at kalimutan mo yung nakita mo kanina..ok?
(Enrique has always been nice to her simula ng masira ang samahan nila ni Sam. Though busy na ito sa pagiging model at taping sa bagong teenshow na tinanggap ay hindi pa rin nito nakakaligtaan na magtxt sa kanya. He’s a second option to Enrique at naiintindihan naman nya na kailangan nitong rumaket para pampagamot sa ina. At least first option ni Enrique ay work at hindi ang kapatid nya, kaya ok na sya doon..)
DEVON: Don’t worry! I’m fine! Cge bye! Ingat ka! (she kissed his cheeks para pasalamat na rin sa kabaitan nito sa kanya. Umalis na si Enrique at nagulat siya ng mkita ang galit na mukha ni Sam)
SAM: Mas magaling ba sya kaysa sa akin?! (hindi nya napigilan ang sarili at nasampal nya si Sam)
DEVON: I hate you!! (at iniwan na nya ito)
(Nakita ni Coleen ang eksena )
COLEEN: It has always been Devon…Sam (malungkot nyang pahayag)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento