Sabado, Hunyo 25, 2011

Second Option (Chapter 31)

CHAPTER 31

(Hindi na talaga sya pinansin ni Sam pagkatapos ng TRUTH or DARE.. Pakialam naman nya, ito na mismo ang nagsabi na she’s just a second option. Ok na rin sila ni Enrique, hindi na ito nagbanggit about sa feelings nito sa kanya. One time inanyayahan sya nito na sumama sa taping at na meet nya ang ka LT nito na si Yen at nahahalata nya na mukhang may gusto ito kay Enrique. Pagkatapos ng taping napagpasyahan nila ni Enrique na kumain muna sa labas bago umuwi)
DEVON: Maganda si Yen…
ENRIQUE: Yeah…
DEVON: Pero mas maganda ako, diba? (natawa si Enrique sa sinabi nya)
ENRIQUE: Ang kulit mo talaga!
DEVON: Para mawala na yang stress mo…
ENRIQUE: Kumain na nga lang tayo…
(pagkatapos kumain ay tumayo na sila ni Enrique para lumabas ng resto pero bigla syang nahilo at tuluyang nawalan ng malay. Pagkagising nya ay nakita nya ang puting kwarto, she discovered na nasa hospital sya. Agad syang bumangon at nakita nyang umalalay si Enrique)
DEVON: Anong nangyari?
ENRIQUE: You passed out kasi kulang ka daw sa pahinga… Nagpupuyat ka ba palagi?
DEVON: Nag-aaral kasi ako hanggang madaling araw.
ENRIQUE: Kailangan mo ng tamang pahinga Devon lalo pa ngayong buntis ka..
(nagulat sya sa sinabi ni Enrique at matagal bago sya nakarecover sa pagkabigla)
DEVON: Nagbibiro ka lang diba?
ENRIQUE: Hindi biro ang ganyang bagay Devon.. (seryoso ang mukha ni Enrique kaya alam nyang hindi ito nagbibiro. Hindi nya alam kung ano ang gagawin..gusto nyang umiyak pero di nya magawa, kaya hindi nalang sya nagsalita kasi hindi nya alam ang sasabihin)
ENRIQUE: Kailangan mong sabihin kay Sam ang sitwasyon mo…
DEVON: Pero mas pinili nya ang kapatid ko? Hindi ko alam kung ano ang gagawin Quen.
ENRIQUE: He needs to know the truth Devon dahil anak nya yang dinadala mo.
DEVON: Pero?
ENRIQUE: Don’t worry…sasamahan kita kay Sam… (niyakap sya nito)

(Agad silang nagpunta sa tambayan ng The Bandits, kinakabahan sya pagpasok pa lang nila doon. Hinawakan naman ni Enrique ang kanyang kamay para lumakas ang kanyang loob. Nakita nila si Sam na sumasayaw at agad lumapit si Enrique at pinatay ang tugtog)
SAM: What the f***?! (pasigaw nitong sabi at nagulat na makita silang dalawa ni Enrique)
ENRIQUE: May importanting sasabihin si Devon sayo… (tumingin si Sam sa kanya)
SAM: Ano yun?
(Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita)
DEVON: I’m pregnant…(mahina nyang sabi dito. She saw the glow in his eyes pero naglaho din ito bigla at)
SAM: Sigurado ka bang ako ang ama nyan? (nabigla sya sa sinabi nito at sobrang nasaktan. Ano ba ang tingin ni Sam sa kanya? Pero bago pa sya makapagreact ay nasuntok na ito ni Enrique)
ENRIQUE: Kulang pa nga yan! (niyakap nya si Enrique at nilayo kasi galit na ito at napaiyak na sya)
DEVON: Tama na Quen! (nakita nyang hindi lumaban si Sam at tumingin lang sa kanila)
SAM: Kasalanan mo rin yan Devon kasi pumayag ka na may mangyari sa atin…
DEVON: At ako pa itong sisihin mo ngayon…eh ikaw ang lalaki!
SAM: At anong gusto mong gawin ko?! Panagutan kita! (sumusobra na talaga si Sam)
DEVON: At akala mo ba papayag akong managot ka?! Nagkakamali ka Sam… (at iniwan na nya ito kasama si Enrique. Naiwan si Sam at napasuntok sa hangin)
SAM: I’m sorry Devon hurting you is my only way of protecting you.

(At Enrique’s car. Nakabili na kasi ng car si Enrique)

DEVON: He’s a user Quen! Ginamit nya lang ako… manloloko talaga sya! (binuhos nya ang sama ng damdamin)
ENRIQUE: It hurts seeing you hurting Devon pero hindi ko alam kung ano ang gagawin para maibsan ang kalungkutan mo. (tumingin sya kay Enrique at nakita nya ang lungkot sa mga mata nito)
DEVON: Quen?
ENRIQUE: Ano na ang gagawin mo ngayon? Ayaw managot ni Sam.. paano ang parents mo? Ang studies mo?
DEVON: Hindi ko alam Quen…hindi ko na alam ang gagawin ko..ang gulung-gulo ng isip ko.
ENRIQUE: Devon I’m willing…. (naguluhan sya sa sinabi ni Enrique)
DEVON: Willing na ano?
ENRIQUE: I’m willing to be the father of your baby kung yun lang ang tanging paraan para makatulong ako…(sobra syang nagulat sinabi ni Enrique)
DEVON: Hindi mo naman kailangan gawin yun.
ENRIQUE: Devon… I thought I just like you but I was wrong…I don’t like you but I’m inlove with you… (hindi sya makapagsalita at nagpatuloy sa pagsasalita si Enrique) One of the reasons kaya nagbreak kami ni Coleen ay..dahil sayo. Though sya ang girlfriend ko.. ang aking concern naman ay nasa sayo. I keep on talking about you during our relationship kaya naiinis sya. Family status, lies and you were the reasons of the break up. Kaya pag-isipan mo ang sinabi ko. (tumango sya kay Enrique at hinatid na sya nito pauwi)


(Nag international call si Sam kay Bret sa States at nasigawan pa sya nito sa kabilang linya)
BRET: Ano???!!! Sinadya mo talaga na mabuntis si Devon??!!! Nakakaloko ka Sam!
SAM: Naiinggit kasi ako sa inyo ni Fretzie at ayaw nyang magpakasal sa akin kaya ko yun nagawa.
BRET: At ngayon ayaw mong managot?! Loko-loko ka talaga kahit kailan!!
SAM: Alam mo naman ang dahilan, diba?
BRET: Pero you’re hurting her emotionally…
SAM: May Enrique naman sya…
BRET: Ang gulo mo talaga…Sam ako itong kinakabahan sa pinaggagawa mo!
SAM: You know my reasons Bret kaya wag mo na akong sermonan!
BRET: Hay naku! Ewan ko sayo!
SAM: Please huwag mo munang sabihin kay Fretzie baka kasi dumating pa sa parents ni Devon..ayaw kong pangunahan yung desisyon nya.
BRET: Ok..hindi ko muna sasabihin kay Fretzie? Alam na ba ni Tita Dara?
SAM: Hindi pa..at malaking gulo pag nalaman nya kaya keep mo muna.
BRET: Ayusin mo ang gulong pinasok mo Sam..masama to! May nararamdaman
akong badvibes.
SAM: Huwag kang mag-alala… alam ko ang ginagawa ko.
BRET: Sana nga… (napabuntong hininga nalang sya at tuluyan ng nagpaalam kay Bret. Mas magulo na tuloy ang sitwasyon ngayon but this is the right thing to do)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento