CHAPTER 25
(Hindi sya nakatulog si Sam sa sinabi ng kanyang Mom kagabi kaya naman medyo puyat syang pumasok sa University. Hindi din nya magawang magconcentrate sa kanyang klase at napagalitan sya ng Professor dahil hindi sya nakikinig dito. Ilang beses nang nagtext sa kanya si Coleen ngunit hindi nya ito sinasagot. Nagpasya syang puntahan ang mga kasamahan sa tambayan nila. Hindi pa man sya nakakapasok sa loob ay narinig na nya ang tilian nina Kazel at Heidi parang kinikilig pa ang dalawa. Nacurious tuloy sya kung ano ang binabasa ng mga ito. Nang makalapit sya ay dali-daling nilagay ni Kazel sa likod nito ang kanina binabasa nito at ni Heidi)
SAM: Ano ba yan?
KAZEL: Ahh! Wala! (nahalata nyang may tinatago talaga si Kazel)
SAM: Kazel, give it to me kung ayaw mong tuluyan akong magalit!
(wala namang nagawa si Kazel kundi iabot sa kanya ang isang newspaper. Natawa tuloy sya kina Kazel at Heidi. Ngunit ng tingnan nya ang nakasulat ay nasira ang mood nya. It’s Enrique with Devon in a restaurant. The two seemed like couple laughing and talking. Ang nakasulat pa ay
“New rising model turned actor Enrique Gil is romantically and secretly involve with a non-showbiz girl. The two were seen having a dinner date in a classy restaurant the previous day. Witnesses said that the two exchanged sweet gestures. This girl was said to be his partner in a Fashion show wherein they grabbed the title as “Model of the Event”.Though there was no confirmation yet, this might also be one of the reasons why Enrique is not seen hanging out with his loveteam Yen Santos in the youth-oriented show.”
(Hindi na tinapos ni Sam ang pagbabasa at hinagis nya ang newspaper kay Kazel)
SAM: Sila na ba?!
HEIDI: Malay namin…pinagbabawalan mo kaming lumapit kay Devon, diba?
SAM: Don’t give me that stupid answer Heidi!
HEIDI: Nakakainis ka kasi Sam! Bakit ba hindi mo kayang aminin kay Devon na sya yung gusto mo?! At hindi si Coleen?! Takot ka lang mainlove sa coolfriend mo! Duwag ka Sam! Duwag ka! (tumakbo na si Heidi at hinabol ito ni Kazel)
SAM: Maaaring tama ka …duwag ako…
(Samantalang habang nasa Library si Devon ay may lumapit na ilang kaklase sa kanya)
STUDENT 1: Devon alam namin close kayo ni Enrique, pakibigay naman ito sa kanya?
DEVON: Ano yan?
STUDENT 1: Kunting gift lang kasi crush ko sya.
DEVON: Ok..sure…
STUDENT 2: Ok lang sayo na ibigay ang gift namin kay Enrique?
DEVON: Oo naman…at bakit hindi?
STUDENT 3: May nabasa kasi kami na may namamagitan sa inyo.
DEVON: Ano ba kayo? Friend lang kami ni Quen….Makakarating sa kanya itong gift nyo.
STUDENT 1: Thanks ha? Ang bait mo talaga…
(she just smiled at them at pinagpatuloy na nya ang pag-aaral. Pagkatapos ay nagutom sya at nagpunta ng canteen. She’s always been alone at school pag wala si Enrique at may shooting ito, nasanay na rin naman sya. Habang pumipila sa counter ay narinig nyang may tumawag sa kanyang pangalan, nang tumingin sya sa pinanggalingan ng boses ay nakita nya ang Mommy ni Sam. She was looking at her so happily at agad itong lumapit at nagbeso sa kanya)
DARA: Devon..iha,..pinuntahan kita dito sa school kasi hindi ko naman alam ang bahay niyo at wala din akong number mo.
DEVON: Kailan po kayo dumating Tita?
DARA: Kahapon lang…hinanap nga kita pero sabi ni Sam hindi na daw kayo nagkikita kaya sinadya kita dito sa University.
DEVON: Hindi na po sana ako nag-abala.
DARA: No iha! May mga pasalubong kasi ako sayo….for sure.. you’ll like it!
DEVON: Kayo po talaga,,,thanks po…
DARA: Yun nga lang nasa bahay yung pasalubong ko sayo…hindi ko dinala alam mo namang ayaw kong magbuhat ng heavy things, dba?
DEVON: Kayo talaga Tita…
DARA: Anong oras matatapos class mo?
DEVON: 7 PM pa po….
DARA: Great! Punta ka sa bahay at doon na magdinner. I’ll cook something special…miss ko na rin magluto at may kasalo…
DEVON: Pero….
DARA: I’ll prepare a dinner for you and Sam…gusto kung maayos nyo ang problema nay an..Ok? I won’t take no for an answer Devon.
(Wala syang nagawa kundi tumango sa Mommy ni Sam, makulit din ito at gustong nasusunod lagi. Samantalang ng tawagan si Sam ng kanyang Mommy about sa dinner ay nag excuse sya na hindi makakapunta parang hindi nya kayang harapin si Devon matapos nyang mabasa ang article kanina. Sa halip niyaya niya si Coleen na magstrolling)
COLEEN: Kanina ka pa hindi nagsasalita, galit ka pa rin ba sa akin? Sam hindi ko naman talaga intensyon na magsinungaling…natatakot lang akong layuan mo ako kapag nalaman mong nabigyan na ako ng sarili ko.
SAM: Si Enrique ba?
(nabigla si Coleen kung paano nalaman ni Sam ang tungkol sa kanila ni Enrique..sa pagkakaalam nya sina Devon at Fretzie lang ang nakakaalam. Ibig sabihin, sinabi ni Devon dito dahil hindi naman close si Sam kay Fretzie)
COLEEN: Si Devon diba? Sinabi nya sayo ang tungkol sa amin ni Enrique?!
SAM: Bakit ba palagi mong pinagbibintangan ang kapatid mo? She never told me Coleen… I know you had past with Enrique, I saw how awkward you were nung nag bowling tayo. Ano sya ba ang unang lalaki sa buhay mo?!
(yumuko si Coleen at mahinang nagsalita)
COLEEN: He’s not Sam. I had another boyfriend before I met him.
SAM: Ano?!
(hindi na nagsalita si Coleen at)
SAM: Ihahatid na kita…
COLEEN: Nag-iba ba ang tingin mo sa akin dahil sa natuklasan mo?
SAM: Huwag na nating pag-usapan ang mga bagay na yan. Nangyari na ang dapat mangyari at wala na tayong magagawa dun.
(Pagkatapos mahatid ni Sam si Coleen ay dumiritsu na sya pauwi sa kanilang bahay. Narinig nya ang masayang tawanan ng kanyang Mommy at ni Devon. It’s the first time he heard her voice in a month ng di nila pagkikita sa Campus. How he misses her so badly, gusto nya itong lapitan pero hindi nya kayang gawin. He misses every little thing about Devon. Nakinig lang sya sa pag-uusap ng mga ito at swerte dahil hindi naman sya napansin. Mukhang matatagalan pa ang pag-uusap ng mga ito kaya ipinasya nyang maghintay at maupo nalang sa labas ng gate. Hindi nya tuloy namalayan na pauwi na si Devon at nakita sya nito na nakaupo sa labas ng gate)
DEVON: Sam??
(she uttered his name softly at ng tumingin sya kay Devon ay di nya mapigilan ang kanyang sarili, tumayo sya at bigla itong niyakap ng mahigpit)
SAM: I miss you.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento