Martes, Hunyo 14, 2011

Second Option (Chapter 7)

CHAPTER 7

JOE: Mabuti naman Sam at naisipan mong mag Pool party tayo dito sa inyo.
SAM: Syempre! Nakakasawa na kasi tumambay sa Club.
BRET: Ok lang naman makipaglaro sa mga girls sa Gang diba?
SAM: Walang problema! basta huwag lang kayo dito sa bahay gumawa ng milagro...
PATRICK: No problem... Pwede ba si Devon?
SAM: Pat, is that a joke?! (halata na tumaas ang boses nito)
PATRICK: Wala namang namamagitan sa inyo, diba?
SAM: Not with my girl Pat! Kung ayaw mong mapatalsik sa Gang! (mariin nitong sabi)
PATRICK: Ikaw talaga hindi ka na mabiro!
BRET: Well, Pat you know that Devon is exclusive for Sam.
JOE: Kaya wag ka ng umepal!
(nagkatawanan ang mga boys. Samantalang sina Devon)
HEIDI: Nasabi mo na ba kay Sam na tutor mo si Enrique?
DEVON: Bakit ko naman kailangan sabihin sa kanya?
KAZEL: Sam owns you Devon...Hindi mo ba yun napapansin?
DEVON: Girls, masyado kayong paranoid.He's just a friend.
HEIDI: Kahit hindi mo sinasabi sa amin alam naming may nangyayari na sa inyo.
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi nyo? (kailangan nyang magsinungaling sa dalawa pero mukhang halata sya)
KAZEL: Sinundan namin kayo ni Heidi after natin sa Drive-thru, hindi tinted ang car nadala ni Sam noon kaya nakita namin kung ano ang ginagawa nyo sa loob.
(mukhang wala na syang lusot sa dalawa)
HEIDI: Hindi lang yun ang nakita namin, sa halip na sa inyo ka matulog ay dito ka sa kanila nagpalipas ng gabi. Huwag ka ng magkaila sa amin Devon. (hindi na sya nagsalita dahil nahuli na sya ng dalawa)
KAZEL: Hindi naman sa ayaw namin si Sam sayo..Kaya lang kilala na namin sya. Bago ka pa pumasok sa Gang ay pinaglalaruan lang nya ang mga babae.Pag nagsawa na sya ay iiwan na nya ito na parang walang nangyari.
HEIDI: Though he treats you nicer compared to those girls, nag-aalala pa rin kami.
DEVON: Thanks for the concern girls. Huwag kayong mag-alala. Matagal-tagal ko na rin naman kilala si Sam at palagi kaming magkasama kaya kahit ganoon sya he's the kindest guy na nakilala ko. Kahit wala kaming ugnayan or commitment ay malaki pa rin ang tiwala ko sa kanya.
(bigla syang nagulat ng biglang may umakbay sa kanya. When she turned her back ay nakita nyang nakangiti si Sam)
SAM: Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyong tatlo? Pwedeng maki jon?
KAZEL: For girls kaya ito kaya huwag ka muna umepal!
SAM: Ganyan ka ba magsalita sa Presidente ng Gang? (mukha namang natauhan si Kazel at agad itong nagmukhang natakot)
KAZEL: Sorry...
SAM: Ok lang..joke lang yun..hindi ka na mabiro..
HEIDI: Baboosh muna kami ni Kazel mukhang gusto mong solohin itong si Devon.
SAM: Lakas talaga ng pakiramdam mo Heidi.
HEIDI: Devz, swimming muna kami ni Kazel.
KAZEL: Cge maiwan na namin kayo (kumindat ito kay Sam at nagsmile naman ang huli. Nang makalayo ang dalawa nyang kaibigan ay agad syang niyakap ni Sam)
DEVON: Ano ba? Baka makita tayo ng ibang members...
SAM: Ano bang ikinatatakot mo? Ako ang Presidente ng Gang kaya hindi ka pagchichismisan ng mga yan... (humigpit ang pagkakayap nito sa kanya at ang kamay nito ay humahaplos sa kanyang likod)
DEVON: Sam masyado na tayong PDA...
SAM: Gusto mo sa kwarto tayo? (namula sya sa sinabi nito dahil alam na nya kung ano ang mangyayari pag pumayag sya sa gusto nito)
DEVON: Loko! Nakakarami ka na...
SAM: Gusto mo rin naman diba? (hinalikan na naman sya nito at natigil sila ng may tumikhim. Napahiya naman si Devon nang makita nya ang nakalolokong ngiti ni Bret)
BRET: Sorry to interrupt. Sam, join ka sa amin..inuman tayo sa pool.
SAM: O cge...shoot! Devon, join tayo sa kanila.
DEVON: Oo ba!

(Nakijoin na rin sila sa inuman ng Gang. Ang ilan ay nagsimula ng malasing, samantalang ang iba naman ay nakapagdesisyon na umuwi na. Ang ibang mga couple ng Gang ay umalis para makapagsolo. Nalalasing na rin si Devon dahil naparami ang nainum nya, mukhang naging halata na rin ang skinship nila ni Sam sa harap ng ibang members pero wla na syang pakialam. Ninanakawan na rin sya ng halik ni Sam and the worst thing ay nang siilin sya ng halik nito sa harap ng mga ibang gang members. Alam nyang na videohan iyun pero para namang hindi naman sya nahiya at nagpalakpakan pa ang mga ito pagkatapos. Pagkalipas ng ilang oras ay narinig nya na rin na nagpapaalam sina Kazel,Heidi, Bret, Joe at Patrick pero bago pa tuluyang makaalis si Bret ay may ibinulong ito kay Sam na hindi nakaligtas sa kanya)
BRET: Hinay-hinay lang baka mabuntis mo pa yan..mahirap na...
SAM: Huwag kang mag-alala alam ko ang ginagawa ko. (tuluyan ng umalis si Bret at sila nalang dalawa ni Sam ang naiwan. Agad ulit itong lumapit at yumakap sa kanya ng mahigpit)
SAM: Sa wakas maso solo na kita... (lumayo sya ng kaunti dito dahil natakot syang bigla sa sinabi ni Bret)
DEVON: I want to go home now...Ihatid mo ako..please...(tinitigan sya nito at)
SAM: Ayaw mo bang makapagsolo tayo? (nagsimula na itong manghalik at pinabayaan naman nya)
DEVON: Narinig ko kasi ang sinabi ni Bret..natatakot ako baka...
SAM: Huwag kang mag-alala hindi ko hahayaang mabuntis ka...
DEVON: Pero...
SAM: Trust me..all you have to do is to trust me...
DEVON: Sabi mo yan ha??!!!
SAM: Of course!!! (naging panatag na ang loob nya kaya bigla nya itong itinulak sa pool at nang bumagsak ito sa tubig ay)
SAM: What the h???? (agad syang hinila nito dahilan para bumagsak na rin sya sa pool)
DEVON: Kainis ka talaga! Hindi nga ako naligo kanina dahil ang lamig..hinila mo pa ako.
SAM: Hey crush..tinulak mo kaya ako!
(hinampas nya ito at agad naman itong yumakap sa kanya)
SAM: Alam mo..ngayon lang ako naging ganito ka comfortable sa isang babae...Simula ng sumali ka sa Gang unti-unti mo akong binago. Basta hindi ko maexplain...ang alam ko lang ay gusto kong nasa tabi kita palagi pag kailangan kita. Hindi naman ako ganito sa ibang naging babae ko noon.Ahh..ewan...basta gusto ko hinding-hindi mo ako iiwan habang tinutuklas ko pa kung ano talaga ang nararamdaman ko sayo..
(tumitig ito sa kanya at ngayon lang nya ito nakitang ganito ka seryoso kaya hindi nya maiwasang haplusin ang mukha nito. Nang titigan sila ng ilang segundo at naramdaman nalang nya na dumampi na ang labi nito sa kanyang labi.Maya-maya pa ay binuhat na sya nito papasok sa kwarto at hindi na sya nagprotesta pa kung ano man ang gawin nito sa kanya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento