CHAPTER 21
(Hindi alam ni Devon kung paano sya nakalayo sa tambayan ng “TheWanteds”. Ilang oras na nga ba sya nakaupo sa bench ng University? Now, she realized that she loves Sam pero ano ang gagawin nya, boyfriend na ito ng kanyang kapatid. Umiiyak na pala sya ng hindi nya namamalayan)
ENRIQUE: Here…(nag-abot ito ng panyo)
DEVON: Thanks…
ENRIQUE: Alam mo.. He’s not worth crying for…
DEVON: Quen?
ENRIQUE: You’re not Devon na nakilala ko…You have strong personality. Why don’t you cheer yourself up at ipaglaban yung feelings mo for Sam?
DEVON: Para ano pa?
ENRIQUE: I’ve been there Devz..nung magbreak kami ni Coleen..pumayag ako without fighting my feelings for her kaya hindi maganda pag naging duwag ka.
DEVON: Ang daling sabihin Quen but ang hirap gawin.
ENRIQUE: I can help you..
DEVON: Kaya mo ba ako tutulungan dahil may feelings ka pa sa kapatid ko?
ENRIQUE: I’ve moved on Devon..and I’m falling for another girl kaya lang iba yung gusto nya..hindi ko rin masabi ang feelings ko dahil tinuturing ko syang bestfriend. Ayaw kong mawala yung friendship namin kaya kahit mahirap at masakit kailangan kong itago ang nararamdaman ko sa kanya.
DEVON: Ang swerte naman ng babaeng yun.
ENRIQUE: I’m even luckier kasi totoo yung girl sa sarili nya at walang halong kasinungalin ang ipinapakita nya sa mga tao.
DEVON: Bakit hindi mo sabihin yung feelings mo sa kanya?
ENRIQUE: If only I have the courage..If only she’s not my friend. If only she doesn’t like another guy and if only…
DEVON: If only she’s not your ex-gf's sister? (hindi nakapagsalita si Enrique sa sinabi nya)
DEVON: Ano ka ba? Joke lang! I know naman na I’m not your type. I’m not the girlfriend material. I’m not that smart compared to my sister. I’m not that tisay. I’m not as kind as her…
ENRIQUE: But you’re true and talented Devon…yun ang mas mahalaga.
DEVON: Thanks for that Quen..I guess yun lang naman ang meron ako.
ENRIQUE: If you do like Sam, hindi mo sya hahayaang mawala sayo.
DEVON: Hindi naman ako ang klase ng tao na humahabol. If gusto nya ang kapatid ko. So be it..tanggap ko naman noon pa na cool friends lang talaga ang tingin nya sa akin.
ENRIQUE: That’s Devon malakas ang fighting spirit! Wala ng iyakan ha?
DEVON: I don’t know Quen… hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ng kapatid ko sa bahay. Though ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na ok lang ang lahat…nasasaktan pa rin ako.
ENRIQUE: Time heals Devon yan ang tandaan mo.
DEVON: Sana nga…
(pareho silang natahimik ni Enrique ng ilang minuto)
DEVON: Pumupunta ka ban g drinking Bar?
ENRIQUE: Nakakahiya mang aminin pero hindi pa ako nakakapunta sa ganoong lugar.
DEVON: You’re a good boy talaga.Anyway, pwede mo ba akong samahan? I need a shot lang.
ENRIQUE: Hindi naman nadadala sa pag-inum ang problema.
DEVON: Please?
ENRIQUE: Sige na nga.
(Pagdating nila sa Drinking Bar, nahalata ni Devon na medyo asiwa si Enrique kaya hinila nya ito. Ang mga staff sa loob ay kilala na sya kasi ito ang madalas nilang puntahan ng mga ka Gang nya. Binati pa sya ng mga ito at tinukso sila ni Enrique. She just smiled at them at nag-order sila ni Enrique ng beer. Pumunta sila sa isang vacant table at naupo)
DEVON: Here! (inabot nya ang isang bottle ng beer kay Enrique na kinuha naman nito)
ENRIQUE: Devon hindi ako sanay uminom pag nalasing ako, kaya mo ba akong buhatin?
DEVON: Boang! (napatawa sya sa sinabi ni Enrique)
ENRIQUE: Ayan nagsmile ka na rin.
DEVON: Alam mo ba kung bakit kita dinala dito? Quen, this would be the last time na iinum ako and I want you to be the very first person na makakaalam noon. Quen, please change me….(hindi nya mapigilan ang luha sa kanyang mga mata at tumulo na iyon.Enrique touched her face at pinahid ang kanyang mga luha. And that’s the scene na naabutan nina Sam)
PATRICK: Wow! How sweet nyo naman Devon.
(Nakita nyang parang galit ang mukha ni Sam, pakialam nya may Coleen na nga ito)
DEVON: Please Pat…nananahimik kami dito. (nasa likod din pala ng mga ito sina Kazel at Heidi pero tahimik lang ang dalawa, takot kasi ang mga ito kay Sam)
SAM: Doon tayo sa kabilang table! (yun lang ang at tuluyan ng pumunta si Sam sa kabilang table at sumunod na rin sina Patrick)
ENRIQUE: Mukhang galit yata si Sam sa nakita nya.
DEVON: Hayaan mo na yun. Mag-inuman nalang tayo.
(Samantalang sina Sam sa kabilang table)
SAM: Akala mo naman bagay…hindi naman…
KAZEL: Ang sabihin mo nagseselos ka lang…
SAM: May karapatan ba akong magselos?
HEIDI: Wala kang karapatan kasi may girlfriend kana..at sya ang dapat mong atupagin at hindi si Devon. Hayaan mo nalang sya kay Enrique.
SAM: Kaninong panig ba kayo? SAMVON or DEVQUEN?
PATRICK: Teka nga! Pagkakaalam ko coolfriends lang kayo ni Devon at Sam pare baka nakalimutan mo may Coleen kana. Hayaan mo nalang si Devon kay Enrique. She’s not part of the Gang anymore at wala na tayong pakialam sa kanya. Diba Girls?
(kinidatan ni Patrick sina Kazel at Heidi at nagsmile ang mga ito. Ang totoo narinig nila kanina ang pag-uusap nina Devon at Enrique na pupunta ang mga ito ng Drinking Bar kaya niyaya nila si Sam…gusto nilang makita ang magiging reaction nito pag nakita na magkasama sina Enrique at Devon at hindi sila nagkamali, nagseselos nga ito. Although mabait si Coleen mas gusto talaga nila si Devon para kay Sam…kaya gagawa sila ng paraan para guluhin ang relasyon ng SAMLEEN)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento