CHAPTER 10
BRET: Napapansin ko hindi na kayo palaging magkasama ni Devon these past few days, nag-away kayo?
SAM: Nainis lang ako sa kanya..kasi hindi nya ako ma gets.
BRET: Hindi ma gets? Ano naman yun?
SAM: Don’t bother!
BRET: Napapansin ko din na mukhang may new girl ka na…
SAM: New girl? What do you mean?
BRET: You told us that Devon and Coleen are sisters, I saw you with her a few times…
SAM: Ahh! Ganoon ba?
BRET: Hindi naman sa nanghihimasok ako Sam pero magkapatid yan…mahirap na.
SAM: Bret, ano bang gusto mong palabasin?
BRET: Wala akong gustong palabasin, eto nalang may tanong ako sayo…
SAM: Anon na naman yan?
BRET: Ano ba talaga kayo ni Devon? Kinikilig kasi ako sa inyo (borrow ko muna lines ni Emman)
SAM: We’re friends…cool friends…”no”, “maybe” …. (quoted from: SAM-C himself)
BRET: No? Maybe? Labo ng sagot mo… (umalis na si Bret at iniwan si Sam at napakamot sa ulo)
SAM’S POV: Ano nga ba kami?
(Samantalang si Devon sa Library with Enrique)
DEVON: We’re friends…cool friends…”no”, “maybe” ang labo nya talaga!
(narinig nya ang sinabi ni Sam kanina kay Bret sa tambayan nila, papasok sana sya pero narinig nyang nag-uusap ang dalawa kaya hindi na sya tumuloy lalo pa na siya ang pinag-uusapan ng mga ito)
DEVON: We’re friends…cool friends…”no”, “maybe” Kainis talaga!
(pabalik-balik nyang bulong sa sarili habang pabalik-balik din ang paglalakad nya sa Library)
ENRIQUE: 20 times, 1 minute and 6 seconds muna yang sinasabi….
(napahiya naman sya bigla na may timer pala ito at naupo na sya sa harap )
DEVON: Pasensya na…may kinaiinisan lang kasi ako
ENRIQUE: Iwan muna yun…akin ka nalang (hehe from Enrique himself)
(hindi sya nakapagsalita sa sinabi ni Enrique, narinig nyang may biglang nagsalita sa kanyang likuran, when she turned her back nakita nya si Heidi)
HEIDI: Kay Enrique ka nalang! (quoted from Robi d’ shipper)
DEVON: Kayo talaga! (iniba nya ang usapan kasi hindi sya komportable kapag tinutukso)
Enrique, tapos na ang homework ko? Nagawa mo na?
ENRIQUE: Ito! (sabay abot sa notes nya)
DEVON: Thanks! (she smiled at him at nagsmile din ito sa kanya..mukhang nakalimutan yata nila na naroon din si Heidi, tumikhim ito)
HEIDI: Para namang hindi ako nag exist dito…
DEVON: Loka ka talaga!
HEIDI: In fairness, nakikita ko na may chemistry din ang DEVQUEN! Wala halong promo…(tumawa si Heidi)
ENRIQUE: Walang personalan Heidi baka ma bash ang writer nitong FF… (hehehe choks lang!!!)
DEVON: Sino namang mang babash aber? Mukhang hindi naman ang writer ang punterya ng bashers kundi ako…
HEIDI: Intindihin mo nalang sis, dami kasing #bittermode a.k.a #insecure-kokak ang naglalabasan lalo pa ngayong tag-ulan.
ENRIQUE: Binabash talaga ang mga talented at maganda ang personality in and out. Threat ka kasi Devz kahit sino pa ang LT mo…may kilig factor! (tumawa si Enrique)
DEVON: Kalurkey kayo hah!! Walang personalan..lol… (nagtawanan silang tatlo at nasita tuloy sila sa Library)
(Matapos syang tulungan at turuan ni Enrique ay sabay na silang naglakad palabas ng Library kasama si Heidi)
HEIDI: Mauna na ako sa inyo…Hindi pa kasi nakakagawa ng homework, mangongopya muna ako sa classmates ko. (tumango sila at nakaalis na si Heidi)
ENRIQUE: Nahalata ko kanina na wala kayong alam ni Heidi sa rules ng Library.
DEVON: Pasensya na..pati ikaw na pagalitan pa tuloy..ehh working ka pa naman doon.
ENRIQUE: Ok lang yun…
DEVON: By the way, may communication pa ba kayo ng kapatid ko?
(nakita nyang tumahimik si Enrique sandali bago sumagot)
ENRIQUE: Wala na…
DEVON: Hmmm…visit ka minsan sa bahay pag may time ka.
ENRIQUE: Ok lang ba yun? Sabi ni Coleen noon masyadong masilan ang Mom nyo lalo na sa family status.
DEVON: Huwag kang mag-alala…hindi naman si Mom pupuntahan mo doon kundi ako..eh si ate nga kakilala lang ng Guy dinala nya agad sa bahay. (bigla nyang natutop ang bibig kasi nag-alala sya baka masaktan si Enrique sa nasabi nya pero huli na dahil ang daldal nya)
ENRIQUE: Si Sam ba ang guy na tinutukoy mo?
DEVON: Ha? Paano mo nalaman?
ENRIQUE: Nakita ko kasi sila na palaging magkasama nitong nakaraang mga araw.
DEVON: Mukhang sila na nga yung close at hindi na ako naalala ni Sam.
ENRIQUE: Cheer up! Diba sabi mo wala kayong commitment ni Sam?
DEVON: Yeah! We’re just friends…coolfriends…
ENRIQUE: Ano ba ang ibig sabihin ng coolfriends para sayo?
DEVON: Just read between the lines…(nagsmile sya kay Enrique at gayundin naman ito sa kanya. Pero nagulat nalang sila ng biglaan nilang makasalubong sina Patrick at Joe)
JOE: Devon! Mukhang may something ha?
DEVON: Magtigil ka nga Joe at huwag kang gumawa ng issue…
JOE: Hindi ko na kailangang gawin yun, patok na naman kayo!
PATRICK: Tama! Pero ingat lang Devz baka malagot ka kay Sam…
ENRIQUE: Huwag kayong mag-alala tutor lang nya ako.
JOE AND PATRICK: Tutor??!!
(sabay at gulat na sabi ng dalawa. Sh explained to them at naintindihan naman ng mga ito. Nang makaalis ang mga ito ay pumunta na rin sya sa klase. Pagkatapos ng kanyang last class bandang alas 6 ng gabi ay napagpasyahan nyang umuwi ng maaga kasi andun ang Dad nya total wala nman silang lakad nina Kazel. Nang madaan sya sa parking area ng Campus ay nakita nya si Sam na nakasandal sa kotse nito at agad umayos pagkakita sa kanya)
SAM: Mukhang busy ka ngayon ha…
(nakaramdam sya ng coldness sa pagitan nilang dalawa)
DEVON: Busy ka rin naman…
SAM: Lumayo ka sa lalaking yun kung ayaw mong masira ang scholarship na inaasahan nya.
DEVON: Ano bang pinagsasabi mo?! (nainis sya kay Sam, umandar na naman ang pagiging conceited nito)
SAM: You’re seeing another man Devon…at alam mong ayaw na ayaw kung may nakikihati sa pag-aari ko.
DEVON: Conceited! huwag na huwag mong pakialaman ang scholarship ni Enrique, yun lang inaasahan ng family nya.:
SAM: Then, stay away from him! Ayaw kong may kahati Devon alam mo yan. I got you Devon kaya may karapatan ako sayo.
DEVON: Yeah! You got me but you don’t own me! (at tuluyan na syang umalis hindi na nya hinintay ang iba pang sasabihin ni Sam)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento