Huwebes, Hunyo 23, 2011

Second Option (Chapter 29)

CHAPTER 29

(Pagdating sa hospital nakita ni Devon na umiiyak sina Kazel at Heidi, nakita rin nya na duguan si Patrick at may mga pasa ang iba pang kasamahan sa Gang. Agad lumpit si Sam sa mga ito at kinausap si Patrick at inalo naman nya sina Kazel at Heidi)
SAM: Anong nangyari? (nakita ni Devon na tiningnan sya ni Patrick at tumingin ito kay Sam pagkatapos)
PATRICK: Mag-usap tayo ng tayo lang Sam...

(tumingin si Sam sa kanya, narealize nya na hindi na pala sya member ng Gang kaya siguro yun nasabi ni Patrick. Bago pa man makalayo ang dalawa ay dumating ang doctor at sinabi na ligtas na si Joe kaya nakahinga sila ng maluwag. Napagpasyahan nina Kazel na magpunta sa canteen ng hospital para magkape, nauna ang mga ito sa kanya dahil nagpunta muna sya ng restroom. Habang papunta ng sa ng cafeteria ay narinig nya ang mahina ngunit pasigaw na boses ni Sam kausap si Patrick, kaya naagaw ang kanyang atensyon na makinig sa usapan ng dalawa)

SAM: Ano?! Tinambangan kayo ng "The Bandits"?!
PATRICK: Kaya Sam kailangan nating mag-ingat. Hindi na namin ni report sa mga police ang nangyari baka lumaki pa ang gulo.
SAM: Sige Pat...gagawan ko ito ng paraan.
PATRICK: Yung sinabi ko Sam..isipin mo yun... (nakita nya na magulo ang ekspresyon ng mukha ni Sam at hindi nya iyon kayang basahin pero kinakabahan sya sa maaaring mangyari)

(Mabilis lumipas ang mga araw, pagkatapos nyang marinig ang usapan nina Sam at Patrick ay nahahalata nya ang palaging pagkakabahala ni Sam. Magmula din noon ay nagpasya muna si Sam na bumalik na sa bahay nito ang dahilan ay baka raw ano pa ang masabi ng mga tao sa kanila. Hindi sya kumbinsido sa sinabi nito para kasing may tinatago ito sa kanya. Naramdaman nya rin na unti-unting lumalayo si Sam sa kanya at nasasaktan sya sa ginagawa nito. Tulad nalang ngayon nasa canteen sila sa school pero ang layo ng iniisip ni Sam)

DEVON: May problema ba? Nakakapanibago ka kasi...(tumingin ito sa kanya)
SAM: Ubusin muna ang pagkain mo at may pupuntahan pa ako pagkatapos.
DEVON: Sam..please..alam kong may problema hindi ako ganun ka manhid.. Para kasing iniiwasan mo ako these past few days.
SAM: Devz...let's not talk about it..wala ako sa mood ngayon.
DEVON: Ganyan ka naman lage eh...(tumayo na sya at iniwan si Sam. Pagkaalis ni Devon ay napabuntunghiniga si Sam)

(That was the last time na nakausap nya si Sam. Hindi man lang ito nagtxt o tumawag sa kanya at hindi naman sya yung klase ng babae na naghahabol sa lalaki)
DEVON: Kung ayaw mo akong kausapin eh di huwag!
(pero sa totoo nasasaktan sya sa ginagawa ni Sam pero hindi nalang nya binigyan pansin ang nararamdaman. She focused more on her studies, namimiss nya tuloy si Enrique...two weeks na silang hindi nagkikita nito. Hindi mapang-abot ang kanilang schedule at simula ng magkalapit ulit sila ni Sam ay parang iniiwasan narin sya nito. Sa bagay ok na rin yun kasi seloso si Sam at alam nyang napakabusy na nito sa school at trabaho. Sikat na talaga si Enrique, napasmile tuloy sya sa naiisip. Habang pinagpatuloy nya ang pagbabasa ng libro ay may lumapit sa kanya na dalawang students, sa pagkakatanda nya ito yung nagpabigay noon ng gift para kay Enrique. In short, they are his avid fans!)
STUDENT 1: Hi Devon! Busy ka yata..pwede ka namin madisturbo..(naisip nya na baka may ipabibigay na naman ang mga ito kay Enrique)
DEVON: Hindi naman…bakit may kailangan kayo?
STUDENT 2: Just wanna say thank you sa pagbigay mo ng gift namin kay Enrique at ang bait nya ha…Our numbers were written in the card and he texted us to say thanks…(natuwa talaga sya sa narinig. Quen is still the same kahit sikat na ito)
DEVON: Mabait naman talaga si Quen ehh…(nagbulungan sandali ang mga ito)
STUDENT 3: May sasabihin sana kami pero huwag kang magagalit or masasaktan ha? (nakita nyang sumeryoso ang mga ito)
DEVON: Ano? At bakit ang seryoso nyo yata?
STUDENT 1: These past few days nakita kasi namin na ang sweet nyo ni Sam sa isat-isa.
DEVON: Nagkabati na kasi kami.
STUDENT 2: Sila pa ba ng kapatid mo? Nakita kasi namin sila kanina sa may parking area…ang sweet nila tingnan. (nibigla sya sa sinabi ng mga ito at ang sakit ng naramdaman nya kahit hindi pa nya nakikita ang nangyayari)
DEVON: Sigurado kayo? Kailan nyo sila nakita? (nanginginig nyang tanong)
STUDENT 3: Few minutes ago bago kami pumasok dito.
(dali-dali nyang inayos ang mga libro at di na nagpaalam sa mga ito. Gusto nyang patunayan na nagkakamali lang ang mga ito. Sa pagkakaalam nya bukas pa ang balik ni Coleen kaya gumagawa lang ng istorya ang tatlo. Habang patakbong papunta ng parking area ay nakita siya ni Kazel)
KAZEL: Bakit ka tumatakbo? Saan ka pupunta?
(hindi nya ito sinagot at humabol na rin ito sa kanya. Pagdating sa parking area ay caught in the act nya na naghalikan sina Sam and Coleen. Sobrang nasaktan sya sa nakita, akala nya iiyak at bibigay sya sa harap ng mga ito pero kabaliktaran ang nangyari at nagawa pa nyang magsalita sa halip na tumakbo palayo)
DEVON: Wow naman! ganda ng scene! (sabay palakpak at mukhang nagulat si Sam pagkakita sa kanya)
SAM: Devz…(akmang lalapit ito sa kanya pero humakbang sya palayo)
COLEEN: Bakit ba ganyan ka magreact Devon?
DEVON: Shut up! I’m not talking to you! (binara nya ang kapatid at kitang-kita sa mukha nito ang galit)
So ano na ngayon Sam? Nagbalik na ang kapatid ko!
SAM: Devz? (hindi ito tumingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita)
I’m sorry…I didn’t mean to hurt you…(mahina nitong sabi na lubhang nagpasakit sa kanyang damdamin) Devon…I’m so sorry but you’re just my second option.. (nagyuko si Sam at nanigas sya sa sinabi nito. Yun bang hindi mo alam ang gagawin.Gusto nyang lumayo at tumakbo pero hindi nya magawa kaya nagulat nalang sya ng may biglaang sumingit sa usapan.It was Enrique)
ENRIQUE: She maybe your second option but for me she’s not! (at hinila na sya nito palayo)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento