Sabado, Hunyo 25, 2011

Second Option (Chapter 33)

CHAPTER 33

(Ilang araw ng napapansin ni Coleen na parang pumapayat si Devon at palagi itong walang gana sa pagkain. Nagulat pa sya ng makita nya ito sa kitchen ng napakaaga, sa pagkakaalam nya ay hindi ito gumigising sa ganoong oras)
COLEEN: Ang aga mo yatang nagising, diba 1 pm pa ang class mo?
DEVON: Nagugutom kasi ako...
COLEEN: Ganoon ba? May sakit ka? Nanlalalim kasi ang mata mo at parang pumapayat ka.
DEVON: Wala to...nagpupuyat lang kasi ako...
COLEEN: Sigurado ka?
DEVON: Yeah!
COLEEN: By the way, tumawag si Mommy sa akin... She'll be here a week from now. (nagulat sya sa sinabi ni Coleen)
DEVON'S POV: Patay na! babalik si Mommy Andrea...
DEVON: Bakit napaaga yata ang pagbalik ni Mommy?
COLEEN: Sinabi ko kasi sa kanya na boyfriend ko na si Sam and she's very happy for me. (pagmamayabang nito na ikinainis nya)
DEVON: I see...(tumayo na sya)
COLEEN: Saan ka pupunta?
DEVON: Kina Enrique, blessing kasi ng new house nila ngayon. (nakita nyang tumaas ang kilay ni Coleen)
COLEEN: Kayo na ba?
DEVON: Ano sa tingin mo?
COLEEN: Well, he's just an ex...
DEVON: Yeah! he was just an ex that anybody couldn’t resist...Anyway, gusto mo sumama?
COLEEN: Huwag na baka makasira pa ako ng moment.
DEVON: Bakit balak mo na naman bang manira?
COLEEN: Ano ba ang pinagsasabi mo?
DEVON: Alam mo ang ibig kong sabihin, kunwari ka pa.
COLEEN: You're a loser Devon! Desperada ka na yata! (grabe talaga ang kanyang kapatid)
DEVON: Yun ba ang tingin mo sa akin? Well Thank you! Kaya mag-ingat ka kasi iba ang nagagawa ng mga kagaya kong desperada baka agawin ko pa si Sam sayo.
COLEEN: Hindi ako natatakot Devon dahil kahit kailan hinding-hindi mo sya kayang agawin sa akin. You're just his second option! Pati na rin kay Enrique, second option pa rin ang drama mo!
DEVON: Wow ha! Grabe ka kung manlait ng sarili mong kapatid!
COLEEN: Kapatid lang kita Devon kaya kong gawin kung ano man ang gusto ko!
DEVON: Yun na nga! magkapatid tayo pero ang turing mo sa akin ay parang hindi mo kadugo parang may insecurity ka yata!
COLEEN: Dahil magkaiba tayo Devon. I'm pretty and smart at pride ng pamilya samantalang ikaw wala ka ng ibang ginawa kundi mag-enjoy sa buhay mo at makipaglandian sa kung sino-sinong lalaki!
(hindi nya nacontrol ang sarili kaya nasampal nya si Coleen at naabutan naman ni Sam at Kazel ang eksena. Nakita nyang nagdilim ang mukhan ni Sam sa nakita at hindi agad ito nagsalita)
KAZEL: Anong nangyari?
COLEEN: Nakita mo naman diba? Sinampal ako ni Devon! Ang sama-sama nya talaga! (mangiyak-ngiyak na pahayag nya)
KAZEL: Pwede ba Coleen huwag kang magdrama! alam kong plastic ka! (nakita ni Devon ang galit sa mukha ni Kazel)
COLEEN: Kumakampi ka kay Devon kahit alam mo ang ginawa nya?
KAZEL: Nakita ko nga! pero sa tingin ko.. Yun ang bagay sayo! (biglang pumagitna si Sam sa hiyawan nina Kazel at Coleen)
SAM: Stop it Kazel! Nakita mo naman ang nangyari..si Devon ang nanampal kaya huwag mo syang kampihan! (sobrang nagalit sya na si Coleen pa ang kinampihan ni Sam)
DEVON: Ako pa ngayon ang lumabas na masama?! Grabe ka Sam! ganyan ba ang pagkakilala mo sa akin?! (hindi nagsalita si Sam at hinarap nya si Coleen) and you Coleen (nawala na ang respeto nya dito bilang kapatid) Beauty and brain ka nga pero nasa loob naman ang kulo mo! Magsama kayong dalawa! (iniwan na nya ang mga ito at sumunod naman si Kazel sa kanya.)
KAZEL: Devon wait....saan ka pupunta?
(huminto sya sa kalalakad sa labas ng gate)
DEVON: Hindi ko alam Kaz..ang gulung-gulo na ng isip ko!
KAZEL: Maayos din ang lahat...alam na ba ni Coleen ang kalagayan mo?
DEVON: Para ano pa? Para pagtawanan nya ako? Sa kagagahan ko?
KAZEL: Devz?
DEVON: Malapit ng umuwi si Mommy at natatakot ako pag nalaman nya ang totoo.
KAZEL: Huwag kang mag-alala nakausap ko na ang pinsan ko. (biglang nagliwanag ang mukha nya sa narinig)
DEVON: Hindi ba sya natatakot na baka mawawalan sya ng license?
KAZEL: She's willing to help Devon and she's a good doctor..magiging maayos ang lahat.
DEVON: I hope so Kazel...

(Nakarating na sina Sam at Coleen sa University)
SAM: Mauuna na ako at ikaw na bahala sa kotse (hindi na sya hinintay nito na sumagot at tuluyan na itong lumabas ng sasakyan)
COLEEN'S POV: Nakakainis ka Sam! Ako nga ang kinampihan mo pero nanlalamig ka naman sa akin!
(Lalabas na sana sya ng kotse pero nakarinig sya ng cellphone ring at agad nya nakita ang kinaroroonan nito. It was Sam's phone..naiwan ito sa loob. Nakita nya ang nakaregister sa screen saver, it's Justin. Baka ito ang Justin na nakabanggaan nina Sam before dahil kay Devon kaya sinagot nya ang tawag. Bago pa man sya nakapagsalita ay agad na itong nambulyaw)
JUSTIN: Listen Sam! Kung akala mo sa pagkadisgrasya lang ni Joe natatapos ang laban nagkakamali ka! Maganda ang bago mong girlfriend, kaya ingatan mo sya kung ayaw mong mawala sya sayo! (Tinapos na nito ang tawag at nanginginig si Coleen sa narinig)

(Hindi makapaniwala si Coleen sa narinig…hanggang ngayon nanginginig pa rin sya sa takot. Ganoon na lang ba talaga ka laki ang atraso nina Sam kina Justin? At mukhang mapapahamak pa sya…Nang tingnan nya ulit ang phone ni Sam ay nakaagaw pansin sa kanya ang screensaver nito,it’s Devon’s picture! Nagalit at nasaktan sya sa nakita hanggang ngayon si Devon pa rin talaga ang nasa puso ni Sam. Nang tingnan nya ang ibang photos ay mas lalo pa syang nashocked sa nakita. Most of the pictures ay kay Devon and when she looked at the video parang nabasag ang puso nya sa nakita. It was Sam and Devon kissing and based sa date and time ay yung umalis sya for school seminar. So it’s clear now, her boyfriend and sister betrayed her! Kaya naman pala iba ang kinikilos ng dalawa, she tried to fool herself na magkaibigan lang talaga ang mga ito. Pero bakit pinili sya ni Sam at hindi si Devon? Unti-unting naging malinaw sa kanya ang lahat pero she needs to confront Sam baka nagkamali lang sya ng iniisip. Agad syang lumabas ng kotse at pinuntahan si Sam sa tambayan nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento