Biyernes, Hunyo 17, 2011

Second Option (Chapter 11)

CHAPTER 11

KAZEL: Sigurado ka ba ito yung daan papunta kina Enrique? What kind of place is this? We’re in the squatter’s area Devon.
DEVON: Sige na patuloy mo lang ang pagdadrive.
KAZEL: Hay naku! Bakit ba kasi hindi nalang si Heidi ang isinama mo dito.
DEVON: Alam mo naman may date sila ni Patrick, mukhang nahuhulog na yong dalawa sa isat-isa.
KAZEL: Kung hindi lang birthday ng Mama nya hindi ako sasama. Teka alam ba ni Enrique na pupunta tayo sa kanila?
DEVON: Hindi…surprise ko ito sa kanya. Ang laki kasi ng grade ko dahil sa kanya.
KAZEL: Ehh..paano mo nalaman na dito sila nakatira..hindi mo naman pala sinabi sa kanya na pupunta tayo.
DEVON: Ganito yun..minsan ng tinuruan nya ako ay naghanap sya ng book,tapos naiwan nya ang cp nya sa table. Kinuha ko ang number ng kapatid nya and I started to text her, tapos nabanggit nya ang birthday ng Mama nila.
KAZEL: Teka nga lang, may gusto ko ba kay Enrique ha?
DEVON: Ano ba yang pinagsasabi mo?
KAZEL: Devon, narinig ko kahapon sa meeting ng Gang na pinababantayan ka ni Sam sa ibang member. Naloko na! Mukhang alam na nya na may ibang guy na umaaligid sayo.
DEVON: Umaaligid? Kazel, tutor ko lang si Enrique at kaibigan….
KAZEL: Ewan ko Devon basta kunting ingat lang, mahirap kalabanin si Sam.
DEVON: Don’t worry..I can handle this situation.
KAZEL: Well sabi mo yan…wait…mukhang hindi na makakapasok ang car natin, kitid na ng daan.
DEVON: Sige bababa ako at magtatanong, dyan ka muna sa loob.

(Nagtanong sya sa mga tambay sa paligid at sinabi naman ng mga ito kung saan ang bahay ni Enrique, sinamahan sila ng isang tambay papunta sa bahay at nang makarating sila doon ay di maiwasang makaramdam ng awa ni Devon sa nakita, pati si Kazel na medyo may pagka arte ay nanahimik. Nang katukin nya ang pinto ay agad bumungad sa kanyang harapan si Enrique. Mukhang nagulat ito pagkakita sa kanilang dalawa ni Kazel at agad din naman silang pinatuloy sa loob at ipanakilala sa Mama Lily nito)
DEVON: Hello po! Happy Birthday! May dala po kaming cake ng kaibigan ko.
LILY: Salamat iha…
JULIE: Patikim naman ng cake na yan Ma..
LILY: Cge hali ka..tulungan mo ako at nang mabigyan din natin sila. Mga iha, dito na kayo maghapunan may kunting inihanda naman ako.
DEVON: Ok lang ba yun Kazel? (nag alangan si Devon kasi may pagka maarte si Kazel)
KAZEL: Sure! Gusto ko rin makatikim ng lutong ina kasi puro nalang take out food ang kinakain ko.
DEVON: Sige po dito na kami kakain ng hapunan.
LILY: Sige maiwan na muna namin kayo ni Julie, maghahanda lang kami. Quen ikaw na bahala sa mga bisita mo.
ENRIQUE: Sige po.
(Nang makaalis ang ina ni Enrique at ang kapatid nito ay)
ENRIQUE: Nakakahiya sa inyo maliit lang itong bahay namin.
DEVON: Sort of gift ko sayo..mataas ang nakuha kung grade dahil sa pagtuturo mo.
ENRIQUE: Talaga? Good to hear that.
KAZEL: Pwede din naman siguro ako magpaturo sayo Enrique? Para naman magka additional income ka.
ENRIQUE: Sigurado ka?
KAZEL: Joke lang! paki ko naman kung bumagsak ako…
ENRIQUE: Sayang naman yung pera na binabayad ng parents mo sa tuition kapag hindi ka nag-aral ng mabuti.
KAZEL: Well, they don’t care!
DEVON: Huwag mo nalang intindihin si Kazel alam naman nya ginagawa nya.
ENRIQUE: Maswerte kayong dalawa dahil may kaya ang family nyo, kaya huwag nyo baliwalain yun.
(natahimik silang dalawa ni Kazel ng ilang minuto)
ENRIQUE: Pasensya na sa nasabi ko.
DEVON: It’s ok…Wait ano bang pwede nating pagkaabalahan habang hinihintay ang luto ng Mama mo?
KAZEL: May naisip akong mas magandang gawin Devz.
DEVON: Ano naman yun?
KAZEL: Why don’t we help Enrique’s Mom to prepare for dinner?
DEVON: Oo nga noh?
ENRIQUE: Huwag na kayong mag-abala kaya na ni Mama at ni Julie yun.
DEVON: No..no..no..We’ll help your Mom
(hinila na nya si Kazel papunta sa kusina bago pa makapagprotesta si Enrique. Habang tinutulungan nina Devon at Kazel ang Mama ni Enrique ay panay naman ang sulyap ni Enrique kay Devon. Nakita ni Enrique na iba ito kay Coleen. Napaka outgoing nito at happy-go-lucky. Kung totoosin mas maganda ito kay Coleen kung hindi lang natatabunan ang mukha nito ng dark make-up. Devon is nice too kahit marami itong bisyo, straightforward ito at honest. Hindi ito natatakot sabihin kung ano man ang gusto . Nahuli syang tumitingin dito at)
DEVON: Huwag kang masyadong tumitingin sa akin, baka mainlove ka pa!
KAZEL: Oo nga! Kanina ka pa sulyap ng sulyap kay Devon.
(nagtawanan ang mga ito pati narin ang Mama at kapatid nya. Napakamot nalang sya ng ulo at lumabas ng bahay. Nang matapos magluto sina Devon ay kumain na agad sila. Napakasaya niya dahil sobrang bait ng Mama ni Enrique unlike her Mom. Kailan nga ba ang huling beses na naging mabait ang kanyang ina sa kanya? Hindi na nya maalala. Simula pagkabata ni hindi sya ipinagmalaki nito. When she graduated in Elementary school ay Salutatorian lang sya at pinagalitan pa sya ng ina dahil hindi sya ang Valedictorian, at nang makapagtapos sya ng High School ay Salutatorian na naman sya at sobrang disappointed ng kanyang ina. Kaya naman pagkatapos noon, nagsimula syang magrebelde, pumasok ng Gang at natuto ng bisyo. Though her Dad protects her, alam nyang mas mahalaga dito ang kanyang kapatid dahil sa binibigay nitong karangalan sa kanilang pamilya. Tahimik lang sya nagmamasid sa Mama ni Enrique habang nagkukwentuhan ito with Julie and Kazel, hindi nya tuloy namalayan na nasa tabi na nya si Enrique)
ENRIQUE: Mukhang ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?
DEVON: I’ll tell you something pero huwag kang magagalit ha?
ENRIQUE: Sure! Ano ba yun?
DEVON: Actually, hindi naman talaga ako mahina sa algebra…
ENRIQUE: Alam ko namang matalino ka. Nakita ko yung school records mo sa Admin. Bakit mo ba ginagawa ang mga bagay na ito? What I mean..ang pagsali sa Gang, pwede mo naman sila maging friends kahit hindi ka sumali. And mag focus ka sa studies mo.
DEVON: I’ve done it before Quen but my parents didn’t even notice me. Hindi daw ako kasing talino ng ate ko and I don’t even have the beauty para sumali sa mga beauty pageant. Look at my sis, consistent top student and she’s even the campus queen. Funny it may seem but she’s totally opposite from me.
ENRIQUE: Why don’t you prove your parents that they are wrong. Na matalino ka and to tell you honestly, you have exceptional beauty. Yung morena type ay mas attractive kesa sa tisay ang dating.
DEVON: What do you mean?
ENRIQUE: Wala pa bang nakapagsabi sayo na maganda ka?
(Bigla nya tuloy naalala si Sam, he’s the first guy who told her how beautiful she is pag hindi sya naka dark make-up. Hindi sya nakapagsalita)
ENRIQUE: Didn’t he tell you how beautiful you are?
DEVON: What do you mean?
ENRIQUE: Alam mo ang ibig kong sabihin Devon.
(tumayo si Enrique at iniwan sya)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento