Sabado, Hunyo 25, 2011

Second Option (Chapter 32)

CHAPTER 32

KAZEL and HEIDI: Ano buntis ka??!! (nagkasabay na wika ng dalawa at tumango siya bilang tugon sa mga ito)
KAZEL: Paano na yan? Alam na ba ni Sam? Anong sabi nya?
DEVON: Hindi nya kayang managot Kaz…
HEIDI: Ano?! Gago pala sya! Kakausapin namin sya ni Kazel!
DEVON: Huwag na Heidz..magsasayang lang kayo ng oras pag ginawa nyo yun.
KAZEL: Pero paano ka? Yung parents mo? (worried ang mukha ni Kazel)
DEVON: Sabi ni Enrique he’s willing to be the father of my baby.
HEIDI: Ang bait naman ni Enrique pero unfair yun sa part nya
DEVON: Yun na nga…it’s unfair for him…pero at least he loves me and I like him too.
KAZEL: So ipaaako mo kay Enrique ang responsibility?
DEVON: No..hindi ko kayang gawin yun at ayaw kong maging unfair kay Quen…
HEIDI: Ha??? So you’ll be a single Mom?
DEVON: Hindi rin….
KAZEL: Teka,,,teka,,, anong ibig mong sabihin? Huwag mong sabihin na??
DEVON: Tama ang nasa isip mo Kaz…
HEIDI: Bakit ano ba ang nasa isip mo Kaz? Hindi ko kayo ma gets…
DEVON: Heidz.. magpapa-abort ako!
HEIDI: What???!!!! Devon naman! huwag kang magbiro ng ganyan…
DEVON: Hindi ako nagbibiro Heidz..it’s my only option.. Ayaw managot ni Sam, ayaw ko maging unfair kay Quen, ayaw ko maging single Mom at ayaw kong bigyan pa ulit ng sama ng loob ang parents ko. Wala na akong ibang maisip na pwede kong gawin… (bumigay na naman sya sa harap ng mga ito at niyakap sya ng dalawa at pagkatapos ng ilang minuto)
KAZEL: May cousin is a doctor maybe she could help you with the abortion… (malungktot na pahayag nito)
HEIDI: Pero baka mawalan pa ng license ang pinsan mo…it’s illegal…
KAZEL: Kakausapin ko sya…I’m doing this kasi ayaw ko rin maghirap pa si Devon.
DEVON: Thanks Kazel…as soon as possible gusto ko ng matapos ito…
KAZEL: We’re friends Devon kaya kahit ano pa ang desisyon mo rerespetuhin namin kahit labag pa sa aming kalooban.
HEIDI: May magagawa pa ba ako? Sumuporta na si Kazel…so support nalang kita sa desisyon mo..kahit labag na labag sa kalooban ko.
DEVON: Thanks sa inyong dalawa!

(Habang pauwi si Devon ay gulung-gulo pa rin ang isip nya. Kaya ba talaga nyang ipa abort ang magiging anak nila ni Sam? Sa totoo lang hindi pa nga nangyayari yun ay parang pinapatay na sya ng sariling konsensya. Killing her own flesh and blood is the worst thing in the world. Pero wala na syang ibang pagpipilian…kaya mangyari na ang dapat mangyari..hindi lang naman sya ang nagpaabort sa mundo, mas marami pa nga kung totoosin…She’s just one of them na minsan na nalihis ng landas. After this, ay tapos na ang lahat.

(Samantalang sinadya naman ni Sam si Enrique sa taping nito. Nagulat si Enrique pagkakita sa kanya at pinakitungohan sya ng malamig. He can’t blame him, close ito kay Devon at ex ito ni Coleen. After ng break nito ay nag-usap sila)

ENRIQUE: Anong sadya mo? Naligaw ka yata?
SAM: Sinadya ko talagang puntahan ka dito at makausap. (ngumiti si Enrique sa kanya)
ENRIQUE: Para ano Sam?! Para siraan si Devon?!
SAM: Hindi ako pumunta dito para dyan.
ENRIQUE: Para ano?! Para pagbintangan ako sa kasalanang ginawa mo?!
SAM: It’s not a sin Enrique, it’s my intention! (mariin nyang pahayag)
ENRIQUE: What?! I can’t believe this!
SAM: I want to explain but alam kong hindi mo rin naman ako maiintindihan.
ENRIQUE: So ano talaga ang ipinunta mo dito? Ang sabihin na sinadya mo ang nangyari kay Devon? Yun ba?!
SAM: I want you to take care of Devon (malungkot nyang pahayag kay Enrique)
ENRIQUE: Kahit hindi mo sabihin,,,aalagaan ko si Devon..
SAM: Alam ko naman ikaw lang yung taong pwede kong pagkatiwalaan sa kanya.
ENRIQUE: and I’m willing to marry her…. (nagulat sya sa sinabi ni Enrique at kinabahan sya)
SAM: I’m allowing you to take care of her but marrying her yan ang hindi ko mapapayagan!
ENRIQUE: At ano patuloy mo syang sasaktan?!
SAM: Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?
ENRIQUE: Kung nasasaktan ka nasasaktan din ako. Kung hindi mo sya kayang alagaan Sam mas mabuti pang hayaan mo nalang syang lumigaya sa piling ng iba.
(nakita ni Enrique na tumahimik si Sam sandali at tumayo na ito)
SAM: I have to go…
ENRIQUE: Yun lang ba talaga ang ipinunta mo dito?
SAM: Hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit ko ito ginagawa.
(Si Enrique naman ang natahimik ng ilang segundo, nakita nyang nagsimula ng humakbang si Sam palayo)
ENRIQUE: Hindi ako nagbibiro Sam kaya ko syang agawin sayo.
(tumigil si Sam sandali at sumagot)
SAM: Gawin mo kung kaya mo. (umalis na ito ng tuluyan at naiwan si Enrique na hindi nakapagsalita)

(Nakapagdesisyon si Enrique na dumaan muna kina Devon bago umuwi ng bahay)

ENRIQUE: Nagpunta pala si Sam kanina sa set.
DEVON: Ano??!
ENRIQUE: Kinausap nya ako tungkol sayo.
DEVON: Anong sinabi nya? (walang kabuhay-buhay na tanong nya)
ENRIQUE: He told me to take care of you…
DEVON: Ang galing nya naman! pagkatapos nya akong bigyan ng ganitong problema, ipapasa pa nya ako sa iba!
ENRIQUE: Mukha kasing may tinatago sya Devz…
DEVON: Huwag mong sabihin na kinakampihan mo sya?! (nairita sya sa tono ng pananalita ni Enrique)
ENRIQUE: His eyes are telling something pero hindi ko kayang basahin.
DEVON: I couldn’t believe this Quen! Are you trying to tell me na sinasaktan nya ako dahil may malaking dahilan?!
ENRIQUE: Devon…kausapin mo kaya ng masinsinan si Sam?
DEVON: Akala ko ba gusto mo ako? Bakit parang ayaw mo na sa akin? Dahil ba nabuntis ako ni Sam?! (nainis sya kay Enrique)
ENRIQUE: I do like you a lot but what you and Sam into right now is complicated at ayaw kong dagdagan pa yun.
DEVON: What do you mean?
ENRIQUE: When I told you that I love you, totoo yun… at ng sabihin ko na I’m willing to take Sam’s responsibility totoo di yun pero ayaw kong pilitin ka Devz. Handa akong maghintay pero hindi ko alam kong kailan ko kaya. I guess mas mabuti pang kalimutan mo na sinabi ko yun para hindi magulo ang isip mo. We better off as friends. (napaiyak sya sa sinabi ni Enrique. Hindi dahil binawi nito ang pag-amin ng damdamin sa kanya kundi dahil she realized how good he is. Siguro kung handa itong maghintay baka tuluyan syang mahulog dito. But it’s better this way.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento